UAE Prayer Times

  • Dubai
  • Abu Dhabi
  • Sharjah
  • Ajman
  • Fujairah
  • Umm Al Quwain
  • Ras Al Khaimah
  • Quran Translations

Surah Al-Kahf - Filipino Translation by Www.islamhouse.com


ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِيٓ أَنزَلَ عَلَىٰ عَبۡدِهِ ٱلۡكِتَٰبَ وَلَمۡ يَجۡعَل لَّهُۥ عِوَجَاۜ

Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpababa sa lingkod Niya ng Aklat at hindi Siya naglagay rito ng isang kabaluktutan
Surah Al-Kahf, Verse 1


قَيِّمٗا لِّيُنذِرَ بَأۡسٗا شَدِيدٗا مِّن لَّدُنۡهُ وَيُبَشِّرَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ ٱلَّذِينَ يَعۡمَلُونَ ٱلصَّـٰلِحَٰتِ أَنَّ لَهُمۡ أَجۡرًا حَسَنٗا

[Ginawa Niya itong] matuwid upang magbabala ng isang parusang matindi mula sa nasa Kanya, magbalita ng nakagagalak sa mga mananampalatayang gumagawa ng mga maayos na ukol sa kanila ay isang pabuyang maganda
Surah Al-Kahf, Verse 2


مَّـٰكِثِينَ فِيهِ أَبَدٗا

bilang mga mamamalagi roon magpakailanman
Surah Al-Kahf, Verse 3


وَيُنذِرَ ٱلَّذِينَ قَالُواْ ٱتَّخَذَ ٱللَّهُ وَلَدٗا

at magbabala sa mga nagsabing gumawa si Allāh ng anak
Surah Al-Kahf, Verse 4


مَّا لَهُم بِهِۦ مِنۡ عِلۡمٖ وَلَا لِأٓبَآئِهِمۡۚ كَبُرَتۡ كَلِمَةٗ تَخۡرُجُ مِنۡ أَفۡوَٰهِهِمۡۚ إِن يَقُولُونَ إِلَّا كَذِبٗا

Walang ukol sa kanila hinggil dito na kaalaman at walang ukol sa mga magulang nila. May bumigat na isang salitang lumalabas sa mga bibig nila; wala silang sinasabi kundi kasinungalingan
Surah Al-Kahf, Verse 5


فَلَعَلَّكَ بَٰخِعٞ نَّفۡسَكَ عَلَىٰٓ ءَاثَٰرِهِمۡ إِن لَّمۡ يُؤۡمِنُواْ بِهَٰذَا ٱلۡحَدِيثِ أَسَفًا

Kaya baka ikaw ay kikitil sa sarili mo dala ng dalamhati sa mga bakas nila kung hindi sila sumampalataya sa salaysay na ito
Surah Al-Kahf, Verse 6


إِنَّا جَعَلۡنَا مَا عَلَى ٱلۡأَرۡضِ زِينَةٗ لَّهَا لِنَبۡلُوَهُمۡ أَيُّهُمۡ أَحۡسَنُ عَمَلٗا

Tunay na Kami ay gumawa sa anumang nasa lupa bilang gayak para rito upang sumubok Kami sa kanila kung alin sa kanila ang pinakamaganda sa gawa
Surah Al-Kahf, Verse 7


وَإِنَّا لَجَٰعِلُونَ مَا عَلَيۡهَا صَعِيدٗا جُرُزًا

Tunay na Kami ay talagang gagawa sa nasa ibabaw nito na isang lupang tigang
Surah Al-Kahf, Verse 8


أَمۡ حَسِبۡتَ أَنَّ أَصۡحَٰبَ ٱلۡكَهۡفِ وَٱلرَّقِيمِ كَانُواْ مِنۡ ءَايَٰتِنَا عَجَبًا

O nag-akala ka na ang magkakasama sa yungib at pinag-ukitan ay noon kataka-takang kabilang sa mga tanda Namin
Surah Al-Kahf, Verse 9


إِذۡ أَوَى ٱلۡفِتۡيَةُ إِلَى ٱلۡكَهۡفِ فَقَالُواْ رَبَّنَآ ءَاتِنَا مِن لَّدُنكَ رَحۡمَةٗ وَهَيِّئۡ لَنَا مِنۡ أَمۡرِنَا رَشَدٗا

[Banggitin noong] nagpakanlong ang mga binata sa yungib saka nagsabi sila: "Panginoon namin, magbigay Ka sa amin ng awa mula sa nasa Iyo at maglaan Ka para sa amin, kaugnay sa nauukol sa amin, ng isang kagabayan
Surah Al-Kahf, Verse 10


فَضَرَبۡنَا عَلَىٰٓ ءَاذَانِهِمۡ فِي ٱلۡكَهۡفِ سِنِينَ عَدَدٗا

Kaya nagtakip Kami sa mga tainga nila sa yungib sa [loob ng] mga taon ayon sa bilang
Surah Al-Kahf, Verse 11


ثُمَّ بَعَثۡنَٰهُمۡ لِنَعۡلَمَ أَيُّ ٱلۡحِزۡبَيۡنِ أَحۡصَىٰ لِمَا لَبِثُوٓاْ أَمَدٗا

Pagkatapos pumukaw Kami sa kanila upang magpaalam Kami kung alin sa dalawang panig ang higit na magaling sa pagtataya sa ipinamalagi nila ayon sa yugto
Surah Al-Kahf, Verse 12


نَّحۡنُ نَقُصُّ عَلَيۡكَ نَبَأَهُم بِٱلۡحَقِّۚ إِنَّهُمۡ فِتۡيَةٌ ءَامَنُواْ بِرَبِّهِمۡ وَزِدۡنَٰهُمۡ هُدٗى

Kami ay nagsasalaysay sa iyo ng balita sa kanila ayon sa katotohanan. Tunay na sila ay mga binatang sumampalataya sa Panginoon nila. Nagdagdag Kami sa kanila ng patnubay
Surah Al-Kahf, Verse 13


وَرَبَطۡنَا عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ إِذۡ قَامُواْ فَقَالُواْ رَبُّنَا رَبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ لَن نَّدۡعُوَاْ مِن دُونِهِۦٓ إِلَٰهٗاۖ لَّقَدۡ قُلۡنَآ إِذٗا شَطَطًا

Nagpatibay Kami sa mga puso nila noong tumindig sila saka nagsabi: "Ang Panginoon Namin ay ang Panginoon ng mga langit at lupa. Hindi kami mananalangin sa bukod pa sa Kanya bilang diyos [dahil] talaga ngang makapagsasabi Kami, samakatuwid, ng isang pagkalayu-layo [sa katotohanan]
Surah Al-Kahf, Verse 14


هَـٰٓؤُلَآءِ قَوۡمُنَا ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِهِۦٓ ءَالِهَةٗۖ لَّوۡلَا يَأۡتُونَ عَلَيۡهِم بِسُلۡطَٰنِۭ بَيِّنٖۖ فَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّنِ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبٗا

Ang mga ito, ang mga tao namin, ay gumawa sa bukod pa sa Kanya bilang mga diyos. Bakit kaya hindi sila naghahatid sa mga ito ng isang katunayang malinaw? Kaya sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan
Surah Al-Kahf, Verse 15


وَإِذِ ٱعۡتَزَلۡتُمُوهُمۡ وَمَا يَعۡبُدُونَ إِلَّا ٱللَّهَ فَأۡوُۥٓاْ إِلَى ٱلۡكَهۡفِ يَنشُرۡ لَكُمۡ رَبُّكُم مِّن رَّحۡمَتِهِۦ وَيُهَيِّئۡ لَكُم مِّنۡ أَمۡرِكُم مِّرۡفَقٗا

[Nagsabi ang magkakasama]: "Kung nagpakalayu-layo kayo sa kanila at sa anumang sinasamba nila maliban kay Allāh ay kumanlong kayo sa yungib; magpapalaganap para sa inyo ang Panginoon ninyo ng awa Niya at maglalaan Siya para sa inyo kaugnay sa nauukol sa inyo ng isang magagamit
Surah Al-Kahf, Verse 16


۞وَتَرَى ٱلشَّمۡسَ إِذَا طَلَعَت تَّزَٰوَرُ عَن كَهۡفِهِمۡ ذَاتَ ٱلۡيَمِينِ وَإِذَا غَرَبَت تَّقۡرِضُهُمۡ ذَاتَ ٱلشِّمَالِ وَهُمۡ فِي فَجۡوَةٖ مِّنۡهُۚ ذَٰلِكَ مِنۡ ءَايَٰتِ ٱللَّهِۗ مَن يَهۡدِ ٱللَّهُ فَهُوَ ٱلۡمُهۡتَدِۖ وَمَن يُضۡلِلۡ فَلَن تَجِدَ لَهُۥ وَلِيّٗا مُّرۡشِدٗا

[Kung naroon ka,] makikita mo ang araw, kapag lumitaw iyon, na humihilig palayo sa yungib nila sa gawing kanan, at kapag lumubog iyon, na lumalampas sa kanila sa gawing kaliwa habang sila ay nasa isang puwang mula roon. Iyon ay kabilang sa mga tanda ni Allāh. Ang sinumang pinapatnubayan ni Allāh ay siya ang napapatnubayan. Ang sinumang pinaliligaw Niya ay hindi ka makatatagpo para rito ng isang katangkilik na tagagabay
Surah Al-Kahf, Verse 17


وَتَحۡسَبُهُمۡ أَيۡقَاظٗا وَهُمۡ رُقُودٞۚ وَنُقَلِّبُهُمۡ ذَاتَ ٱلۡيَمِينِ وَذَاتَ ٱلشِّمَالِۖ وَكَلۡبُهُم بَٰسِطٞ ذِرَاعَيۡهِ بِٱلۡوَصِيدِۚ لَوِ ٱطَّلَعۡتَ عَلَيۡهِمۡ لَوَلَّيۡتَ مِنۡهُمۡ فِرَارٗا وَلَمُلِئۡتَ مِنۡهُمۡ رُعۡبٗا

Mag-aakala kang sila ay mga gising samantalang sila ay mga tulog. Nagpapabaling Kami sa kanila sa gawing kanan at sa gawing kaliwa habang ang aso nila ay nakaunat ang dalawang unahang biyas nito sa bungad. Kung sakaling tumingin ka sa kanila ay talaga sanang tumalikod ka mula sa kanila sa pagtakas at talaga sanang napuno ka dahil sa kanila ng hilakbot
Surah Al-Kahf, Verse 18


وَكَذَٰلِكَ بَعَثۡنَٰهُمۡ لِيَتَسَآءَلُواْ بَيۡنَهُمۡۚ قَالَ قَآئِلٞ مِّنۡهُمۡ كَمۡ لَبِثۡتُمۡۖ قَالُواْ لَبِثۡنَا يَوۡمًا أَوۡ بَعۡضَ يَوۡمٖۚ قَالُواْ رَبُّكُمۡ أَعۡلَمُ بِمَا لَبِثۡتُمۡ فَٱبۡعَثُوٓاْ أَحَدَكُم بِوَرِقِكُمۡ هَٰذِهِۦٓ إِلَى ٱلۡمَدِينَةِ فَلۡيَنظُرۡ أَيُّهَآ أَزۡكَىٰ طَعَامٗا فَلۡيَأۡتِكُم بِرِزۡقٖ مِّنۡهُ وَلۡيَتَلَطَّفۡ وَلَا يُشۡعِرَنَّ بِكُمۡ أَحَدًا

Gayon din, pumukaw Kami sa kanila upang magtanungan sila sa pagitan nila. May nagsabing isang tagapagsabi kabilang sa kanila: "Gaano katagal kayo namalagi?" Nagsabi sila: "Namalagi kami nang isang araw o isang bahagi ng araw." Nagsabi pa sila: "Ang Panginoon ninyo ay higit na maalam sa ipinamalagi ninyo. Kaya magpadala kayo ng isa sa inyo kalakip ng salaping pilak ninyong ito sa lungsod saka tumingin siya kung alin doon ang pinakadalisay bilang pagkain saka magdala siya sa inyo ng isang panustos mula rito at magpakaingat-ingat siya. Huwag nga siyang magparamdam hinggil sa inyo sa isa man
Surah Al-Kahf, Verse 19


إِنَّهُمۡ إِن يَظۡهَرُواْ عَلَيۡكُمۡ يَرۡجُمُوكُمۡ أَوۡ يُعِيدُوكُمۡ فِي مِلَّتِهِمۡ وَلَن تُفۡلِحُوٓاْ إِذًا أَبَدٗا

Tunay na sila, kung makababatid sa inyo, ay mambabato sa inyo o magpapanumbalik sa inyo sa kapaniwalaan nila at hindi kayo magtatagumpay, samakatuwid, magpakailanman
Surah Al-Kahf, Verse 20


وَكَذَٰلِكَ أَعۡثَرۡنَا عَلَيۡهِمۡ لِيَعۡلَمُوٓاْ أَنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞ وَأَنَّ ٱلسَّاعَةَ لَا رَيۡبَ فِيهَآ إِذۡ يَتَنَٰزَعُونَ بَيۡنَهُمۡ أَمۡرَهُمۡۖ فَقَالُواْ ٱبۡنُواْ عَلَيۡهِم بُنۡيَٰنٗاۖ رَّبُّهُمۡ أَعۡلَمُ بِهِمۡۚ قَالَ ٱلَّذِينَ غَلَبُواْ عَلَىٰٓ أَمۡرِهِمۡ لَنَتَّخِذَنَّ عَلَيۡهِم مَّسۡجِدٗا

Gayon din, ipinatuklas sa kanila upang makaalam sila na ang pangako ni Allāh ay totoo at na ang Huling Sandali ay walang pag-aalinlangan hinggil dito. [Ito ay] noong naghihidwaan sila sa pagitan nila sa nauukol sa kanila kaya nagsabi sila: "Magpatayo kayo sa ibabaw nila ng isang gusali. Ang Panginoon nila ay higit na maalam sa kanila." Nagsabi ang mga nanaig sa usapin nila: "Talagang gagawa nga kami sa ibabaw nila ng isang patirapaan
Surah Al-Kahf, Verse 21


سَيَقُولُونَ ثَلَٰثَةٞ رَّابِعُهُمۡ كَلۡبُهُمۡ وَيَقُولُونَ خَمۡسَةٞ سَادِسُهُمۡ كَلۡبُهُمۡ رَجۡمَۢا بِٱلۡغَيۡبِۖ وَيَقُولُونَ سَبۡعَةٞ وَثَامِنُهُمۡ كَلۡبُهُمۡۚ قُل رَّبِّيٓ أَعۡلَمُ بِعِدَّتِهِم مَّا يَعۡلَمُهُمۡ إِلَّا قَلِيلٞۗ فَلَا تُمَارِ فِيهِمۡ إِلَّا مِرَآءٗ ظَٰهِرٗا وَلَا تَسۡتَفۡتِ فِيهِم مِّنۡهُمۡ أَحَدٗا

Magsasabi ang mga iyon na [sila ay] tatlo, na ang ikaapat sa kanila ay ang aso nila; at magsasabi pa ang mga iyon na [sila ay] lima, na ang ikaanim sa kanila ay ang aso nila – bilang panghuhula sa lingid. Magsasabi ang mga iyon na [sila ay] pito, na ang ikawalo sa kanila ay ang aso nila. Sabihin mo: "Ang Panginoon ko ay higit na maalam sa bilang nila; walang nakaaalam sa kanila kundi kaunti. Kaya huwag kayong makipangatwiran hinggil sa kanila malibang ayon sa pakikipangatwirang hayag at huwag kayong magpahabilin hinggil sa kanila mula sa mga iyon sa isa man
Surah Al-Kahf, Verse 22


وَلَا تَقُولَنَّ لِشَاْيۡءٍ إِنِّي فَاعِلٞ ذَٰلِكَ غَدًا

Huwag ka ngang magsasabi sa anuman: "Tunay na ako ay gagawa niyon bukas
Surah Al-Kahf, Verse 23


إِلَّآ أَن يَشَآءَ ٱللَّهُۚ وَٱذۡكُر رَّبَّكَ إِذَا نَسِيتَ وَقُلۡ عَسَىٰٓ أَن يَهۡدِيَنِ رَبِّي لِأَقۡرَبَ مِنۡ هَٰذَا رَشَدٗا

maliban na [magsabing] loobin ni Allāh. Alalahanin mo ang Panginoon mo kapag nakalimot ka at sabihin mo: "Harinawang magpatnubay sa akin ang Panginoon ko para sa higit na malapit kaysa rito sa kagabayan
Surah Al-Kahf, Verse 24


وَلَبِثُواْ فِي كَهۡفِهِمۡ ثَلَٰثَ مِاْئَةٖ سِنِينَ وَٱزۡدَادُواْ تِسۡعٗا

Namalagi sila sa yungib nila nang tatlong daang taon at nadagdagan sila ng siyam
Surah Al-Kahf, Verse 25


قُلِ ٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِمَا لَبِثُواْۖ لَهُۥ غَيۡبُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ أَبۡصِرۡ بِهِۦ وَأَسۡمِعۡۚ مَا لَهُم مِّن دُونِهِۦ مِن وَلِيّٖ وَلَا يُشۡرِكُ فِي حُكۡمِهِۦٓ أَحَدٗا

Sabihin mo: "Si Allāh ay higit na maalam sa tagal ng ipinamalagi nila. Taglay Niya ang [kaalaman sa] Lingid sa mga langit at lupa. Kay husay ng pagkakita Niya at kay husay ng pagkarinig Niya. Walang ukol sa kanila bukod pa sa Kanya na anumang katangkilik. Hindi Siya nagpapatambal sa paghahatol Niya ng isa man
Surah Al-Kahf, Verse 26


وَٱتۡلُ مَآ أُوحِيَ إِلَيۡكَ مِن كِتَابِ رَبِّكَۖ لَا مُبَدِّلَ لِكَلِمَٰتِهِۦ وَلَن تَجِدَ مِن دُونِهِۦ مُلۡتَحَدٗا

Bumigkas ka ng ikinasi sa iyo mula sa Aklat ng Panginoon mo. Walang tagapagpalit sa mga salita Niya at hindi ka makatatagpo bukod pa sa Kanya ng isang madadaupan
Surah Al-Kahf, Verse 27


وَٱصۡبِرۡ نَفۡسَكَ مَعَ ٱلَّذِينَ يَدۡعُونَ رَبَّهُم بِٱلۡغَدَوٰةِ وَٱلۡعَشِيِّ يُرِيدُونَ وَجۡهَهُۥۖ وَلَا تَعۡدُ عَيۡنَاكَ عَنۡهُمۡ تُرِيدُ زِينَةَ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۖ وَلَا تُطِعۡ مَنۡ أَغۡفَلۡنَا قَلۡبَهُۥ عَن ذِكۡرِنَا وَٱتَّبَعَ هَوَىٰهُ وَكَانَ أَمۡرُهُۥ فُرُطٗا

Magpatiis ka ng sarili mo kasama sa mga dumadalangin sa Panginoon nila sa umaga at gabi, na nagnanais [ng kaluguran] ng mukha Niya. Huwag lumampas ang dalawang mata mo palayo sa kanila, na nagnanais ng gayak ng buhay na pangmundo. Huwag kang tumalima sa sinumang nagpalingat Kami sa puso niya palayo sa pag-aalaala sa Amin at sumunod sa pithaya niya habang ang nauukol sa kanya ay naging kapabayaan
Surah Al-Kahf, Verse 28


وَقُلِ ٱلۡحَقُّ مِن رَّبِّكُمۡۖ فَمَن شَآءَ فَلۡيُؤۡمِن وَمَن شَآءَ فَلۡيَكۡفُرۡۚ إِنَّآ أَعۡتَدۡنَا لِلظَّـٰلِمِينَ نَارًا أَحَاطَ بِهِمۡ سُرَادِقُهَاۚ وَإِن يَسۡتَغِيثُواْ يُغَاثُواْ بِمَآءٖ كَٱلۡمُهۡلِ يَشۡوِي ٱلۡوُجُوهَۚ بِئۡسَ ٱلشَّرَابُ وَسَآءَتۡ مُرۡتَفَقًا

Sabihin mo: "Ang katotohanan ay mula sa Panginoon ninyo. Kaya ang sinumang lumuob ay sumampalataya siya, at ang sinumang lumuob ay tumanggi siyang sumampalataya." Tunay na Kami ay naglaan para sa mga tagalabag sa katarungan ng isang apoy na papaligid sa kanila ang mga pader nito. Kung magpapasaklolo sila ay sasakloluhan sila ng isang tubig na gaya ng kumukulong langis, na iihaw sa mga mukha nila. Kay saklap ang inumin at kay sagwa ito bilang pahingahan
Surah Al-Kahf, Verse 29


إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَٰتِ إِنَّا لَا نُضِيعُ أَجۡرَ مَنۡ أَحۡسَنَ عَمَلًا

Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, tunay na Kami ay hindi nagsasayang sa pabuya sa sinumang nagpaganda ng gawa
Surah Al-Kahf, Verse 30


أُوْلَـٰٓئِكَ لَهُمۡ جَنَّـٰتُ عَدۡنٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهِمُ ٱلۡأَنۡهَٰرُ يُحَلَّوۡنَ فِيهَا مِنۡ أَسَاوِرَ مِن ذَهَبٖ وَيَلۡبَسُونَ ثِيَابًا خُضۡرٗا مِّن سُندُسٖ وَإِسۡتَبۡرَقٖ مُّتَّكِـِٔينَ فِيهَا عَلَى ٱلۡأَرَآئِكِۚ نِعۡمَ ٱلثَّوَابُ وَحَسُنَتۡ مُرۡتَفَقٗا

Ang mga iyon ay ukol sa kanila ang mga hardin ng Eden na dumadaloy mula sa ilalim nila ang mga ilog. Gagayakan sila roon mula sa mga pulseras na ginto at magsusuot sila ng mga kasuutang luntian mula sa manipis na sutla at makapal na sutla, habang mga nakasandal doon sa mga kama. Kay inam ang pabuya at kay ganda iyon bilang pahingahan
Surah Al-Kahf, Verse 31


۞وَٱضۡرِبۡ لَهُم مَّثَلٗا رَّجُلَيۡنِ جَعَلۡنَا لِأَحَدِهِمَا جَنَّتَيۡنِ مِنۡ أَعۡنَٰبٖ وَحَفَفۡنَٰهُمَا بِنَخۡلٖ وَجَعَلۡنَا بَيۡنَهُمَا زَرۡعٗا

Maglahad ka para sa kanila ng isang paghahalintulad sa dalawang lalaki. Nagtalaga Kami para sa isa sa kanilang dalawa ng dalawang hardin ng mga ubas, nagpalibot Kami sa dalawang ito ng mga punong-datiles, at naglagay Kami sa pagitan ng dalawang ito ng mga pananim
Surah Al-Kahf, Verse 32


كِلۡتَا ٱلۡجَنَّتَيۡنِ ءَاتَتۡ أُكُلَهَا وَلَمۡ تَظۡلِم مِّنۡهُ شَيۡـٔٗاۚ وَفَجَّرۡنَا خِلَٰلَهُمَا نَهَرٗا

Ang kapwa hardin ay nagbigay ng bunga nito at hindi nagkulang ito roon ng anuman. Nagpabulwak Kami sa gitna ng dalawang ito ng isang ilog
Surah Al-Kahf, Verse 33


وَكَانَ لَهُۥ ثَمَرٞ فَقَالَ لِصَٰحِبِهِۦ وَهُوَ يُحَاوِرُهُۥٓ أَنَا۠ أَكۡثَرُ مِنكَ مَالٗا وَأَعَزُّ نَفَرٗا

Nagkaroon siya ng bunga kaya nagsabi siya sa kasamahan niya habang siya ay nakikipagtalakayan dito: "Ako ay higit na marami kaysa sa iyo sa yaman at higit na makapangyarihan sa mga tauhan
Surah Al-Kahf, Verse 34


وَدَخَلَ جَنَّتَهُۥ وَهُوَ ظَالِمٞ لِّنَفۡسِهِۦ قَالَ مَآ أَظُنُّ أَن تَبِيدَ هَٰذِهِۦٓ أَبَدٗا

Pumasok siya sa hardin niya habang siya ay lumalabag sa katarungan sa sarili niya. Nagsabi siya: "Hindi ako nagpapalagay na mapupuksa ito magpakailanman
Surah Al-Kahf, Verse 35


وَمَآ أَظُنُّ ٱلسَّاعَةَ قَآئِمَةٗ وَلَئِن رُّدِدتُّ إِلَىٰ رَبِّي لَأَجِدَنَّ خَيۡرٗا مِّنۡهَا مُنقَلَبٗا

Hindi ako nagpapalagay na ang Huling Sandali ay magaganap. Talagang kung isasauli ako sa Panginoon ko ay talagang makatatagpo nga ako ng higit na mabuti kaysa rito bilang uwian
Surah Al-Kahf, Verse 36


قَالَ لَهُۥ صَاحِبُهُۥ وَهُوَ يُحَاوِرُهُۥٓ أَكَفَرۡتَ بِٱلَّذِي خَلَقَكَ مِن تُرَابٖ ثُمَّ مِن نُّطۡفَةٖ ثُمَّ سَوَّىٰكَ رَجُلٗا

Nagsabi sa kanya ang kasamahan niya habang ito ay nakikipagtalakayan sa kanya: "Tumanggi ka bang sumampalataya sa lumikha sa iyo mula sa alabok, pagkatapos mula sa patak ng punlay, pagkatapos bumuo sa iyo bilang lalaki
Surah Al-Kahf, Verse 37


لَّـٰكِنَّا۠ هُوَ ٱللَّهُ رَبِّي وَلَآ أُشۡرِكُ بِرَبِّيٓ أَحَدٗا

Subalit Siyang si Allāh ay Panginoon ko, at hindi ako nagtatambal sa Panginoon ko ng isa man
Surah Al-Kahf, Verse 38


وَلَوۡلَآ إِذۡ دَخَلۡتَ جَنَّتَكَ قُلۡتَ مَا شَآءَ ٱللَّهُ لَا قُوَّةَ إِلَّا بِٱللَّهِۚ إِن تَرَنِ أَنَا۠ أَقَلَّ مِنكَ مَالٗا وَوَلَدٗا

Bakit hindi ka, noong pumasok ka sa hardin mo, nagsabi: 'Ang niloob ni Allāh [ay naganap]; walang lakas maliban sa kay Allāh.' Kung nakikita mo ako mismo na higit na kaunti kaysa sa iyo sa yaman at anak
Surah Al-Kahf, Verse 39


فَعَسَىٰ رَبِّيٓ أَن يُؤۡتِيَنِ خَيۡرٗا مِّن جَنَّتِكَ وَيُرۡسِلَ عَلَيۡهَا حُسۡبَانٗا مِّنَ ٱلسَّمَآءِ فَتُصۡبِحَ صَعِيدٗا زَلَقًا

marahil ang Panginoon ko ay magbigay sa akin ng higit na mabuti kaysa sa hardin mo at magpadala riyan ng isang sakuna mula sa langit para iyan ay maging isang lupaing madulas
Surah Al-Kahf, Verse 40


أَوۡ يُصۡبِحَ مَآؤُهَا غَوۡرٗا فَلَن تَسۡتَطِيعَ لَهُۥ طَلَبٗا

o ang tubig niyan ay maging lubog [sa lupa] kaya hindi mo kakayaning makahanap nito
Surah Al-Kahf, Verse 41


وَأُحِيطَ بِثَمَرِهِۦ فَأَصۡبَحَ يُقَلِّبُ كَفَّيۡهِ عَلَىٰ مَآ أَنفَقَ فِيهَا وَهِيَ خَاوِيَةٌ عَلَىٰ عُرُوشِهَا وَيَقُولُ يَٰلَيۡتَنِي لَمۡ أُشۡرِكۡ بِرَبِّيٓ أَحَدٗا

Pumaligid sa mga bunga niya [ang pagkawasak] kaya nagsimula siyang nagbaling-baling ng mga kamay niya [sa panghihinayang] sa ginugol niya roon, samantalang iyon ay gumuho sa mga balag niyon, at nagsasabi: "O kung sana ako ay hindi nagtambal sa Panginoon ko ng isa man
Surah Al-Kahf, Verse 42


وَلَمۡ تَكُن لَّهُۥ فِئَةٞ يَنصُرُونَهُۥ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَمَا كَانَ مُنتَصِرًا

Hindi siya nagkaroon ng isang pangkatin na mag-aadya sa kanya bukod pa kay Allāh at hindi nangyari siya ay isang naiaadya
Surah Al-Kahf, Verse 43


هُنَالِكَ ٱلۡوَلَٰيَةُ لِلَّهِ ٱلۡحَقِّۚ هُوَ خَيۡرٞ ثَوَابٗا وَخَيۡرٌ عُقۡبٗا

Doon, ang pagtangkilik ay ukol kay Allāh, ang Totoo. Siya ay pinakamabuti sa gantimpala at pinakamabuti sa kinahihinatnan
Surah Al-Kahf, Verse 44


وَٱضۡرِبۡ لَهُم مَّثَلَ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا كَمَآءٍ أَنزَلۡنَٰهُ مِنَ ٱلسَّمَآءِ فَٱخۡتَلَطَ بِهِۦ نَبَاتُ ٱلۡأَرۡضِ فَأَصۡبَحَ هَشِيمٗا تَذۡرُوهُ ٱلرِّيَٰحُۗ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ مُّقۡتَدِرًا

Maglahad ka para sa kanila ng paghahalintulad sa buhay na pangmundo, na gaya ng tubig na pinababa Namin mula sa langit saka nahalo rito ang halaman ng lupa saka ito ay naging durog na tuyot na ikinakalat ng mga hangin. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Kumakaya
Surah Al-Kahf, Verse 45


ٱلۡمَالُ وَٱلۡبَنُونَ زِينَةُ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۖ وَٱلۡبَٰقِيَٰتُ ٱلصَّـٰلِحَٰتُ خَيۡرٌ عِندَ رَبِّكَ ثَوَابٗا وَخَيۡرٌ أَمَلٗا

Ang yaman at ang mga anak ay gayak ng buhay na pangmundo samantalang ang mga nanatiling gawang maayos ay higit na mabuti sa ganang Panginoon mo sa gantimpala at higit na mabuti sa pag-asa
Surah Al-Kahf, Verse 46


وَيَوۡمَ نُسَيِّرُ ٱلۡجِبَالَ وَتَرَى ٱلۡأَرۡضَ بَارِزَةٗ وَحَشَرۡنَٰهُمۡ فَلَمۡ نُغَادِرۡ مِنۡهُمۡ أَحَدٗا

[Banggitin mo] ang araw na mag-uusad Kami ng mga bundok at makikita mo ang lupa na nakalitaw at kakalap Kami sa kanila saka hindi Kami lilisan sa isa man mula sa kanila
Surah Al-Kahf, Verse 47


وَعُرِضُواْ عَلَىٰ رَبِّكَ صَفّٗا لَّقَدۡ جِئۡتُمُونَا كَمَا خَلَقۡنَٰكُمۡ أَوَّلَ مَرَّةِۭۚ بَلۡ زَعَمۡتُمۡ أَلَّن نَّجۡعَلَ لَكُم مَّوۡعِدٗا

Itatanghal sila sa Panginoon mo na nakahanay [at sasabihin:] "Talaga ngang pumunta kayo sa Amin gaya ng nilikha Namin kayo sa unang pagkakataon. Bagkus nag-angkin kayo na hindi Kami gagawa para sa inyo ng isang tipanan
Surah Al-Kahf, Verse 48


وَوُضِعَ ٱلۡكِتَٰبُ فَتَرَى ٱلۡمُجۡرِمِينَ مُشۡفِقِينَ مِمَّا فِيهِ وَيَقُولُونَ يَٰوَيۡلَتَنَا مَالِ هَٰذَا ٱلۡكِتَٰبِ لَا يُغَادِرُ صَغِيرَةٗ وَلَا كَبِيرَةً إِلَّآ أَحۡصَىٰهَاۚ وَوَجَدُواْ مَا عَمِلُواْ حَاضِرٗاۗ وَلَا يَظۡلِمُ رَبُّكَ أَحَدٗا

Ilalagay ang talaan saka makikita mo ang mga salarin habang mga nababagabag dahil sa nasaad dito at magsasabi sila: "O kapighatian sa amin; ano ang mayroon sa talaang ito na hindi lumilisan sa isang maliit ni isang malaki malibang inisa-isa nito iyon." Matatagpuan nila ang anumang ginawa nila na nakadalo. Hindi lumalabag sa katarungan ang Panginoon mo sa isa man
Surah Al-Kahf, Verse 49


وَإِذۡ قُلۡنَا لِلۡمَلَـٰٓئِكَةِ ٱسۡجُدُواْ لِأٓدَمَ فَسَجَدُوٓاْ إِلَّآ إِبۡلِيسَ كَانَ مِنَ ٱلۡجِنِّ فَفَسَقَ عَنۡ أَمۡرِ رَبِّهِۦٓۗ أَفَتَتَّخِذُونَهُۥ وَذُرِّيَّتَهُۥٓ أَوۡلِيَآءَ مِن دُونِي وَهُمۡ لَكُمۡ عَدُوُّۢۚ بِئۡسَ لِلظَّـٰلِمِينَ بَدَلٗا

[Banggitin] noong nagsabi Kami sa mga anghel: "Magpatirapa kayo kay Adan," kaya nagpatirapa naman sila maliban si Satanas; siya noon ay kabilang sa mga jinn ngunit nagpakasuwail siya sa utos ng Panginoon niya. Kaya ba gagawa kayo sa kanya at sa mga supling niya bilang mga katangkilik bukod pa sa Akin, samantalang sila para sa inyo ay kaaway? Kay saklap ito para sa mga tagalabag sa katarungan bilang pamalit
Surah Al-Kahf, Verse 50


۞مَّآ أَشۡهَدتُّهُمۡ خَلۡقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَلَا خَلۡقَ أَنفُسِهِمۡ وَمَا كُنتُ مُتَّخِذَ ٱلۡمُضِلِّينَ عَضُدٗا

Hindi Ko sila pinasaksi sa paglikha sa mga langit at lupa ni sa paglikha sa mga sarili nila. Hindi nangyaring Ako ay gagawa sa mga tagapagligaw bilang mga tagakatig
Surah Al-Kahf, Verse 51


وَيَوۡمَ يَقُولُ نَادُواْ شُرَكَآءِيَ ٱلَّذِينَ زَعَمۡتُمۡ فَدَعَوۡهُمۡ فَلَمۡ يَسۡتَجِيبُواْ لَهُمۡ وَجَعَلۡنَا بَيۡنَهُم مَّوۡبِقٗا

[Banggitin mo] ang araw na magsasabi Siya: "Manawagan kayo sa mga katambal sa Akin na inangkin ninyo," kaya tatawag sila sa mga iyon ngunit hindi tutugon ang mga iyon sa kanila at maglalagay Kami sa pagitan nila ng isang [lambak ng] kapahamakan
Surah Al-Kahf, Verse 52


وَرَءَا ٱلۡمُجۡرِمُونَ ٱلنَّارَ فَظَنُّوٓاْ أَنَّهُم مُّوَاقِعُوهَا وَلَمۡ يَجِدُواْ عَنۡهَا مَصۡرِفٗا

Makikita ng mga salarin ng Apoy saka makatitiyak sila na sila ay babagsak doon at hindi sila makatatagpo palayo roon ng isang malilihisan
Surah Al-Kahf, Verse 53


وَلَقَدۡ صَرَّفۡنَا فِي هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانِ لِلنَّاسِ مِن كُلِّ مَثَلٖۚ وَكَانَ ٱلۡإِنسَٰنُ أَكۡثَرَ شَيۡءٖ جَدَلٗا

Talaga ngang nagdetalye Kami sa Qur’ān na ito para sa mga tao ng bawat [uri ng] paghahalintulad. Laging ang tao ay pinakamadalas na bagay sa pakikipagtalo
Surah Al-Kahf, Verse 54


وَمَا مَنَعَ ٱلنَّاسَ أَن يُؤۡمِنُوٓاْ إِذۡ جَآءَهُمُ ٱلۡهُدَىٰ وَيَسۡتَغۡفِرُواْ رَبَّهُمۡ إِلَّآ أَن تَأۡتِيَهُمۡ سُنَّةُ ٱلۡأَوَّلِينَ أَوۡ يَأۡتِيَهُمُ ٱلۡعَذَابُ قُبُلٗا

Walang pumigil sa mga tao na sumampalataya sila noong dumating sa kanila ang patnubay at humingi sila ng tawad sa Panginoon nila kundi [ang paghiling] na pumunta sa kanila ang kalakaran ng mga sinauna o pumunta sa kanila ang pagdurusa nang harapan
Surah Al-Kahf, Verse 55


وَمَا نُرۡسِلُ ٱلۡمُرۡسَلِينَ إِلَّا مُبَشِّرِينَ وَمُنذِرِينَۚ وَيُجَٰدِلُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِٱلۡبَٰطِلِ لِيُدۡحِضُواْ بِهِ ٱلۡحَقَّۖ وَٱتَّخَذُوٓاْ ءَايَٰتِي وَمَآ أُنذِرُواْ هُزُوٗا

Hindi Kami nagsusugo ng mga isinugo kundi bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at bilang mga tagapagbabala. Nakikipagtalo ang mga tumangging sumampalataya sa pamamagitan ng kabulaanan upang magpamali sa pamamagitan nito sa katotohanan. Gumawa sila sa mga tanda Ko at sa ibinabala sa kanila bilang pangungutya
Surah Al-Kahf, Verse 56


وَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّن ذُكِّرَ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِۦ فَأَعۡرَضَ عَنۡهَا وَنَسِيَ مَا قَدَّمَتۡ يَدَاهُۚ إِنَّا جَعَلۡنَا عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ أَكِنَّةً أَن يَفۡقَهُوهُ وَفِيٓ ءَاذَانِهِمۡ وَقۡرٗاۖ وَإِن تَدۡعُهُمۡ إِلَى ٱلۡهُدَىٰ فَلَن يَهۡتَدُوٓاْ إِذًا أَبَدٗا

Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang napaalalahanan ng mga tanda ng Panginoon niya ngunit umayaw siya rito at lumimot siya ipinauna ng mga kamay niya. Tunay na Kami ay naglagay sa mga puso nila ng mga panakip sa pag-unawa nila nito at sa mga tainga nila ng pagkabingi. Kung mag-aanyaya ka sa kanila tungo sa patnubay ay hindi sila mapapatnubayan, samakatuwid, magpakailanman
Surah Al-Kahf, Verse 57


وَرَبُّكَ ٱلۡغَفُورُ ذُو ٱلرَّحۡمَةِۖ لَوۡ يُؤَاخِذُهُم بِمَا كَسَبُواْ لَعَجَّلَ لَهُمُ ٱلۡعَذَابَۚ بَل لَّهُم مَّوۡعِدٞ لَّن يَجِدُواْ مِن دُونِهِۦ مَوۡئِلٗا

Ang Panginoon mo ay ang Mapagpatawad, ang may awa. Kung sakaling maninisi Siya sa kanila dahil sa nakamit nila ay talaga sanang nagpamadali Siya para sa kanila ng pagdurusa. Bagkus ukol sa kanila ay isang tipanang hindi sila makatatagpo bukod pa rito ng isang malulusutan
Surah Al-Kahf, Verse 58


وَتِلۡكَ ٱلۡقُرَىٰٓ أَهۡلَكۡنَٰهُمۡ لَمَّا ظَلَمُواْ وَجَعَلۡنَا لِمَهۡلِكِهِم مَّوۡعِدٗا

Ang mga pamayanang iyon, nagpahamak Kami sa kanila noong lumabag sila sa katarungan at gumawa Kami para sa pagkakapahamakan nila ng isang tipanan
Surah Al-Kahf, Verse 59


وَإِذۡ قَالَ مُوسَىٰ لِفَتَىٰهُ لَآ أَبۡرَحُ حَتَّىٰٓ أَبۡلُغَ مَجۡمَعَ ٱلۡبَحۡرَيۡنِ أَوۡ أَمۡضِيَ حُقُبٗا

[Banggitin] noong nagsabi si Moises sa alila niya: "Hindi ako lulubay hanggang sa umabot ako sa pinagtitipunan ng dalawang dagat o isang magpatuloy ako sa mahabang panahon
Surah Al-Kahf, Verse 60


فَلَمَّا بَلَغَا مَجۡمَعَ بَيۡنِهِمَا نَسِيَا حُوتَهُمَا فَٱتَّخَذَ سَبِيلَهُۥ فِي ٱلۡبَحۡرِ سَرَبٗا

Kaya noong umabot silang dalawa sa pinagtitipunan sa pagitan ng dalawang [dagat] ay nakalimot silang dalawa sa isda nilang dalawa kaya gumawa ito ng landas nito sa dagat nang pailalim
Surah Al-Kahf, Verse 61


فَلَمَّا جَاوَزَا قَالَ لِفَتَىٰهُ ءَاتِنَا غَدَآءَنَا لَقَدۡ لَقِينَا مِن سَفَرِنَا هَٰذَا نَصَبٗا

Kaya noong lumampas silang dalawa ay nagsabi siya sa alila niya: "Dalhin mo sa atin ang agahan natin. Talaga ngang dumanas tayo mula sa paglalakbay nating ito ng isang pagkapagal
Surah Al-Kahf, Verse 62


قَالَ أَرَءَيۡتَ إِذۡ أَوَيۡنَآ إِلَى ٱلصَّخۡرَةِ فَإِنِّي نَسِيتُ ٱلۡحُوتَ وَمَآ أَنسَىٰنِيهُ إِلَّا ٱلشَّيۡطَٰنُ أَنۡ أَذۡكُرَهُۥۚ وَٱتَّخَذَ سَبِيلَهُۥ فِي ٱلۡبَحۡرِ عَجَبٗا

Nagsabi ito: "Nakita mo ba noong kumanlong tayo sa bato sapagkat tunay na ako ay nakalimot sa isda [doon]? Walang nagpalimot sa akin niyon kundi ang demonyo, na bumanggit sana ako niyon. Gumawa iyon ng landas niyon sa dagat nang kataka-taka
Surah Al-Kahf, Verse 63


قَالَ ذَٰلِكَ مَا كُنَّا نَبۡغِۚ فَٱرۡتَدَّا عَلَىٰٓ ءَاثَارِهِمَا قَصَصٗا

Nagsabi siya: "Iyon ay ang dati na nating hinahangad." Kaya bumalik silang dalawa sa mga bakas nilang dalawa sa pagtunton
Surah Al-Kahf, Verse 64


فَوَجَدَا عَبۡدٗا مِّنۡ عِبَادِنَآ ءَاتَيۡنَٰهُ رَحۡمَةٗ مِّنۡ عِندِنَا وَعَلَّمۡنَٰهُ مِن لَّدُنَّا عِلۡمٗا

Kaya nakatagpo silang dalawa ng isang lingkod kabilang sa mga lingkod Namin, na nagbigay Kami rito ng awa mula sa ganang Amin at nagturo Kami rito, mula sa nasa Amin, ng kaalaman
Surah Al-Kahf, Verse 65


قَالَ لَهُۥ مُوسَىٰ هَلۡ أَتَّبِعُكَ عَلَىٰٓ أَن تُعَلِّمَنِ مِمَّا عُلِّمۡتَ رُشۡدٗا

Nagsabi sa kanya si Moises: "Susunod kaya ako sa iyo para magturo ka sa akin mula sa itinuro sa iyo bilang gabay
Surah Al-Kahf, Verse 66


قَالَ إِنَّكَ لَن تَسۡتَطِيعَ مَعِيَ صَبۡرٗا

Nagsabi siya: "Tunay na ikaw ay hindi makakakaya sa akin sa pagtitiis
Surah Al-Kahf, Verse 67


وَكَيۡفَ تَصۡبِرُ عَلَىٰ مَا لَمۡ تُحِطۡ بِهِۦ خُبۡرٗا

Papaano kang magtitiis sa hindi ka nakapaligid doon sa kabatiran
Surah Al-Kahf, Verse 68


قَالَ سَتَجِدُنِيٓ إِن شَآءَ ٱللَّهُ صَابِرٗا وَلَآ أَعۡصِي لَكَ أَمۡرٗا

Nagsabi ito: "Matatagpuan mo ako, kung niloob ni Allāh, na isang magtitiis at hindi ako susuway sa iyo ng isang utos
Surah Al-Kahf, Verse 69


قَالَ فَإِنِ ٱتَّبَعۡتَنِي فَلَا تَسۡـَٔلۡنِي عَن شَيۡءٍ حَتَّىٰٓ أُحۡدِثَ لَكَ مِنۡهُ ذِكۡرٗا

Nagsabi siya: "Kaya kung susunod ka sa akin ay huwag kang magtanong sa akin tungkol sa isang bagay hanggang sa magpasimula ako para sa iyo mula rito ng isang pagbanggit
Surah Al-Kahf, Verse 70


فَٱنطَلَقَا حَتَّىٰٓ إِذَا رَكِبَا فِي ٱلسَّفِينَةِ خَرَقَهَاۖ قَالَ أَخَرَقۡتَهَا لِتُغۡرِقَ أَهۡلَهَا لَقَدۡ جِئۡتَ شَيۡـًٔا إِمۡرٗا

Kaya humayo silang dalawa hanggang sa nang nakasakay silang dalawa sa daong ay binutas niyon ito. Nagsabi ito: "Binutas mo ba ito upang lumunod ka sa may-ari nito? Talaga ngang gumawa ka ng isang bagay na kasuklam-suklam
Surah Al-Kahf, Verse 71


قَالَ أَلَمۡ أَقُلۡ إِنَّكَ لَن تَسۡتَطِيعَ مَعِيَ صَبۡرٗا

Nagsabi siya: "Hindi ba nagsabi ako tunay na ikaw ay hindi makakakaya sa pagtitiis sa akin
Surah Al-Kahf, Verse 72


قَالَ لَا تُؤَاخِذۡنِي بِمَا نَسِيتُ وَلَا تُرۡهِقۡنِي مِنۡ أَمۡرِي عُسۡرٗا

Nagsabi ito: "Huwag kang manisi sa akin sa nakalimutan ko at huwag kang magpabigat sa akin sa nauukol sa akin ng isang pahirap
Surah Al-Kahf, Verse 73


فَٱنطَلَقَا حَتَّىٰٓ إِذَا لَقِيَا غُلَٰمٗا فَقَتَلَهُۥ قَالَ أَقَتَلۡتَ نَفۡسٗا زَكِيَّةَۢ بِغَيۡرِ نَفۡسٖ لَّقَدۡ جِئۡتَ شَيۡـٔٗا نُّكۡرٗا

Kaya humayo silang dalawa hanggang sa nang nakasalubong silang dalawa ng isang batang lalaki ay pinatay niya iyon. Nagsabi ito: "Pumatay ka ba ng isang kaluluwang dalisay nang hindi dahil [sa pagpatay nito] sa isang kaluluwa? Talaga ngang gumawa ka ng isang bagay na pagkasama-sama
Surah Al-Kahf, Verse 74


۞قَالَ أَلَمۡ أَقُل لَّكَ إِنَّكَ لَن تَسۡتَطِيعَ مَعِيَ صَبۡرٗا

Nagsabi siya: "Hindi ba nagsabi ako tunay na ikaw ay hindi makakakaya sa akin sa pagtitiis
Surah Al-Kahf, Verse 75


قَالَ إِن سَأَلۡتُكَ عَن شَيۡءِۭ بَعۡدَهَا فَلَا تُصَٰحِبۡنِيۖ قَدۡ بَلَغۡتَ مِن لَّدُنِّي عُذۡرٗا

Nagsabi ito: "Kung magtatanong ako sa iyo tungkol sa isang bagay matapos nito ay huwag kang makisama sa akin. Nagtamo ka nga mula sa nasa akin ng isang paumanhin
Surah Al-Kahf, Verse 76


فَٱنطَلَقَا حَتَّىٰٓ إِذَآ أَتَيَآ أَهۡلَ قَرۡيَةٍ ٱسۡتَطۡعَمَآ أَهۡلَهَا فَأَبَوۡاْ أَن يُضَيِّفُوهُمَا فَوَجَدَا فِيهَا جِدَارٗا يُرِيدُ أَن يَنقَضَّ فَأَقَامَهُۥۖ قَالَ لَوۡ شِئۡتَ لَتَّخَذۡتَ عَلَيۡهِ أَجۡرٗا

Kaya humayo silang dalawa hanggang sa nang nakapunta silang dalawa sa mga naninirahan sa isang pamayanan ay humingi silang dalawa ng makakain sa mga naninirahan doon ngunit tumanggi ang mga iyon na tumanggap sa kanilang dalawa bilang panauhin. Saka nakatagpo silang dalawa roon ng isang pader na napipintong gumuho kaya itinayo niya iyon. Nagsabi ito: "Kung sakaling niloob mo ay talagang nakakuha ka para roon ng isang upa
Surah Al-Kahf, Verse 77


قَالَ هَٰذَا فِرَاقُ بَيۡنِي وَبَيۡنِكَۚ سَأُنَبِّئُكَ بِتَأۡوِيلِ مَا لَمۡ تَسۡتَطِع عَّلَيۡهِ صَبۡرًا

Nagsabi ito: "Ito ay ang paghihiwalay sa pagitan natin. Magbabalita ako sa iyo hinggil sa pagpapakahulugan ng hindi ka nakakaya roon ng isang pagtitiis
Surah Al-Kahf, Verse 78


أَمَّا ٱلسَّفِينَةُ فَكَانَتۡ لِمَسَٰكِينَ يَعۡمَلُونَ فِي ٱلۡبَحۡرِ فَأَرَدتُّ أَنۡ أَعِيبَهَا وَكَانَ وَرَآءَهُم مَّلِكٞ يَأۡخُذُ كُلَّ سَفِينَةٍ غَصۡبٗا

Hinggil sa daong, iyon ay pag-aari ng mga dukhang nagtatrabaho sa dagat. Kaya nagnais akong puminsala niyon, sa hulihan nila ay may haring nangunguha ng bawat daong bilang pangingikil
Surah Al-Kahf, Verse 79


وَأَمَّا ٱلۡغُلَٰمُ فَكَانَ أَبَوَاهُ مُؤۡمِنَيۡنِ فَخَشِينَآ أَن يُرۡهِقَهُمَا طُغۡيَٰنٗا وَكُفۡرٗا

Hinggil sa batang lalaki, ang mga magulang niya ay mga mananampalataya kaya natakot kami na magpabigat siya sa kanilang dalawa ng isang pagmamalabis at isang kawalang-pananampalataya
Surah Al-Kahf, Verse 80


فَأَرَدۡنَآ أَن يُبۡدِلَهُمَا رَبُّهُمَا خَيۡرٗا مِّنۡهُ زَكَوٰةٗ وَأَقۡرَبَ رُحۡمٗا

Kaya nagnais kami na magpalit sa kanilang dalawa ang Panginoon nilang dalawa ng isang higit na mabuti kaysa sa kanya sa kadalisayan at higit na malapit sa pagkaawa
Surah Al-Kahf, Verse 81


وَأَمَّا ٱلۡجِدَارُ فَكَانَ لِغُلَٰمَيۡنِ يَتِيمَيۡنِ فِي ٱلۡمَدِينَةِ وَكَانَ تَحۡتَهُۥ كَنزٞ لَّهُمَا وَكَانَ أَبُوهُمَا صَٰلِحٗا فَأَرَادَ رَبُّكَ أَن يَبۡلُغَآ أَشُدَّهُمَا وَيَسۡتَخۡرِجَا كَنزَهُمَا رَحۡمَةٗ مِّن رَّبِّكَۚ وَمَا فَعَلۡتُهُۥ عَنۡ أَمۡرِيۚ ذَٰلِكَ تَأۡوِيلُ مَا لَمۡ تَسۡطِع عَّلَيۡهِ صَبۡرٗا

Hinggil sa pader, iyon ay pag-aari ng dalawang batang lalaking ulila sa lungsod. Sa ilalim nito ay may kayaman para sa kanilang dalawa. Ang ama nilang dalawa ay matuwid. Kaya nagnais ang Panginoon mo na umabot silang dalawa sa kalakasan nilang dalawa at magpalabas silang dalawa ng kayamanan nilang dalawa bilang awa mula sa Panginoon mo. Hindi ako gumawa niyon dala ng pagkukusa ko. Iyon ay ang pagpapakahulugan ng hindi ka nakakaya roon ng isang pagtitiis
Surah Al-Kahf, Verse 82


وَيَسۡـَٔلُونَكَ عَن ذِي ٱلۡقَرۡنَيۡنِۖ قُلۡ سَأَتۡلُواْ عَلَيۡكُم مِّنۡهُ ذِكۡرًا

Nagtatanong sila sa iyo tungkol kay Dhulqarnayn. Sabihin mo: "Bibigkas ako sa inyo mula sa kanya ng isang pagbanggit
Surah Al-Kahf, Verse 83


إِنَّا مَكَّنَّا لَهُۥ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَءَاتَيۡنَٰهُ مِن كُلِّ شَيۡءٖ سَبَبٗا

Tunay na Kami ay nagbigay-kapangyarihan para sa kanya sa lupain at nagbigay sa kanya mula sa bawat ng isang daanan
Surah Al-Kahf, Verse 84


فَأَتۡبَعَ سَبَبًا

Kaya sumunod siya sa isang daanan
Surah Al-Kahf, Verse 85


حَتَّىٰٓ إِذَا بَلَغَ مَغۡرِبَ ٱلشَّمۡسِ وَجَدَهَا تَغۡرُبُ فِي عَيۡنٍ حَمِئَةٖ وَوَجَدَ عِندَهَا قَوۡمٗاۖ قُلۡنَا يَٰذَا ٱلۡقَرۡنَيۡنِ إِمَّآ أَن تُعَذِّبَ وَإِمَّآ أَن تَتَّخِذَ فِيهِمۡ حُسۡنٗا

hanggang sa nang umabot siya sa lubugan ng araw ay nakatagpo siya rito na [parang] lumulubog sa isang bukal na maburak at nakatagpo siya sa tabi niyon ng mga tao. Nagsabi Kami: O Dhulqarnayn, maski magparusa ka at maski gumawa ka sa kanila ng isang kagandahan
Surah Al-Kahf, Verse 86


قَالَ أَمَّا مَن ظَلَمَ فَسَوۡفَ نُعَذِّبُهُۥ ثُمَّ يُرَدُّ إِلَىٰ رَبِّهِۦ فَيُعَذِّبُهُۥ عَذَابٗا نُّكۡرٗا

Nagsabi Siya: "Hinggil sa sinumang lumabag sa katarungan, pagdurusahin namin ito. Pagkatapos isasauli ito sa Panginoon nito saka pagdurusahin Niya ito ng isang pagdurusang pagkasama-sama
Surah Al-Kahf, Verse 87


وَأَمَّا مَنۡ ءَامَنَ وَعَمِلَ صَٰلِحٗا فَلَهُۥ جَزَآءً ٱلۡحُسۡنَىٰۖ وَسَنَقُولُ لَهُۥ مِنۡ أَمۡرِنَا يُسۡرٗا

Hinggil sa sinumang sumampalataya at gumawa ng gawang maayos, ukol dito bilang ganti ang Pinakamaganda. Magsasabi kami rito mula sa utos namin nang magaan
Surah Al-Kahf, Verse 88


ثُمَّ أَتۡبَعَ سَبَبًا

Pagkatapos sumunod siya sa isang daanan
Surah Al-Kahf, Verse 89


حَتَّىٰٓ إِذَا بَلَغَ مَطۡلِعَ ٱلشَّمۡسِ وَجَدَهَا تَطۡلُعُ عَلَىٰ قَوۡمٖ لَّمۡ نَجۡعَل لَّهُم مِّن دُونِهَا سِتۡرٗا

hanggang sa nang umabot siya sa litawan ng araw ay nakatagpo siya rito na [parang] lumilitaw sa mga taong hindi Kami gumawa para sa kanila laban dito ng isang panakip
Surah Al-Kahf, Verse 90


كَذَٰلِكَۖ وَقَدۡ أَحَطۡنَا بِمَا لَدَيۡهِ خُبۡرٗا

Gayon, at pumaligid nga Kami sa anumang taglay niyang kabatiran
Surah Al-Kahf, Verse 91


ثُمَّ أَتۡبَعَ سَبَبًا

Pagkatapos sumunod siya sa isang daanan
Surah Al-Kahf, Verse 92


حَتَّىٰٓ إِذَا بَلَغَ بَيۡنَ ٱلسَّدَّيۡنِ وَجَدَ مِن دُونِهِمَا قَوۡمٗا لَّا يَكَادُونَ يَفۡقَهُونَ قَوۡلٗا

hanggang sa nang umabot siya sa pagitan ng dalawang bundok ay nakatagpo siya sa paanan ng dalawang ito ng mga taong hindi halos nakauunawa ng sinasabi
Surah Al-Kahf, Verse 93


قَالُواْ يَٰذَا ٱلۡقَرۡنَيۡنِ إِنَّ يَأۡجُوجَ وَمَأۡجُوجَ مُفۡسِدُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَهَلۡ نَجۡعَلُ لَكَ خَرۡجًا عَلَىٰٓ أَن تَجۡعَلَ بَيۡنَنَا وَبَيۡنَهُمۡ سَدّٗا

Nagsabi sila: "O Dhulqarnayn, tunay na ang Gog at ang Magog ay mga tagagulo sa lupain. Kaya magtatalaga kaya kami para sa iyo ng isang gugulin para gumawa ka sa pagitan namin at nila ng isang sagabal
Surah Al-Kahf, Verse 94


قَالَ مَا مَكَّنِّي فِيهِ رَبِّي خَيۡرٞ فَأَعِينُونِي بِقُوَّةٍ أَجۡعَلۡ بَيۡنَكُمۡ وَبَيۡنَهُمۡ رَدۡمًا

Nasabi siya: "Ang nagbigay-kapangyarihan sa akin doon ang Panginoon ko ay higit na mabuti; ngunit tulungan ninyo ako ng isang lakas, gagawa ako sa pagitan ninyo at nila ng isang saplad
Surah Al-Kahf, Verse 95


ءَاتُونِي زُبَرَ ٱلۡحَدِيدِۖ حَتَّىٰٓ إِذَا سَاوَىٰ بَيۡنَ ٱلصَّدَفَيۡنِ قَالَ ٱنفُخُواْۖ حَتَّىٰٓ إِذَا جَعَلَهُۥ نَارٗا قَالَ ءَاتُونِيٓ أُفۡرِغۡ عَلَيۡهِ قِطۡرٗا

Magbigay kayo sa akin ng mga kimpal ng bakal." Hanggang sa nang nagpantay siya sa pagitan ng dalawang bangin ay nagsabi siya: "Umihip kayo." Hanggang sa nang nakagawa siya rito na apoy ay nagsabi siya: "Magbigay kayo sa akin, magbubuhos ako rito ng lusaw ng tanso
Surah Al-Kahf, Verse 96


فَمَا ٱسۡطَٰعُوٓاْ أَن يَظۡهَرُوهُ وَمَا ٱسۡتَطَٰعُواْ لَهُۥ نَقۡبٗا

Kaya hindi sila nakakaya na umakyat roon at hindi sila nakakaya roon ng isang paglagos
Surah Al-Kahf, Verse 97


قَالَ هَٰذَا رَحۡمَةٞ مِّن رَّبِّيۖ فَإِذَا جَآءَ وَعۡدُ رَبِّي جَعَلَهُۥ دَكَّآءَۖ وَكَانَ وَعۡدُ رَبِّي حَقّٗا

Nagsabi siya: "Ito ay isang awa mula sa Panginoon ko; ngunit kapag dumating ang pangako ng Panginoon ko, gagawin Niya itong durog. Laging ang pangako ng Panginoon ko ay totoo
Surah Al-Kahf, Verse 98


۞وَتَرَكۡنَا بَعۡضَهُمۡ يَوۡمَئِذٖ يَمُوجُ فِي بَعۡضٖۖ وَنُفِخَ فِي ٱلصُّورِ فَجَمَعۡنَٰهُمۡ جَمۡعٗا

Mag-iiwan Kami sa iba sa kanila sa araw na iyon na dumadaluyong sa iba pa. Iihip sa tambuli saka magtitipon Kami sa kanila sa isang pagkakatipon
Surah Al-Kahf, Verse 99


وَعَرَضۡنَا جَهَنَّمَ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡكَٰفِرِينَ عَرۡضًا

Maglalahad Kami ng Impiyerno sa araw na iyon para sa mga tagatangging sumampalataya sa isang paglalahad
Surah Al-Kahf, Verse 100


ٱلَّذِينَ كَانَتۡ أَعۡيُنُهُمۡ فِي غِطَآءٍ عَن ذِكۡرِي وَكَانُواْ لَا يَسۡتَطِيعُونَ سَمۡعًا

[Sila] ang mga [taong] dati ang mga mata nila ay nasa isang pagtatakip palayo sa pag-aalaala sa Akin at sila dati ay hindi nakakakaya ng isang pagdinig
Surah Al-Kahf, Verse 101


أَفَحَسِبَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَن يَتَّخِذُواْ عِبَادِي مِن دُونِيٓ أَوۡلِيَآءَۚ إِنَّآ أَعۡتَدۡنَا جَهَنَّمَ لِلۡكَٰفِرِينَ نُزُلٗا

Kaya nag-akala ba ang mga tumangging sumampalataya na makagawa sila sa mga alipin Ko bukod pa sa Akin bilang mga katangkilik? Tunay na Kami ay naglaan sa Impiyerno para sa mga tagatangging sumampalataya bilang tuluyan
Surah Al-Kahf, Verse 102


قُلۡ هَلۡ نُنَبِّئُكُم بِٱلۡأَخۡسَرِينَ أَعۡمَٰلًا

Sabihin mo: "Magbabalita kaya kami sa inyo hinggil sa mga pinakalugi sa mga gawain
Surah Al-Kahf, Verse 103


ٱلَّذِينَ ضَلَّ سَعۡيُهُمۡ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا وَهُمۡ يَحۡسَبُونَ أَنَّهُمۡ يُحۡسِنُونَ صُنۡعًا

na mga nawala ang pinagsumikapan nila sa buhay na pangmundo habang sila ay nag-aakala na sila ay nagpapaganda sa paggawa
Surah Al-Kahf, Verse 104


أُوْلَـٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِمۡ وَلِقَآئِهِۦ فَحَبِطَتۡ أَعۡمَٰلُهُمۡ فَلَا نُقِيمُ لَهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ وَزۡنٗا

Ang mga iyon ay ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda ng Panginoon nila at pakikipagkita sa Kanya kaya nawalang-kabuluhan ang mga gawain nila saka hindi Kami mag-uukol para sa kanila sa Araw ng Pagbangon ng isang timbang
Surah Al-Kahf, Verse 105


ذَٰلِكَ جَزَآؤُهُمۡ جَهَنَّمُ بِمَا كَفَرُواْ وَٱتَّخَذُوٓاْ ءَايَٰتِي وَرُسُلِي هُزُوًا

Iyon ay ang ganti sa kanila: Impiyerno, dahil tumanggi silang sumampalataya at gumawa sila sa mga tanda Ko at mga sugo Ko bilang pangungutya
Surah Al-Kahf, Verse 106


إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَٰتِ كَانَتۡ لَهُمۡ جَنَّـٰتُ ٱلۡفِرۡدَوۡسِ نُزُلًا

Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay magiging ukol sa kanila ang mga Hardin ng Firdaws bilang tuluyan
Surah Al-Kahf, Verse 107


خَٰلِدِينَ فِيهَا لَا يَبۡغُونَ عَنۡهَا حِوَلٗا

bilang mga mananatili sa mga iyon, na hindi sila maghahangad palayo sa mga iyon ng isang paglipat
Surah Al-Kahf, Verse 108


قُل لَّوۡ كَانَ ٱلۡبَحۡرُ مِدَادٗا لِّكَلِمَٰتِ رَبِّي لَنَفِدَ ٱلۡبَحۡرُ قَبۡلَ أَن تَنفَدَ كَلِمَٰتُ رَبِّي وَلَوۡ جِئۡنَا بِمِثۡلِهِۦ مَدَدٗا

Sabihin mo: "Kung sakaling ang dagat ay tinta para sa mga salita ng Panginoon ko, talaga sanang naubos ang dagat bago maubos [isulat] ang mga salita ng Panginoon ko, kahit pa naghatid kami ng tulad nito na tinta
Surah Al-Kahf, Verse 109


قُلۡ إِنَّمَآ أَنَا۠ بَشَرٞ مِّثۡلُكُمۡ يُوحَىٰٓ إِلَيَّ أَنَّمَآ إِلَٰهُكُمۡ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞۖ فَمَن كَانَ يَرۡجُواْ لِقَآءَ رَبِّهِۦ فَلۡيَعۡمَلۡ عَمَلٗا صَٰلِحٗا وَلَا يُشۡرِكۡ بِعِبَادَةِ رَبِّهِۦٓ أَحَدَۢا

Sabihin mo: "Ako ay tao lamang tulad ninyo. Ikinakasi sa akin na ang Diyos ninyo ay Diyos na nag-iisa lamang. Kaya ang sinumang naging nag-aasam ng pakikipagkita sa Panginoon niya ay gumawa siya ng gawang maayos at huwag siyang magtambal sa pagsamba sa Panginoon Niya ng isa man
Surah Al-Kahf, Verse 110


Author: Www.islamhouse.com


<< Surah 17
>> Surah 19

Filipino Translations by other Authors


Filipino Translation By Abdullatif Eduardo M. Arceo
Filipino Translation By Www.islamhouse.com
Popular Areas
Apartments for rent in Dubai Apartments for rent Abu Dhabi Villas for rent in Dubai House for rent Abu Dhabi Apartments for sale in Dubai Apartments for sale in Abu Dhabi Flat for rent Sharjah
Popular Searches
Studios for rent in UAE Apartments for rent in UAE Villas for rent in UAE Apartments for sale in UAE Villas for sale in UAE Land for sale in UAE Dubai Real Estate
Trending Areas
Apartments for rent in Dubai Marina Apartments for sale in Dubai Marina Villa for rent in Sharjah Villa for sale in Dubai Flat for rent in Ajman Studio for rent in Abu Dhabi Villa for rent in Ajman
Trending Searches
Villa for rent in Abu Dhabi Shop for rent in Dubai Villas for sale in Ajman Studio for rent in Sharjah 1 Bedroom Apartment for rent in Dubai Property for rent in Abu Dhabi Commercial properties for sale
© Copyright Dubai Prayer Time. All Rights Reserved
Designed by Prayer Time In Dubai