UAE Prayer Times

  • Dubai
  • Abu Dhabi
  • Sharjah
  • Ajman
  • Fujairah
  • Umm Al Quwain
  • Ras Al Khaimah
  • Quran Translations

Surah Taha - Filipino Translation by Www.islamhouse.com


طه

Ṭā. Hā
Surah Taha, Verse 1


مَآ أَنزَلۡنَا عَلَيۡكَ ٱلۡقُرۡءَانَ لِتَشۡقَىٰٓ

Hindi Kami nagpababa sa iyo ng Qur'ān upang lumumbay ka
Surah Taha, Verse 2


إِلَّا تَذۡكِرَةٗ لِّمَن يَخۡشَىٰ

malibang bilang pagpapaalaala para sa sinumang natatakot
Surah Taha, Verse 3


تَنزِيلٗا مِّمَّنۡ خَلَقَ ٱلۡأَرۡضَ وَٱلسَّمَٰوَٰتِ ٱلۡعُلَى

isang pagbababa [ng kasi] mula sa lumikha ng lupa at mga langit na pinakamatataas
Surah Taha, Verse 4


ٱلرَّحۡمَٰنُ عَلَى ٱلۡعَرۡشِ ٱسۡتَوَىٰ

Ang Napakamaawain ay sa trono lumuklok
Surah Taha, Verse 5


لَهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَا وَمَا تَحۡتَ ٱلثَّرَىٰ

Sa Kanya ang anumang nasa mga langit, ang anumang nasa lupa, ang anumang nasa pagitan ng mga ito, at ang anumang nasa ilalim ng alabok
Surah Taha, Verse 6


وَإِن تَجۡهَرۡ بِٱلۡقَوۡلِ فَإِنَّهُۥ يَعۡلَمُ ٱلسِّرَّ وَأَخۡفَى

Kung maglalantad ka ng sasabihin, tunay na Siya ay nakaaalam sa lihim at sa higit na kubli
Surah Taha, Verse 7


ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ لَهُ ٱلۡأَسۡمَآءُ ٱلۡحُسۡنَىٰ

Si Allāh ay walang Diyos kundi Siya. Ukol sa Kanya ang mga pangalang pinakamagaganda
Surah Taha, Verse 8


وَهَلۡ أَتَىٰكَ حَدِيثُ مُوسَىٰٓ

Nakarating kaya sa iyo ang sanaysay kay Moises
Surah Taha, Verse 9


إِذۡ رَءَا نَارٗا فَقَالَ لِأَهۡلِهِ ٱمۡكُثُوٓاْ إِنِّيٓ ءَانَسۡتُ نَارٗا لَّعَلِّيٓ ءَاتِيكُم مِّنۡهَا بِقَبَسٍ أَوۡ أَجِدُ عَلَى ٱلنَّارِ هُدٗى

Noong nakakita siya ng isang apoy ay nagsabi siya sa mag-anak niya: "Mamalagi kayo; tunay na ako ay nakatanaw ng isang apoy. Harinawa ako ay makapaghahatid sa inyo mula roon ng isang pamparikit o makatagpo ako sa apoy ng isang patnubay
Surah Taha, Verse 10


فَلَمَّآ أَتَىٰهَا نُودِيَ يَٰمُوسَىٰٓ

Kaya noong nakapunta siya roon ay tinawag siya: "O Moises
Surah Taha, Verse 11


إِنِّيٓ أَنَا۠ رَبُّكَ فَٱخۡلَعۡ نَعۡلَيۡكَ إِنَّكَ بِٱلۡوَادِ ٱلۡمُقَدَّسِ طُوٗى

tunay na Ako ay ang Panginoon mo. Kaya maghubad ka ng mga panyapak mo; tunay na ikaw ay nasa pinabanal na lambak ng Ṭuwā
Surah Taha, Verse 12


وَأَنَا ٱخۡتَرۡتُكَ فَٱسۡتَمِعۡ لِمَا يُوحَىٰٓ

Ako ay pumili sa iyo kaya makinig ka sa ikakasi
Surah Taha, Verse 13


إِنَّنِيٓ أَنَا ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّآ أَنَا۠ فَٱعۡبُدۡنِي وَأَقِمِ ٱلصَّلَوٰةَ لِذِكۡرِيٓ

Tunay na Ako ay si Allāh; walang Diyos kundi Ako, kaya sumamba ka sa Akin at magpanatili ka sa pagdarasal para sa pag-alaala sa Akin
Surah Taha, Verse 14


إِنَّ ٱلسَّاعَةَ ءَاتِيَةٌ أَكَادُ أُخۡفِيهَا لِتُجۡزَىٰ كُلُّ نَفۡسِۭ بِمَا تَسۡعَىٰ

Tunay na ang Huling Sandali ay darating. Halos ako ay magkubli nito upang gantimpalaan ang bawat kaluluwa sa anumang ipinagpunyagi nito
Surah Taha, Verse 15


فَلَا يَصُدَّنَّكَ عَنۡهَا مَن لَّا يُؤۡمِنُ بِهَا وَٱتَّبَعَ هَوَىٰهُ فَتَرۡدَىٰ

Kaya huwag ngang bumalakid sa iyo palayo roon ang sinumang hindi sumasampalataya roon at sumunod sa pithaya niya para [hindi] ka mapahamak
Surah Taha, Verse 16


وَمَا تِلۡكَ بِيَمِينِكَ يَٰمُوسَىٰ

Ano yaong nasa kanang kamay mo, O Moises
Surah Taha, Verse 17


قَالَ هِيَ عَصَايَ أَتَوَكَّؤُاْ عَلَيۡهَا وَأَهُشُّ بِهَا عَلَىٰ غَنَمِي وَلِيَ فِيهَا مَـَٔارِبُ أُخۡرَىٰ

Nagsabi ito: "Ito ay tungkod ko; sumasandal ako rito at nagpapalagas ako [ng mga dahon] sa pamamagitan nito para sa mga tupa ko. Mayroon ako ritong mga pinaggagamitang iba pa
Surah Taha, Verse 18


قَالَ أَلۡقِهَا يَٰمُوسَىٰ

Nagsabi Siya: "Ihagis mo iyan, O Moises
Surah Taha, Verse 19


فَأَلۡقَىٰهَا فَإِذَا هِيَ حَيَّةٞ تَسۡعَىٰ

Kaya inihagis nito iyon saka biglang iyon ay naging isang ahas na sumisibad
Surah Taha, Verse 20


قَالَ خُذۡهَا وَلَا تَخَفۡۖ سَنُعِيدُهَا سِيرَتَهَا ٱلۡأُولَىٰ

Nagsabi Siya: "Kunin mo iyan at huwag kang mangamba; magpapanumbalik Kami riyan sa unang lagay niyan
Surah Taha, Verse 21


وَٱضۡمُمۡ يَدَكَ إِلَىٰ جَنَاحِكَ تَخۡرُجۡ بَيۡضَآءَ مِنۡ غَيۡرِ سُوٓءٍ ءَايَةً أُخۡرَىٰ

Idikit mo ang kamay mo sa tagiliran mo, lalabas itong maputi na walang batik bilang isa pang tanda
Surah Taha, Verse 22


لِنُرِيَكَ مِنۡ ءَايَٰتِنَا ٱلۡكُبۡرَى

upang magpakita Kami sa iyo ng ilan sa mga tanda Naming pinakamalalaki
Surah Taha, Verse 23


ٱذۡهَبۡ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ إِنَّهُۥ طَغَىٰ

Pumunta ka kay Paraon; tunay na siya ay nagpakalabis
Surah Taha, Verse 24


قَالَ رَبِّ ٱشۡرَحۡ لِي صَدۡرِي

Nagsabi ito: "Panginoon ko, magpaluwag Ka para sa akin ng dibdib ko
Surah Taha, Verse 25


وَيَسِّرۡ لِيٓ أَمۡرِي

magpadali Ka para sa akin ng nauukol sa akin
Surah Taha, Verse 26


وَٱحۡلُلۡ عُقۡدَةٗ مِّن لِّسَانِي

magkalag Ka ng buhol mula sa dila ko
Surah Taha, Verse 27


يَفۡقَهُواْ قَوۡلِي

makauunawa sila sa sasabihin ko
Surah Taha, Verse 28


وَٱجۡعَل لِّي وَزِيرٗا مِّنۡ أَهۡلِي

gumawa Ka para sa akin ng isang katuwang mula sa mag-anak ko
Surah Taha, Verse 29


هَٰرُونَ أَخِي

si Aaron na kapatid ko
Surah Taha, Verse 30


ٱشۡدُدۡ بِهِۦٓ أَزۡرِي

magpatindi Ka sa pamamagitan niya ng lakas ko
Surah Taha, Verse 31


وَأَشۡرِكۡهُ فِيٓ أَمۡرِي

at magpalahok Ka sa kanya sa nauukol sa akin
Surah Taha, Verse 32


كَيۡ نُسَبِّحَكَ كَثِيرٗا

upang magluwalhati kami sa Iyo nang madalas
Surah Taha, Verse 33


وَنَذۡكُرَكَ كَثِيرًا

at umalaala kami sa Iyo nang madalas
Surah Taha, Verse 34


إِنَّكَ كُنتَ بِنَا بَصِيرٗا

Tunay na Ikaw, laging sa amin, ay Nakakikita
Surah Taha, Verse 35


قَالَ قَدۡ أُوتِيتَ سُؤۡلَكَ يَٰمُوسَىٰ

Nagsabi Siya: "Binigyan ka nga ng hiling mo, O Moises
Surah Taha, Verse 36


وَلَقَدۡ مَنَنَّا عَلَيۡكَ مَرَّةً أُخۡرَىٰٓ

Talaga ngang nagmagandang-loob Kami sa iyo sa isa pang pagkakataon
Surah Taha, Verse 37


إِذۡ أَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰٓ أُمِّكَ مَا يُوحَىٰٓ

noong nagkasi Kami sa ina mo ng ikinakasi
Surah Taha, Verse 38


أَنِ ٱقۡذِفِيهِ فِي ٱلتَّابُوتِ فَٱقۡذِفِيهِ فِي ٱلۡيَمِّ فَلۡيُلۡقِهِ ٱلۡيَمُّ بِٱلسَّاحِلِ يَأۡخُذۡهُ عَدُوّٞ لِّي وَعَدُوّٞ لَّهُۥۚ وَأَلۡقَيۡتُ عَلَيۡكَ مَحَبَّةٗ مِّنِّي وَلِتُصۡنَعَ عَلَىٰ عَيۡنِيٓ

na [nagsasabi]: 'Maghagis ka sa kanya sa baul saka maghagis ka nito sa ilog saka magtapon nito ang ilog sa pampang, kukunin siya ng isang kaaway para sa Akin at isang kaaway para sa kanya.' Nag-ukol Ako sa iyo ng isang pag-ibig mula sa Akin at upang mahubog ka sa ilalim ng mata Ko
Surah Taha, Verse 39


إِذۡ تَمۡشِيٓ أُخۡتُكَ فَتَقُولُ هَلۡ أَدُلُّكُمۡ عَلَىٰ مَن يَكۡفُلُهُۥۖ فَرَجَعۡنَٰكَ إِلَىٰٓ أُمِّكَ كَيۡ تَقَرَّ عَيۡنُهَا وَلَا تَحۡزَنَۚ وَقَتَلۡتَ نَفۡسٗا فَنَجَّيۡنَٰكَ مِنَ ٱلۡغَمِّ وَفَتَنَّـٰكَ فُتُونٗاۚ فَلَبِثۡتَ سِنِينَ فِيٓ أَهۡلِ مَدۡيَنَ ثُمَّ جِئۡتَ عَلَىٰ قَدَرٖ يَٰمُوسَىٰ

[Nagmagandang-loob sa iyo] noong pumunta ang babaing kapatid mo saka nagsabi: "Gagabay po kaya ako sa inyo sa mag-aaruga sa kanya?" Kaya nagpabalik Kami sa iyo sa ina mo upang magalak ang mata nito at hindi ito malungkot. Pumatay ka ng isang tao ngunit nagligtas Kami sa iyo mula sa dalamhati at sumubok Kami sa iyo ng isang pagsubok saka namalagi ka ng mga taon sa mga mamamayan ng Madyan. Pagkatapos dumating ka [rito] sa takdang [panahon], O Moises
Surah Taha, Verse 40


وَٱصۡطَنَعۡتُكَ لِنَفۡسِي

Humalal Ako sa iyo para sa sarili Ko
Surah Taha, Verse 41


ٱذۡهَبۡ أَنتَ وَأَخُوكَ بِـَٔايَٰتِي وَلَا تَنِيَا فِي ذِكۡرِي

Pumunta ka mismo at ang kapatid mo kalakip ng mga tanda Ko at huwag kayong dalawang lumubay sa pag-alaala sa Akin
Surah Taha, Verse 42


ٱذۡهَبَآ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ إِنَّهُۥ طَغَىٰ

Pumunta kayong dalawa kay Paraon; tunay na siya ay nagmalabis
Surah Taha, Verse 43


فَقُولَا لَهُۥ قَوۡلٗا لَّيِّنٗا لَّعَلَّهُۥ يَتَذَكَّرُ أَوۡ يَخۡشَىٰ

Saka magsabi kayong dalawa sa kanya ng isang pagsasabing banayad nang sa gayon siya ay magsasaalaala o matatakot
Surah Taha, Verse 44


قَالَا رَبَّنَآ إِنَّنَا نَخَافُ أَن يَفۡرُطَ عَلَيۡنَآ أَوۡ أَن يَطۡغَىٰ

Nagsabi silang dalawa: "Panginoon namin, tunay na kami ay nangangamba na magdali-dali siya [sa pagpaparusa] sa amin o magmalabis siya
Surah Taha, Verse 45


قَالَ لَا تَخَافَآۖ إِنَّنِي مَعَكُمَآ أَسۡمَعُ وَأَرَىٰ

Nagsabi Siya: "Huwag kayong dalawang mangamba. Tunay na Ako ay kasama sa inyong dalawa; nakaririnig Ako at nakakikita Ako
Surah Taha, Verse 46


فَأۡتِيَاهُ فَقُولَآ إِنَّا رَسُولَا رَبِّكَ فَأَرۡسِلۡ مَعَنَا بَنِيٓ إِسۡرَـٰٓءِيلَ وَلَا تُعَذِّبۡهُمۡۖ قَدۡ جِئۡنَٰكَ بِـَٔايَةٖ مِّن رَّبِّكَۖ وَٱلسَّلَٰمُ عَلَىٰ مَنِ ٱتَّبَعَ ٱلۡهُدَىٰٓ

Kaya pumunta kayong dalawa sa kanya saka magsabi kayong dalawa sa kanya: 'Tunay na kami ay dalawang sugo ng Panginoon mo kaya ipadala mo kasama sa amin ang mga anak ni Israel at huwag mo silang pagdusahin. Naghatid nga kami sa iyo ng isang tanda mula sa Panginoon mo. Ang kapayapaan ay sa sinumang sumunod sa patnubay
Surah Taha, Verse 47


إِنَّا قَدۡ أُوحِيَ إِلَيۡنَآ أَنَّ ٱلۡعَذَابَ عَلَىٰ مَن كَذَّبَ وَتَوَلَّىٰ

Tunay na kami ay kinasihan nga na ang pagdurusa ay sa sinumang nagpasinungaling at tumalikod
Surah Taha, Verse 48


قَالَ فَمَن رَّبُّكُمَا يَٰمُوسَىٰ

Nagsabi ito: "Kaya sino ang Panginoon ninyong dalawa, O Moises
Surah Taha, Verse 49


قَالَ رَبُّنَا ٱلَّذِيٓ أَعۡطَىٰ كُلَّ شَيۡءٍ خَلۡقَهُۥ ثُمَّ هَدَىٰ

Nagsabi siya: "Ang Panginoon namin ay ang nagbigay sa bawat bagay ng kaanyuan nito, pagkatapos nagpatnubay
Surah Taha, Verse 50


قَالَ فَمَا بَالُ ٱلۡقُرُونِ ٱلۡأُولَىٰ

Nagsabi ito: "Kaya paano naman ang lagay ng mga salinlahing una
Surah Taha, Verse 51


قَالَ عِلۡمُهَا عِندَ رَبِّي فِي كِتَٰبٖۖ لَّا يَضِلُّ رَبِّي وَلَا يَنسَى

Nagsabi siya: "Ang kaalaman doon ay nasa ganang Panginoon ko sa isang talaan. Hindi naliligaw ang Panginoon ko at hindi Siya nakalilimot
Surah Taha, Verse 52


ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلۡأَرۡضَ مَهۡدٗا وَسَلَكَ لَكُمۡ فِيهَا سُبُلٗا وَأَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَأَخۡرَجۡنَا بِهِۦٓ أَزۡوَٰجٗا مِّن نَّبَاتٖ شَتَّىٰ

[Siya] ang gumawa para sa inyo ng lupa bilang nakalatag, nagsingit para sa inyo rito ng mga landas, at nagpababa mula sa langit ng tubig." Kaya nagpalabas sa pamamagitan nito ng mga kaurian ng halamang sarisari
Surah Taha, Verse 53


كُلُواْ وَٱرۡعَوۡاْ أَنۡعَٰمَكُمۡۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّأُوْلِي ٱلنُّهَىٰ

Kumain kayo at magpastol kayo ng mga hayupan ninyo. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga may katinuan
Surah Taha, Verse 54


۞مِنۡهَا خَلَقۡنَٰكُمۡ وَفِيهَا نُعِيدُكُمۡ وَمِنۡهَا نُخۡرِجُكُمۡ تَارَةً أُخۡرَىٰ

Mula rito lumikha Kami sa inyo, dito magpapanumbalik Kami sa inyo, at mula rito magpapalabas Kami sa inyo sa isang pagkakataong iba pa
Surah Taha, Verse 55


وَلَقَدۡ أَرَيۡنَٰهُ ءَايَٰتِنَا كُلَّهَا فَكَذَّبَ وَأَبَىٰ

Talaga ngang nagpakita Kami sa kanya ng mga tanda Namin sa kabuuan ng mga ito ngunit nagpasinungaling siya at tumanggi siya
Surah Taha, Verse 56


قَالَ أَجِئۡتَنَا لِتُخۡرِجَنَا مِنۡ أَرۡضِنَا بِسِحۡرِكَ يَٰمُوسَىٰ

Nagsabi ito: "Dumating ka ba sa amin upang magpalabas ka sa amin mula sa lupain namin sa pamamagitan ng panggagaway mo, O Moises
Surah Taha, Verse 57


فَلَنَأۡتِيَنَّكَ بِسِحۡرٖ مِّثۡلِهِۦ فَٱجۡعَلۡ بَيۡنَنَا وَبَيۡنَكَ مَوۡعِدٗا لَّا نُخۡلِفُهُۥ نَحۡنُ وَلَآ أَنتَ مَكَانٗا سُوٗى

Kaya talagang magdadala nga kami sa iyo ng isang panggagaway tulad niyon. Kaya gumawa ka sa pagitan namin at ninyo ng isang tipanang hindi sisira niyon kami ni kayo sa isang pook na kalagitnaan
Surah Taha, Verse 58


قَالَ مَوۡعِدُكُمۡ يَوۡمُ ٱلزِّينَةِ وَأَن يُحۡشَرَ ٱلنَّاسُ ضُحٗى

Nagsabi siya: "Ang tipanan ninyo ay ang araw ng gayak at na kalapin ang mga tao sa gitnang-umaga
Surah Taha, Verse 59


فَتَوَلَّىٰ فِرۡعَوۡنُ فَجَمَعَ كَيۡدَهُۥ ثُمَّ أَتَىٰ

Kaya tumalikod si Paraon saka bumuo ito ng pakana nito, pagkatapos pumunta ito
Surah Taha, Verse 60


قَالَ لَهُم مُّوسَىٰ وَيۡلَكُمۡ لَا تَفۡتَرُواْ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبٗا فَيُسۡحِتَكُم بِعَذَابٖۖ وَقَدۡ خَابَ مَنِ ٱفۡتَرَىٰ

Nagsabi sa kanila si Moises: "Kapighatian sa inyo! Huwag kayong gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan sapagkat pupuksa Siya sa inyo sa pamamagitan ng isang pagdurusa. Nabigo nga ang sinumang gumawa-gawa
Surah Taha, Verse 61


فَتَنَٰزَعُوٓاْ أَمۡرَهُم بَيۡنَهُمۡ وَأَسَرُّواْ ٱلنَّجۡوَىٰ

Kaya naghidwaan sila sa nauukol sa kanila sa pagitan nila at naglihim sila ng pagtatapatan
Surah Taha, Verse 62


قَالُوٓاْ إِنۡ هَٰذَٰنِ لَسَٰحِرَٰنِ يُرِيدَانِ أَن يُخۡرِجَاكُم مِّنۡ أَرۡضِكُم بِسِحۡرِهِمَا وَيَذۡهَبَا بِطَرِيقَتِكُمُ ٱلۡمُثۡلَىٰ

Nagsabi sila: "Tunay na ang dalawang ito ay talagang dalawang manggagaway na nagnanais na magpalabas sa inyo mula sa lupain ninyo sa pamamagitan ng panggagaway nilang dalawa at mag-alis sa pamamaraan ninyong pinakauliran
Surah Taha, Verse 63


فَأَجۡمِعُواْ كَيۡدَكُمۡ ثُمَّ ٱئۡتُواْ صَفّٗاۚ وَقَدۡ أَفۡلَحَ ٱلۡيَوۡمَ مَنِ ٱسۡتَعۡلَىٰ

Kaya magkaisa kayo sa pakana ninyo, pagkatapos pumunta kayo nang pahanay. Nagtagumpay nga sa araw na ito ang nangibabaw
Surah Taha, Verse 64


قَالُواْ يَٰمُوسَىٰٓ إِمَّآ أَن تُلۡقِيَ وَإِمَّآ أَن نَّكُونَ أَوَّلَ مَنۡ أَلۡقَىٰ

Nagsabi sila: "O Moises, maaaring pumukol ka o maaaring maging kami ang una sa pupukol
Surah Taha, Verse 65


قَالَ بَلۡ أَلۡقُواْۖ فَإِذَا حِبَالُهُمۡ وَعِصِيُّهُمۡ يُخَيَّلُ إِلَيۡهِ مِن سِحۡرِهِمۡ أَنَّهَا تَسۡعَىٰ

Nagsabi siya: "Bagkus pumukol kayo." Kaya biglang ang mga lubid nila at ang mga tungkod nila ay ginuniguni sa kanya, dahil sa panggagaway nila, na ang mga ito ay sumisibad
Surah Taha, Verse 66


فَأَوۡجَسَ فِي نَفۡسِهِۦ خِيفَةٗ مُّوسَىٰ

Kaya nakadama sa sarili niya ng isang pangangamba si Moises
Surah Taha, Verse 67


قُلۡنَا لَا تَخَفۡ إِنَّكَ أَنتَ ٱلۡأَعۡلَىٰ

Nagsabi Kami: "Huwag kang mangamba; tunay na ikaw ay ang pinakamataas
Surah Taha, Verse 68


وَأَلۡقِ مَا فِي يَمِينِكَ تَلۡقَفۡ مَا صَنَعُوٓاْۖ إِنَّمَا صَنَعُواْ كَيۡدُ سَٰحِرٖۖ وَلَا يُفۡلِحُ ٱلسَّاحِرُ حَيۡثُ أَتَىٰ

Magpukol ka ng nasa kanang kamay mo, lalamon ito sa niyari nila. Yumari lamang sila ng isang pakana ng isang manggagaway at hindi nagtatagumpay ang manggagaway saanman siya pumunta
Surah Taha, Verse 69


فَأُلۡقِيَ ٱلسَّحَرَةُ سُجَّدٗا قَالُوٓاْ ءَامَنَّا بِرَبِّ هَٰرُونَ وَمُوسَىٰ

Kaya napahandusay ang mga manggagaway na mga nakapatirapa. Nagsabi sila: "Sumampalataya kami sa Panginoon nina Aaron at Moises
Surah Taha, Verse 70


قَالَ ءَامَنتُمۡ لَهُۥ قَبۡلَ أَنۡ ءَاذَنَ لَكُمۡۖ إِنَّهُۥ لَكَبِيرُكُمُ ٱلَّذِي عَلَّمَكُمُ ٱلسِّحۡرَۖ فَلَأُقَطِّعَنَّ أَيۡدِيَكُمۡ وَأَرۡجُلَكُم مِّنۡ خِلَٰفٖ وَلَأُصَلِّبَنَّكُمۡ فِي جُذُوعِ ٱلنَّخۡلِ وَلَتَعۡلَمُنَّ أَيُّنَآ أَشَدُّ عَذَابٗا وَأَبۡقَىٰ

Nagsabi ito: "Naniwala kayo sa kanya bago ako magpahintulot sa inyo. Tunay na siya ay talagang ang pasimuno ninyo na nagturo sa inyo ng panggagaway. Kaya talagang magpuputul-putol nga ako ng mga kamay ninyo at mga paa ninyo nang kabilaan, talagang magbibitin nga ako sa inyo sa mga puno ng mga datiles, at talagang makaaalam nga kayo kung alin sa atin ang higit na matindi sa [pagdudulot ng] pagdurusa at higit na nananatili
Surah Taha, Verse 71


قَالُواْ لَن نُّؤۡثِرَكَ عَلَىٰ مَا جَآءَنَا مِنَ ٱلۡبَيِّنَٰتِ وَٱلَّذِي فَطَرَنَاۖ فَٱقۡضِ مَآ أَنتَ قَاضٍۖ إِنَّمَا تَقۡضِي هَٰذِهِ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَآ

Nagsabi sila: "Hindi kami magtatangi sa iyo higit sa dumating sa amin na mga malinaw na patunay at [higit] sa lumalang sa amin. Kaya magtadhana ka ng anumang ikaw ay magtatadhana. Nagtatadhana ka lamang sa buhay na ito sa Mundo
Surah Taha, Verse 72


إِنَّآ ءَامَنَّا بِرَبِّنَا لِيَغۡفِرَ لَنَا خَطَٰيَٰنَا وَمَآ أَكۡرَهۡتَنَا عَلَيۡهِ مِنَ ٱلسِّحۡرِۗ وَٱللَّهُ خَيۡرٞ وَأَبۡقَىٰٓ

Tunay na kami ay sumampalataya sa Panginoon namin upang magpatawad Siya sa amin sa mga kamalian namin at sa ipinilit mo sa amin na panggagaway. Si Allāh ay higit na mabuti at higit na nananatili
Surah Taha, Verse 73


إِنَّهُۥ مَن يَأۡتِ رَبَّهُۥ مُجۡرِمٗا فَإِنَّ لَهُۥ جَهَنَّمَ لَا يَمُوتُ فِيهَا وَلَا يَحۡيَىٰ

Tunay na ang sinumang pumunta sa Panginoon niya bilang salarin, tunay na ukol sa kanya ay Impiyerno. Hindi siya mamamatay roon at hindi mabubuhay
Surah Taha, Verse 74


وَمَن يَأۡتِهِۦ مُؤۡمِنٗا قَدۡ عَمِلَ ٱلصَّـٰلِحَٰتِ فَأُوْلَـٰٓئِكَ لَهُمُ ٱلدَّرَجَٰتُ ٱلۡعُلَىٰ

Ang sinumang pumunta sa Kanya bilang mananampalataya ay gumawa nga ng mga maayos na gawa. Kaya ang mga iyon ay ukol sa kanila ang mga antas na pinakamatataas
Surah Taha, Verse 75


جَنَّـٰتُ عَدۡنٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ وَذَٰلِكَ جَزَآءُ مَن تَزَكَّىٰ

ang mga hardin ng Eden na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito. Iyon ay ang ganti sa sinumang nagpakadalisay
Surah Taha, Verse 76


وَلَقَدۡ أَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰ مُوسَىٰٓ أَنۡ أَسۡرِ بِعِبَادِي فَٱضۡرِبۡ لَهُمۡ طَرِيقٗا فِي ٱلۡبَحۡرِ يَبَسٗا لَّا تَخَٰفُ دَرَكٗا وَلَا تَخۡشَىٰ

Talaga ngang nagkasi Kami kay Moises, na [nagsasabi]: "Maglakbay ka sa gabi kasama ng mga lingkod ko saka gumawa ka para sa kanila ng isang tuyong daan sa dagat; huwag kang mangamba sa pagkaabot at huwag kang matakot
Surah Taha, Verse 77


فَأَتۡبَعَهُمۡ فِرۡعَوۡنُ بِجُنُودِهِۦ فَغَشِيَهُم مِّنَ ٱلۡيَمِّ مَا غَشِيَهُمۡ

Kaya nagpasunod sa kanila si Paraon ng mga kawal niya saka bumalot sa kanila mula sa dagat ang bumalot sa kanila
Surah Taha, Verse 78


وَأَضَلَّ فِرۡعَوۡنُ قَوۡمَهُۥ وَمَا هَدَىٰ

Nagligaw si Paraon sa mga tao niya at hindi nagpatnubay
Surah Taha, Verse 79


يَٰبَنِيٓ إِسۡرَـٰٓءِيلَ قَدۡ أَنجَيۡنَٰكُم مِّنۡ عَدُوِّكُمۡ وَوَٰعَدۡنَٰكُمۡ جَانِبَ ٱلطُّورِ ٱلۡأَيۡمَنَ وَنَزَّلۡنَا عَلَيۡكُمُ ٱلۡمَنَّ وَٱلسَّلۡوَىٰ

O mga anak ni Israel, nagligtas nga Kami sa inyo mula sa kaaway ninyo, nakipagtipan Kami sa inyo sa kanang gilid ng bundok, at nagbaba Kami sa inyo ng manna at pugo
Surah Taha, Verse 80


كُلُواْ مِن طَيِّبَٰتِ مَا رَزَقۡنَٰكُمۡ وَلَا تَطۡغَوۡاْ فِيهِ فَيَحِلَّ عَلَيۡكُمۡ غَضَبِيۖ وَمَن يَحۡلِلۡ عَلَيۡهِ غَضَبِي فَقَدۡ هَوَىٰ

Kumain kayo mula sa mga kaaya-aya na itinustos Namin sa inyo at huwag kayong magmalabis dito para [hindi] dumapo sa inyo ang galit Ko. Ang sinumang dumapo sa kanya ang galit Ko ay napariwara nga
Surah Taha, Verse 81


وَإِنِّي لَغَفَّارٞ لِّمَن تَابَ وَءَامَنَ وَعَمِلَ صَٰلِحٗا ثُمَّ ٱهۡتَدَىٰ

Tunay na Ako ay talagang Palapatawad para sa sinumang nagbalik-loob, sumampalataya, at gumawa ng maayos, pagkatapos napatnubayan
Surah Taha, Verse 82


۞وَمَآ أَعۡجَلَكَ عَن قَوۡمِكَ يَٰمُوسَىٰ

Ano ang nagpamadali sa iyo palayo sa mga tao mo, O Moises
Surah Taha, Verse 83


قَالَ هُمۡ أُوْلَآءِ عَلَىٰٓ أَثَرِي وَعَجِلۡتُ إِلَيۡكَ رَبِّ لِتَرۡضَىٰ

Nagsabi ito: "Sila itong nasa bakas ko at nagmadali ako tungo sa iyo, Panginoon ko, upang malugod Ka
Surah Taha, Verse 84


قَالَ فَإِنَّا قَدۡ فَتَنَّا قَوۡمَكَ مِنۢ بَعۡدِكَ وَأَضَلَّهُمُ ٱلسَّامِرِيُّ

Nagsabi Siya: "Ngunit tunay na Kami ay sumulit nga sa mga tao mo noong matapos mo, at nagligaw sa kanila ang Sāmirīy
Surah Taha, Verse 85


فَرَجَعَ مُوسَىٰٓ إِلَىٰ قَوۡمِهِۦ غَضۡبَٰنَ أَسِفٗاۚ قَالَ يَٰقَوۡمِ أَلَمۡ يَعِدۡكُمۡ رَبُّكُمۡ وَعۡدًا حَسَنًاۚ أَفَطَالَ عَلَيۡكُمُ ٱلۡعَهۡدُ أَمۡ أَرَدتُّمۡ أَن يَحِلَّ عَلَيۡكُمۡ غَضَبٞ مِّن رَّبِّكُمۡ فَأَخۡلَفۡتُم مَّوۡعِدِي

Kaya bumalik si Moises sa mga tao niya na galit na naghihinagpis. Nagsabi ito: "O mga tao ko, hindi ba nangako sa inyo ang Panginoon ninyo ng isang pangakong maganda? Kaya tumagal ba sa inyo ang panahon o nagnais kayo na may dumapo sa inyo na isang galit mula sa Panginoon ninyo kaya sumira kayo sa naipangako sa akin
Surah Taha, Verse 86


قَالُواْ مَآ أَخۡلَفۡنَا مَوۡعِدَكَ بِمَلۡكِنَا وَلَٰكِنَّا حُمِّلۡنَآ أَوۡزَارٗا مِّن زِينَةِ ٱلۡقَوۡمِ فَقَذَفۡنَٰهَا فَكَذَٰلِكَ أَلۡقَى ٱلسَّامِرِيُّ

Nagsabi sila: "Hindi kami sumira sa ipinangako sa iyo dahil sa pagkukusa namin subalit kami ay pinagdala ng mga pasanin mula sa mga gayak ng mga tao kaya itinapon namin ang mga ito [sa isang hukay] saka gayon pumukol ang Sāmirīy
Surah Taha, Verse 87


فَأَخۡرَجَ لَهُمۡ عِجۡلٗا جَسَدٗا لَّهُۥ خُوَارٞ فَقَالُواْ هَٰذَآ إِلَٰهُكُمۡ وَإِلَٰهُ مُوسَىٰ فَنَسِيَ

Saka nagpalabas siya para sa kanila ng isang guyang rebulto na mayroon itong pag-unga saka nagsabi sila: "Ito ay diyos ninyo at diyos ni Moises, ngunit nakalimot siya
Surah Taha, Verse 88


أَفَلَا يَرَوۡنَ أَلَّا يَرۡجِعُ إِلَيۡهِمۡ قَوۡلٗا وَلَا يَمۡلِكُ لَهُمۡ ضَرّٗا وَلَا نَفۡعٗا

Kaya hindi ba sila nakakikita na hindi ito nagbabalik sa kanila ng isang pagsasabi at hindi nakapagdudulot para sa kanila ng isang pinsala ni isang pakinabang
Surah Taha, Verse 89


وَلَقَدۡ قَالَ لَهُمۡ هَٰرُونُ مِن قَبۡلُ يَٰقَوۡمِ إِنَّمَا فُتِنتُم بِهِۦۖ وَإِنَّ رَبَّكُمُ ٱلرَّحۡمَٰنُ فَٱتَّبِعُونِي وَأَطِيعُوٓاْ أَمۡرِي

Talaga ngang nagsabi sa kanila si Aaron bago pa niyan: "O mga tao ko, sinulit lamang kayo sa pamamagitan nito. Tunay na ang Panginoon ninyo ay ang Napakamaawain kaya sumunod kayo sa akin at tumalima kayo sa utos ko
Surah Taha, Verse 90


قَالُواْ لَن نَّبۡرَحَ عَلَيۡهِ عَٰكِفِينَ حَتَّىٰ يَرۡجِعَ إِلَيۡنَا مُوسَىٰ

Nagsabi sila: "Hindi kami hihinto rito bilang mga namimintuho hanggang sa bumalik sa amin si Moises
Surah Taha, Verse 91


قَالَ يَٰهَٰرُونُ مَا مَنَعَكَ إِذۡ رَأَيۡتَهُمۡ ضَلُّوٓاْ

Nagsabi siya: "O Aaron, ano ang pumigil sa iyo, noong nakakita ka sa kanila na naligaw
Surah Taha, Verse 92


أَلَّا تَتَّبِعَنِۖ أَفَعَصَيۡتَ أَمۡرِي

na hindi ka sumunod sa akin? Kaya sumuway ka ba sa utos ko
Surah Taha, Verse 93


قَالَ يَبۡنَؤُمَّ لَا تَأۡخُذۡ بِلِحۡيَتِي وَلَا بِرَأۡسِيٓۖ إِنِّي خَشِيتُ أَن تَقُولَ فَرَّقۡتَ بَيۡنَ بَنِيٓ إِسۡرَـٰٓءِيلَ وَلَمۡ تَرۡقُبۡ قَوۡلِي

Nagsabi ito: "O anak ng ina ko, huwag kang dumaklot sa balbas ko ni sa ulo ko. Tunay na ako ay natakot na magsabi ka: 'Naghati-hati ka sa pagitan ng mga anak ni Israel at hindi ka nag-abang sa sasabihin ko
Surah Taha, Verse 94


قَالَ فَمَا خَطۡبُكَ يَٰسَٰمِرِيُّ

Nagsabi siya: "Kaya ano ang pakay mo, O Sāmirīy
Surah Taha, Verse 95


قَالَ بَصُرۡتُ بِمَا لَمۡ يَبۡصُرُواْ بِهِۦ فَقَبَضۡتُ قَبۡضَةٗ مِّنۡ أَثَرِ ٱلرَّسُولِ فَنَبَذۡتُهَا وَكَذَٰلِكَ سَوَّلَتۡ لِي نَفۡسِي

Nagsabi ito: "Nakakita ako ng hindi nila nakita kaya dumakot ako ng isang dakot mula sa bakas ng sugo at ihinagis ko iyon. Gayon humalina sa akin ang sarili ko
Surah Taha, Verse 96


قَالَ فَٱذۡهَبۡ فَإِنَّ لَكَ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ أَن تَقُولَ لَا مِسَاسَۖ وَإِنَّ لَكَ مَوۡعِدٗا لَّن تُخۡلَفَهُۥۖ وَٱنظُرۡ إِلَىٰٓ إِلَٰهِكَ ٱلَّذِي ظَلۡتَ عَلَيۡهِ عَاكِفٗاۖ لَّنُحَرِّقَنَّهُۥ ثُمَّ لَنَنسِفَنَّهُۥ فِي ٱلۡيَمِّ نَسۡفًا

Nagsabi siya: "Kaya umalis ka sapagkat tunay na ukol sa iyo sa buhay na magsabi ka: 'Walang pananaling!' Tunay na ukol sa iyo ay isang ipinangako na hindi sisirain sa iyo. Tumingin ka sa diyos mo na namalagi ka riyan bilang namimintuho, talagang susunugin nga namin iyan, pagkatapos talagang isasabog nga namin iyan sa dagat sa isang pagsasabog
Surah Taha, Verse 97


إِنَّمَآ إِلَٰهُكُمُ ٱللَّهُ ٱلَّذِي لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۚ وَسِعَ كُلَّ شَيۡءٍ عِلۡمٗا

Tanging ang Diyos ninyo ay si Allāh na walang Diyos kundi Siya. Sumakop Siya sa bawat bagay sa kaalaman
Surah Taha, Verse 98


كَذَٰلِكَ نَقُصُّ عَلَيۡكَ مِنۡ أَنۢبَآءِ مَا قَدۡ سَبَقَۚ وَقَدۡ ءَاتَيۡنَٰكَ مِن لَّدُنَّا ذِكۡرٗا

Gayon Kami nagsasalaysay sa iyo ng ilan sa mga balita ng nauna na. Nagbigay nga Kami mula sa nasa Amin ng isang paalaala
Surah Taha, Verse 99


مَّنۡ أَعۡرَضَ عَنۡهُ فَإِنَّهُۥ يَحۡمِلُ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ وِزۡرًا

Ang sinumang umayaw rito, tunay na siya ay magpapasan sa Araw ng Pagbangon ng isang pabigat
Surah Taha, Verse 100


خَٰلِدِينَ فِيهِۖ وَسَآءَ لَهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ حِمۡلٗا

bilang mga mananatili roon. Kay sagwa ito sa para sa kanila sa Araw ng Pagbangon bilang pasanin
Surah Taha, Verse 101


يَوۡمَ يُنفَخُ فِي ٱلصُّورِۚ وَنَحۡشُرُ ٱلۡمُجۡرِمِينَ يَوۡمَئِذٖ زُرۡقٗا

Sa Araw na iihip sa tambuli at kakalap Kami sa mga salarin sa Araw na iyon habang [may matang] bughaw
Surah Taha, Verse 102


يَتَخَٰفَتُونَ بَيۡنَهُمۡ إِن لَّبِثۡتُمۡ إِلَّا عَشۡرٗا

Magbubulungan sila sa gitna nila: "Hindi kayo namalagi kundi nang sampung [gabi]
Surah Taha, Verse 103


نَّحۡنُ أَعۡلَمُ بِمَا يَقُولُونَ إِذۡ يَقُولُ أَمۡثَلُهُمۡ طَرِيقَةً إِن لَّبِثۡتُمۡ إِلَّا يَوۡمٗا

Kami ay higit na maalam sa sinasabi nila noong nagsasabi ang pinakamagaling sa kanila sa pamamaraan: "Hindi kayo namalagi kundi nang isang araw
Surah Taha, Verse 104


وَيَسۡـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلۡجِبَالِ فَقُلۡ يَنسِفُهَا رَبِّي نَسۡفٗا

Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa mga bundok kaya sabihin mo: "Isasabog ang mga ito ng Panginoon ko sa isang pagsasabog
Surah Taha, Verse 105


فَيَذَرُهَا قَاعٗا صَفۡصَفٗا

Hahayaan Niya ang mga ito na maging kapatagang pantay
Surah Taha, Verse 106


لَّا تَرَىٰ فِيهَا عِوَجٗا وَلَآ أَمۡتٗا

Hindi ka makakikita roon ng isang lubak ni isang umbok
Surah Taha, Verse 107


يَوۡمَئِذٖ يَتَّبِعُونَ ٱلدَّاعِيَ لَا عِوَجَ لَهُۥۖ وَخَشَعَتِ ٱلۡأَصۡوَاتُ لِلرَّحۡمَٰنِ فَلَا تَسۡمَعُ إِلَّا هَمۡسٗا

Sa Araw na iyon susundan nila ang tagapag-anyaya nang walang paglihis sa kanya at magpapakumbaba ang mga tinig para sa Napakamaawain kaya wala kang maririnig kundi isang bulong
Surah Taha, Verse 108


يَوۡمَئِذٖ لَّا تَنفَعُ ٱلشَّفَٰعَةُ إِلَّا مَنۡ أَذِنَ لَهُ ٱلرَّحۡمَٰنُ وَرَضِيَ لَهُۥ قَوۡلٗا

Sa Araw na iyon ay hindi magpapakinabang ang pamamagitan maliban sa sinumang nagpahintulot doon ang Napakamaawain at nalugod Siya roon sa sinasabi
Surah Taha, Verse 109


يَعۡلَمُ مَا بَيۡنَ أَيۡدِيهِمۡ وَمَا خَلۡفَهُمۡ وَلَا يُحِيطُونَ بِهِۦ عِلۡمٗا

Nakaaalam Siya sa anumang nasa pagitan ng mga kamay nila at anumang nasa likuran nila habang hindi sila nakasasaklaw sa Kanya sa kaalaman
Surah Taha, Verse 110


۞وَعَنَتِ ٱلۡوُجُوهُ لِلۡحَيِّ ٱلۡقَيُّومِۖ وَقَدۡ خَابَ مَنۡ حَمَلَ ظُلۡمٗا

Nagpakumbaba ang mga mukha sa Buhay na Mapagpanatili samantalang nabigo nga ang sinumang nagpasan ng isang kawalang-katarungan
Surah Taha, Verse 111


وَمَن يَعۡمَلۡ مِنَ ٱلصَّـٰلِحَٰتِ وَهُوَ مُؤۡمِنٞ فَلَا يَخَافُ ظُلۡمٗا وَلَا هَضۡمٗا

Ang sinumang gumagawa ng ilan sa mga maayos samantalang siya ay mananampalataya, hindi siya mangangamba sa isang kawalang-katarungan ni isang pang-aapi
Surah Taha, Verse 112


وَكَذَٰلِكَ أَنزَلۡنَٰهُ قُرۡءَانًا عَرَبِيّٗا وَصَرَّفۡنَا فِيهِ مِنَ ٱلۡوَعِيدِ لَعَلَّهُمۡ يَتَّقُونَ أَوۡ يُحۡدِثُ لَهُمۡ ذِكۡرٗا

Gayon Kami nagpababa ng isang Qur'ān na Arabe at nagdetalye Kami rito ng banta nang sa gayon sila ay mangingilag magkasala o magsasanhi ito sa kanila ng isang pag-aalaala
Surah Taha, Verse 113


فَتَعَٰلَى ٱللَّهُ ٱلۡمَلِكُ ٱلۡحَقُّۗ وَلَا تَعۡجَلۡ بِٱلۡقُرۡءَانِ مِن قَبۡلِ أَن يُقۡضَىٰٓ إِلَيۡكَ وَحۡيُهُۥۖ وَقُل رَّبِّ زِدۡنِي عِلۡمٗا

Kaya pagkataas-taas si Allāh, ang Haring Totoo. Huwag kang magmadali sa pagbigkas ng Qur'ān bago pa matapos sa iyo ang pagkasi nito at magsabi ka: "Panginoon ko magdagdag Ka sa akin ng kaalaman
Surah Taha, Verse 114


وَلَقَدۡ عَهِدۡنَآ إِلَىٰٓ ءَادَمَ مِن قَبۡلُ فَنَسِيَ وَلَمۡ نَجِدۡ لَهُۥ عَزۡمٗا

Talaga ngang naghabilin Kami kay Adan bago pa niyan ngunit nakalimot siya at hindi Kami nakatagpo sa kanya ng pagtitika
Surah Taha, Verse 115


وَإِذۡ قُلۡنَا لِلۡمَلَـٰٓئِكَةِ ٱسۡجُدُواْ لِأٓدَمَ فَسَجَدُوٓاْ إِلَّآ إِبۡلِيسَ أَبَىٰ

[Banggitin] noong nagsabi Kami sa mga anghel: "Magpatirapa kayo kay Adan," kaya nagpatirapa naman sila maliban si Satanas; tumanggi ito
Surah Taha, Verse 116


فَقُلۡنَا يَـٰٓـَٔادَمُ إِنَّ هَٰذَا عَدُوّٞ لَّكَ وَلِزَوۡجِكَ فَلَا يُخۡرِجَنَّكُمَا مِنَ ٱلۡجَنَّةِ فَتَشۡقَىٰٓ

Kaya nagsabi Kami: "O Adan, tunay na ito ay isang kaaway para sa iyo at para sa asawa mo; kaya huwag nga siyang magpapalabas sa inyong dalawa mula sa hardin para malumbay ka
Surah Taha, Verse 117


إِنَّ لَكَ أَلَّا تَجُوعَ فِيهَا وَلَا تَعۡرَىٰ

Tunay na ukol sa iyo na hindi ka magutom dito at hindi ka maghubad
Surah Taha, Verse 118


وَأَنَّكَ لَا تَظۡمَؤُاْ فِيهَا وَلَا تَضۡحَىٰ

at na ikaw ay hindi mauuhaw rito at hindi mainitan
Surah Taha, Verse 119


فَوَسۡوَسَ إِلَيۡهِ ٱلشَّيۡطَٰنُ قَالَ يَـٰٓـَٔادَمُ هَلۡ أَدُلُّكَ عَلَىٰ شَجَرَةِ ٱلۡخُلۡدِ وَمُلۡكٖ لَّا يَبۡلَىٰ

Ngunit nagpasaring sa kanya ang demonyo. Nagsabi ito: "O Adan, gagabay kaya ako sa iyo sa Punong-kahoy ng Kawalang-hanggan at isang kahariang hindi nalalaspag
Surah Taha, Verse 120


فَأَكَلَا مِنۡهَا فَبَدَتۡ لَهُمَا سَوۡءَٰتُهُمَا وَطَفِقَا يَخۡصِفَانِ عَلَيۡهِمَا مِن وَرَقِ ٱلۡجَنَّةِۚ وَعَصَىٰٓ ءَادَمُ رَبَّهُۥ فَغَوَىٰ

Kaya kumain silang dalawa mula roon, saka lumitaw sa kanilang dalawa ang kahubaran nilang dalawa. Nagsimula silang dalawa na nagtatakip sa kanilang dalawa ng mga dahon ng hardin. Sumuway si Adan sa Panginoon niya kaya nalisya siya
Surah Taha, Verse 121


ثُمَّ ٱجۡتَبَٰهُ رَبُّهُۥ فَتَابَ عَلَيۡهِ وَهَدَىٰ

Pagkatapos humalal sa kanya ang Panginoon niya saka tumatanggap sa pagbabalik-loob niya at nagpatnubay
Surah Taha, Verse 122


قَالَ ٱهۡبِطَا مِنۡهَا جَمِيعَۢاۖ بَعۡضُكُمۡ لِبَعۡضٍ عَدُوّٞۖ فَإِمَّا يَأۡتِيَنَّكُم مِّنِّي هُدٗى فَمَنِ ٱتَّبَعَ هُدَايَ فَلَا يَضِلُّ وَلَا يَشۡقَىٰ

Nagsabi Siya: "Lumapag kayong dalawa mula rito sa kalahatan. Ang iba sa inyo sa iba pa ay kaaway. Kaya kung may pumunta nga sa inyo mula sa Akin na isang patnubay, ang sinumang sumunod sa patnubay Ko ay hindi maliligaw at hindi malulumbay
Surah Taha, Verse 123


وَمَنۡ أَعۡرَضَ عَن ذِكۡرِي فَإِنَّ لَهُۥ مَعِيشَةٗ ضَنكٗا وَنَحۡشُرُهُۥ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ أَعۡمَىٰ

Ang sinumang umayaw sa pag-aalaala sa Akin, tunay na ukol sa kanya ay isang pamumuhay na hikahos. Kakalap Kami sa kanya sa Araw ng Pagbangon na isang bulag
Surah Taha, Verse 124


قَالَ رَبِّ لِمَ حَشَرۡتَنِيٓ أَعۡمَىٰ وَقَدۡ كُنتُ بَصِيرٗا

Magsasabi ito: "Panginoon ko, bakit Ka kumalap sa akin na isang bulag samantalang ako nga dati ay isang nakakikita
Surah Taha, Verse 125


قَالَ كَذَٰلِكَ أَتَتۡكَ ءَايَٰتُنَا فَنَسِيتَهَاۖ وَكَذَٰلِكَ ٱلۡيَوۡمَ تُنسَىٰ

Magsasabi Siya: "Gayon pumunta sa iyo ang mga tanda Namin saka lumimot ka sa mga iyon. Gayon ngayong Araw lilimutin ka
Surah Taha, Verse 126


وَكَذَٰلِكَ نَجۡزِي مَنۡ أَسۡرَفَ وَلَمۡ يُؤۡمِنۢ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِۦۚ وَلَعَذَابُ ٱلۡأٓخِرَةِ أَشَدُّ وَأَبۡقَىٰٓ

Gayon Kami gaganti sa sinumang nagpakalabis at hindi sumampalataya sa mga tanda ng Panginoon niya. Talagang ang pagdurusa sa Kabilang-buhay ay higit na matindi at higit na nananatili
Surah Taha, Verse 127


أَفَلَمۡ يَهۡدِ لَهُمۡ كَمۡ أَهۡلَكۡنَا قَبۡلَهُم مِّنَ ٱلۡقُرُونِ يَمۡشُونَ فِي مَسَٰكِنِهِمۡۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّأُوْلِي ٱلنُّهَىٰ

Kaya hindi ba napaglinawan para sa kanila kung ilan ang ipinahamak Namin bago nila na mga salinlahi habang naglalakad ang mga iyon sa mga tirahan ng mga iyon? Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga may katinuan
Surah Taha, Verse 128


وَلَوۡلَا كَلِمَةٞ سَبَقَتۡ مِن رَّبِّكَ لَكَانَ لِزَامٗا وَأَجَلٞ مُّسَمّٗى

Kung hindi dahil sa isang salitang nauna mula sa Panginoon mo, talaga sanang ito ay naging kinakailangan, at [kung hindi rin dahil sa] isang taning na tinukoy
Surah Taha, Verse 129


فَٱصۡبِرۡ عَلَىٰ مَا يَقُولُونَ وَسَبِّحۡ بِحَمۡدِ رَبِّكَ قَبۡلَ طُلُوعِ ٱلشَّمۡسِ وَقَبۡلَ غُرُوبِهَاۖ وَمِنۡ ءَانَآيِٕ ٱلَّيۡلِ فَسَبِّحۡ وَأَطۡرَافَ ٱلنَّهَارِ لَعَلَّكَ تَرۡضَىٰ

Kaya magtiis ka sa anumang sinasabi nila at magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo bago ng pagsikat ng araw at bago ng paglubog nito; at mula sa mga bahagi ng gabi ay magluwalhati ka at sa mga dulo ng maghapon, nang sa gayon ikaw ay malulugod
Surah Taha, Verse 130


وَلَا تَمُدَّنَّ عَيۡنَيۡكَ إِلَىٰ مَا مَتَّعۡنَا بِهِۦٓ أَزۡوَٰجٗا مِّنۡهُمۡ زَهۡرَةَ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا لِنَفۡتِنَهُمۡ فِيهِۚ وَرِزۡقُ رَبِّكَ خَيۡرٞ وَأَبۡقَىٰ

Huwag ka ngang magpaabot ng mga mata tungo sa ipinatamasa Namin sa mga kaurian kabilang sa kanila bilang karangyaan ng buhay na pangmundo upang sumulit Kami sa kanila roon. Ang panustos ng Panginoon mo ay higit na mabuti at higit na nananatili
Surah Taha, Verse 131


وَأۡمُرۡ أَهۡلَكَ بِٱلصَّلَوٰةِ وَٱصۡطَبِرۡ عَلَيۡهَاۖ لَا نَسۡـَٔلُكَ رِزۡقٗاۖ نَّحۡنُ نَرۡزُقُكَۗ وَٱلۡعَٰقِبَةُ لِلتَّقۡوَىٰ

Mag-utos ka sa mag-anak mo ng pagdarasal at magpakamatiisin ka rito. Hindi Kami humihingi sa iyo ng isang panustos; Kami ay tumutustos sa iyo. Ang [pinapupurihang] kahihinatnan ay ukol sa [mga may] pangingilag magkasala
Surah Taha, Verse 132


وَقَالُواْ لَوۡلَا يَأۡتِينَا بِـَٔايَةٖ مِّن رَّبِّهِۦٓۚ أَوَلَمۡ تَأۡتِهِم بَيِّنَةُ مَا فِي ٱلصُّحُفِ ٱلۡأُولَىٰ

Nagsabi sila: "Bakit kaya hindi siya nagdala sa atin ng isang tanda mula sa Panginoon niya? Hindi ba pumunta sa kanila ang malinaw na patunay ng nasa mga unang kalatas
Surah Taha, Verse 133


وَلَوۡ أَنَّآ أَهۡلَكۡنَٰهُم بِعَذَابٖ مِّن قَبۡلِهِۦ لَقَالُواْ رَبَّنَا لَوۡلَآ أَرۡسَلۡتَ إِلَيۡنَا رَسُولٗا فَنَتَّبِعَ ءَايَٰتِكَ مِن قَبۡلِ أَن نَّذِلَّ وَنَخۡزَىٰ

Kung sakaling Kami ay nagpahamak sa kanila sa pamamagitan ng isang pagdurusa bago pa niya ay talagang magsasabi sila: "Panginoon namin, bakit kaya hindi Ka nagsugo sa amin ng isang sugo para sumunod kami sa mga tanda Mo bago pa na maaba kami at mapahiya kami
Surah Taha, Verse 134


قُلۡ كُلّٞ مُّتَرَبِّصٞ فَتَرَبَّصُواْۖ فَسَتَعۡلَمُونَ مَنۡ أَصۡحَٰبُ ٱلصِّرَٰطِ ٱلسَّوِيِّ وَمَنِ ٱهۡتَدَىٰ

Sabihin mo: "Bawat [isa] ay nag-aantabay; kaya mag-antabay kayo sapagkat makaaalam kayo kung sino ang mga kasamahan sa landasing matuwid at kung sino ang napatnubayan
Surah Taha, Verse 135


Author: Www.islamhouse.com


<< Surah 19
>> Surah 21

Filipino Translations by other Authors


Filipino Translation By Abdullatif Eduardo M. Arceo
Filipino Translation By Www.islamhouse.com
Popular Areas
Apartments for rent in Dubai Apartments for rent Abu Dhabi Villas for rent in Dubai House for rent Abu Dhabi Apartments for sale in Dubai Apartments for sale in Abu Dhabi Flat for rent Sharjah
Popular Searches
Studios for rent in UAE Apartments for rent in UAE Villas for rent in UAE Apartments for sale in UAE Villas for sale in UAE Land for sale in UAE Dubai Real Estate
Trending Areas
Apartments for rent in Dubai Marina Apartments for sale in Dubai Marina Villa for rent in Sharjah Villa for sale in Dubai Flat for rent in Ajman Studio for rent in Abu Dhabi Villa for rent in Ajman
Trending Searches
Villa for rent in Abu Dhabi Shop for rent in Dubai Villas for sale in Ajman Studio for rent in Sharjah 1 Bedroom Apartment for rent in Dubai Property for rent in Abu Dhabi Commercial properties for sale
© Copyright Dubai Prayer Time. All Rights Reserved
Designed by Prayer Time In Dubai