Surah Al-Baqara Verse 265 - Filipino Translation by Www.islamhouse.com
Surah Al-Baqaraوَمَثَلُ ٱلَّذِينَ يُنفِقُونَ أَمۡوَٰلَهُمُ ٱبۡتِغَآءَ مَرۡضَاتِ ٱللَّهِ وَتَثۡبِيتٗا مِّنۡ أَنفُسِهِمۡ كَمَثَلِ جَنَّةِۭ بِرَبۡوَةٍ أَصَابَهَا وَابِلٞ فَـَٔاتَتۡ أُكُلَهَا ضِعۡفَيۡنِ فَإِن لَّمۡ يُصِبۡهَا وَابِلٞ فَطَلّٞۗ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرٌ
Ang paghahalintulad sa mga gumugugol ng mga salapi nila sa paghahangad sa kaluguran ni Allāh at sa pagpapatatag sa mga sarili nila ay gaya ng paghahalintulad sa isang hardin sa nakaumbok na lupa na may tumama rito na isang masaganang ulan kaya nagbigay ito ng mga bunga nito nang dalawang ibayo, at kung walang tumama rito na isang masaganang ulan ay may ambon naman. Si Allāh, sa anumang ginagawa ninyo, ay Nakakikita