Surah An-Nahl Verse 89 - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
Surah An-Nahlوَيَوۡمَ نَبۡعَثُ فِي كُلِّ أُمَّةٖ شَهِيدًا عَلَيۡهِم مِّنۡ أَنفُسِهِمۡۖ وَجِئۡنَا بِكَ شَهِيدًا عَلَىٰ هَـٰٓؤُلَآءِۚ وَنَزَّلۡنَا عَلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَ تِبۡيَٰنٗا لِّكُلِّ شَيۡءٖ وَهُدٗى وَرَحۡمَةٗ وَبُشۡرَىٰ لِلۡمُسۡلِمِينَ
At (alalahanin) ang Araw na Aming ititindig sa bawat bansa (pamayanan) ang isang saksi mula sa kanilang lipon nang laban sa kanila. At ikaw (o Muhammad) ay Aming itatanghal bilang isang saksi laban sa mga ito. At Aming ipinanaog sa iyo ang Aklat (ang Qur’an) bilang paghahantad ng lahat ng bagay, isang patnubay, isang Habag, at mabuting balita para sa kanila na nagsuko ng kanilang sarili (kay Allah bilang mga Muslim)