Surah Yusuf - Filipino Translation by Www.islamhouse.com
الٓرۚ تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱلۡكِتَٰبِ ٱلۡمُبِينِ
Alif. Lām. Rā’. Ang mga ito ay ang mga talata ng Aklat na malinaw
Surah Yusuf, Verse 1
إِنَّآ أَنزَلۡنَٰهُ قُرۡءَٰنًا عَرَبِيّٗا لَّعَلَّكُمۡ تَعۡقِلُونَ
Tunay na Kami ay nagpababa nito bilang Qur’ān na Arabe, nang sa gayon kayo ay makapag-uunawa
Surah Yusuf, Verse 2
نَحۡنُ نَقُصُّ عَلَيۡكَ أَحۡسَنَ ٱلۡقَصَصِ بِمَآ أَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡكَ هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانَ وَإِن كُنتَ مِن قَبۡلِهِۦ لَمِنَ ٱلۡغَٰفِلِينَ
Kami ay nagsasalaysay sa iyo ng pinakamaganda sa mga salaysay dahil nagkasi Kami sa iyo ng Qur’ān na ito, bagamat ikaw dati bago pa nito ay talagang kabilang sa mga nalilingat
Surah Yusuf, Verse 3
إِذۡ قَالَ يُوسُفُ لِأَبِيهِ يَـٰٓأَبَتِ إِنِّي رَأَيۡتُ أَحَدَ عَشَرَ كَوۡكَبٗا وَٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَ رَأَيۡتُهُمۡ لِي سَٰجِدِينَ
[Banggitin] noong nagsabi si Jose sa ama niya: "O ama ko, tunay na ako ay nakakita [sa panaginip] ng labing-isang tala, araw, at buwan; nakita ko sila na sa akin ay mga nakapatirapa
Surah Yusuf, Verse 4
قَالَ يَٰبُنَيَّ لَا تَقۡصُصۡ رُءۡيَاكَ عَلَىٰٓ إِخۡوَتِكَ فَيَكِيدُواْ لَكَ كَيۡدًاۖ إِنَّ ٱلشَّيۡطَٰنَ لِلۡإِنسَٰنِ عَدُوّٞ مُّبِينٞ
Nagsabi ito: "O anak ko, huwag kang magsalaysay ng panaginip mo sa mga kapatid mo para [hindi] sila magpakana sa iyo ng isang pakana. Tunay na ang demonyo para sa tao ay isang kaaway na malinaw
Surah Yusuf, Verse 5
وَكَذَٰلِكَ يَجۡتَبِيكَ رَبُّكَ وَيُعَلِّمُكَ مِن تَأۡوِيلِ ٱلۡأَحَادِيثِ وَيُتِمُّ نِعۡمَتَهُۥ عَلَيۡكَ وَعَلَىٰٓ ءَالِ يَعۡقُوبَ كَمَآ أَتَمَّهَا عَلَىٰٓ أَبَوَيۡكَ مِن قَبۡلُ إِبۡرَٰهِيمَ وَإِسۡحَٰقَۚ إِنَّ رَبَّكَ عَلِيمٌ حَكِيمٞ
Gayon naghahalal sa iyo ang Panginoon mo, nagtuturo sa iyo ng pagpapakahulugan ng mga panaginip, at naglulubos ng biyaya Niya sa iyo at sa mag-anak ni Jacob kung paanong naglubos Siya nito sa dalawang ninuno mo, bago pa niyan, na sina Abraham at Isaac. Tunay na ang Panginoon mo ay Maalam, Marunong
Surah Yusuf, Verse 6
۞لَّقَدۡ كَانَ فِي يُوسُفَ وَإِخۡوَتِهِۦٓ ءَايَٰتٞ لِّلسَّآئِلِينَ
Talaga ngang hinggil kay Jose at sa mga kapatid niya ay may mga tanda para sa mga nagtatanong
Surah Yusuf, Verse 7
إِذۡ قَالُواْ لَيُوسُفُ وَأَخُوهُ أَحَبُّ إِلَىٰٓ أَبِينَا مِنَّا وَنَحۡنُ عُصۡبَةٌ إِنَّ أَبَانَا لَفِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٍ
[Banggitin] noong nagsabi sila: "Talagang si Jose at ang kapatid niya ay higit na kaibig-ibig sa ama natin kaysa sa atin samantalang tayo ay isang nakararaming pangkat. Tunay na ang ama natin ay talagang nasa isang pagkaligaw na malinaw
Surah Yusuf, Verse 8
ٱقۡتُلُواْ يُوسُفَ أَوِ ٱطۡرَحُوهُ أَرۡضٗا يَخۡلُ لَكُمۡ وَجۡهُ أَبِيكُمۡ وَتَكُونُواْ مِنۢ بَعۡدِهِۦ قَوۡمٗا صَٰلِحِينَ
Patayin ninyo si Jose o itapon ninyo siya sa isang [ibang] lupain, malalaan para sa inyo ang mukha ng ama ninyo at kayo matapos niyon ay magiging mga taong maayos
Surah Yusuf, Verse 9
قَالَ قَآئِلٞ مِّنۡهُمۡ لَا تَقۡتُلُواْ يُوسُفَ وَأَلۡقُوهُ فِي غَيَٰبَتِ ٱلۡجُبِّ يَلۡتَقِطۡهُ بَعۡضُ ٱلسَّيَّارَةِ إِن كُنتُمۡ فَٰعِلِينَ
Nagsabi ang isang nagsasabi kabilang sa kanila: "Huwag ninyong patayin si Jose. Ihagis ninyo siya sa kailaliman ng balon, pupulutin siya ng ilan sa mga karaban kung kayo ay gagawa [niyon]
Surah Yusuf, Verse 10
قَالُواْ يَـٰٓأَبَانَا مَا لَكَ لَا تَأۡمَ۬نَّا عَلَىٰ يُوسُفَ وَإِنَّا لَهُۥ لَنَٰصِحُونَ
Nagsabi sila: "O ama namin, ano ang mayroon sa iyo na hindi ka nagtitiwala sa amin para kay Jose samantalang tunay na kami sa kanya ay talagang mga tagapayo
Surah Yusuf, Verse 11
أَرۡسِلۡهُ مَعَنَا غَدٗا يَرۡتَعۡ وَيَلۡعَبۡ وَإِنَّا لَهُۥ لَحَٰفِظُونَ
Magpadala ka sa kanya kasama sa amin bukas, magpapasasa siya at maglalaro siya; at tunay na kami para sa kanya ay talagang mga tagapag-ingat
Surah Yusuf, Verse 12
قَالَ إِنِّي لَيَحۡزُنُنِيٓ أَن تَذۡهَبُواْ بِهِۦ وَأَخَافُ أَن يَأۡكُلَهُ ٱلذِّئۡبُ وَأَنتُمۡ عَنۡهُ غَٰفِلُونَ
Nagsabi siya: "Tunay na ako ay talagang nalulungkot na umalis kayo kasama niya at nangangamba na kainin siya ng lobo habang kayo sa kanya ay mga nalilingat
Surah Yusuf, Verse 13
قَالُواْ لَئِنۡ أَكَلَهُ ٱلذِّئۡبُ وَنَحۡنُ عُصۡبَةٌ إِنَّآ إِذٗا لَّخَٰسِرُونَ
Nagsabi sila: "Talagang kung kinain siya ng lobo samantalang kami ay isang [malakas na] pangkat, tunay na kami samakatuwid ay talagang mga lugi
Surah Yusuf, Verse 14
فَلَمَّا ذَهَبُواْ بِهِۦ وَأَجۡمَعُوٓاْ أَن يَجۡعَلُوهُ فِي غَيَٰبَتِ ٱلۡجُبِّۚ وَأَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡهِ لَتُنَبِّئَنَّهُم بِأَمۡرِهِمۡ هَٰذَا وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ
Kaya noong umalis sila kasama niya at nagkaisa sila na maglagay sa kanya sa kailaliman ng balon, nagkasi Kami sa kanya: "Talagang magbabalita ka nga sa kanila hinggil sa kagagawan nilang ito samantalang sila ay hindi nakararamdam
Surah Yusuf, Verse 15
وَجَآءُوٓ أَبَاهُمۡ عِشَآءٗ يَبۡكُونَ
Dumating sila sa ama nila sa gabi na umiiyak
Surah Yusuf, Verse 16
قَالُواْ يَـٰٓأَبَانَآ إِنَّا ذَهَبۡنَا نَسۡتَبِقُ وَتَرَكۡنَا يُوسُفَ عِندَ مَتَٰعِنَا فَأَكَلَهُ ٱلذِّئۡبُۖ وَمَآ أَنتَ بِمُؤۡمِنٖ لَّنَا وَلَوۡ كُنَّا صَٰدِقِينَ
Nagsabi sila: "O ama namin, tunay na kami ay umalis, na nag-uunahan, at iniwan namin si Jose sa tabi ng dala-dalahan namin, saka kinain siya ng lobo. Ikaw ay hindi maniniwala sa amin kahit pa man nangyaring kami ay mga tapat
Surah Yusuf, Verse 17
وَجَآءُو عَلَىٰ قَمِيصِهِۦ بِدَمٖ كَذِبٖۚ قَالَ بَلۡ سَوَّلَتۡ لَكُمۡ أَنفُسُكُمۡ أَمۡرٗاۖ فَصَبۡرٞ جَمِيلٞۖ وَٱللَّهُ ٱلۡمُسۡتَعَانُ عَلَىٰ مَا تَصِفُونَ
Dumating sila kasama ng kamisa niya na may dugong huwad. Nagsabi siya: "Bagkus humalina sa inyo ang mga sarili ninyo sa isang bagay, kaya isang pagtitiis na marilag [ang pagtitiis ko]. Si Allāh ay ang ipinapantulong laban sa inilalarawan ninyo
Surah Yusuf, Verse 18
وَجَآءَتۡ سَيَّارَةٞ فَأَرۡسَلُواْ وَارِدَهُمۡ فَأَدۡلَىٰ دَلۡوَهُۥۖ قَالَ يَٰبُشۡرَىٰ هَٰذَا غُلَٰمٞۚ وَأَسَرُّوهُ بِضَٰعَةٗۚ وَٱللَّهُ عَلِيمُۢ بِمَا يَعۡمَلُونَ
May dumating na isang karaban; saka nagsugo sila ng tagaigib nila saka nagpababa ito ng timba nito. Nagsabi ito: "O balitang nakagagalak! Ito ay isang batang lalaki." Inilihim nila siya bilang paninda. Si Allāh ay Maalam sa ginagawa nila
Surah Yusuf, Verse 19
وَشَرَوۡهُ بِثَمَنِۭ بَخۡسٖ دَرَٰهِمَ مَعۡدُودَةٖ وَكَانُواْ فِيهِ مِنَ ٱلزَّـٰهِدِينَ
Ipinagbili nila siya sa isang halagang kulang: mga dirham na mabibilang. Sila sa kanya ay kabilang sa mga nagwawalang-halaga
Surah Yusuf, Verse 20
وَقَالَ ٱلَّذِي ٱشۡتَرَىٰهُ مِن مِّصۡرَ لِٱمۡرَأَتِهِۦٓ أَكۡرِمِي مَثۡوَىٰهُ عَسَىٰٓ أَن يَنفَعَنَآ أَوۡ نَتَّخِذَهُۥ وَلَدٗاۚ وَكَذَٰلِكَ مَكَّنَّا لِيُوسُفَ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلِنُعَلِّمَهُۥ مِن تَأۡوِيلِ ٱلۡأَحَادِيثِۚ وَٱللَّهُ غَالِبٌ عَلَىٰٓ أَمۡرِهِۦ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعۡلَمُونَ
Nagsabi ang bumili sa kanya mula sa Ehipto sa maybahay nito: "Magparangal ka sa panunuluyan niya; marahil magpakinabang siya sa atin o gumawa tayo sa kanya bilang anak." Gayon Kami nagbigay-kapangyarihan para kay Jose sa lupain at upang magturo Kami sa kanya ng pagpapakahulugan ng mga panaginip. Si Allāh ay nananaig sa pinangyayari Niya, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam
Surah Yusuf, Verse 21
وَلَمَّا بَلَغَ أَشُدَّهُۥٓ ءَاتَيۡنَٰهُ حُكۡمٗا وَعِلۡمٗاۚ وَكَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Noong umabot siya sa kalakasan niya ay nagbigay Kami sa kanya ng karunungan at kaalaman. Gayon Kami gumaganti sa mga tagagawa ng maganda
Surah Yusuf, Verse 22
وَرَٰوَدَتۡهُ ٱلَّتِي هُوَ فِي بَيۡتِهَا عَن نَّفۡسِهِۦ وَغَلَّقَتِ ٱلۡأَبۡوَٰبَ وَقَالَتۡ هَيۡتَ لَكَۚ قَالَ مَعَاذَ ٱللَّهِۖ إِنَّهُۥ رَبِّيٓ أَحۡسَنَ مَثۡوَايَۖ إِنَّهُۥ لَا يُفۡلِحُ ٱلظَّـٰلِمُونَ
Nagtangkang umakit sa kanya sa sarili niya ang [babaing] siya ay nasa bahay nito. Nagsara ito ng mga pinto at nagsabi: "Heto ako para sa iyo!" Nagsabi siya: "Pagpapakupkop kay Allāh! Tunay na siya ay panginoon ko; gumawa siya ng maganda sa panunuluyan ko. Tunay na hindi nagtatagumpay ang mga tagalabag sa katarungan
Surah Yusuf, Verse 23
وَلَقَدۡ هَمَّتۡ بِهِۦۖ وَهَمَّ بِهَا لَوۡلَآ أَن رَّءَا بُرۡهَٰنَ رَبِّهِۦۚ كَذَٰلِكَ لِنَصۡرِفَ عَنۡهُ ٱلسُّوٓءَ وَٱلۡفَحۡشَآءَۚ إِنَّهُۥ مِنۡ عِبَادِنَا ٱلۡمُخۡلَصِينَ
Talaga ngang nagnasa ito sa kanya; at nagnasa sana siya, kung sakaling hindi siya nakakita ng patotoo ng Panginoon niya. Gayon ay upang maglihis Kami palayo sa kanya ng kasagwaan at kahalayan. Tunay na siya ay kabilang sa mga lingkod Naming mga itinatangi
Surah Yusuf, Verse 24
وَٱسۡتَبَقَا ٱلۡبَابَ وَقَدَّتۡ قَمِيصَهُۥ مِن دُبُرٖ وَأَلۡفَيَا سَيِّدَهَا لَدَا ٱلۡبَابِۚ قَالَتۡ مَا جَزَآءُ مَنۡ أَرَادَ بِأَهۡلِكَ سُوٓءًا إِلَّآ أَن يُسۡجَنَ أَوۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ
Nag-unahan silang dalawa sa pinto, nakalaslas ito sa damit niya mula sa likuran, nakasumpong silang dalawa sa asawa nito sa gilid ng pintuan, at nagsabi ito: "Walang iba ang ganti sa sinumang nagnanais sa maybahay mo ng isang kasagwaan kundi na ibilanggo siya o [patawan ng] isang pagdurusang masakit
Surah Yusuf, Verse 25
قَالَ هِيَ رَٰوَدَتۡنِي عَن نَّفۡسِيۚ وَشَهِدَ شَاهِدٞ مِّنۡ أَهۡلِهَآ إِن كَانَ قَمِيصُهُۥ قُدَّ مِن قُبُلٖ فَصَدَقَتۡ وَهُوَ مِنَ ٱلۡكَٰذِبِينَ
Nagsabi siya: "Siya ay nagtangkang umakit sa akin palayo sa sarili ko." Sumaksi ang isang tagasaksi kabilang sa kasambahay nito, [na nagsasabi]: "Kung nangyaring ang kamisa niya ay nalaslas mula sa harapan, nagpakatotoo ito at siya naman ay kabilang sa mga sinungaling
Surah Yusuf, Verse 26
وَإِن كَانَ قَمِيصُهُۥ قُدَّ مِن دُبُرٖ فَكَذَبَتۡ وَهُوَ مِنَ ٱلصَّـٰدِقِينَ
Kung nangyaring ang kamisa niya ay nalaslas mula sa likuran, nagsinungaling ito at siya ay kabilang sa mga tapat
Surah Yusuf, Verse 27
فَلَمَّا رَءَا قَمِيصَهُۥ قُدَّ مِن دُبُرٖ قَالَ إِنَّهُۥ مِن كَيۡدِكُنَّۖ إِنَّ كَيۡدَكُنَّ عَظِيمٞ
Kaya noong nakakita iyon sa kamisa niya na nalaslas mula sa likuran, nagsabi iyon: "Tunay na ito ay bahagi ng pakana ninyo [na mga babae]; tunay na ang pakana ninyo [na mga babae] ay sukdulan
Surah Yusuf, Verse 28
يُوسُفُ أَعۡرِضۡ عَنۡ هَٰذَاۚ وَٱسۡتَغۡفِرِي لِذَنۢبِكِۖ إِنَّكِ كُنتِ مِنَ ٱلۡخَاطِـِٔينَ
Jose, magsawalang-kibo ka tungkol dito! [Maybahay,] humingi ka ng tawad para sa pagkakasala mo! Tunay na ikaw ay kabilang sa mga nagkakamali
Surah Yusuf, Verse 29
۞وَقَالَ نِسۡوَةٞ فِي ٱلۡمَدِينَةِ ٱمۡرَأَتُ ٱلۡعَزِيزِ تُرَٰوِدُ فَتَىٰهَا عَن نَّفۡسِهِۦۖ قَدۡ شَغَفَهَا حُبًّاۖ إِنَّا لَنَرَىٰهَا فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ
May nagsabing mga babae sa lungsod: "Ang maybahay ng Makapangyarihan ay nagtatangkang umakit sa binatang alipin niya sa sarili nito; nagpahumaling ito sa kanya sa pag-ibig. Tunay na kami ay nagtuturing sa kanya na nasa isang pagkaligaw na malinaw
Surah Yusuf, Verse 30
فَلَمَّا سَمِعَتۡ بِمَكۡرِهِنَّ أَرۡسَلَتۡ إِلَيۡهِنَّ وَأَعۡتَدَتۡ لَهُنَّ مُتَّكَـٔٗا وَءَاتَتۡ كُلَّ وَٰحِدَةٖ مِّنۡهُنَّ سِكِّينٗا وَقَالَتِ ٱخۡرُجۡ عَلَيۡهِنَّۖ فَلَمَّا رَأَيۡنَهُۥٓ أَكۡبَرۡنَهُۥ وَقَطَّعۡنَ أَيۡدِيَهُنَّ وَقُلۡنَ حَٰشَ لِلَّهِ مَا هَٰذَا بَشَرًا إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا مَلَكٞ كَرِيمٞ
Kaya noong nakarinig ito hinggil sa panlalansi nila ay nagsugo ito sa kanila, naglaan ito para sa kanila ng isang piging, nagbigay ito sa bawat isa mula sa kanila ng isang kutsilyo, at nagsabi ito [kay Jose]: "Lumabas ka sa kinaroroonan nila." Kaya noong nakakita sila sa kanya, dinakila nila siya, pinaghiwa-hiwa nila ang mga kamay nila, at sinabi nila: "Kasakdalan kay Allāh! Ito ay hindi isang mortal. Walang iba ito kundi isang anghel na marangal
Surah Yusuf, Verse 31
قَالَتۡ فَذَٰلِكُنَّ ٱلَّذِي لُمۡتُنَّنِي فِيهِۖ وَلَقَدۡ رَٰوَدتُّهُۥ عَن نَّفۡسِهِۦ فَٱسۡتَعۡصَمَۖ وَلَئِن لَّمۡ يَفۡعَلۡ مَآ ءَامُرُهُۥ لَيُسۡجَنَنَّ وَلَيَكُونٗا مِّنَ ٱلصَّـٰغِرِينَ
Nagsabi ito: "Kaya iyon ang isinisisi ninyo sa akin hinggil sa kanya. Talaga ngang nagtangka akong umakit sa kanya sa sarili niya ngunit nagsanggalang siya. Talagang kung hindi siya gagawa ng ipinag-uutos ko sa kanya ay talagang ibibilanggo nga siya at talagang siya ay magiging kabilang nga sa mga nanliliit
Surah Yusuf, Verse 32
قَالَ رَبِّ ٱلسِّجۡنُ أَحَبُّ إِلَيَّ مِمَّا يَدۡعُونَنِيٓ إِلَيۡهِۖ وَإِلَّا تَصۡرِفۡ عَنِّي كَيۡدَهُنَّ أَصۡبُ إِلَيۡهِنَّ وَأَكُن مِّنَ ٱلۡجَٰهِلِينَ
Nagsabi siya: "Panginoon ko, ang bilangguan ay higit na kaibig-ibig sa akin kaysa sa inaanyaya nila sa akin. Kung hindi Ka maglilihis palayo sa akin ng pakana nila, mahahalina ako sa kanila at ako ay magiging kabilang sa mga mangmang
Surah Yusuf, Verse 33
فَٱسۡتَجَابَ لَهُۥ رَبُّهُۥ فَصَرَفَ عَنۡهُ كَيۡدَهُنَّۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ
Kaya tumugon sa kanya ang Panginoon niya, saka naglihis palayo sa kanya ng pakana nila. Tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Maalam
Surah Yusuf, Verse 34
ثُمَّ بَدَا لَهُم مِّنۢ بَعۡدِ مَا رَأَوُاْ ٱلۡأٓيَٰتِ لَيَسۡجُنُنَّهُۥ حَتَّىٰ حِينٖ
Pagkatapos lumitaw sa kanila, nang matapos na nakakita sila sa mga tanda, na talagang magbibilanggo nga sila sa kanya magpahanggang sa isang panahon
Surah Yusuf, Verse 35
وَدَخَلَ مَعَهُ ٱلسِّجۡنَ فَتَيَانِۖ قَالَ أَحَدُهُمَآ إِنِّيٓ أَرَىٰنِيٓ أَعۡصِرُ خَمۡرٗاۖ وَقَالَ ٱلۡأٓخَرُ إِنِّيٓ أَرَىٰنِيٓ أَحۡمِلُ فَوۡقَ رَأۡسِي خُبۡزٗا تَأۡكُلُ ٱلطَّيۡرُ مِنۡهُۖ نَبِّئۡنَا بِتَأۡوِيلِهِۦٓۖ إِنَّا نَرَىٰكَ مِنَ ٱلۡمُحۡسِنِينَ
May pumasok kasama sa kanya sa bilangguan na dalawang binata. Nagsabi ang isa sa dalawa: "Tunay na ako ay nananaginip na ako ay pumipiga ng alak." Nagsabi naman ang isa pa: "Tunay na ako ay nananaginip na ako ay bumubuhat sa ibabaw ng ulo ko ng tinapay, na kumakain ang mga ibon mula roon. Magbalita ka sa amin hinggil sa pagpapakahulugan nito. Tunay na kami ay nakakikita sa iyo na kabilang sa mga tagagawa ng maganda
Surah Yusuf, Verse 36
قَالَ لَا يَأۡتِيكُمَا طَعَامٞ تُرۡزَقَانِهِۦٓ إِلَّا نَبَّأۡتُكُمَا بِتَأۡوِيلِهِۦ قَبۡلَ أَن يَأۡتِيَكُمَاۚ ذَٰلِكُمَا مِمَّا عَلَّمَنِي رَبِّيٓۚ إِنِّي تَرَكۡتُ مِلَّةَ قَوۡمٖ لَّا يُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَهُم بِٱلۡأٓخِرَةِ هُمۡ كَٰفِرُونَ
Nagsabi siya: "Walang pumupunta sa inyo na pagkain na itinutustos sa inyong dalawa malibang magbabalita ako sa inyong dalawa hinggil sa pagpapakahulugan nito bago pumunta ito sa inyong dalawa. Iyan ay kabilang sa itinuro sa akin ng Panginoon ko. Tunay na ako ay nag-iwan sa kapaniwalaan ng mga taong hindi sumasampalataya kay Allāh habang sila sa Kabilang-buhay ay mga tagatangging sumampalataya
Surah Yusuf, Verse 37
وَٱتَّبَعۡتُ مِلَّةَ ءَابَآءِيٓ إِبۡرَٰهِيمَ وَإِسۡحَٰقَ وَيَعۡقُوبَۚ مَا كَانَ لَنَآ أَن نُّشۡرِكَ بِٱللَّهِ مِن شَيۡءٖۚ ذَٰلِكَ مِن فَضۡلِ ٱللَّهِ عَلَيۡنَا وَعَلَى ٱلنَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَشۡكُرُونَ
Sumunod ako sa kapaniwalaan ng mga ninuno kong sina Abraham, Isaac, at Jacob. Hindi naging ukol sa amin na magtambal kami kay Allāh ng anumang bagay. Iyon ay bahagi ng kagandahang-loob ni Allāh sa amin at sa mga tao, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nagpapasalamat
Surah Yusuf, Verse 38
يَٰصَٰحِبَيِ ٱلسِّجۡنِ ءَأَرۡبَابٞ مُّتَفَرِّقُونَ خَيۡرٌ أَمِ ٱللَّهُ ٱلۡوَٰحِدُ ٱلۡقَهَّارُ
O dalawang kasamahan ko sa bilangguan, ang mga panginoong magkakahiwa-hiwalay ba ay higit na mabuti o si Allāh, ang Nag-iisa, ang Palalupig
Surah Yusuf, Verse 39
مَا تَعۡبُدُونَ مِن دُونِهِۦٓ إِلَّآ أَسۡمَآءٗ سَمَّيۡتُمُوهَآ أَنتُمۡ وَءَابَآؤُكُم مَّآ أَنزَلَ ٱللَّهُ بِهَا مِن سُلۡطَٰنٍۚ إِنِ ٱلۡحُكۡمُ إِلَّا لِلَّهِ أَمَرَ أَلَّا تَعۡبُدُوٓاْ إِلَّآ إِيَّاهُۚ ذَٰلِكَ ٱلدِّينُ ٱلۡقَيِّمُ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعۡلَمُونَ
Wala kayong sinasamba bukod pa sa Kanya kundi mga pangalang ipinangalan ninyo mismo at ng mga ninuno ninyo. Hindi nagpababa si Allāh sa mga ito ng anumang katunayan. Walang iba ang paghahatol kundi ukol kay Allāh. Nag-utos Siya na huwag kayong sumamba kundi sa Kanya. Iyan ang relihiyong matuwid, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam
Surah Yusuf, Verse 40
يَٰصَٰحِبَيِ ٱلسِّجۡنِ أَمَّآ أَحَدُكُمَا فَيَسۡقِي رَبَّهُۥ خَمۡرٗاۖ وَأَمَّا ٱلۡأٓخَرُ فَيُصۡلَبُ فَتَأۡكُلُ ٱلطَّيۡرُ مِن رَّأۡسِهِۦۚ قُضِيَ ٱلۡأَمۡرُ ٱلَّذِي فِيهِ تَسۡتَفۡتِيَانِ
O dalawang kasamahan ko sa bilangguan, hinggil sa isa sa inyong dalawa, magpapainom siya sa panginoon niya ng alak; at hinggil naman sa isa pa, bibitayin siya saka kakain ang mga ibon mula sa ulo niya. Napagpasyahan ang usapin na hinggil dito ay nagpapahabilin kayong dalawa
Surah Yusuf, Verse 41
وَقَالَ لِلَّذِي ظَنَّ أَنَّهُۥ نَاجٖ مِّنۡهُمَا ٱذۡكُرۡنِي عِندَ رَبِّكَ فَأَنسَىٰهُ ٱلشَّيۡطَٰنُ ذِكۡرَ رَبِّهِۦ فَلَبِثَ فِي ٱلسِّجۡنِ بِضۡعَ سِنِينَ
Nagsabi siya sa natiyak niya na ito ay maliligtas mula sa dalawang ito: "Bumanggit ka sa akin sa piling ng panginoon mo," ngunit nagpalimot dito ang Demonyo sa pagbanggit sa panginoon nito kaya namalagi siya sa bilangguan nang ilang taon
Surah Yusuf, Verse 42
وَقَالَ ٱلۡمَلِكُ إِنِّيٓ أَرَىٰ سَبۡعَ بَقَرَٰتٖ سِمَانٖ يَأۡكُلُهُنَّ سَبۡعٌ عِجَافٞ وَسَبۡعَ سُنۢبُلَٰتٍ خُضۡرٖ وَأُخَرَ يَابِسَٰتٖۖ يَـٰٓأَيُّهَا ٱلۡمَلَأُ أَفۡتُونِي فِي رُءۡيَٰيَ إِن كُنتُمۡ لِلرُّءۡيَا تَعۡبُرُونَ
Nagsabi ang hari: "Tunay na ako ay nanaginip ng pitong bakang matataba na kinakain ng pitong bakang yayat at pitong uhay na luntian at mga iba pang tuyot. O konseho, maghabilin kayo hinggil sa panaginip ko kung kayo sa panaginip ay naghahayag
Surah Yusuf, Verse 43
قَالُوٓاْ أَضۡغَٰثُ أَحۡلَٰمٖۖ وَمَا نَحۡنُ بِتَأۡوِيلِ ٱلۡأَحۡلَٰمِ بِعَٰلِمِينَ
Nagsabi sila: "Mga paglalahok ng mga napanaginipan [ito]. Kami, sa pagpapakahulugan ng mga napanaginipan, ay hindi mga nakaaalam
Surah Yusuf, Verse 44
وَقَالَ ٱلَّذِي نَجَا مِنۡهُمَا وَٱدَّكَرَ بَعۡدَ أُمَّةٍ أَنَا۠ أُنَبِّئُكُم بِتَأۡوِيلِهِۦ فَأَرۡسِلُونِ
Nagsabi ang naligtas mula sa dalawa sa kanila at nakaalaala matapos ng isang yugto: "Ako ay magbabalita sa inyo hinggil sa pagpapakahulugan nito, kaya magsugo kayo sa akin [kay Jose]
Surah Yusuf, Verse 45
يُوسُفُ أَيُّهَا ٱلصِّدِّيقُ أَفۡتِنَا فِي سَبۡعِ بَقَرَٰتٖ سِمَانٖ يَأۡكُلُهُنَّ سَبۡعٌ عِجَافٞ وَسَبۡعِ سُنۢبُلَٰتٍ خُضۡرٖ وَأُخَرَ يَابِسَٰتٖ لَّعَلِّيٓ أَرۡجِعُ إِلَى ٱلنَّاسِ لَعَلَّهُمۡ يَعۡلَمُونَ
Jose, O pagkatapat-tapat, maghabilin ka sa amin hinggil sa [panaginip na] pitong bakang matataba na kinain ng pitong bakang yayat at pitong uhay na luntian at mga iba pang tuyot, nang sa gayon ako ay babalik tungo sa mga tao, nang sa gayon sila ay makaaalam
Surah Yusuf, Verse 46
قَالَ تَزۡرَعُونَ سَبۡعَ سِنِينَ دَأَبٗا فَمَا حَصَدتُّمۡ فَذَرُوهُ فِي سُنۢبُلِهِۦٓ إِلَّا قَلِيلٗا مِّمَّا تَأۡكُلُونَ
Nagsabi siya: "Magtatanim kayo nang pitong taong sunud-sunod, at ang anumang aanihin ninyo ay hayaan ninyo ito sa uhay nito, maliban sa kaunti mula sa kakainin ninyo
Surah Yusuf, Verse 47
ثُمَّ يَأۡتِي مِنۢ بَعۡدِ ذَٰلِكَ سَبۡعٞ شِدَادٞ يَأۡكُلۡنَ مَا قَدَّمۡتُمۡ لَهُنَّ إِلَّا قَلِيلٗا مِّمَّا تُحۡصِنُونَ
Pagkatapos may darating matapos niyon na pitong [taon na] matitindi na kakain sa [naipong] ipinauna ninyo para sa mga [taon na] ito, maliban sa kaunti mula sa iniimbak ninyo
Surah Yusuf, Verse 48
ثُمَّ يَأۡتِي مِنۢ بَعۡدِ ذَٰلِكَ عَامٞ فِيهِ يُغَاثُ ٱلنَّاسُ وَفِيهِ يَعۡصِرُونَ
Pagkatapos may darating matapos niyon na isang taon na doon ay uulanin ang mga tao at doon ay pipiga sila
Surah Yusuf, Verse 49
وَقَالَ ٱلۡمَلِكُ ٱئۡتُونِي بِهِۦۖ فَلَمَّا جَآءَهُ ٱلرَّسُولُ قَالَ ٱرۡجِعۡ إِلَىٰ رَبِّكَ فَسۡـَٔلۡهُ مَا بَالُ ٱلنِّسۡوَةِ ٱلَّـٰتِي قَطَّعۡنَ أَيۡدِيَهُنَّۚ إِنَّ رَبِّي بِكَيۡدِهِنَّ عَلِيمٞ
Nagsabi ang Hari: "Dalhin ninyo siya sa akin." Ngunit noong dumating sa kanya ang sugo ay nagsabi siya: "Bumalik ka tungo sa panginoon mo at tanungin mo siya kung ano ang lagay ng mga babae na humiwa-hiwa ng mga kamay nila. Tunay na ang Panginoon ko, sa pakana nila, ay Maalam
Surah Yusuf, Verse 50
قَالَ مَا خَطۡبُكُنَّ إِذۡ رَٰوَدتُّنَّ يُوسُفَ عَن نَّفۡسِهِۦۚ قُلۡنَ حَٰشَ لِلَّهِ مَا عَلِمۡنَا عَلَيۡهِ مِن سُوٓءٖۚ قَالَتِ ٱمۡرَأَتُ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡـَٰٔنَ حَصۡحَصَ ٱلۡحَقُّ أَنَا۠ رَٰوَدتُّهُۥ عَن نَّفۡسِهِۦ وَإِنَّهُۥ لَمِنَ ٱلصَّـٰدِقِينَ
Nagsabi ito: "Ano ang katayuan ninyo nang nagtangka kayong mang-akit kay Jose sa sarili niya?" Nagsabi sila: "Kasakdalan ay ukol kay Allāh! Wala kaming nalaman sa kanya na isang kasagwaan." Nagsabi ang maybahay ng Makapangyarihan: "Ngayon, nabunyag ang totoo; ako ay nagtangkang umakit sa kanya sa sarili niya, at tunay na siya ay talagang kabilang sa mga tapat
Surah Yusuf, Verse 51
ذَٰلِكَ لِيَعۡلَمَ أَنِّي لَمۡ أَخُنۡهُ بِٱلۡغَيۡبِ وَأَنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي كَيۡدَ ٱلۡخَآئِنِينَ
Iyon ay upang makaalam siya na ako ay hindi nagtaksil sa kanya nang lingid at na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa pakana ng mga taksil
Surah Yusuf, Verse 52
۞وَمَآ أُبَرِّئُ نَفۡسِيٓۚ إِنَّ ٱلنَّفۡسَ لَأَمَّارَةُۢ بِٱلسُّوٓءِ إِلَّا مَا رَحِمَ رَبِّيٓۚ إِنَّ رَبِّي غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Hindi ako nagpapawalang-sala sa sarili ko; tunay na ang sarili ay talagang palautos ng kasagwaan, maliban sa kinaawaan ng Panginoon ko. Tunay na ang Panginoon ko ay Mapagpatawad, Maawain
Surah Yusuf, Verse 53
وَقَالَ ٱلۡمَلِكُ ٱئۡتُونِي بِهِۦٓ أَسۡتَخۡلِصۡهُ لِنَفۡسِيۖ فَلَمَّا كَلَّمَهُۥ قَالَ إِنَّكَ ٱلۡيَوۡمَ لَدَيۡنَا مَكِينٌ أَمِينٞ
Nagsabi ang hari: "Dalhin ninyo siya sa akin, magtatangi ako sa kanya para sa sarili ko." Kaya noong nakausap siya nito ay nagsabi ito: "Tunay na ikaw sa araw na ito sa amin ay isang matatag [sa katungkulan] na pinagkakatiwalaan
Surah Yusuf, Verse 54
قَالَ ٱجۡعَلۡنِي عَلَىٰ خَزَآئِنِ ٱلۡأَرۡضِۖ إِنِّي حَفِيظٌ عَلِيمٞ
Nagsabi siya: "Magtalaga ka sa akin sa mga imbakan ng lupain; tunay na ako ay mapag-ingat, maalam
Surah Yusuf, Verse 55
وَكَذَٰلِكَ مَكَّنَّا لِيُوسُفَ فِي ٱلۡأَرۡضِ يَتَبَوَّأُ مِنۡهَا حَيۡثُ يَشَآءُۚ نُصِيبُ بِرَحۡمَتِنَا مَن نَّشَآءُۖ وَلَا نُضِيعُ أَجۡرَ ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Gayon Kami nagbigay-kapangyarihan para kay Jose sa lupain. Tumatahan siya roon saanman niya niloloob. Nagpapatama Kami ng awa Namin sa sinumang niloloob Namin, at hindi Kami nagwawala ng pabuya sa mga tagagawa ng maganda
Surah Yusuf, Verse 56
وَلَأَجۡرُ ٱلۡأٓخِرَةِ خَيۡرٞ لِّلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَكَانُواْ يَتَّقُونَ
Talagang ang pabuya ng Kabilang-buhay ay higit na mabuti para sa mga sumampalataya, at sila noon ay nangingilag magkasala
Surah Yusuf, Verse 57
وَجَآءَ إِخۡوَةُ يُوسُفَ فَدَخَلُواْ عَلَيۡهِ فَعَرَفَهُمۡ وَهُمۡ لَهُۥ مُنكِرُونَ
Dumating ang mga kapatid ni Jose, saka pumasok sila sa kanya, saka nakakilala siya sa kanila samantalang sila sa kanya ay mga di-nakakikilala
Surah Yusuf, Verse 58
وَلَمَّا جَهَّزَهُم بِجَهَازِهِمۡ قَالَ ٱئۡتُونِي بِأَخٖ لَّكُم مِّنۡ أَبِيكُمۡۚ أَلَا تَرَوۡنَ أَنِّيٓ أُوفِي ٱلۡكَيۡلَ وَأَنَا۠ خَيۡرُ ٱلۡمُنزِلِينَ
Noong nagkaloob siya sa kanila ng kailangan nila ay nagsabi siya: "Dalhin ninyo sa akin ang isang kapatid ninyo mula sa ama ninyo. Hindi ba kayo nakakikita na ako ay nagpapalubus-lubos ng pagtatakal at ako ay pinakamabuti sa mga tagapagpatuloy
Surah Yusuf, Verse 59
فَإِن لَّمۡ تَأۡتُونِي بِهِۦ فَلَا كَيۡلَ لَكُمۡ عِندِي وَلَا تَقۡرَبُونِ
Ngunit kung hindi kayo magdadala sa kanya sa akin ay walang pagtatakal para sa inyo sa ganang akin at huwag kayong lumapit sa akin
Surah Yusuf, Verse 60
قَالُواْ سَنُرَٰوِدُ عَنۡهُ أَبَاهُ وَإِنَّا لَفَٰعِلُونَ
Nagsabi sila: "Magtatangka kaming humimok sa ama niya [sa pagsama] sa kanya, at tunay na kami ay talagang mga gagawa [niyon]
Surah Yusuf, Verse 61
وَقَالَ لِفِتۡيَٰنِهِ ٱجۡعَلُواْ بِضَٰعَتَهُمۡ فِي رِحَالِهِمۡ لَعَلَّهُمۡ يَعۡرِفُونَهَآ إِذَا ٱنقَلَبُوٓاْ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِمۡ لَعَلَّهُمۡ يَرۡجِعُونَ
Nagsabi siya sa mga alila niya: "Ilagay ninyo ang ipinambayad nila sa mga sisidlan nila, nang sa gayon sila ay makakikilala sa mga ito kapag nakauwi sila sa mag-anak nila, nang sa gayon sila ay babalik
Surah Yusuf, Verse 62
فَلَمَّا رَجَعُوٓاْ إِلَىٰٓ أَبِيهِمۡ قَالُواْ يَـٰٓأَبَانَا مُنِعَ مِنَّا ٱلۡكَيۡلُ فَأَرۡسِلۡ مَعَنَآ أَخَانَا نَكۡتَلۡ وَإِنَّا لَهُۥ لَحَٰفِظُونَ
Kaya noong bumalik sila sa ama nila ay nagsabi sila: "O ama namin, ipagkakait sa amin ang pagtatakal; kaya magpadala ka kasama sa amin ng kapatid namin, tatakalan kami. Tunay na kami sa kanya ay talagang mga tagaingat
Surah Yusuf, Verse 63
قَالَ هَلۡ ءَامَنُكُمۡ عَلَيۡهِ إِلَّا كَمَآ أَمِنتُكُمۡ عَلَىٰٓ أَخِيهِ مِن قَبۡلُ فَٱللَّهُ خَيۡرٌ حَٰفِظٗاۖ وَهُوَ أَرۡحَمُ ٱلرَّـٰحِمِينَ
Nagsabi siya: "Ipagkakatiwala ko kaya siya sa inyo malibang [napipilitan] kung paanong ipinagkatiwala ko sa inyo ang kapatid niya bago pa niyan? Ngunit si Allāh ay pinakamabuti bilang Tagapag-ingat, at Siya ay ang pinakamaawain sa mga naaawa
Surah Yusuf, Verse 64
وَلَمَّا فَتَحُواْ مَتَٰعَهُمۡ وَجَدُواْ بِضَٰعَتَهُمۡ رُدَّتۡ إِلَيۡهِمۡۖ قَالُواْ يَـٰٓأَبَانَا مَا نَبۡغِيۖ هَٰذِهِۦ بِضَٰعَتُنَا رُدَّتۡ إِلَيۡنَاۖ وَنَمِيرُ أَهۡلَنَا وَنَحۡفَظُ أَخَانَا وَنَزۡدَادُ كَيۡلَ بَعِيرٖۖ ذَٰلِكَ كَيۡلٞ يَسِيرٞ
Noong nagbukas sila ng dala-dalahan nila ay nakatagpo sila sa paninda nila na isinauli sa kanila. Nagsabi sila: "O ama namin, ano pa ang hahangarin namin? Ito ay mga paninda naming isinauli sa amin. Maglalaan kami sa mag-anak namin. Mag-iingat kami sa kapatid namin. Madaragdagan kami ng isang takal [na pasan] ng kamelyo; iyon ay isang takal na madali
Surah Yusuf, Verse 65
قَالَ لَنۡ أُرۡسِلَهُۥ مَعَكُمۡ حَتَّىٰ تُؤۡتُونِ مَوۡثِقٗا مِّنَ ٱللَّهِ لَتَأۡتُنَّنِي بِهِۦٓ إِلَّآ أَن يُحَاطَ بِكُمۡۖ فَلَمَّآ ءَاتَوۡهُ مَوۡثِقَهُمۡ قَالَ ٱللَّهُ عَلَىٰ مَا نَقُولُ وَكِيلٞ
Nagsabi siya: "Hindi ako magpapadala sa kanya kasama sa inyo hanggang sa magbigay kayo sa akin ng isang taimtim na pangako kay Allāh na talagang dadalhin nga [muli] ninyo siya sa akin, maliban kung mapaliligiran kayo [ng kapahamakan]." Kaya noong nagbigay sila sa kanya ng taimtim na pangako nila ay nagsabi siya: "Si Allāh, sa anumang sinasabi natin, ay Pinagkakatiwalaan
Surah Yusuf, Verse 66
وَقَالَ يَٰبَنِيَّ لَا تَدۡخُلُواْ مِنۢ بَابٖ وَٰحِدٖ وَٱدۡخُلُواْ مِنۡ أَبۡوَٰبٖ مُّتَفَرِّقَةٖۖ وَمَآ أُغۡنِي عَنكُم مِّنَ ٱللَّهِ مِن شَيۡءٍۖ إِنِ ٱلۡحُكۡمُ إِلَّا لِلَّهِۖ عَلَيۡهِ تَوَكَّلۡتُۖ وَعَلَيۡهِ فَلۡيَتَوَكَّلِ ٱلۡمُتَوَكِّلُونَ
Nagsabi siya: "O mga anak ko, huwag kayong magsipasok mula sa isang pinto. Magsipasok kayo mula sa mga pintong magkakaiba-iba. Wala akong maidudulot sa inyo laban kay Allāh na anuman. Walang iba ang paghahatol kundi ukol kay Allāh. Sa Kanya ako nanalig at sa Kanya ay manalig ang mga nananalig
Surah Yusuf, Verse 67
وَلَمَّا دَخَلُواْ مِنۡ حَيۡثُ أَمَرَهُمۡ أَبُوهُم مَّا كَانَ يُغۡنِي عَنۡهُم مِّنَ ٱللَّهِ مِن شَيۡءٍ إِلَّا حَاجَةٗ فِي نَفۡسِ يَعۡقُوبَ قَضَىٰهَاۚ وَإِنَّهُۥ لَذُو عِلۡمٖ لِّمَا عَلَّمۡنَٰهُ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعۡلَمُونَ
Noong nakapasok sila mula sa kung saan ipinag-utos sa kanila ng ama nila, hindi nangyaring nagdudulot ito sa kanila laban kay Allāh ng anuman maliban ng isang pangangailangan sa sarili ni Jacob, na tinugon niya. Tunay na siya ay talagang may kaalaman dahil sa naituro Namin sa kanya, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam
Surah Yusuf, Verse 68
وَلَمَّا دَخَلُواْ عَلَىٰ يُوسُفَ ءَاوَىٰٓ إِلَيۡهِ أَخَاهُۖ قَالَ إِنِّيٓ أَنَا۠ أَخُوكَ فَلَا تَبۡتَئِسۡ بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Noong nakapasok sila kay Jose ay pinatuloy niya sa kanya ang kapatid niya. Nagsabi siya: "Tunay na ako ay kapatid mo kaya huwag kang magdalamhati sa dati nilang ginagawa
Surah Yusuf, Verse 69
فَلَمَّا جَهَّزَهُم بِجَهَازِهِمۡ جَعَلَ ٱلسِّقَايَةَ فِي رَحۡلِ أَخِيهِ ثُمَّ أَذَّنَ مُؤَذِّنٌ أَيَّتُهَا ٱلۡعِيرُ إِنَّكُمۡ لَسَٰرِقُونَ
Kaya noong nagkaloob siya sa kanila ng kailangan nila ay inilagay niya ang inuman sa sisidlan ng kapatid niya. Pagkatapos nanawagan ang isang tagapanawagan: "O karaban, tunay na kayo ay talagang mga magnanakaw
Surah Yusuf, Verse 70
قَالُواْ وَأَقۡبَلُواْ عَلَيۡهِم مَّاذَا تَفۡقِدُونَ
Nagsabi sila at lumapit sa mga iyon: "Ano ang nawawalan sa inyo
Surah Yusuf, Verse 71
قَالُواْ نَفۡقِدُ صُوَاعَ ٱلۡمَلِكِ وَلِمَن جَآءَ بِهِۦ حِمۡلُ بَعِيرٖ وَأَنَا۠ بِهِۦ زَعِيمٞ
Nagsabi ang mga iyon: "Nawawalan kami ng salop ng hari. Ukol sa sinumang maghahatid niyon ay [pagkaing] isang pasan ng kamelyo, at ako sa kanya ay tagapanagot
Surah Yusuf, Verse 72
قَالُواْ تَٱللَّهِ لَقَدۡ عَلِمۡتُم مَّا جِئۡنَا لِنُفۡسِدَ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَمَا كُنَّا سَٰرِقِينَ
Nagsabi sila: "Sumpa man kay Allāh, talaga ngang nalaman ninyo na hindi kami dumating upang magtiwali sa lupain, at hindi kami naging mga magnanakaw
Surah Yusuf, Verse 73
قَالُواْ فَمَا جَزَـٰٓؤُهُۥٓ إِن كُنتُمۡ كَٰذِبِينَ
Nagsabi ang mga iyon: "Kaya ano ang ganti roon kung kayo ay naging mga sinungaling
Surah Yusuf, Verse 74
قَالُواْ جَزَـٰٓؤُهُۥ مَن وُجِدَ فِي رَحۡلِهِۦ فَهُوَ جَزَـٰٓؤُهُۥۚ كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلظَّـٰلِمِينَ
Nagsabi sila: "Ang ganti rito: ang sinumang natagpuan iyon sa sisidlan niya ay siya ang ganti rito. Gayon kami gumaganti sa mga tagalabag sa katarungan
Surah Yusuf, Verse 75
فَبَدَأَ بِأَوۡعِيَتِهِمۡ قَبۡلَ وِعَآءِ أَخِيهِ ثُمَّ ٱسۡتَخۡرَجَهَا مِن وِعَآءِ أَخِيهِۚ كَذَٰلِكَ كِدۡنَا لِيُوسُفَۖ مَا كَانَ لِيَأۡخُذَ أَخَاهُ فِي دِينِ ٱلۡمَلِكِ إِلَّآ أَن يَشَآءَ ٱللَّهُۚ نَرۡفَعُ دَرَجَٰتٖ مَّن نَّشَآءُۗ وَفَوۡقَ كُلِّ ذِي عِلۡمٍ عَلِيمٞ
Kaya nagsimula siya sa mga sisidlan nila bago ng sisidlan ng kapatid niya. Pagkatapos naipalabas niya ito mula sa sisidlan ng kapatid niya. Gayon nagpakana para kay Jose. Hindi naging ukol na magdala siya sa kapatid niya sa batas ng hari maliban kung niloob ni Allāh. Nag-aangat Kami sa mga antas ng sinumang niloloob Namin. Sa ibabaw ng bawat may kaalaman ay isang maalam
Surah Yusuf, Verse 76
۞قَالُوٓاْ إِن يَسۡرِقۡ فَقَدۡ سَرَقَ أَخٞ لَّهُۥ مِن قَبۡلُۚ فَأَسَرَّهَا يُوسُفُ فِي نَفۡسِهِۦ وَلَمۡ يُبۡدِهَا لَهُمۡۚ قَالَ أَنتُمۡ شَرّٞ مَّكَانٗاۖ وَٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِمَا تَصِفُونَ
Nagsabi sila: "Kung nagnakaw siya ay nagnakaw nga ang isang kapatid niya bago pa niyan." Ngunit naglihim nito si Jose sa sarili niya at hindi siya nagpahalata nito sa kanila. Nagsabi siya: "Kayo ay higit na masama sa kalagayan at si Allāh ay higit na maalam sa anumang inilalarawan ninyo
Surah Yusuf, Verse 77
قَالُواْ يَـٰٓأَيُّهَا ٱلۡعَزِيزُ إِنَّ لَهُۥٓ أَبٗا شَيۡخٗا كَبِيرٗا فَخُذۡ أَحَدَنَا مَكَانَهُۥٓۖ إِنَّا نَرَىٰكَ مِنَ ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Nagsabi sila: "O makapangyarihan, tunay na siya ay may isang amang matandang lubha, kaya kumuha ka po ng isa sa amin kapalit niya. Tunay na kami ay nakakikita sa iyo kabilang sa mga tagagawa ng maganda
Surah Yusuf, Verse 78
قَالَ مَعَاذَ ٱللَّهِ أَن نَّأۡخُذَ إِلَّا مَن وَجَدۡنَا مَتَٰعَنَا عِندَهُۥٓ إِنَّآ إِذٗا لَّظَٰلِمُونَ
Nagsabi siya: "[Humihiling ako ng] pagkukupkop ni Allāh na manghuli kami maliban sa sinumang nakatagpo kami sa pag-aari namin sa piling niya; tunay na kami, samakatuwid, ay talagang mga tagalabag sa katarungan
Surah Yusuf, Verse 79
فَلَمَّا ٱسۡتَيۡـَٔسُواْ مِنۡهُ خَلَصُواْ نَجِيّٗاۖ قَالَ كَبِيرُهُمۡ أَلَمۡ تَعۡلَمُوٓاْ أَنَّ أَبَاكُمۡ قَدۡ أَخَذَ عَلَيۡكُم مَّوۡثِقٗا مِّنَ ٱللَّهِ وَمِن قَبۡلُ مَا فَرَّطتُمۡ فِي يُوسُفَۖ فَلَنۡ أَبۡرَحَ ٱلۡأَرۡضَ حَتَّىٰ يَأۡذَنَ لِيٓ أَبِيٓ أَوۡ يَحۡكُمَ ٱللَّهُ لِيۖ وَهُوَ خَيۡرُ ٱلۡحَٰكِمِينَ
Kaya noong nawalan sila ng pag-asa sa kanya, bumukod sila na nagsasanggunian. Nagsabi ang matanda nila: "Hindi ba kayo nakaalam na ang ama ninyo ay tumanggap nga sa inyo ng isang taimtim na pangako kay Allāh at bago niyan nagwalang-bahala kayo kay Jose? Kaya hindi ako mag-iiwan sa lupain hanggang sa magpahintulot sa akin ang ama ko o humatol si Allāh sa akin, at Siya ay ang pinakambuti sa mga tagahatol
Surah Yusuf, Verse 80
ٱرۡجِعُوٓاْ إِلَىٰٓ أَبِيكُمۡ فَقُولُواْ يَـٰٓأَبَانَآ إِنَّ ٱبۡنَكَ سَرَقَ وَمَا شَهِدۡنَآ إِلَّا بِمَا عَلِمۡنَا وَمَا كُنَّا لِلۡغَيۡبِ حَٰفِظِينَ
Bumalik kayo sa ama ninyo saka sabihin ninyo: ‘O ama namin, tunay na ang anak mo ay nagnakaw. Wala kaming nasaksihan maliban sa ayon sa nalaman namin. Hindi kami para sa Lingid naging mga tagapagbantay
Surah Yusuf, Verse 81
وَسۡـَٔلِ ٱلۡقَرۡيَةَ ٱلَّتِي كُنَّا فِيهَا وَٱلۡعِيرَ ٱلَّتِيٓ أَقۡبَلۡنَا فِيهَاۖ وَإِنَّا لَصَٰدِقُونَ
Magtanong ka sa pamayanan na kami dati ay naroon at sa karaban na pumunta kami kasama nito. Tunay na kami ay talagang mga tapat
Surah Yusuf, Verse 82
قَالَ بَلۡ سَوَّلَتۡ لَكُمۡ أَنفُسُكُمۡ أَمۡرٗاۖ فَصَبۡرٞ جَمِيلٌۖ عَسَى ٱللَّهُ أَن يَأۡتِيَنِي بِهِمۡ جَمِيعًاۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡعَلِيمُ ٱلۡحَكِيمُ
Nagsabi siya: "Bagkus humalina sa inyo ang mga sarili ninyo sa isang bagay, kaya isang pagtitiis na marilag [ang pagtitiis ko]. Sana si Allāh ay magdala sa akin sa kanila sa kalahatan; tunay na Siya ay ang Maalam, ang Marunong
Surah Yusuf, Verse 83
وَتَوَلَّىٰ عَنۡهُمۡ وَقَالَ يَـٰٓأَسَفَىٰ عَلَىٰ يُوسُفَ وَٱبۡيَضَّتۡ عَيۡنَاهُ مِنَ ٱلۡحُزۡنِ فَهُوَ كَظِيمٞ
Tumalikod siya sa kanila at nagsabi: "Ah, hinagpis ko dahil kay Jose!" Pumuti ang mga mata niya dahil sa pagkalungkot sapagkat siya ay hapis
Surah Yusuf, Verse 84
قَالُواْ تَٱللَّهِ تَفۡتَؤُاْ تَذۡكُرُ يُوسُفَ حَتَّىٰ تَكُونَ حَرَضًا أَوۡ تَكُونَ مِنَ ٱلۡهَٰلِكِينَ
Nagsabi sila: "Sumpa man kay Allāh, nagpapatuloy kang umaalaala kay Jose hanggang sa ikaw ay maging malubha o ikaw ay maging kabilang sa mga napapahamak
Surah Yusuf, Verse 85
قَالَ إِنَّمَآ أَشۡكُواْ بَثِّي وَحُزۡنِيٓ إِلَى ٱللَّهِ وَأَعۡلَمُ مِنَ ٱللَّهِ مَا لَا تَعۡلَمُونَ
Nagsabi siya: "Naghihinaing lamang ako ng dalamhati ko at lungkot ko kay Allāh at nakaaalam ako mula kay Allāh ng hindi ninyo nalalaman
Surah Yusuf, Verse 86
يَٰبَنِيَّ ٱذۡهَبُواْ فَتَحَسَّسُواْ مِن يُوسُفَ وَأَخِيهِ وَلَا تَاْيۡـَٔسُواْ مِن رَّوۡحِ ٱللَّهِۖ إِنَّهُۥ لَا يَاْيۡـَٔسُ مِن رَّوۡحِ ٱللَّهِ إِلَّا ٱلۡقَوۡمُ ٱلۡكَٰفِرُونَ
O mga anak ko, umalis kayo at makiramdam kayo hinggil kay Jose at sa kapatid niya at huwag kayong mawalan ng pag-asa sa habag ni Allāh; tunay na walang nawawalan ng pag-asa sa habag ni Allāh kundi ang mga taong tagatangging sumampalataya
Surah Yusuf, Verse 87
فَلَمَّا دَخَلُواْ عَلَيۡهِ قَالُواْ يَـٰٓأَيُّهَا ٱلۡعَزِيزُ مَسَّنَا وَأَهۡلَنَا ٱلضُّرُّ وَجِئۡنَا بِبِضَٰعَةٖ مُّزۡجَىٰةٖ فَأَوۡفِ لَنَا ٱلۡكَيۡلَ وَتَصَدَّقۡ عَلَيۡنَآۖ إِنَّ ٱللَّهَ يَجۡزِي ٱلۡمُتَصَدِّقِينَ
Kaya noong nakapasok sila sa kanya ay nagsabi sila: "O makapangyarihan, sumaling sa amin at sa mag-anak namin ang kapinsalaan at naghatid kami ng panindang mababang uri, ngunit magpalubus-lubos ka po para sa amin ng pagtatakal at magkawanggawa ka po sa amin; tunay na si Allāh ay gumaganti sa mga tagapagkawanggawa
Surah Yusuf, Verse 88
قَالَ هَلۡ عَلِمۡتُم مَّا فَعَلۡتُم بِيُوسُفَ وَأَخِيهِ إِذۡ أَنتُمۡ جَٰهِلُونَ
Nagsabi siya: "Nakaalam kaya kayo sa ginawa ninyo kay Jose at sa kapatid niya noong kayo ay mga mangmang
Surah Yusuf, Verse 89
قَالُوٓاْ أَءِنَّكَ لَأَنتَ يُوسُفُۖ قَالَ أَنَا۠ يُوسُفُ وَهَٰذَآ أَخِيۖ قَدۡ مَنَّ ٱللَّهُ عَلَيۡنَآۖ إِنَّهُۥ مَن يَتَّقِ وَيَصۡبِرۡ فَإِنَّ ٱللَّهَ لَا يُضِيعُ أَجۡرَ ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Nagsabi sila: "Tunay na ikaw ba ay talagang ikaw si Jose?" Nagsabi siya: "Ako si Jose at ito ay kapatid ko. Nagmagandang-loob nga si Allāh sa amin. Tunay na ang sinumang mangingilag magkasala at magtitiis, tunay na si Allāh ay hindi nagwawala sa pabuya sa mga tagagagawa ng maganda
Surah Yusuf, Verse 90
قَالُواْ تَٱللَّهِ لَقَدۡ ءَاثَرَكَ ٱللَّهُ عَلَيۡنَا وَإِن كُنَّا لَخَٰطِـِٔينَ
Nagsabi sila: "Sumpa man kay Allāh, talaga ngang nagmagaling si Allāh sa iyo higit sa amin at tunay na kami dati ay talagang mga nagkakamali
Surah Yusuf, Verse 91
قَالَ لَا تَثۡرِيبَ عَلَيۡكُمُ ٱلۡيَوۡمَۖ يَغۡفِرُ ٱللَّهُ لَكُمۡۖ وَهُوَ أَرۡحَمُ ٱلرَّـٰحِمِينَ
Nagsabi siya: "Walang panunumbat sa inyo sa araw na ito. Magpapatawad si Allāh sa inyo. Siya ay ang pinakamaawain sa mga naaawa
Surah Yusuf, Verse 92
ٱذۡهَبُواْ بِقَمِيصِي هَٰذَا فَأَلۡقُوهُ عَلَىٰ وَجۡهِ أَبِي يَأۡتِ بَصِيرٗا وَأۡتُونِي بِأَهۡلِكُمۡ أَجۡمَعِينَ
Umalis kayo kalakip ng kamisa kong ito saka ipukol ninyo ito sa mukha ng ama ko, magiging nakakikita siya. Magdala kayo sa akin ng mag-anak ninyo nang magkakasama
Surah Yusuf, Verse 93
وَلَمَّا فَصَلَتِ ٱلۡعِيرُ قَالَ أَبُوهُمۡ إِنِّي لَأَجِدُ رِيحَ يُوسُفَۖ لَوۡلَآ أَن تُفَنِّدُونِ
Noong nakalisan ang karaban ay nagsabi ang ama nila: "Tunay na ako ay talagang nakadarama ng halimuyak ni Jose, kung sakaling hindi kayo magturing ng pagkaulyanin sa akin
Surah Yusuf, Verse 94
قَالُواْ تَٱللَّهِ إِنَّكَ لَفِي ضَلَٰلِكَ ٱلۡقَدِيمِ
Nagsabi sila: "Sumpa man kay Allāh, tunay ikaw ay talagang nasa kamalian mong matanda
Surah Yusuf, Verse 95
فَلَمَّآ أَن جَآءَ ٱلۡبَشِيرُ أَلۡقَىٰهُ عَلَىٰ وَجۡهِهِۦ فَٱرۡتَدَّ بَصِيرٗاۖ قَالَ أَلَمۡ أَقُل لَّكُمۡ إِنِّيٓ أَعۡلَمُ مِنَ ٱللَّهِ مَا لَا تَعۡلَمُونَ
Kaya noong dumating ang mapagbalita ng nakagagalak ay ipinukol nito iyon sa mukha niya kaya nanumbalik siya na nakakikita. Nagsabi siya: "Hindi ba nagsabi ako sa inyo na tunay na ako ay nakaaalam mula kay Allāh ng hindi ninyo nalalaman
Surah Yusuf, Verse 96
قَالُواْ يَـٰٓأَبَانَا ٱسۡتَغۡفِرۡ لَنَا ذُنُوبَنَآ إِنَّا كُنَّا خَٰطِـِٔينَ
Nagsabi sila: "O ama namin, humingi ka po ng tawad para sa amin sa mga pagkakasala namin; tunay na kami dati ay mga nagkakamali
Surah Yusuf, Verse 97
قَالَ سَوۡفَ أَسۡتَغۡفِرُ لَكُمۡ رَبِّيٓۖ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡغَفُورُ ٱلرَّحِيمُ
Nagsabi siya: "Hihingi ako ng tawad para sa inyo sa Panginoon ko; tunay na Siya ay ang Mapagpatawad, ang Maawain
Surah Yusuf, Verse 98
فَلَمَّا دَخَلُواْ عَلَىٰ يُوسُفَ ءَاوَىٰٓ إِلَيۡهِ أَبَوَيۡهِ وَقَالَ ٱدۡخُلُواْ مِصۡرَ إِن شَآءَ ٱللَّهُ ءَامِنِينَ
Kaya noong nakapasok sila kay Jose, pinatuloy niya sa kanya ang mga magulang niya at nagsabi: "Magsipasok kayo sa Ehipto, kung niloob ni Allāh, na mga natitiwasay
Surah Yusuf, Verse 99
وَرَفَعَ أَبَوَيۡهِ عَلَى ٱلۡعَرۡشِ وَخَرُّواْ لَهُۥ سُجَّدٗاۖ وَقَالَ يَـٰٓأَبَتِ هَٰذَا تَأۡوِيلُ رُءۡيَٰيَ مِن قَبۡلُ قَدۡ جَعَلَهَا رَبِّي حَقّٗاۖ وَقَدۡ أَحۡسَنَ بِيٓ إِذۡ أَخۡرَجَنِي مِنَ ٱلسِّجۡنِ وَجَآءَ بِكُم مِّنَ ٱلۡبَدۡوِ مِنۢ بَعۡدِ أَن نَّزَغَ ٱلشَّيۡطَٰنُ بَيۡنِي وَبَيۡنَ إِخۡوَتِيٓۚ إِنَّ رَبِّي لَطِيفٞ لِّمَا يَشَآءُۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡعَلِيمُ ٱلۡحَكِيمُ
Nag-angat siya sa mga magulang niya sa trono at humandusay sila sa kanya na mga nakapatirapa. Nagsabi siya: "O ama ko, ito ay ang pagsasakatuparan ng panaginip ko bago pa niyan. Ginawa nga ito ng Panginoon na totoo. Gumawa nga Siya ng maganda sa akin noong nagpalabas Siya sa akin mula sa pagkabilanggo at naghatid Siya sa inyo mula sa ilang nang matapos na nagpasigalot ang demonyo sa pagitan ko at ng mga kapatid ko. Tunay na ang Panginoon ko ay Mabait sa anumang niloloob Niya. Tunay na Siya ay ang Maalam, ang Marunong
Surah Yusuf, Verse 100
۞رَبِّ قَدۡ ءَاتَيۡتَنِي مِنَ ٱلۡمُلۡكِ وَعَلَّمۡتَنِي مِن تَأۡوِيلِ ٱلۡأَحَادِيثِۚ فَاطِرَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ أَنتَ وَلِيِّۦ فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِۖ تَوَفَّنِي مُسۡلِمٗا وَأَلۡحِقۡنِي بِٱلصَّـٰلِحِينَ
Panginoon ko, nagbigay Ka nga sa akin ng bahagi ng paghahari at nagtuturo Ka sa akin ng bahagi ng pagpapakahulugan sa mga panaginip. Tagapaglalang ng mga langit at lupa, Ikaw ay Katangkilik ko sa Mundo at Kabilang-buhay. Magpapanaw Ka sa akin bilang Muslim at magpasama Ka sa akin sa mga maayos
Surah Yusuf, Verse 101
ذَٰلِكَ مِنۡ أَنۢبَآءِ ٱلۡغَيۡبِ نُوحِيهِ إِلَيۡكَۖ وَمَا كُنتَ لَدَيۡهِمۡ إِذۡ أَجۡمَعُوٓاْ أَمۡرَهُمۡ وَهُمۡ يَمۡكُرُونَ
Iyon ay kabilang sa mga balita ng Lingid; nagkakasi Kami nito sa iyo. Wala ka noon sa piling nila noong nagkaisa sila sa pasya nila samantalang sila ay nanlalansi
Surah Yusuf, Verse 102
وَمَآ أَكۡثَرُ ٱلنَّاسِ وَلَوۡ حَرَصۡتَ بِمُؤۡمِنِينَ
Ang higit na marami sa mga tao, kahit pa man nagsigasig ka, ay hindi mga mananampalataya
Surah Yusuf, Verse 103
وَمَا تَسۡـَٔلُهُمۡ عَلَيۡهِ مِنۡ أَجۡرٍۚ إِنۡ هُوَ إِلَّا ذِكۡرٞ لِّلۡعَٰلَمِينَ
Hindi ka humihingi sa kanila dahil doon ng anumang pabuya; walang iba ito kundi isang paalaala para sa mga nilalang
Surah Yusuf, Verse 104
وَكَأَيِّن مِّنۡ ءَايَةٖ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ يَمُرُّونَ عَلَيۡهَا وَهُمۡ عَنۡهَا مُعۡرِضُونَ
Kay rami ng tanda sa mga langit at lupa, na dumaraan sila sa mga iyon samantalang sila sa mga iyon ay mga tagaayaw
Surah Yusuf, Verse 105
وَمَا يُؤۡمِنُ أَكۡثَرُهُم بِٱللَّهِ إِلَّا وَهُم مُّشۡرِكُونَ
Hindi sumasampalataya ang higit na marami sa kanila kay Allāh malibang habang sila ay mga tagapagtambal
Surah Yusuf, Verse 106
أَفَأَمِنُوٓاْ أَن تَأۡتِيَهُمۡ غَٰشِيَةٞ مِّنۡ عَذَابِ ٱللَّهِ أَوۡ تَأۡتِيَهُمُ ٱلسَّاعَةُ بَغۡتَةٗ وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ
Kaya natiwasay ba sila na pumunta sa kanila ang isang tagabalot mula sa pagdurusang dulot ni Allāh o pumunta sa kanila ang Huling Sandali nang biglaan samantalang sila ay hindi nakararamdam
Surah Yusuf, Verse 107
قُلۡ هَٰذِهِۦ سَبِيلِيٓ أَدۡعُوٓاْ إِلَى ٱللَّهِۚ عَلَىٰ بَصِيرَةٍ أَنَا۠ وَمَنِ ٱتَّبَعَنِيۖ وَسُبۡحَٰنَ ٱللَّهِ وَمَآ أَنَا۠ مِنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ
Sabihin mo: "Ito ay landas ko. Nag-aanyaya ako tungo kay Allāh batay sa isang pagkatalos, ako at ang sinumang sumunod sa akin. Napakamaluwalhati ni Allāh! Hindi ako kabilang sa mga tagapagtambal
Surah Yusuf, Verse 108
وَمَآ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ إِلَّا رِجَالٗا نُّوحِيٓ إِلَيۡهِم مِّنۡ أَهۡلِ ٱلۡقُرَىٰٓۗ أَفَلَمۡ يَسِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَيَنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۗ وَلَدَارُ ٱلۡأٓخِرَةِ خَيۡرٞ لِّلَّذِينَ ٱتَّقَوۡاْۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ
Hindi Kami nagsugo bago mo pa kundi ng mga lalaking nagkakasi Kami sa kanila kabilang sa mga mamayan ng mga pamayanan [nila]. Kaya hindi ba sila humayo sa lupain para tumingin sila kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga nauna pa sa kanila? Talagang ang tahanan ng Kabilang-buhay ay higit na mabuti para sa mga nangilag magkasala. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa
Surah Yusuf, Verse 109
حَتَّىٰٓ إِذَا ٱسۡتَيۡـَٔسَ ٱلرُّسُلُ وَظَنُّوٓاْ أَنَّهُمۡ قَدۡ كُذِبُواْ جَآءَهُمۡ نَصۡرُنَا فَنُجِّيَ مَن نَّشَآءُۖ وَلَا يُرَدُّ بَأۡسُنَا عَنِ ٱلۡقَوۡمِ ٱلۡمُجۡرِمِينَ
[Nagpalugit] hanggang sa nang nawalan ng pag-asa ang mga sugo at nakatiyak sila na sila ay pinagsinungalingan nga, dumating naman sa kanila ang pag-aadya Namin at nailigtas ang sinumang niloloob Namin. Hindi napipigil ang parusa Namin sa mga taong salarin
Surah Yusuf, Verse 110
لَقَدۡ كَانَ فِي قَصَصِهِمۡ عِبۡرَةٞ لِّأُوْلِي ٱلۡأَلۡبَٰبِۗ مَا كَانَ حَدِيثٗا يُفۡتَرَىٰ وَلَٰكِن تَصۡدِيقَ ٱلَّذِي بَيۡنَ يَدَيۡهِ وَتَفۡصِيلَ كُلِّ شَيۡءٖ وَهُدٗى وَرَحۡمَةٗ لِّقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ
Talaga ngang sa mga kasaysayan nila ay may naging aral para sa mga may isip. Hindi ito naging isang sanaysay na magagawa-gawa, bagkus pagpapatotoo sa nauna rito, isang pagdedetalye sa bawat bagay, isang patnubay, at isang awa para sa mga taong sumasampalataya
Surah Yusuf, Verse 111