Surah Al-Baqara Verse 85 - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
Surah Al-Baqaraثُمَّ أَنتُمۡ هَـٰٓؤُلَآءِ تَقۡتُلُونَ أَنفُسَكُمۡ وَتُخۡرِجُونَ فَرِيقٗا مِّنكُم مِّن دِيَٰرِهِمۡ تَظَٰهَرُونَ عَلَيۡهِم بِٱلۡإِثۡمِ وَٱلۡعُدۡوَٰنِ وَإِن يَأۡتُوكُمۡ أُسَٰرَىٰ تُفَٰدُوهُمۡ وَهُوَ مُحَرَّمٌ عَلَيۡكُمۡ إِخۡرَاجُهُمۡۚ أَفَتُؤۡمِنُونَ بِبَعۡضِ ٱلۡكِتَٰبِ وَتَكۡفُرُونَ بِبَعۡضٖۚ فَمَا جَزَآءُ مَن يَفۡعَلُ ذَٰلِكَ مِنكُمۡ إِلَّا خِزۡيٞ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۖ وَيَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ يُرَدُّونَ إِلَىٰٓ أَشَدِّ ٱلۡعَذَابِۗ وَمَا ٱللَّهُ بِغَٰفِلٍ عَمَّا تَعۡمَلُونَ
Pagkaraan nito, kayo ang pumatay sa bawat isa sa inyo at nagtaboy ng isang pangkat sa kanilang mga tahanan; kayo ay tumulong (sa kanilang mga kaaway) laban sa kanila sa kasalanan at pagsuway. At kung sila ay dumating sa inyo bilang mga bihag, inyong ipinatutubos sila bagama’t ang pagtataboy sa kanila ay ipinagbabawal sa inyo. Kayo ba ay naniniwala lamang sa bahagi ng Kasulatan at nagtatakwil sa iba pa? Datapuwa’t ano ang kabayaran sa inyo na may pag-uugaling ganito, maliban sa kahihiyan sa buhay sa mundong ito? At sa Araw ng Muling Pagkabuhay, sila ay isasadlak sa kasakit-sakit na kaparusahan sapagkat si Allah ang may kabatiran sa inyong ginagawa