Surah Al-Maun - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
أَرَءَيۡتَ ٱلَّذِي يُكَذِّبُ بِٱلدِّينِ
Napagmamasdan mo ba siya na nagtatatwa sa Paghuhukom (na daratal)
Surah Al-Maun, Verse 1
فَذَٰلِكَ ٱلَّذِي يَدُعُّ ٱلۡيَتِيمَ
Kung gayon, siya nga ang (may kagaspangan sa pag-uugali) na tumatangging magbigay ng tulong sa ulila
Surah Al-Maun, Verse 2
وَلَا يَحُضُّ عَلَىٰ طَعَامِ ٱلۡمِسۡكِينِ
At hindi natitigatig na magbigay ng biyaya upang pakainin ang naghihikahos
Surah Al-Maun, Verse 3
فَوَيۡلٞ لِّلۡمُصَلِّينَ
Kaya’t kasawian (sa mga mapagkunwari) na nagsasagawa ng pagdalangin
Surah Al-Maun, Verse 4
ٱلَّذِينَ هُمۡ عَن صَلَاتِهِمۡ سَاهُونَ
Na nagpapabaya ng kanilang pagdalangin sa takdang oras
Surah Al-Maun, Verse 5
ٱلَّذِينَ هُمۡ يُرَآءُونَ
Na nagsasagawa lamang ng kabutihan upang mamalas (ng mga tao)
Surah Al-Maun, Verse 6
وَيَمۡنَعُونَ ٱلۡمَاعُونَ
Datapuwa’t tumatangging magbigay ng kahit na katiting na tulong (alalaong baga, kahit na isang dakot na asin, asukal, isang baso ng tubig, atbp)
Surah Al-Maun, Verse 7