Surah Al-Mumenoon - Filipino Translation by Www.islamhouse.com
قَدۡ أَفۡلَحَ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ
Nagtagumpay nga ang mga mananampalataya
Surah Al-Mumenoon, Verse 1
ٱلَّذِينَ هُمۡ فِي صَلَاتِهِمۡ خَٰشِعُونَ
na sila sa pagdarasal nila ay mga tagapagpakumbaba
Surah Al-Mumenoon, Verse 2
وَٱلَّذِينَ هُمۡ عَنِ ٱللَّغۡوِ مُعۡرِضُونَ
na sila sa kabalbalan ay mga tagaayaw
Surah Al-Mumenoon, Verse 3
وَٱلَّذِينَ هُمۡ لِلزَّكَوٰةِ فَٰعِلُونَ
na sila para sa zakāh ay mga tagapagsagawa
Surah Al-Mumenoon, Verse 4
وَٱلَّذِينَ هُمۡ لِفُرُوجِهِمۡ حَٰفِظُونَ
na sila sa mga kaselanan nila ay mga tagapag-ingat
Surah Al-Mumenoon, Verse 5
إِلَّا عَلَىٰٓ أَزۡوَٰجِهِمۡ أَوۡ مَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُهُمۡ فَإِنَّهُمۡ غَيۡرُ مَلُومِينَ
maliban sa mga asawa nila o inari ng mga kanang kamay nila sapagkat tunay na sila ay hindi mga masisisi
Surah Al-Mumenoon, Verse 6
فَمَنِ ٱبۡتَغَىٰ وَرَآءَ ذَٰلِكَ فَأُوْلَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡعَادُونَ
ngunit ang sinumang naghangad ng lampas doon, ang mga iyon ay ang mga tagalabag
Surah Al-Mumenoon, Verse 7
وَٱلَّذِينَ هُمۡ لِأَمَٰنَٰتِهِمۡ وَعَهۡدِهِمۡ رَٰعُونَ
na sila sa mga ipinagkatiwala sa kanila at kasunduan sa kanila ay mga tagapag-alaga
Surah Al-Mumenoon, Verse 8
وَٱلَّذِينَ هُمۡ عَلَىٰ صَلَوَٰتِهِمۡ يُحَافِظُونَ
na sila sa mga dasal nila ay nangangalaga
Surah Al-Mumenoon, Verse 9
أُوْلَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡوَٰرِثُونَ
Ang mga iyon ay ang mga tagapagmana
Surah Al-Mumenoon, Verse 10
ٱلَّذِينَ يَرِثُونَ ٱلۡفِرۡدَوۡسَ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ
na mga magmamana ng Firdaws. Sila roon ay mga mananatili
Surah Al-Mumenoon, Verse 11
وَلَقَدۡ خَلَقۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ مِن سُلَٰلَةٖ مِّن طِينٖ
Talaga ngang lumikha Kami ng tao mula sa isang hinango mula sa isang putik
Surah Al-Mumenoon, Verse 12
ثُمَّ جَعَلۡنَٰهُ نُطۡفَةٗ فِي قَرَارٖ مَّكِينٖ
Pagkatapos ay gumawa Kami sa kanya na isang patak sa pinamamalagiang matibay
Surah Al-Mumenoon, Verse 13
ثُمَّ خَلَقۡنَا ٱلنُّطۡفَةَ عَلَقَةٗ فَخَلَقۡنَا ٱلۡعَلَقَةَ مُضۡغَةٗ فَخَلَقۡنَا ٱلۡمُضۡغَةَ عِظَٰمٗا فَكَسَوۡنَا ٱلۡعِظَٰمَ لَحۡمٗا ثُمَّ أَنشَأۡنَٰهُ خَلۡقًا ءَاخَرَۚ فَتَبَارَكَ ٱللَّهُ أَحۡسَنُ ٱلۡخَٰلِقِينَ
Pagkatapos lumikha Kami sa patak bilang malalinta, saka lumikha Kami sa malalinta bilang kimpal ng lamang, saka lumikha Kami sa kimpal ng lamang bilang mga buto, saka bumalot Kami sa mga buto ng laman. Pagkatapos nagpaluwal Kami nito bilang iba pang nilikha. Kaya mapagpala si Allāh, ang pinakamaganda sa paggawa sa mga tagalikha
Surah Al-Mumenoon, Verse 14
ثُمَّ إِنَّكُم بَعۡدَ ذَٰلِكَ لَمَيِّتُونَ
Pagkatapos tunay na kayo, matapos niyon, ay talagang mga mamamatay
Surah Al-Mumenoon, Verse 15
ثُمَّ إِنَّكُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ تُبۡعَثُونَ
Pagkatapos tunay na kayo, sa Araw ng Pagbangon, ay bubuhayin
Surah Al-Mumenoon, Verse 16
وَلَقَدۡ خَلَقۡنَا فَوۡقَكُمۡ سَبۡعَ طَرَآئِقَ وَمَا كُنَّا عَنِ ٱلۡخَلۡقِ غَٰفِلِينَ
Talaga ngang lumikha Kami sa ibabaw ninyo ng pitong magkakapatong [na langit]. Hindi Kami, sa paglikha, naging nalilingat
Surah Al-Mumenoon, Verse 17
وَأَنزَلۡنَا مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءَۢ بِقَدَرٖ فَأَسۡكَنَّـٰهُ فِي ٱلۡأَرۡضِۖ وَإِنَّا عَلَىٰ ذَهَابِۭ بِهِۦ لَقَٰدِرُونَ
Nagpababa Kami mula sa langit ng tubig ayon sa sukat at nagpatahan Kami nito sa lupa. Tunay na Kami, sa pag-aalis nito, ay talagang nakakakaya
Surah Al-Mumenoon, Verse 18
فَأَنشَأۡنَا لَكُم بِهِۦ جَنَّـٰتٖ مِّن نَّخِيلٖ وَأَعۡنَٰبٖ لَّكُمۡ فِيهَا فَوَٰكِهُ كَثِيرَةٞ وَمِنۡهَا تَأۡكُلُونَ
Kaya nagpaluwal Kami para sa inyo sa pamamagitan niyon ng mga hardin ng mga datiles at mga ubas – ukol sa inyo sa mga ito ay maraming prutas at mula sa mga ito ay kumakain kayo –
Surah Al-Mumenoon, Verse 19
وَشَجَرَةٗ تَخۡرُجُ مِن طُورِ سَيۡنَآءَ تَنۢبُتُ بِٱلدُّهۡنِ وَصِبۡغٖ لِّلۡأٓكِلِينَ
at ng isang punong-kahoy na lumalabas mula sa bundok ng Sinai na nagpapatubo ng langis at isang sawsawan para sa mga kumakain
Surah Al-Mumenoon, Verse 20
وَإِنَّ لَكُمۡ فِي ٱلۡأَنۡعَٰمِ لَعِبۡرَةٗۖ نُّسۡقِيكُم مِّمَّا فِي بُطُونِهَا وَلَكُمۡ فِيهَا مَنَٰفِعُ كَثِيرَةٞ وَمِنۡهَا تَأۡكُلُونَ
Tunay na para sa inyo sa mga hayupan ay talagang may aral. Nagpapainom Kami sa inyo mula sa nasa mga tiyan ng mga ito. Para sa inyo sa mga ito ay mga pakinabang na marami at mula sa mga ito ay kumakain kayo
Surah Al-Mumenoon, Verse 21
وَعَلَيۡهَا وَعَلَى ٱلۡفُلۡكِ تُحۡمَلُونَ
Sa ibabaw ng mga ito at sa ibabaw ng mga daong dinadala kayo
Surah Al-Mumenoon, Verse 22
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوۡمِهِۦ فَقَالَ يَٰقَوۡمِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرُهُۥٓۚ أَفَلَا تَتَّقُونَ
Talaga ngang nagsugo Kami kay Noe sa mga kababayan niya, saka nagsabi siya: "O mga kababayan ko, sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala
Surah Al-Mumenoon, Verse 23
فَقَالَ ٱلۡمَلَؤُاْ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِن قَوۡمِهِۦ مَا هَٰذَآ إِلَّا بَشَرٞ مِّثۡلُكُمۡ يُرِيدُ أَن يَتَفَضَّلَ عَلَيۡكُمۡ وَلَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ لَأَنزَلَ مَلَـٰٓئِكَةٗ مَّا سَمِعۡنَا بِهَٰذَا فِيٓ ءَابَآئِنَا ٱلۡأَوَّلِينَ
Kaya nagsabi ang konseho na mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga kababayan niya: "Walang iba ito kundi isang taong tulad ninyo, na nagnanais magpakalamang sa inyo. Kung sakaling niloob ni Allāh ay talaga sanang nagpababa Siya ng mga anghel. Hindi tayo nakarinig hinggil dito sa mga ninuno nating sinauna
Surah Al-Mumenoon, Verse 24
إِنۡ هُوَ إِلَّا رَجُلُۢ بِهِۦ جِنَّةٞ فَتَرَبَّصُواْ بِهِۦ حَتَّىٰ حِينٖ
Walang iba siya kundi isang lalaking sa kanya ay may kabaliwan, kaya mag-abang kayo sa kanya hanggang sa isang panahon
Surah Al-Mumenoon, Verse 25
قَالَ رَبِّ ٱنصُرۡنِي بِمَا كَذَّبُونِ
Nagsabi siya: "Panginoon ko, mag-adya Ka sa akin dahil nagpasinungaling sila sa akin
Surah Al-Mumenoon, Verse 26
فَأَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡهِ أَنِ ٱصۡنَعِ ٱلۡفُلۡكَ بِأَعۡيُنِنَا وَوَحۡيِنَا فَإِذَا جَآءَ أَمۡرُنَا وَفَارَ ٱلتَّنُّورُ فَٱسۡلُكۡ فِيهَا مِن كُلّٖ زَوۡجَيۡنِ ٱثۡنَيۡنِ وَأَهۡلَكَ إِلَّا مَن سَبَقَ عَلَيۡهِ ٱلۡقَوۡلُ مِنۡهُمۡۖ وَلَا تُخَٰطِبۡنِي فِي ٱلَّذِينَ ظَلَمُوٓاْ إِنَّهُم مُّغۡرَقُونَ
Kaya nagkasi Kami sa kanya, na [nagsasabi]: "Yumari ka ng daong sa [ilalim ng] mga mata Namin at pagkasi Namin. Kaya kapag dumating ang utos Namin at sumambulat ang pugon ay magpasok ka sa loob niyon ng mula sa bawat dalawang magkapares, ng mag-anak mo – maliban sa isang nauna sa kanya ang hatol kabilang sa kanila – at huwag kang kumausap sa Akin kaugnay sa mga lumabag sa katarungan; tunay na sila ay mga malulunod
Surah Al-Mumenoon, Verse 27
فَإِذَا ٱسۡتَوَيۡتَ أَنتَ وَمَن مَّعَكَ عَلَى ٱلۡفُلۡكِ فَقُلِ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِي نَجَّىٰنَا مِنَ ٱلۡقَوۡمِ ٱلظَّـٰلِمِينَ
Kaya kapag lumulan ka at ang sinumang kasama sa iyo sa daong ay sabihin mo: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagligtas sa amin mula sa mga taong tagalabag sa katarungan
Surah Al-Mumenoon, Verse 28
وَقُل رَّبِّ أَنزِلۡنِي مُنزَلٗا مُّبَارَكٗا وَأَنتَ خَيۡرُ ٱلۡمُنزِلِينَ
Sabihin mo: "Panginoon ko, magpatuloy Ka sa akin sa isang pinatutuluyang pinagpala yamang Ikaw ay ang pinakamabuti sa mga tagapagpatuloy
Surah Al-Mumenoon, Verse 29
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ وَإِن كُنَّا لَمُبۡتَلِينَ
Tunay na sa gayon ay talagang may tanda at tunay na Kami noon ay talagang sumusubok
Surah Al-Mumenoon, Verse 30
ثُمَّ أَنشَأۡنَا مِنۢ بَعۡدِهِمۡ قَرۡنًا ءَاخَرِينَ
Pagkatapos nagpaluwal Kami nang matapos nila ng isang salinlahing iba pa
Surah Al-Mumenoon, Verse 31
فَأَرۡسَلۡنَا فِيهِمۡ رَسُولٗا مِّنۡهُمۡ أَنِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرُهُۥٓۚ أَفَلَا تَتَّقُونَ
Saka nagsugo Kami sa kanila ng isang sugong kabilang sa kanila, na [nagsasabi]: "Sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala
Surah Al-Mumenoon, Verse 32
وَقَالَ ٱلۡمَلَأُ مِن قَوۡمِهِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَكَذَّبُواْ بِلِقَآءِ ٱلۡأٓخِرَةِ وَأَتۡرَفۡنَٰهُمۡ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا مَا هَٰذَآ إِلَّا بَشَرٞ مِّثۡلُكُمۡ يَأۡكُلُ مِمَّا تَأۡكُلُونَ مِنۡهُ وَيَشۡرَبُ مِمَّا تَشۡرَبُونَ
Nagsabi ang konseho kabilang sa mga kalipi niya na mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa pakikipagkita sa Kabilang-buhay samantalang nagpariwasa Kami sa kanila sa buhay na pangmundo: "Walang iba ito kundi isang taong tulad ninyo; kumakain siya mula sa kinakain ninyo at umiinom siya mula sa iniinom ninyo
Surah Al-Mumenoon, Verse 33
وَلَئِنۡ أَطَعۡتُم بَشَرٗا مِّثۡلَكُمۡ إِنَّكُمۡ إِذٗا لَّخَٰسِرُونَ
Talagang kung tumalima kayo sa isang taong tulad ninyo, tunay na kayo, samakatuwid, ay talagang mga lugi
Surah Al-Mumenoon, Verse 34
أَيَعِدُكُمۡ أَنَّكُمۡ إِذَا مِتُّمۡ وَكُنتُمۡ تُرَابٗا وَعِظَٰمًا أَنَّكُم مُّخۡرَجُونَ
Nangangako ba siya sa inyo na kayo, kapag namatay kayo at naging alabok at buto kayo, ay mga ilalabas
Surah Al-Mumenoon, Verse 35
۞هَيۡهَاتَ هَيۡهَاتَ لِمَا تُوعَدُونَ
Pagkalayu-layo ito, pagkalayu-layo ito para sa ipinangangako sa inyo
Surah Al-Mumenoon, Verse 36
إِنۡ هِيَ إِلَّا حَيَاتُنَا ٱلدُّنۡيَا نَمُوتُ وَنَحۡيَا وَمَا نَحۡنُ بِمَبۡعُوثِينَ
Walang iba ito kundi buhay nating makamundo; namamatay tayo at nabubuhay tayo at tayo ay hindi mga bubuhayin
Surah Al-Mumenoon, Verse 37
إِنۡ هُوَ إِلَّا رَجُلٌ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبٗا وَمَا نَحۡنُ لَهُۥ بِمُؤۡمِنِينَ
Walang iba siya kundi isang lalaking gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan. Tayo ay sa kanya ay hindi mga maniniwala
Surah Al-Mumenoon, Verse 38
قَالَ رَبِّ ٱنصُرۡنِي بِمَا كَذَّبُونِ
Nagsabi ito: "Panginoon ko, mag-adya Ka sa akin dahil sa nagpasinungaling sila sa akin
Surah Al-Mumenoon, Verse 39
قَالَ عَمَّا قَلِيلٖ لَّيُصۡبِحُنَّ نَٰدِمِينَ
Nagsabi Siya: "Sa kaunting [panahon], talagang sila nga ay magiging mga magsisisi
Surah Al-Mumenoon, Verse 40
فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلصَّيۡحَةُ بِٱلۡحَقِّ فَجَعَلۡنَٰهُمۡ غُثَآءٗۚ فَبُعۡدٗا لِّلۡقَوۡمِ ٱلظَّـٰلِمِينَ
Kaya dumaklot sa kanila ang hiyaw ayon sa katotohanan kaya gumawa Kami sa kanila bilang yagit. Kaya kalayuan [sa awa] ay ukol sa mga taong tagalabag sa katarungan
Surah Al-Mumenoon, Verse 41
ثُمَّ أَنشَأۡنَا مِنۢ بَعۡدِهِمۡ قُرُونًا ءَاخَرِينَ
Pagkatapos nagpaluwal Kami nang matapos nila ng mga salinlahing iba pa
Surah Al-Mumenoon, Verse 42
مَا تَسۡبِقُ مِنۡ أُمَّةٍ أَجَلَهَا وَمَا يَسۡتَـٔۡخِرُونَ
Hindi nauunahan ng anumang kalipunan ang taning nito at hindi sila nakapagpapaantala
Surah Al-Mumenoon, Verse 43
ثُمَّ أَرۡسَلۡنَا رُسُلَنَا تَتۡرَاۖ كُلَّ مَا جَآءَ أُمَّةٗ رَّسُولُهَا كَذَّبُوهُۖ فَأَتۡبَعۡنَا بَعۡضَهُم بَعۡضٗا وَجَعَلۡنَٰهُمۡ أَحَادِيثَۚ فَبُعۡدٗا لِّقَوۡمٖ لَّا يُؤۡمِنُونَ
Pagkatapos nagsugo Kami ng mga sugo Namin nang sunud-sunod. Sa tuwing dumarating sa isang kalipunan ang sugo nito ay nagpapasinungaling sila rito. Kaya nagpasunod Kami sa iba sa kanila ng iba pa at gumawa Kami sa kanila bilang mga usapan. Kaya kalayuan [sa awa] ay ukol sa mga taong hindi sumasampalataya
Surah Al-Mumenoon, Verse 44
ثُمَّ أَرۡسَلۡنَا مُوسَىٰ وَأَخَاهُ هَٰرُونَ بِـَٔايَٰتِنَا وَسُلۡطَٰنٖ مُّبِينٍ
Pagkatapos nagsugo Kami kay Moises at sa kapatid niyang si Aaron kalakip ng mga tanda Namin at isang katunayang malinaw
Surah Al-Mumenoon, Verse 45
إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ وَمَلَإِيْهِۦ فَٱسۡتَكۡبَرُواْ وَكَانُواْ قَوۡمًا عَالِينَ
kay Paraon at sa konseho niya ngunit nagmalaki sila at sila noon ay mga taong nagpapakataas
Surah Al-Mumenoon, Verse 46
فَقَالُوٓاْ أَنُؤۡمِنُ لِبَشَرَيۡنِ مِثۡلِنَا وَقَوۡمُهُمَا لَنَا عَٰبِدُونَ
Kaya nagsabi sila: "Maniniwala ba kami sa dalawang taong tulad namin samantalang ang mga kalipi nilang dalawa sa amin ay mga tagapaglingkod
Surah Al-Mumenoon, Verse 47
فَكَذَّبُوهُمَا فَكَانُواْ مِنَ ٱلۡمُهۡلَكِينَ
Kaya nagpasinungaling sila sa kanilang dalawa kaya sila ay naging kabilang sa mga ipinahahamak
Surah Al-Mumenoon, Verse 48
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ لَعَلَّهُمۡ يَهۡتَدُونَ
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng kasulatan nang sa gayon sila ay mapapatnubayan
Surah Al-Mumenoon, Verse 49
وَجَعَلۡنَا ٱبۡنَ مَرۡيَمَ وَأُمَّهُۥٓ ءَايَةٗ وَءَاوَيۡنَٰهُمَآ إِلَىٰ رَبۡوَةٖ ذَاتِ قَرَارٖ وَمَعِينٖ
Gumawa Kami sa anak ni Maria at ina niya bilang tanda at nagkanlong Kami sa kanilang dalawa sa isang burol na may pamamalagian at tubigan
Surah Al-Mumenoon, Verse 50
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلرُّسُلُ كُلُواْ مِنَ ٱلطَّيِّبَٰتِ وَٱعۡمَلُواْ صَٰلِحًاۖ إِنِّي بِمَا تَعۡمَلُونَ عَلِيمٞ
O mga sugo, kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay at gumawa kayo ng maayos. Tunay na Ako sa anumang ginagawa ninyo ay Maalam
Surah Al-Mumenoon, Verse 51
وَإِنَّ هَٰذِهِۦٓ أُمَّتُكُمۡ أُمَّةٗ وَٰحِدَةٗ وَأَنَا۠ رَبُّكُمۡ فَٱتَّقُونِ
Tunay na ito ay kalipunan ninyo – kalipunang nag-iisa, at Ako ay Panginoon ninyo kaya mangilag kayong magkasala sa Akin
Surah Al-Mumenoon, Verse 52
فَتَقَطَّعُوٓاْ أَمۡرَهُم بَيۡنَهُمۡ زُبُرٗاۖ كُلُّ حِزۡبِۭ بِمَا لَدَيۡهِمۡ فَرِحُونَ
Ngunit nagkaputul-putol sila sa lagay nila sa pagitan nila bilang mga pangkatin. Bawat lapian sa taglay nila ay mga natutuwa
Surah Al-Mumenoon, Verse 53
فَذَرۡهُمۡ فِي غَمۡرَتِهِمۡ حَتَّىٰ حِينٍ
Kaya hayaan mo sila sa kalituhan nila hanggang sa isang panahon
Surah Al-Mumenoon, Verse 54
أَيَحۡسَبُونَ أَنَّمَا نُمِدُّهُم بِهِۦ مِن مَّالٖ وَبَنِينَ
Nag-aakala ba sila na ang inaayuda Namin sa kanila na yaman at mga anak
Surah Al-Mumenoon, Verse 55
نُسَارِعُ لَهُمۡ فِي ٱلۡخَيۡرَٰتِۚ بَل لَّا يَشۡعُرُونَ
ay [dahil] nagmamabilis Kami para sa kanila sa mga mabuting bagay? Bagkus hindi sila nakadarama
Surah Al-Mumenoon, Verse 56
إِنَّ ٱلَّذِينَ هُم مِّنۡ خَشۡيَةِ رَبِّهِم مُّشۡفِقُونَ
Tunay na silang dahil sa takot sa Kanya ay mga nababagabag
Surah Al-Mumenoon, Verse 57
وَٱلَّذِينَ هُم بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِمۡ يُؤۡمِنُونَ
na silang sa mga tanda ng Panginoon nila ay sumasampalataya
Surah Al-Mumenoon, Verse 58
وَٱلَّذِينَ هُم بِرَبِّهِمۡ لَا يُشۡرِكُونَ
na silang sa Panginoon nila ay hindi nagtatambal
Surah Al-Mumenoon, Verse 59
وَٱلَّذِينَ يُؤۡتُونَ مَآ ءَاتَواْ وَّقُلُوبُهُمۡ وَجِلَةٌ أَنَّهُمۡ إِلَىٰ رَبِّهِمۡ رَٰجِعُونَ
na nagbibigay ng ibinigay nila habang ang mga puso nila ay nasisindak na sila sa Panginoon nila ay mga babalik
Surah Al-Mumenoon, Verse 60
أُوْلَـٰٓئِكَ يُسَٰرِعُونَ فِي ٱلۡخَيۡرَٰتِ وَهُمۡ لَهَا سَٰبِقُونَ
ang mga iyon ay nagmamabilis sa mga mabuting bagay, at sila sa mga ito ay nauuna [sa iba]
Surah Al-Mumenoon, Verse 61
وَلَا نُكَلِّفُ نَفۡسًا إِلَّا وُسۡعَهَاۚ وَلَدَيۡنَا كِتَٰبٞ يَنطِقُ بِٱلۡحَقِّ وَهُمۡ لَا يُظۡلَمُونَ
Hindi Kami nag-aatang sa isang kaluluwa malibang ayon sa kaya nito. Mayroon Kaming isang talaang bumibigkas ng katotohanan at sila ay hindi lalabagin sa katarungan
Surah Al-Mumenoon, Verse 62
بَلۡ قُلُوبُهُمۡ فِي غَمۡرَةٖ مِّنۡ هَٰذَا وَلَهُمۡ أَعۡمَٰلٞ مِّن دُونِ ذَٰلِكَ هُمۡ لَهَا عَٰمِلُونَ
Bagkus ang mga puso nila ay nasa isang kalituhan rito, at mayroon silang mga gawang [masama] bukod pa roon na sila ay gumagawa ng mga ito
Surah Al-Mumenoon, Verse 63
حَتَّىٰٓ إِذَآ أَخَذۡنَا مُتۡرَفِيهِم بِٱلۡعَذَابِ إِذَا هُمۡ يَجۡـَٔرُونَ
Hanggang sa nang nagpataw Kami sa mga pinariwasa sa kanila ng pagdurusa, biglang sila ay umuungol
Surah Al-Mumenoon, Verse 64
لَا تَجۡـَٔرُواْ ٱلۡيَوۡمَۖ إِنَّكُم مِّنَّا لَا تُنصَرُونَ
Huwag kayong umungol ngayong araw; tunay na kayo mula sa Amin ay hindi maiaadya
Surah Al-Mumenoon, Verse 65
قَدۡ كَانَتۡ ءَايَٰتِي تُتۡلَىٰ عَلَيۡكُمۡ فَكُنتُمۡ عَلَىٰٓ أَعۡقَٰبِكُمۡ تَنكِصُونَ
Ang mga talata Ko nga noon ay binibigkas sa inyo ngunit kayo noon sa mga sakong ninyo ay umuurong
Surah Al-Mumenoon, Verse 66
مُسۡتَكۡبِرِينَ بِهِۦ سَٰمِرٗا تَهۡجُرُونَ
habang mga nagmamalaki hinggil dito samantalang nagpupuyat habang namimintas sila
Surah Al-Mumenoon, Verse 67
أَفَلَمۡ يَدَّبَّرُواْ ٱلۡقَوۡلَ أَمۡ جَآءَهُم مَّا لَمۡ يَأۡتِ ءَابَآءَهُمُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Kaya hindi ba sila nagmumuni-muni sa sinabi [ni Allāh] o dumating sa kanila ang hindi dumating sa mga magulang nilang sinauna
Surah Al-Mumenoon, Verse 68
أَمۡ لَمۡ يَعۡرِفُواْ رَسُولَهُمۡ فَهُمۡ لَهُۥ مُنكِرُونَ
O hindi sila nakakilala sa Sugo nila kaya sila sa kanya ay mga tagapagkaila
Surah Al-Mumenoon, Verse 69
أَمۡ يَقُولُونَ بِهِۦ جِنَّةُۢۚ بَلۡ جَآءَهُم بِٱلۡحَقِّ وَأَكۡثَرُهُمۡ لِلۡحَقِّ كَٰرِهُونَ
O nagsasabi sila na sa kanya ay may isang kabaliwan? Bagkus naghatid siya sa kanila ng katotohanan habang ang higit na marami sa kanila sa katotohanan ay mga nasusuklam
Surah Al-Mumenoon, Verse 70
وَلَوِ ٱتَّبَعَ ٱلۡحَقُّ أَهۡوَآءَهُمۡ لَفَسَدَتِ ٱلسَّمَٰوَٰتُ وَٱلۡأَرۡضُ وَمَن فِيهِنَّۚ بَلۡ أَتَيۡنَٰهُم بِذِكۡرِهِمۡ فَهُمۡ عَن ذِكۡرِهِم مُّعۡرِضُونَ
Kung sakaling sumunod ang katotohanan sa mga pithaya nila ay talaga sanang nagulo ang mga langit at ang lupa at ang sinumang nasa mga ito. Bagkus nagdala Kami sa kanila ng paalaala sa kanila, ngunit sila sa paalaala sa kanila ay mga tagaayaw
Surah Al-Mumenoon, Verse 71
أَمۡ تَسۡـَٔلُهُمۡ خَرۡجٗا فَخَرَاجُ رَبِّكَ خَيۡرٞۖ وَهُوَ خَيۡرُ ٱلرَّـٰزِقِينَ
O humihingi ka ba sa kanila ng kabayaran sapagkat ang bayad ng Panginoon mo ay higit na mabuti at Siya ay ang pinakambuti sa mga tagatustos
Surah Al-Mumenoon, Verse 72
وَإِنَّكَ لَتَدۡعُوهُمۡ إِلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ
Tunay na ikaw ay talagang nag-aanyaya sa kanila tungo sa isang landasing tuwid
Surah Al-Mumenoon, Verse 73
وَإِنَّ ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِ عَنِ ٱلصِّرَٰطِ لَنَٰكِبُونَ
Tunay na ang mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay palayo sa landasin ay talagang mga pumapaling
Surah Al-Mumenoon, Verse 74
۞وَلَوۡ رَحِمۡنَٰهُمۡ وَكَشَفۡنَا مَا بِهِم مِّن ضُرّٖ لَّلَجُّواْ فِي طُغۡيَٰنِهِمۡ يَعۡمَهُونَ
Kahit pa naawa Kami sa kanila at nag-alis Kami ng taglay nilang kapinsalaan ay talagang nagmatigas sila sa pagmamalabis nila habang nag-aapuhap sila
Surah Al-Mumenoon, Verse 75
وَلَقَدۡ أَخَذۡنَٰهُم بِٱلۡعَذَابِ فَمَا ٱسۡتَكَانُواْ لِرَبِّهِمۡ وَمَا يَتَضَرَّعُونَ
Talaga ngang nagpataw Kami sa kanila ng pagdurusa ngunit hindi sila nangayupapa sa Panginoon nila at hindi sila nagsusumamo
Surah Al-Mumenoon, Verse 76
حَتَّىٰٓ إِذَا فَتَحۡنَا عَلَيۡهِم بَابٗا ذَا عَذَابٖ شَدِيدٍ إِذَا هُمۡ فِيهِ مُبۡلِسُونَ
Hanggang sa nang nagbukas Kami sa kanila ng isang pintuang may isang pagdurusang matindi, biglang sila roon ay mga nalulumbay
Surah Al-Mumenoon, Verse 77
وَهُوَ ٱلَّذِيٓ أَنشَأَ لَكُمُ ٱلسَّمۡعَ وَٱلۡأَبۡصَٰرَ وَٱلۡأَفۡـِٔدَةَۚ قَلِيلٗا مَّا تَشۡكُرُونَ
Siya ay ang nagpaluwal para sa inyo ng pandinig, mga paningin, at mga puso. Kaunti ang pinasasalamatan ninyo
Surah Al-Mumenoon, Verse 78
وَهُوَ ٱلَّذِي ذَرَأَكُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَإِلَيۡهِ تُحۡشَرُونَ
Siya ay ang lumalang sa inyo sa lupa at tungo sa Kanya kakalapin kayo
Surah Al-Mumenoon, Verse 79
وَهُوَ ٱلَّذِي يُحۡيِۦ وَيُمِيتُ وَلَهُ ٱخۡتِلَٰفُ ٱلَّيۡلِ وَٱلنَّهَارِۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ
Siya ay ang nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan. Sa Kanya ang pagsasalitan ng gabi at maghapon. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa
Surah Al-Mumenoon, Verse 80
بَلۡ قَالُواْ مِثۡلَ مَا قَالَ ٱلۡأَوَّلُونَ
Bagkus nagsabi sila ng tulad sa sinabi ng mga sinauna
Surah Al-Mumenoon, Verse 81
قَالُوٓاْ أَءِذَا مِتۡنَا وَكُنَّا تُرَابٗا وَعِظَٰمًا أَءِنَّا لَمَبۡعُوثُونَ
Nagsabi sila: "Kapag namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga buto, tunay bang kami ay talagang mga bubuhayin
Surah Al-Mumenoon, Verse 82
لَقَدۡ وُعِدۡنَا نَحۡنُ وَءَابَآؤُنَا هَٰذَا مِن قَبۡلُ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّآ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Talaga ngang pinangakuan Kami mismo at ang mga magulang namin nito bago pa niyan. Walang iba ito kundi mga alamat ng mga sinauna
Surah Al-Mumenoon, Verse 83
قُل لِّمَنِ ٱلۡأَرۡضُ وَمَن فِيهَآ إِن كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ
Sabihin mo: "Kanino ang lupa at ang sinumang narito kung kayo ay nakaaalam
Surah Al-Mumenoon, Verse 84
سَيَقُولُونَ لِلَّهِۚ قُلۡ أَفَلَا تَذَكَّرُونَ
Magsasabi sila: "Sa kay Allāh." Sabihin mo: "Kaya hindi ba kayo magsasaalaala
Surah Al-Mumenoon, Verse 85
قُلۡ مَن رَّبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ ٱلسَّبۡعِ وَرَبُّ ٱلۡعَرۡشِ ٱلۡعَظِيمِ
Sabihin mo: "Sino ang Panginoon ng pitong langit at ang Panginoon ng tronong dakila
Surah Al-Mumenoon, Verse 86
سَيَقُولُونَ لِلَّهِۚ قُلۡ أَفَلَا تَتَّقُونَ
Magsasabi sila: "[Ang mga ito ay] sa kay Allāh." Sabihin mo: "Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala
Surah Al-Mumenoon, Verse 87
قُلۡ مَنۢ بِيَدِهِۦ مَلَكُوتُ كُلِّ شَيۡءٖ وَهُوَ يُجِيرُ وَلَا يُجَارُ عَلَيۡهِ إِن كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ
Sabihin mo: "Sino ang nasa kamay Niya ang pagkahari sa bawat bagay at Siya ay kumakalinga at hindi kinakalinga, kung kayo ay nakaaalam
Surah Al-Mumenoon, Verse 88
سَيَقُولُونَ لِلَّهِۚ قُلۡ فَأَنَّىٰ تُسۡحَرُونَ
Magsasabi sila: "[Ang mga ito ay] sa kay Allāh." Sabihin mo: "Kaya paanong napaglalalangan kayo
Surah Al-Mumenoon, Verse 89
بَلۡ أَتَيۡنَٰهُم بِٱلۡحَقِّ وَإِنَّهُمۡ لَكَٰذِبُونَ
Bagkus nagdala Kami sa kanila ng katotohanan, at tunay na sila ay talagang mga sinungaling
Surah Al-Mumenoon, Verse 90
مَا ٱتَّخَذَ ٱللَّهُ مِن وَلَدٖ وَمَا كَانَ مَعَهُۥ مِنۡ إِلَٰهٍۚ إِذٗا لَّذَهَبَ كُلُّ إِلَٰهِۭ بِمَا خَلَقَ وَلَعَلَا بَعۡضُهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖۚ سُبۡحَٰنَ ٱللَّهِ عَمَّا يَصِفُونَ
Hindi gumawa si Allāh ng anumang anak. Hindi nangyaring may kasama sa Kanya na anumang diyos. [Kung nagkagayon] samakatuwid talaga sanang nag-alis ang bawat diyos ng nilikha nito at talaga sanang nangibabaw ang ilan sa kanila higit sa iba. Kaluwalhatian kay Allāh higit sa anumang inilalarawan nila
Surah Al-Mumenoon, Verse 91
عَٰلِمِ ٱلۡغَيۡبِ وَٱلشَّهَٰدَةِ فَتَعَٰلَىٰ عَمَّا يُشۡرِكُونَ
Nakaaalam sa Lingid at Nasasaksihan, kaya pagkataas-taas Siya kaysa sa anumang itinatambal nila
Surah Al-Mumenoon, Verse 92
قُل رَّبِّ إِمَّا تُرِيَنِّي مَا يُوعَدُونَ
Sabihin mo: "Panginoon ko, kung ipakikita Mo nga sa akin ang ipinangangako sa kanila
Surah Al-Mumenoon, Verse 93
رَبِّ فَلَا تَجۡعَلۡنِي فِي ٱلۡقَوۡمِ ٱلظَّـٰلِمِينَ
Panginoon ko, huwag Kang maglagay sa akin sa mga taong tagalabag sa katarungan
Surah Al-Mumenoon, Verse 94
وَإِنَّا عَلَىٰٓ أَن نُّرِيَكَ مَا نَعِدُهُمۡ لَقَٰدِرُونَ
Tunay na Kami, sa pagpapakita Namin sa iyo ng ipinangangako Namin sa kanila, ay talagang nakakakaya
Surah Al-Mumenoon, Verse 95
ٱدۡفَعۡ بِٱلَّتِي هِيَ أَحۡسَنُ ٱلسَّيِّئَةَۚ نَحۡنُ أَعۡلَمُ بِمَا يَصِفُونَ
Itaboy mo sa pamamagitan nitong higit na maganda ang masagwa. Kami ay higit na maalam sa anumang inilalarawan nila
Surah Al-Mumenoon, Verse 96
وَقُل رَّبِّ أَعُوذُ بِكَ مِنۡ هَمَزَٰتِ ٱلشَّيَٰطِينِ
Sabihin mo: "Panginoon ko, nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa mga pambubuyo ng mga demonyo
Surah Al-Mumenoon, Verse 97
وَأَعُوذُ بِكَ رَبِّ أَن يَحۡضُرُونِ
at nagpapakupkop ako sa Iyo, Panginoon ko, na dumalo sila sa akin
Surah Al-Mumenoon, Verse 98
حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءَ أَحَدَهُمُ ٱلۡمَوۡتُ قَالَ رَبِّ ٱرۡجِعُونِ
[Gayon nga] hanggang sa nang dumating sa isa sa kanila ang kamatayan ay nagsabi siya: "Panginoon ko, magpabalik Kayo sa akin
Surah Al-Mumenoon, Verse 99
لَعَلِّيٓ أَعۡمَلُ صَٰلِحٗا فِيمَا تَرَكۡتُۚ كَلَّآۚ إِنَّهَا كَلِمَةٌ هُوَ قَآئِلُهَاۖ وَمِن وَرَآئِهِم بَرۡزَخٌ إِلَىٰ يَوۡمِ يُبۡعَثُونَ
nang sa gayon ako ay gagawa ng maayos sa naiwan ko!" Aba'y hindi! Tunay na ito ay isang salitang siya ay tagapagsabi nito. Mula sa likuran nila ay may isang harang hanggang sa araw na bubuhayin sila
Surah Al-Mumenoon, Verse 100
فَإِذَا نُفِخَ فِي ٱلصُّورِ فَلَآ أَنسَابَ بَيۡنَهُمۡ يَوۡمَئِذٖ وَلَا يَتَسَآءَلُونَ
Kaya kapag umihip sa tambuli, wala nang mga kaangkanan sa pagitan nila sa Araw na iyon at hindi sila magtatanungan
Surah Al-Mumenoon, Verse 101
فَمَن ثَقُلَتۡ مَوَٰزِينُهُۥ فَأُوْلَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ
Kaya ang bumigat ang mga timbangan nila, ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay
Surah Al-Mumenoon, Verse 102
وَمَنۡ خَفَّتۡ مَوَٰزِينُهُۥ فَأُوْلَـٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ خَسِرُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ فِي جَهَنَّمَ خَٰلِدُونَ
Ang gumaan ang mga timbangan nila, ang mga iyon ang mga nagpalugi sa mga sarili nila sa impiyerno bilang mga mananatili
Surah Al-Mumenoon, Verse 103
تَلۡفَحُ وُجُوهَهُمُ ٱلنَّارُ وَهُمۡ فِيهَا كَٰلِحُونَ
Papaso sa mga mukha nila ang Apoy habang sila roon ay mga umaangil
Surah Al-Mumenoon, Verse 104
أَلَمۡ تَكُنۡ ءَايَٰتِي تُتۡلَىٰ عَلَيۡكُمۡ فَكُنتُم بِهَا تُكَذِّبُونَ
Hindi ba ang mga talata Ko dati ay binibigkas sa inyo ngunit kayo dati sa mga ito ay nagpapasinungaling
Surah Al-Mumenoon, Verse 105
قَالُواْ رَبَّنَا غَلَبَتۡ عَلَيۡنَا شِقۡوَتُنَا وَكُنَّا قَوۡمٗا ضَآلِّينَ
Nagsabi sila: "Panginoon namin, nanaig sa amin ang kalumbayan namin; at kami dati ay mga taong naliligaw
Surah Al-Mumenoon, Verse 106
رَبَّنَآ أَخۡرِجۡنَا مِنۡهَا فَإِنۡ عُدۡنَا فَإِنَّا ظَٰلِمُونَ
Panginoon namin, magpalabas Ka sa amin mula rito; saka kung nanumbalik kami, tunay na kami ay mga tagalabag sa katarungan
Surah Al-Mumenoon, Verse 107
قَالَ ٱخۡسَـُٔواْ فِيهَا وَلَا تُكَلِّمُونِ
Magsasabi Siya: "Magpakahamak kayo riyan at huwag kayong magsalita sa Akin
Surah Al-Mumenoon, Verse 108
إِنَّهُۥ كَانَ فَرِيقٞ مِّنۡ عِبَادِي يَقُولُونَ رَبَّنَآ ءَامَنَّا فَٱغۡفِرۡ لَنَا وَٱرۡحَمۡنَا وَأَنتَ خَيۡرُ ٱلرَّـٰحِمِينَ
Tunay na may isang pangkat noon kabilang sa mga lingkod Ko, na nagsasabi: "Panginoon namin, sumampalataya kami kaya magpatawad Ka sa amin at maawa Ka sa amin; at Ikaw ay ang pinakamabuti sa mga naaawa
Surah Al-Mumenoon, Verse 109
فَٱتَّخَذۡتُمُوهُمۡ سِخۡرِيًّا حَتَّىٰٓ أَنسَوۡكُمۡ ذِكۡرِي وَكُنتُم مِّنۡهُمۡ تَضۡحَكُونَ
Ngunit gumawa kayo sa kanila ng panunuya hanggang sa nagpalimot sila sa inyo sa pag-alaala sa Akin habang kayo noon sa kanila ay tumatawa
Surah Al-Mumenoon, Verse 110
إِنِّي جَزَيۡتُهُمُ ٱلۡيَوۡمَ بِمَا صَبَرُوٓاْ أَنَّهُمۡ هُمُ ٱلۡفَآئِزُونَ
Tunay na Ako ay gaganti sa kanila ngayong Araw dahil nagtiis sila: sila ay ang mga magtatamo
Surah Al-Mumenoon, Verse 111
قَٰلَ كَمۡ لَبِثۡتُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ عَدَدَ سِنِينَ
Magsasabi Siya: "Gaano katagal kayo namalagi sa lupa sa bilang ng mga taon
Surah Al-Mumenoon, Verse 112
قَالُواْ لَبِثۡنَا يَوۡمًا أَوۡ بَعۡضَ يَوۡمٖ فَسۡـَٔلِ ٱلۡعَآدِّينَ
Magsasabi sila: "Namalagi kami nang isang araw o isang bahagi ng araw; ngunit magtanong Ka sa mga tagabilang
Surah Al-Mumenoon, Verse 113
قَٰلَ إِن لَّبِثۡتُمۡ إِلَّا قَلِيلٗاۖ لَّوۡ أَنَّكُمۡ كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ
Magsasabi Siya: "Hindi kayo namalagi kundi sa kaunting [sandali], kung sakaling kayo noon ay nakaaalam
Surah Al-Mumenoon, Verse 114
أَفَحَسِبۡتُمۡ أَنَّمَا خَلَقۡنَٰكُمۡ عَبَثٗا وَأَنَّكُمۡ إِلَيۡنَا لَا تُرۡجَعُونَ
Kaya nagpalagay ba kayo na lumikha Kami sa inyo nang walang-kabuluhan lamang, at na kayo tungo sa Amin ay hindi pababalikin
Surah Al-Mumenoon, Verse 115
فَتَعَٰلَى ٱللَّهُ ٱلۡمَلِكُ ٱلۡحَقُّۖ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ رَبُّ ٱلۡعَرۡشِ ٱلۡكَرِيمِ
Kaya pagkataas-taas si Allāh, ang Haring Totoo – walang Diyos kundi Siya – ang Panginoon ng Tronong marangal
Surah Al-Mumenoon, Verse 116
وَمَن يَدۡعُ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَ لَا بُرۡهَٰنَ لَهُۥ بِهِۦ فَإِنَّمَا حِسَابُهُۥ عِندَ رَبِّهِۦٓۚ إِنَّهُۥ لَا يُفۡلِحُ ٱلۡكَٰفِرُونَ
Ang sinumang mananalangin kasama kay Allāh sa isang diyos na iba pa, na walang patunay para sa kanya rito, ang pagtutuos sa kanya ay nasa Panginoon niya lamang. Tunay na hindi magtatagumpay ang mga tagatangging sumampalataya
Surah Al-Mumenoon, Verse 117
وَقُل رَّبِّ ٱغۡفِرۡ وَٱرۡحَمۡ وَأَنتَ خَيۡرُ ٱلرَّـٰحِمِينَ
Sabihin mo: "Panginoon ko, magpatawad Ka at maawa Ka yayamang Ikaw ay ang pinakamabuti sa mga naaawa
Surah Al-Mumenoon, Verse 118