Surah Al-Baqara Verse 173 - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
Surah Al-Baqaraإِنَّمَا حَرَّمَ عَلَيۡكُمُ ٱلۡمَيۡتَةَ وَٱلدَّمَ وَلَحۡمَ ٱلۡخِنزِيرِ وَمَآ أُهِلَّ بِهِۦ لِغَيۡرِ ٱللَّهِۖ فَمَنِ ٱضۡطُرَّ غَيۡرَ بَاغٖ وَلَا عَادٖ فَلَآ إِثۡمَ عَلَيۡهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٌ
Ipinagbawal lamang Niya sa inyo ang Maytata (patay na karne o hayop), at dugo, at ang laman (o karne) ng baboy, at (mga hayop) na kinatay bilang sakripisyo (alay) maliban pa kay Allah (alalaong baga, inialay sa mga diyus-diyosan, o hindi binanggit ang Ngalan ni Allah sa sandali ng pagkakatay). Datapuwa’t kung sinuman ang napilitan dahilan sa pangangailangan, na walang pagnanais o paglabag sa pagsuway, kung gayon, ito ay hindi kasalanan sa kanya. Katotohanang si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain