Surah Maryam - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
كٓهيعٓصٓ
Kaf, Ha, Ya, Ain, Sad (mga titik Ka, Ha, Ya, A, Sa)
Surah Maryam, Verse 1
ذِكۡرُ رَحۡمَتِ رَبِّكَ عَبۡدَهُۥ زَكَرِيَّآ
(Ito ay) isang pagbanggit sa habag ng iyong Panginoon sa Kanyang aliping si Zakarias
Surah Maryam, Verse 2
إِذۡ نَادَىٰ رَبَّهُۥ نِدَآءً خَفِيّٗا
Nang siya ay manikluhod sa kanyang Panginoon (Allah); isang panawagan sa lihim
Surah Maryam, Verse 3
قَالَ رَبِّ إِنِّي وَهَنَ ٱلۡعَظۡمُ مِنِّي وَٱشۡتَعَلَ ٱلرَّأۡسُ شَيۡبٗا وَلَمۡ أَكُنۢ بِدُعَآئِكَ رَبِّ شَقِيّٗا
Na nagsasabi: “Aking Panginoon! Katotohanan, ang aking mga buto ay nagsisiurong na at ang puting buhok ay nakakalat na sa aking ulo, at ako kailanman ay hindi nawalan ng tugon sa aking panambitan sa Inyo, o aking Panginoon
Surah Maryam, Verse 4
وَإِنِّي خِفۡتُ ٱلۡمَوَٰلِيَ مِن وَرَآءِي وَكَانَتِ ٱمۡرَأَتِي عَاقِرٗا فَهَبۡ لِي مِن لَّدُنكَ وَلِيّٗا
At katotohanan, pinangangambahan ko ang aking mga kamag-anak na susunod sa akin sapagkat ang aking asawa ay baog. Kaya’t ako ay pagkalooban Ninyo mula sa Inyong sarili ng isang tagapagmana
Surah Maryam, Verse 5
يَرِثُنِي وَيَرِثُ مِنۡ ءَالِ يَعۡقُوبَۖ وَٱجۡعَلۡهُ رَبِّ رَضِيّٗا
Na susunod sa aking yapak at magmamana rin sa lahi ni Hakob (ang pagmamana ng karunungang pangrelihiyon at Pagka-propeta, at hindi sa kayamanan, atbp.). At (Inyong) gawin siya, aking Panginoon, bilang isa na Inyong tunay na kalulugdan!”
Surah Maryam, Verse 6
يَٰزَكَرِيَّآ إِنَّا نُبَشِّرُكَ بِغُلَٰمٍ ٱسۡمُهُۥ يَحۡيَىٰ لَمۡ نَجۡعَل لَّهُۥ مِن قَبۡلُ سَمِيّٗا
(Si Allah ay nagwika): “O Zakarias! Katotohanang Kami ay nagbibigay sa iyo ng isang masayang balita ng isang anak na lalaki, ang kanyang pangalan ay tatawaging Juan. Hindi Kami nagbigay kaninuman ng gayong pangalan.”
Surah Maryam, Verse 7
قَالَ رَبِّ أَنَّىٰ يَكُونُ لِي غُلَٰمٞ وَكَانَتِ ٱمۡرَأَتِي عَاقِرٗا وَقَدۡ بَلَغۡتُ مِنَ ٱلۡكِبَرِ عِتِيّٗا
Siya ay nagsabi: “Aking Panginoon! Paano ako magkakaroon ng isang anak na lalaki kung ang aking asawa ay baog, at ako ay sumapit na sa lubhang matandang gulang.”
Surah Maryam, Verse 8
قَالَ كَذَٰلِكَ قَالَ رَبُّكَ هُوَ عَلَيَّ هَيِّنٞ وَقَدۡ خَلَقۡتُكَ مِن قَبۡلُ وَلَمۡ تَكُ شَيۡـٔٗا
Siya (Allah) ay nagwika: “Mangyari nga (at ito ay magaganap)!Ang iyong Panginoon ang nagpapahayag; ito ay magaan lamang sa Akin. Katiyakang ikaw ay Aking nilikha ng ikaw ay mula pa sa wala!”
Surah Maryam, Verse 9
قَالَ رَبِّ ٱجۡعَل لِّيٓ ءَايَةٗۖ قَالَ ءَايَتُكَ أَلَّا تُكَلِّمَ ٱلنَّاسَ ثَلَٰثَ لَيَالٖ سَوِيّٗا
(Si Zakarias) ay nagsabi: “Aking Panginoon. Magtakda Kayo sa akin ng isang Tanda.” Siya (Allah) ay nagwika: “Ang iyong tanda ay mangyayari na ikaw ay hindi makakapangusap sa sangkatauhan sa loob ng tatlong gabi, kahima’t ikaw ay walang anumang kapansanan sa iyong katawan.”
Surah Maryam, Verse 10
فَخَرَجَ عَلَىٰ قَوۡمِهِۦ مِنَ ٱلۡمِحۡرَابِ فَأَوۡحَىٰٓ إِلَيۡهِمۡ أَن سَبِّحُواْ بُكۡرَةٗ وَعَشِيّٗا
At siya ay lumantad sa kanyang mga tao mula sa Al-Mihrab (isang lugar ng pagdarasal o pribadong silid, atbp.), siya ay nagsabi sa kanila sa pamamagitan ng senyas na ipagbunyi ang pagpaparangal kay Allah ng mga papuri sa umaga at sa hapon
Surah Maryam, Verse 11
يَٰيَحۡيَىٰ خُذِ ٱلۡكِتَٰبَ بِقُوَّةٖۖ وَءَاتَيۡنَٰهُ ٱلۡحُكۡمَ صَبِيّٗا
(At ito ang ipinagtagubilin sa kanyang anak na lalaki): “O Juan! Manangan kang maigi sa Kasulatan (Torah, ang mga Batas).” At Aming pinagkalooban siya ng karunungan habang siya ay bata pa
Surah Maryam, Verse 12
وَحَنَانٗا مِّن لَّدُنَّا وَزَكَوٰةٗۖ وَكَانَ تَقِيّٗا
At (pinapangyari Namin, na siya) ay maging may pagmamalasakit sa mga tao bilang isang habag (o paglingap) mula sa Amin, at dalisay sa mga kasalanan (alalaong baga, si Juan), at siya ay isang matuwid
Surah Maryam, Verse 13
وَبَرَّۢا بِوَٰلِدَيۡهِ وَلَمۡ يَكُن جَبَّارًا عَصِيّٗا
At masunurin sa kanyang magulang, at siya ay hindi palalo o palasuway (kay Allah o sa kanyang magulang)
Surah Maryam, Verse 14
وَسَلَٰمٌ عَلَيۡهِ يَوۡمَ وُلِدَ وَيَوۡمَ يَمُوتُ وَيَوۡمَ يُبۡعَثُ حَيّٗا
At Salamun (Kapayapaan) sa kanya sa araw na siya ay ipinanganak, sa araw na siya ay mamamatay, at sa araw na siya ay muling ibabangon sa pagkabuhay
Surah Maryam, Verse 15
وَٱذۡكُرۡ فِي ٱلۡكِتَٰبِ مَرۡيَمَ إِذِ ٱنتَبَذَتۡ مِنۡ أَهۡلِهَا مَكَانٗا شَرۡقِيّٗا
At banggitin sa Aklat (sa Qur’an, O Muhammad ang kasaysayan) ni Maria, nang siya ay humiwalay (muna) at mapag-isa (na malayo) sa kanyang pamilya sa isang lugar sa gawing silangan
Surah Maryam, Verse 16
فَٱتَّخَذَتۡ مِن دُونِهِمۡ حِجَابٗا فَأَرۡسَلۡنَآ إِلَيۡهَا رُوحَنَا فَتَمَثَّلَ لَهَا بَشَرٗا سَوِيّٗا
Siya ay naglagay ng lambong (upang pangalagaan ang kanyang sarili) sa kanila; at Aming isinugo sa kanya ang Aming ruh (ang Anghel na si Gabriel), at siya ay tumambad sa harap niya sa anyo ng isang ganap na tao
Surah Maryam, Verse 17
قَالَتۡ إِنِّيٓ أَعُوذُ بِٱلرَّحۡمَٰنِ مِنكَ إِن كُنتَ تَقِيّٗا
Siya (Maria) ay nagsabi: “Katotohanang ako ay humihingi ng kaligtasan mula sa Pinakamapagbigay (Allah) [laban] sa iyo, kung ikaw ay may pangangamba kay Allah.”
Surah Maryam, Verse 18
قَالَ إِنَّمَآ أَنَا۠ رَسُولُ رَبِّكِ لِأَهَبَ لَكِ غُلَٰمٗا زَكِيّٗا
(Ang Anghel) ay nagpahayag: “Ako ay isa lamang Tagapagbalita mula sa iyong Panginoon, (upang ibalita) sa iyo ang handog ng isang matuwid na anak na lalaki.”
Surah Maryam, Verse 19
قَالَتۡ أَنَّىٰ يَكُونُ لِي غُلَٰمٞ وَلَمۡ يَمۡسَسۡنِي بَشَرٞ وَلَمۡ أَكُ بَغِيّٗا
Siya (Maria) ay nagsabi: “Paano ako magkakaroon ng anak na lalaki gayong wala pang lalaki ang nakasaling sa akin, gayundin, ako ay isang malinis (na babae)?”
Surah Maryam, Verse 20
قَالَ كَذَٰلِكِ قَالَ رَبُّكِ هُوَ عَلَيَّ هَيِّنٞۖ وَلِنَجۡعَلَهُۥٓ ءَايَةٗ لِّلنَّاسِ وَرَحۡمَةٗ مِّنَّاۚ وَكَانَ أَمۡرٗا مَّقۡضِيّٗا
Siya (Gabriel) ay nagpahayag: “Mangyari nga (at ito ay magaganap)”, ang iyong Panginoon ang nagwika: “Ito ay magaan sa Akin (Allah): At (nais Namin) na italaga siya (anak na lalaki) bilang isang Tanda sa sangkatauhan at isang Habag mula sa Amin (Allah), at ito ay isang bagay (na napagpasyahan na) sa pag-uutos (ni Allah).”
Surah Maryam, Verse 21
۞فَحَمَلَتۡهُ فَٱنتَبَذَتۡ بِهِۦ مَكَانٗا قَصِيّٗا
At siya ay nagdalangtao sa kanya, at siya ay pumaroon na kasama niya (ang kanyang dinadala sa kanyang sinapupunan) sa isang malayong lugar (alalaong baga, sa Bethlehem, na mga apat hanggang anim na milya mula sa Herusalem)
Surah Maryam, Verse 22
فَأَجَآءَهَا ٱلۡمَخَاضُ إِلَىٰ جِذۡعِ ٱلنَّخۡلَةِ قَالَتۡ يَٰلَيۡتَنِي مِتُّ قَبۡلَ هَٰذَا وَكُنتُ نَسۡيٗا مَّنسِيّٗا
At ang sakit ng panganganak ay nagsadlak sa kanya sa tabi ng puno ng palmera (datiles). Siya ay nangusap: “Sana’y namatay na lamang ako bago ito nangyari sa akin, at nakalimutan at naglaho sa (kaninumang) paningin!”
Surah Maryam, Verse 23
فَنَادَىٰهَا مِن تَحۡتِهَآ أَلَّا تَحۡزَنِي قَدۡ جَعَلَ رَبُّكِ تَحۡتَكِ سَرِيّٗا
At (ang sanggol na si Hesus, o si Gabriel) ay nangusap sa kanyang paanan na nagsasabi: “Huwag kang manimdim! Ang iyong Panginoon ay nagkaloob ng isang dalisdis ng tubig sa iyong ibaba (paanan)
Surah Maryam, Verse 24
وَهُزِّيٓ إِلَيۡكِ بِجِذۡعِ ٱلنَّخۡلَةِ تُسَٰقِطۡ عَلَيۡكِ رُطَبٗا جَنِيّٗا
At iyong ugain ang puno ng palmera (datiles) sa iyong harapan, at dito ay malalaglag ang mga sariwa at hinog na bunga para sa iyo
Surah Maryam, Verse 25
فَكُلِي وَٱشۡرَبِي وَقَرِّي عَيۡنٗاۖ فَإِمَّا تَرَيِنَّ مِنَ ٱلۡبَشَرِ أَحَدٗا فَقُولِيٓ إِنِّي نَذَرۡتُ لِلرَّحۡمَٰنِ صَوۡمٗا فَلَنۡ أُكَلِّمَ ٱلۡيَوۡمَ إِنسِيّٗا
Kaya’t kumain ka at uminom at maging masaya, at kung ikaw ay makakatagpo ng sinumang tao, iyong sabihin: “Katotohanang ako ay nagtalaga ng pag-aayuno sa Pinakamapagbigay (Allah), kaya’t ako ay hindi makikipag- usap sa sinumang tao sa araw na ito.”
Surah Maryam, Verse 26
فَأَتَتۡ بِهِۦ قَوۡمَهَا تَحۡمِلُهُۥۖ قَالُواْ يَٰمَرۡيَمُ لَقَدۡ جِئۡتِ شَيۡـٔٗا فَرِيّٗا
At kanyang dinala siya (ang sanggol) sa kanyang pamayanan na kanyang kilik. Sila ay nagsabi: “o Maria! Katotohanang ikaw ay nagdala ng isang bagay na Fariyya (isang hindi naririnig na pambihirang bagay)
Surah Maryam, Verse 27
يَـٰٓأُخۡتَ هَٰرُونَ مَا كَانَ أَبُوكِ ٱمۡرَأَ سَوۡءٖ وَمَا كَانَتۡ أُمُّكِ بَغِيّٗا
o kapatid na babae ni Aaron (hindi si Aaron na kapatid ni Moises, datapuwa’t isa ring butihing lalaki sa panahon ni Maria)! Ang iyong ama ay isang tao na hindi gumagawa ng pangangalunya, gayundin ang iyong ina ay hindi isang maruming babae.”
Surah Maryam, Verse 28
فَأَشَارَتۡ إِلَيۡهِۖ قَالُواْ كَيۡفَ نُكَلِّمُ مَن كَانَ فِي ٱلۡمَهۡدِ صَبِيّٗا
At siya (Maria) ay tumuro sa kanya. Sila ay nagsabi: “Paano kami makikipag-usap sa kanya na isang sanggol pa sa kanyang duyan?”
Surah Maryam, Verse 29
قَالَ إِنِّي عَبۡدُ ٱللَّهِ ءَاتَىٰنِيَ ٱلۡكِتَٰبَ وَجَعَلَنِي نَبِيّٗا
Siya (Hesus) ay nagpahayag: “Katotohanang ako ay isang alipin ni Allah, ako ay Kanyang binigyan ng Kasulatan at ako ay hinirang Niya na isang propeta
Surah Maryam, Verse 30
وَجَعَلَنِي مُبَارَكًا أَيۡنَ مَا كُنتُ وَأَوۡصَٰنِي بِٱلصَّلَوٰةِ وَٱلزَّكَوٰةِ مَا دُمۡتُ حَيّٗا
At ginawa Niya na nabibiyayaan ako saan man akonaroroon, atnagtagubilinsaakinsapagdarasal, at Zakah (katungkulang kawanggawa), habang ako ay nabubuhay
Surah Maryam, Verse 31
وَبَرَّۢا بِوَٰلِدَتِي وَلَمۡ يَجۡعَلۡنِي جَبَّارٗا شَقِيّٗا
At maging masunurin sa aking ina, at (Kanyang) ginawaran ako na huwag maging palalo at mawalan ng pagtingin ng pasasalamat
Surah Maryam, Verse 32
وَٱلسَّلَٰمُ عَلَيَّ يَوۡمَ وُلِدتُّ وَيَوۡمَ أَمُوتُ وَيَوۡمَ أُبۡعَثُ حَيّٗا
Kaya’t Salam (Kapayapaan) ang sumaakin sa araw na ako ay ipinanganak, sa araw na ako ay mamamatay, at sa araw na ako ay muling ibabangon sa pagkabuhay!”
Surah Maryam, Verse 33
ذَٰلِكَ عِيسَى ٱبۡنُ مَرۡيَمَۖ قَوۡلَ ٱلۡحَقِّ ٱلَّذِي فِيهِ يَمۡتَرُونَ
Ito si Hesus, ang anak ni Maria, (ito ay) isang pahayag ng katotohanan, na rito sila ay nag-aalinlangan (o nagsisipagtalo-talo)
Surah Maryam, Verse 34
مَا كَانَ لِلَّهِ أَن يَتَّخِذَ مِن وَلَدٖۖ سُبۡحَٰنَهُۥٓۚ إِذَا قَضَىٰٓ أَمۡرٗا فَإِنَّمَا يَقُولُ لَهُۥ كُن فَيَكُونُ
Hindi isang katampatan (sa Kamahalan ni) Allah na Siya ay magkaanak ng isang lalaki (ito ay tungkol sa paninirang puri ng mga Kristiyano laban kay Allah sa pagsasabi na si Hesus ay anak ni Allah). Tunay Siyang Maluwalhati (at Kataas-taasan sa lahat ng kanilang mga itinatambal sa Kanya). Kung Siya ay magtakda ng isang bagay, Siya ay magwiwika lamang ng “Mangyari nga” at ito ay magaganap
Surah Maryam, Verse 35
وَإِنَّ ٱللَّهَ رَبِّي وَرَبُّكُمۡ فَٱعۡبُدُوهُۚ هَٰذَا صِرَٰطٞ مُّسۡتَقِيمٞ
(Si Hesus ay nagsabi): “At katotohanang si Allah ang aking Panginoon at inyong Panginoon. Kaya’t (tanging) sambahin Siya. Ito ang Tuwid na Landas (ang Relihiyon ni Allah, ang Islam na Kanyang ipinag-utos sa lahat ng Kanyang mga Propeta)
Surah Maryam, Verse 36
فَٱخۡتَلَفَ ٱلۡأَحۡزَابُ مِنۢ بَيۡنِهِمۡۖ فَوَيۡلٞ لِّلَّذِينَ كَفَرُواْ مِن مَّشۡهَدِ يَوۡمٍ عَظِيمٍ
At ang mga sekta ay nagkaiba- iba (alalaong baga, ang mga Kristiyano tungkol kay Hesus), kaya’t kasawian sa mga hindi sumasampalataya (sila na nagbibigay ng mga huwad na pagsaksi sa pagsasabi na si Hesus ay anak ni Allah), sa Pakikipagtipan ng Dakilang Araw (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay, kung kailan sila ay ihahagis sa naglalagablab na Apoy)
Surah Maryam, Verse 37
أَسۡمِعۡ بِهِمۡ وَأَبۡصِرۡ يَوۡمَ يَأۡتُونَنَا لَٰكِنِ ٱلظَّـٰلِمُونَ ٱلۡيَوۡمَ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ
Gaano kaliwanag na kanilang (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at walang pananalig sa Kaisahan ni Allah) mamamalas at maririnig, sa Araw na sila ay haharap na sa Amin! Datapuwa’t ang Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng kamalian, tampalasan, buhong, atbp.) sa ngayon ay nasa lantad na kamalian
Surah Maryam, Verse 38
وَأَنذِرۡهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡحَسۡرَةِ إِذۡ قُضِيَ ٱلۡأَمۡرُ وَهُمۡ فِي غَفۡلَةٖ وَهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ
At sila ay iyong bigyan ng babala (o Muhammad), ng Araw ng dalamhati at Pagsisisi, kung ang pangyayari ay napagpasyahan na, habang (sila ngayon) ay nasa kalagayan nang pagwawalang bahala at sila ay hindi sumasampalataya
Surah Maryam, Verse 39
إِنَّا نَحۡنُ نَرِثُ ٱلۡأَرۡضَ وَمَنۡ عَلَيۡهَا وَإِلَيۡنَا يُرۡجَعُونَ
Katotohanang Kami ang magmamana sa kalupaan at anumang naroroon, at sa Amin ang kanilang pagbabalik
Surah Maryam, Verse 40
وَٱذۡكُرۡ فِي ٱلۡكِتَٰبِ إِبۡرَٰهِيمَۚ إِنَّهُۥ كَانَ صِدِّيقٗا نَّبِيًّا
At banggitin sa Aklat (ang Qur’an) si Abraham. Tunay ngang siya ay isang tao ng katotohanan, isang Propeta
Surah Maryam, Verse 41
إِذۡ قَالَ لِأَبِيهِ يَـٰٓأَبَتِ لِمَ تَعۡبُدُ مَا لَا يَسۡمَعُ وَلَا يُبۡصِرُ وَلَا يُغۡنِي عَنكَ شَيۡـٔٗا
Nang kanyang sabihin sa kanyang ama: “o aking ama! Bakit ninyo sinasamba yaong hindi nakakarinig, at hindi nakakakita, gayundin ay hindi makakapagbigay sa inyo ng anuman
Surah Maryam, Verse 42
يَـٰٓأَبَتِ إِنِّي قَدۡ جَآءَنِي مِنَ ٱلۡعِلۡمِ مَا لَمۡ يَأۡتِكَ فَٱتَّبِعۡنِيٓ أَهۡدِكَ صِرَٰطٗا سَوِيّٗا
O aking ama ! Katotohanang may dumatal sa akin na karunungan na hindi sumapit sa inyo. Kaya’t ako ay inyong sundin, kayo ay aking gagabayan sa Matuwid na Landas
Surah Maryam, Verse 43
يَـٰٓأَبَتِ لَا تَعۡبُدِ ٱلشَّيۡطَٰنَۖ إِنَّ ٱلشَّيۡطَٰنَ كَانَ لِلرَّحۡمَٰنِ عَصِيّٗا
O aking ama! Huwag ninyong sambahin si Satanas. Katotohanang siya ay isang mapaghimagsik laban sa Pinakamapagbigay (Allah)
Surah Maryam, Verse 44
يَـٰٓأَبَتِ إِنِّيٓ أَخَافُ أَن يَمَسَّكَ عَذَابٞ مِّنَ ٱلرَّحۡمَٰنِ فَتَكُونَ لِلشَّيۡطَٰنِ وَلِيّٗا
o aking ama ! Katotohanang ako ay nangangamba, baka mangyari, na ang Kaparusahan ng Pinakamapagbigay (Allah) ay mabunsod sa inyo, at kayo ay magiging kasamahan ni Satanas (sa Apoy ng Impiyerno).”
Surah Maryam, Verse 45
قَالَ أَرَاغِبٌ أَنتَ عَنۡ ءَالِهَتِي يَـٰٓإِبۡرَٰهِيمُۖ لَئِن لَّمۡ تَنتَهِ لَأَرۡجُمَنَّكَۖ وَٱهۡجُرۡنِي مَلِيّٗا
Siya (ang ama ni Abraham) ay nangusap: “Ikaw baga ay nagtatakwil sa aking mga diyos, O Abraham? Kung ikaw ay hindi titigil (dito), katotohanang ikaw ay aking babatuhin. Kaya’t lumayo ka sa akin habang ikaw ay ligtas, bago pa kita ay maparusahan.”
Surah Maryam, Verse 46
قَالَ سَلَٰمٌ عَلَيۡكَۖ سَأَسۡتَغۡفِرُ لَكَ رَبِّيٓۖ إِنَّهُۥ كَانَ بِي حَفِيّٗا
Si Abraham ay nagsabi: “Ang kapayapaan ay sumainyo! Ako ay hihingi ng Kapatawaran para sa inyo mula sa aking Panginoon. Katotohanang Siya ay lagi nang sa akin ay Pinakamapagbigay
Surah Maryam, Verse 47
وَأَعۡتَزِلُكُمۡ وَمَا تَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَأَدۡعُواْ رَبِّي عَسَىٰٓ أَلَّآ أَكُونَ بِدُعَآءِ رَبِّي شَقِيّٗا
At ako ay tatalikod sa inyo sa lahat ng inyong pinananalanginan maliban pa kay Allah. At ako ay maninikluhod sa aking Panginoon; at ako ay umaasam na hindi mabibigo sa biyaya ng aking panawagan sa aking Panginoon.”
Surah Maryam, Verse 48
فَلَمَّا ٱعۡتَزَلَهُمۡ وَمَا يَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَهَبۡنَا لَهُۥٓ إِسۡحَٰقَ وَيَعۡقُوبَۖ وَكُلّٗا جَعَلۡنَا نَبِيّٗا
Kaya’t nang siya ay tumalikod sa kanila at sa kanilang mga sinasamba maliban pa kay Allah, ay Aming ipinagkaloob sa kanya si Isaac at Hakob, at ang bawat isa sa kanila ay Aming hinirang na Propeta
Surah Maryam, Verse 49
وَوَهَبۡنَا لَهُم مِّن رَّحۡمَتِنَا وَجَعَلۡنَا لَهُمۡ لِسَانَ صِدۡقٍ عَلِيّٗا
At ipinagkaloob Namin sa kanila ang Aming Habag (isang masaganang biyaya at ikabubuhay), at iginawad Namin sa kanila ang karangalan sa mga dila (ng lahat ng mga bansa o pamayanan, alalaong baga, ang bawat isa ay nakakaala-ala sa kanila na may magagandang papuri)
Surah Maryam, Verse 50
وَٱذۡكُرۡ فِي ٱلۡكِتَٰبِ مُوسَىٰٓۚ إِنَّهُۥ كَانَ مُخۡلَصٗا وَكَانَ رَسُولٗا نَّبِيّٗا
At banggitin sa Aklat (ang Qur’an) si Moises. Katotohanang siya ay hinirang, siya ay isang Tagapagbalita, (at) isang Propeta
Surah Maryam, Verse 51
وَنَٰدَيۡنَٰهُ مِن جَانِبِ ٱلطُّورِ ٱلۡأَيۡمَنِ وَقَرَّبۡنَٰهُ نَجِيّٗا
At Aming tinawag siya sa kanang bahagi ng Bundok, at Aming pinahintulutan siya na makalapit sa Amin tungo sa isang pakikipag-usap sa kanya (Moises)
Surah Maryam, Verse 52
وَوَهَبۡنَا لَهُۥ مِن رَّحۡمَتِنَآ أَخَاهُ هَٰرُونَ نَبِيّٗا
At ipinagkaloob Namin sa kanya ang kanyang kapatid na lalaki na si Aaron, (na isa ring) propeta, mula sa Aming Habag
Surah Maryam, Verse 53
وَٱذۡكُرۡ فِي ٱلۡكِتَٰبِ إِسۡمَٰعِيلَۚ إِنَّهُۥ كَانَ صَادِقَ ٱلۡوَعۡدِ وَكَانَ رَسُولٗا نَّبِيّٗا
At banggitin sa Aklat (ang Qur’an) si Ismail. Katotohanang siya ay tapat sa kanyang pangako, siya ay isang Tagapagbalita, (at) isang Propeta
Surah Maryam, Verse 54
وَكَانَ يَأۡمُرُ أَهۡلَهُۥ بِٱلصَّلَوٰةِ وَٱلزَّكَوٰةِ وَكَانَ عِندَ رَبِّهِۦ مَرۡضِيّٗا
At siya ay palagi nang nagtatagubilin sa kanyang pamilya at sa kanyang pamayanan ng As-Salah (alalaong baga, nag-uutos sa kanila na mag-alay ng dasal nang mahinusay), at ng Zakah (alalaong baga, ang magbayad ng katungkulang kawanggawa), at ang kanyang Panginoon ay nalulugod sa kanya
Surah Maryam, Verse 55
وَٱذۡكُرۡ فِي ٱلۡكِتَٰبِ إِدۡرِيسَۚ إِنَّهُۥ كَانَ صِدِّيقٗا نَّبِيّٗا
At banggitin sa Aklat (ang Qur’an) si Idris (Enoch). Katotohanang siya ay isang tao ng katotohanan, (at) isang Propeta
Surah Maryam, Verse 56
وَرَفَعۡنَٰهُ مَكَانًا عَلِيًّا
At Aming itinanghal siya sa mataas na himpilan
Surah Maryam, Verse 57
أُوْلَـٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ أَنۡعَمَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِم مِّنَ ٱلنَّبِيِّـۧنَ مِن ذُرِّيَّةِ ءَادَمَ وَمِمَّنۡ حَمَلۡنَا مَعَ نُوحٖ وَمِن ذُرِّيَّةِ إِبۡرَٰهِيمَ وَإِسۡرَـٰٓءِيلَ وَمِمَّنۡ هَدَيۡنَا وَٱجۡتَبَيۡنَآۚ إِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتُ ٱلرَّحۡمَٰنِ خَرُّواْۤ سُجَّدٗاۤ وَبُكِيّٗا۩
Sila nga ang pinagkalooban ni Allah ng Kanyang Biyaya sa lipon ng mga propeta, mula sa mga supling ni Adan, at sila na Aming tinangkilik (sa Barko o Arko) na kasama ni Noe, at sa mga supling ni Abraham at Israel, at mula sa lipon na Aming pinatnubayan at hinirang. Kung ang mga Talata (ng kapahayagan) ng Pinakamapagbigay (Allah) ay dinadalit sa kanila, sila ay nangangayupapa sa pagpapatirapa at pagtangis
Surah Maryam, Verse 58
۞فَخَلَفَ مِنۢ بَعۡدِهِمۡ خَلۡفٌ أَضَاعُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَٱتَّبَعُواْ ٱلشَّهَوَٰتِۖ فَسَوۡفَ يَلۡقَوۡنَ غَيًّا
At may sumunod sa kanila na mga sali’t saling lahi na nagpabaya sa kanilang pagdalangin (alalaong baga, hinayaan nila ang kanilang pagdarasal na mawalan ng saysay, maaaring ito ay hindi pag-aalay ng dasal o hindi pag-aalay nito nang ganap at mahinusay o wala sa takdang oras, atbp.), at sumunod sa (kanilang) mga pagnanasa (mga buktot na gawain at pag-iimbot). Kaya’t sila ay ihahagis sa Impiyerno
Surah Maryam, Verse 59
إِلَّا مَن تَابَ وَءَامَنَ وَعَمِلَ صَٰلِحٗا فَأُوْلَـٰٓئِكَ يَدۡخُلُونَ ٱلۡجَنَّةَ وَلَا يُظۡلَمُونَ شَيۡـٔٗا
Maliban sa kanila na nagtitika at sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Kanyang Tagapagbalitang si Muhammad), at nagsisigawa ng kabutihan. Sila nga ang papasok sa Paraiso at sila ay hindi bibigyan ng kamalian (o kawalan ng katarungan), kahit na katiting
Surah Maryam, Verse 60
جَنَّـٰتِ عَدۡنٍ ٱلَّتِي وَعَدَ ٱلرَّحۡمَٰنُ عِبَادَهُۥ بِٱلۡغَيۡبِۚ إِنَّهُۥ كَانَ وَعۡدُهُۥ مَأۡتِيّٗا
(Sila ay magsisipasok) sa Walang Hanggang Halamanan (Paraiso), na ipinangako sa Lingid ng Pinakamapagbigay (Allah) sa Kanyang mga alipin. Katotohanan, ang Kanyang pangako ay magaganap
Surah Maryam, Verse 61
لَّا يَسۡمَعُونَ فِيهَا لَغۡوًا إِلَّا سَلَٰمٗاۖ وَلَهُمۡ رِزۡقُهُمۡ فِيهَا بُكۡرَةٗ وَعَشِيّٗا
Sila ay hindi makakarinig dito (sa Paraiso) ng anumang walang saysay na pag-uusap, bagkus ay Salam lamang (ang pagbati ng Kapayapaan). At sasakanila rito ang panustos na ikabubuhay sa umaga at sa hapon
Surah Maryam, Verse 62
تِلۡكَ ٱلۡجَنَّةُ ٱلَّتِي نُورِثُ مِنۡ عِبَادِنَا مَن كَانَ تَقِيّٗا
Ito ang Paraiso na Aming ipagkakaloob bilang isang pamana sa kanila na Aming mga alipin na naging Al- Muttaqun (alalaong baga, mga matimtiman at banal na tao na nangangamba kay Allah at umiiwas sa lahat ng kasalanan at masasamang gawa na Kanyang ipinagbawal at tunay na nagmamahal kay Allah at nagsasagawa ng lahat ng uri ng kabutihan at mabuting gawa na Kanyang ipinag-utos)
Surah Maryam, Verse 63
وَمَا نَتَنَزَّلُ إِلَّا بِأَمۡرِ رَبِّكَۖ لَهُۥ مَا بَيۡنَ أَيۡدِينَا وَمَا خَلۡفَنَا وَمَا بَيۡنَ ذَٰلِكَۚ وَمَا كَانَ رَبُّكَ نَسِيّٗا
At kami (na mga anghel) ay hindi bumababa (pumapanaog) maliban na pag-utusan ng iyong Panginoon (O Muhammad). Sa Kanya ang pag-aangkin (ng lahat) ng nasa aming harapan at (lahat) ng nasa aming likuran at anuman ang nasa pagitan ng dalawang ito, at ang iyong Panginoon, kailanman ay hindi nakakalimot
Surah Maryam, Verse 64
رَّبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَا فَٱعۡبُدۡهُ وَٱصۡطَبِرۡ لِعِبَٰدَتِهِۦۚ هَلۡ تَعۡلَمُ لَهُۥ سَمِيّٗا
Ang Panginoon ng kalangitan at kalupaan, at lahat ng nasa pagitan nito, kaya’t (tanging) sambahin lamang Siya at maging matimtiman at matiyaga sa pagsamba sa Kanya. Kayo baga ay nakakaalam sa sinuman na katulad Niya? (di nga kasi, walang sinuman ang katulad o katapat Niya o maaaring maiwangki sa Kanya at wala Siyang katambal sa Kanyang pagka-Diyos; ‘Walang sinuman ang makakatulad Niya, at Siya ang Ganap na Nakakarinig, ang Ganap na Nakakamasid’)
Surah Maryam, Verse 65
وَيَقُولُ ٱلۡإِنسَٰنُ أَءِذَا مَا مِتُّ لَسَوۡفَ أُخۡرَجُ حَيًّا
At ang tao (na walang pananalig) ay nagsasabi: “Kung ako ba ay patay na, ako baga ay muling ibabangong (muli) sa pagkabuhay?”
Surah Maryam, Verse 66
أَوَلَا يَذۡكُرُ ٱلۡإِنسَٰنُ أَنَّا خَلَقۡنَٰهُ مِن قَبۡلُ وَلَمۡ يَكُ شَيۡـٔٗا
Hindi baga nagugunita ng tao na siya ay Aming nilikha noon, habang siya ay (mula) sa wala
Surah Maryam, Verse 67
فَوَرَبِّكَ لَنَحۡشُرَنَّهُمۡ وَٱلشَّيَٰطِينَ ثُمَّ لَنُحۡضِرَنَّهُمۡ حَوۡلَ جَهَنَّمَ جِثِيّٗا
Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Panginoon, katiyakang sila ay Aming titipunin nang sama-sama, at (gayundin) ang mga demonyo (na kasama nila), at sila ay Aming itatambad sa Impiyerno na lumiligid sa kanilang mga tuhod
Surah Maryam, Verse 68
ثُمَّ لَنَنزِعَنَّ مِن كُلِّ شِيعَةٍ أَيُّهُمۡ أَشَدُّ عَلَى ٱلرَّحۡمَٰنِ عِتِيّٗا
At katotohanan, Amin silang kakaladkarin mula sa bawat sekta, silang lahat na pinakamasama sa matigas na paghihimagsik, laban sa Pinakamapagbigay (Allah)
Surah Maryam, Verse 69
ثُمَّ لَنَحۡنُ أَعۡلَمُ بِٱلَّذِينَ هُمۡ أَوۡلَىٰ بِهَا صِلِيّٗا
At katotohanan, ganap Naming batid sila na karapat-dapat na masunog dito
Surah Maryam, Verse 70
وَإِن مِّنكُمۡ إِلَّا وَارِدُهَاۚ كَانَ عَلَىٰ رَبِّكَ حَتۡمٗا مَّقۡضِيّٗا
At walang sinuman sa inyo ang hindi magdaraan (tatawid) sa ibabaw nito (Impiyerno); ito ay nasa kapasiyahan ng iyong Panginoon, isang Pag-uutos na marapat na matupad
Surah Maryam, Verse 71
ثُمَّ نُنَجِّي ٱلَّذِينَ ٱتَّقَواْ وَّنَذَرُ ٱلظَّـٰلِمِينَ فِيهَا جِثِيّٗا
At Aming ililigtas sila na may pangangamba kay Allah at naging masunurin sa Amin. At Aming hahayaan ang Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng kamalian, buhong, buktot, atbp.) dito, na (nanggigipuspos) sa kanilang mga tuhod (sa Impiyerno)
Surah Maryam, Verse 72
وَإِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتُنَا بَيِّنَٰتٖ قَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لِلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَيُّ ٱلۡفَرِيقَيۡنِ خَيۡرٞ مَّقَامٗا وَأَحۡسَنُ نَدِيّٗا
At kung ang Aming Malilinaw na mga Talata ay ipinapahayag sa kanila, sila na hindi sumasampalataya (ang mga mayayaman at malalakas sa lipon ng mga paganong Quraish na namumuhay sa kariwasaan at luho) ay nagsasabi sa mga sumasampalataya (ang mga mahihina, mga mahihirap na kasamahan ni Propeta Muhammad na naghihikahos sa buhay): “Alin sa dalawang pangkat (alalaong baga, ang mga sumasampalataya at hindi nananampalataya) ang pinakamainam (sa punto) ng tungkulin, at gayundin kung tungkol sa himpilan (lugar ng kapulungan sa pagsasanggunian)
Surah Maryam, Verse 73
وَكَمۡ أَهۡلَكۡنَا قَبۡلَهُم مِّن قَرۡنٍ هُمۡ أَحۡسَنُ أَثَٰثٗا وَرِءۡيٗا
At gaano na karaming henerasyon (mga unang pamayanan o mga bansa) ang Amin nang winasak na una pa sa kanila, na higit na mainam sa kayamanan, mga kalakal at panlabas na anyo?”
Surah Maryam, Verse 74
قُلۡ مَن كَانَ فِي ٱلضَّلَٰلَةِ فَلۡيَمۡدُدۡ لَهُ ٱلرَّحۡمَٰنُ مَدًّاۚ حَتَّىٰٓ إِذَا رَأَوۡاْ مَا يُوعَدُونَ إِمَّا ٱلۡعَذَابَ وَإِمَّا ٱلسَّاعَةَ فَسَيَعۡلَمُونَ مَنۡ هُوَ شَرّٞ مَّكَانٗا وَأَضۡعَفُ جُندٗا
Ipagbadya (o Muhammad) sa sinumang nasa kamalian; ang Pinakamapagbigay (Allah) ay mag-aabot sa kanya (ng lubid), hanggang sa kanilang makita ang bagay na sa kanila ay ipinangako, maaaring ang kaparusahan o ang oras, - at kanilang mapag-aalaman kung sino ang nasa pinakamasamang kalagayan, at kung sino ang mahina sa lakas (o sandatahan). [Ito ang sagot sa talata bilang]
Surah Maryam, Verse 75
وَيَزِيدُ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ٱهۡتَدَوۡاْ هُدٗىۗ وَٱلۡبَٰقِيَٰتُ ٱلصَّـٰلِحَٰتُ خَيۡرٌ عِندَ رَبِّكَ ثَوَابٗا وَخَيۡرٞ مَّرَدًّا
At si Allah ang nagdaragdag ng patnubay sa kanila na lumalakad nang matuwid (tunay na nananalig sa Kaisahan ni Allah, na nangangamba kay Allah ng labis at umiiwas sa paggawa ng lahat ng uri ng kasalanan at masasamang gawa na Kanyang ipinagbawal at higit na nagmamahal kay allah sa paggawa ng lahat ng uri ng mabubuting gawa na Kanyang ipinag-utos). At ang mabubuting gawa na nagtatagal ay higit na mainam sa Paningin ng iyong Panginoon, para sa gantimpala at higit na mabuti sa pagpapala
Surah Maryam, Verse 76
أَفَرَءَيۡتَ ٱلَّذِي كَفَرَ بِـَٔايَٰتِنَا وَقَالَ لَأُوتَيَنَّ مَالٗا وَوَلَدًا
NapagmamasdanmobasiyananagpapabulaansaAming Ayat (sa Qur’an, at kay Muhammad) at (magkagayunman) ay nagsasabi: “Katiyakang ako ay bibigyan ng kayamanan at mga anak (kung ako ay muling bubuhayin)”
Surah Maryam, Verse 77
أَطَّلَعَ ٱلۡغَيۡبَ أَمِ ٱتَّخَذَ عِندَ ٱلرَّحۡمَٰنِ عَهۡدٗا
Talastas baga niya ang nalilingid o siya ba ay kumuha ng kasunduan mula sa Pinakamapagbigay (Allah)
Surah Maryam, Verse 78
كَلَّاۚ سَنَكۡتُبُ مَا يَقُولُ وَنَمُدُّ لَهُۥ مِنَ ٱلۡعَذَابِ مَدّٗا
Hindi! Aming (Allah) itatala ang kanyang sinasabi, at Aming daragdagan ang kanyang kaparusahan (sa Impiyerno)
Surah Maryam, Verse 79
وَنَرِثُهُۥ مَا يَقُولُ وَيَأۡتِينَا فَرۡدٗا
At Aming mamanahin mula sa kanya (sa oras ng kanyang kamatayan) ang lahat ng kanyang ipinangungusap (alalaong baga, ang kanyang kayamanan at mga anak na Aming ipinagkaloob sa kanya sa mundong ito), at siya ay lalapit sa Amin na nag- iisa
Surah Maryam, Verse 80
وَٱتَّخَذُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ ءَالِهَةٗ لِّيَكُونُواْ لَهُمۡ عِزّٗا
At sila ay tumangkilik (sa pagsamba) ng ibang mga diyos maliban pa kay Allah, upang sila ay makapagbigay sa kanila ng karangalan, kapangyarihan at kapurihan (at upang makapangalaga rin sa kanila sa kaparusahan ni Allah, atbp)
Surah Maryam, Verse 81
كَلَّاۚ سَيَكۡفُرُونَ بِعِبَادَتِهِمۡ وَيَكُونُونَ عَلَيۡهِمۡ ضِدًّا
Hindi, ang kanilang (tinatawag na mga diyos) ay magkakaila ng kanilang pagsamba sa kanila, at magiging mga kaaway nila (sa Araw ng Muling Pagkabuhay)
Surah Maryam, Verse 82
أَلَمۡ تَرَ أَنَّآ أَرۡسَلۡنَا ٱلشَّيَٰطِينَ عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ تَؤُزُّهُمۡ أَزّٗا
Hindi baga ninyo namamasdan na Aming isinugo ang mga demonyo laban sa mga hindi sumasampalataya upang itulak sila na gumawa ng kasamaan
Surah Maryam, Verse 83
فَلَا تَعۡجَلۡ عَلَيۡهِمۡۖ إِنَّمَا نَعُدُّ لَهُمۡ عَدّٗا
Kaya’t huwag kang magmadali laban sa kanila; Kami (Allah) ay nagbibilang lamang sa kanila sa bilang ng (natataningang) panahon (ng mga araw sa buhay sa mundong ito at nag-aantala sa kanilang taning upang sila ay maragdagan pa sa kasamaan at mga kasalanan)
Surah Maryam, Verse 84
يَوۡمَ نَحۡشُرُ ٱلۡمُتَّقِينَ إِلَى ٱلرَّحۡمَٰنِ وَفۡدٗا
Sa Araw na Aming titipunin ang Muttaqun (alalaong baga, ang mga matimtiman at matutuwid na tao na nangangamba ng labis kay Allah at umiiiwas sa lahat ng uri ng kasalanan at masasamang gawa na Kanyang ipinagbawal at higit na nagmamahal kay Allah sa paggawa ng lahat ng uri ng kabutihan na Kanyang ipinag- utos) tungo sa Pinakamapagbigay (Allah), na katulad ng isang kinatawan (na itinambad sa harap ng isang hari sa pagpaparangal)
Surah Maryam, Verse 85
وَنَسُوقُ ٱلۡمُجۡرِمِينَ إِلَىٰ جَهَنَّمَ وِرۡدٗا
At Aming itataboy ang Mujrimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, makasalanan, kriminal, buhong, buktot, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, atbp.) sa Impiyerno, sa uhaw na kalagayan (na katulad ng isang uhaw na kawan ng hayop na itinaboy sa tubigan)
Surah Maryam, Verse 86
لَّا يَمۡلِكُونَ ٱلشَّفَٰعَةَ إِلَّا مَنِ ٱتَّخَذَ عِندَ ٱلرَّحۡمَٰنِ عَهۡدٗا
walang sinumanangmaykapangyarihanngpamamagitan, maliban sa kanya na tumanggap ng pahintulot (o pangako) mula sa Pinakamapagbigay (Allah)
Surah Maryam, Verse 87
وَقَالُواْ ٱتَّخَذَ ٱلرَّحۡمَٰنُ وَلَدٗا
At sila ay nagsasabi: “Ang Pinakamapagbigay (Allah) ay nagkaanak ng isang lalaki (o supling o mga anak, na katulad ng pagsasabi ng mga Hudyo: Si Ezra ay anak na lalaki ni Allah; at ang mga Kristiyano ay nagsasabi na Siya ay nagkaanak ng lalaki [si Hesus], ang mga paganong Arabo ay nagsasabi na Siya ay nagkaanak ng mga babae [o mga anghel, atbp.]).”
Surah Maryam, Verse 88
لَّقَدۡ جِئۡتُمۡ شَيۡـًٔا إِدّٗا
Katotohanang kayo ay nagtambad (nagtaguri) ng isang kakila-kilabot na masamang bagay
Surah Maryam, Verse 89
تَكَادُ ٱلسَّمَٰوَٰتُ يَتَفَطَّرۡنَ مِنۡهُ وَتَنشَقُّ ٱلۡأَرۡضُ وَتَخِرُّ ٱلۡجِبَالُ هَدًّا
Na rito ang kalangitan ay halos mapunit, at ang kalupaan ay mabiyak mula sa ilalim, at ang kabundukan ay malansag sa pagkaguho
Surah Maryam, Verse 90
أَن دَعَوۡاْ لِلرَّحۡمَٰنِ وَلَدٗا
dahilan sa nag-aakibat sila ng isang anak na lalaki (o supling o mga anak) sa Pinakamapagbigay (Allah)
Surah Maryam, Verse 91
وَمَا يَنۢبَغِي لِلرَّحۡمَٰنِ أَن يَتَّخِذَ وَلَدًا
Datapuwa’t hindi isang katampatan (sa Kamahalan) ng Pinakamapagbigay (Allah) na Siya ay magkaanak ng anak na lalaki (o supling o mga anak)
Surah Maryam, Verse 92
إِن كُلُّ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ إِلَّآ ءَاتِي ٱلرَّحۡمَٰنِ عَبۡدٗا
walang sinuman sa kalangitan at sa kalupaan ang dumatal maliban na nagmula (siya) sa Pinakamapagbigay (Allah) bilang isang alipin
Surah Maryam, Verse 93
لَّقَدۡ أَحۡصَىٰهُمۡ وَعَدَّهُمۡ عَدّٗا
Katotohanang batid Niya ang bawat isa sa kanila, at silang lahat ay nabilang Niya sa ganap na pagsusulit (pagbibilang)
Surah Maryam, Verse 94
وَكُلُّهُمۡ ءَاتِيهِ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ فَرۡدًا
At ang bawat isa sa kanila ay paparoon sa Kanya na nag-iisa sa Araw ng Muling Pagkabuhay (na walang anumang kawaksi, tagapangalaga o tagapagtanggol)
Surah Maryam, Verse 95
إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَٰتِ سَيَجۡعَلُ لَهُمُ ٱلرَّحۡمَٰنُ وُدّٗا
Katotohanang sila na sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Kanyang Tagapagbalitang si Muhammad) at gumagawa ng mga gawa ng kabutihan, ang Pinakamapagbigay (Allah) ay magkakaloob ng pagmamahal sa kanila (sa puso ng mga sumasampalataya)
Surah Maryam, Verse 96
فَإِنَّمَا يَسَّرۡنَٰهُ بِلِسَانِكَ لِتُبَشِّرَ بِهِ ٱلۡمُتَّقِينَ وَتُنذِرَ بِهِۦ قَوۡمٗا لُّدّٗا
Kaya’t ginawa Namin ito (ang Qur’an), na magaan sa iyong sariling dila (o Muhammad), upang ikaw ay makapagbigay ng masayang balita sa Muttaqun (alalaong baga, mga matimtiman at matutuwid na tao na nangangamba ng labis kay Allah at umiiwas sa lahat ng uri ng kasalanan at masasamang gawa na Kanyang ipinagbawal at nagmamahal kay Allah ng labis at gumagawa ng lahat ng mabubuting gawa na Kanyang ipinag-utos), at upang mabigyan ng babala sa pamamagitan nito (ng Qur’an) ang Ludda (ang mga pinakapalaaway at magugulong tao)
Surah Maryam, Verse 97
وَكَمۡ أَهۡلَكۡنَا قَبۡلَهُم مِّن قَرۡنٍ هَلۡ تُحِسُّ مِنۡهُم مِّنۡ أَحَدٍ أَوۡ تَسۡمَعُ لَهُمۡ رِكۡزَۢا
At gaano na ba karaming henerasyon bago pa sa kanila ang Amin nang winasak! Ikaw ba (o Muhammad) ay makakatagpo kahit na isa man (lamang) sa kanila, o di kaya ay makakarinig ng kahit na isang bulong (man lamang) sa kanila
Surah Maryam, Verse 98