Surah An-Noor Verse 21 - Filipino Translation by Www.islamhouse.com
Surah An-Noor۞يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَتَّبِعُواْ خُطُوَٰتِ ٱلشَّيۡطَٰنِۚ وَمَن يَتَّبِعۡ خُطُوَٰتِ ٱلشَّيۡطَٰنِ فَإِنَّهُۥ يَأۡمُرُ بِٱلۡفَحۡشَآءِ وَٱلۡمُنكَرِۚ وَلَوۡلَا فَضۡلُ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ وَرَحۡمَتُهُۥ مَا زَكَىٰ مِنكُم مِّنۡ أَحَدٍ أَبَدٗا وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ يُزَكِّي مَن يَشَآءُۗ وَٱللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٞ
O mga sumampalataya, huwag kayong sumunod sa mga bakas ng demonyo. Ang sinumang sumusunod sa mga bakas ng demonyo, tunay na siya ay nag-uutos ng kahalayan at nakasasama. Kung hindi dahil sa kagandahang-loob ni Allāh sa inyo at awa Niya, walang dumalisay kabilang sa inyo na isa man magpakailanman; subalit si Allāh ay nagdadalisay sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay Madinigin, Maalam