Surah Al-Baqara Verse 213 - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
Surah Al-Baqaraكَانَ ٱلنَّاسُ أُمَّةٗ وَٰحِدَةٗ فَبَعَثَ ٱللَّهُ ٱلنَّبِيِّـۧنَ مُبَشِّرِينَ وَمُنذِرِينَ وَأَنزَلَ مَعَهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ بِٱلۡحَقِّ لِيَحۡكُمَ بَيۡنَ ٱلنَّاسِ فِيمَا ٱخۡتَلَفُواْ فِيهِۚ وَمَا ٱخۡتَلَفَ فِيهِ إِلَّا ٱلَّذِينَ أُوتُوهُ مِنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَتۡهُمُ ٱلۡبَيِّنَٰتُ بَغۡيَۢا بَيۡنَهُمۡۖ فَهَدَى ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لِمَا ٱخۡتَلَفُواْ فِيهِ مِنَ ٱلۡحَقِّ بِإِذۡنِهِۦۗ وَٱللَّهُ يَهۡدِي مَن يَشَآءُ إِلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٍ
Ang sangkatauhan ay isang pamayanan lamang at si Allah ang nagsusugo ng mga Tagapagbalita na may taglay na magandang balita at paala-ala; at sa kanila ay Kanyang ipinagkaloob ang Aklat sa katotohanan upang kanilang mahatulan ang mga tao sa mga bagay na hindi nila pinagkakasunduan; datapuwa’t ang Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano), matapos ang maliwanag na mga Katibayan (tanda, aral, kapahayagan, atbp.) ay dumatal sa kanila, ay hindi (lamang) nagkaiba-iba sa kanilang mga sarili, (bagkus), tangi pa rito, ay (sa kanilang) makasariling paghihimagsik. SiAllah, sapamamagitanng Kanyang Biyaya ay namatnubay sa mga sumasampalataya sa Katotohanan tungkol sa mga bagay na hindi nila pinagkakasunduan. Sapagkat si Allah ang namamatnubay sa sinumang Kanyang maibigan sa Tuwid na Landas