Surah Aal-e-Imran Verse 159 - Filipino Translation by Www.islamhouse.com
Surah Aal-e-Imranفَبِمَا رَحۡمَةٖ مِّنَ ٱللَّهِ لِنتَ لَهُمۡۖ وَلَوۡ كُنتَ فَظًّا غَلِيظَ ٱلۡقَلۡبِ لَٱنفَضُّواْ مِنۡ حَوۡلِكَۖ فَٱعۡفُ عَنۡهُمۡ وَٱسۡتَغۡفِرۡ لَهُمۡ وَشَاوِرۡهُمۡ فِي ٱلۡأَمۡرِۖ فَإِذَا عَزَمۡتَ فَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلۡمُتَوَكِّلِينَ
Kaya dahil nga sa awa mula kay Allāh ay nagbanayad ka sa kanila. Kung sakaling ikaw ay naging isang mabagsik na magaspang ang puso ay talaga sanang nabuwag sila mula sa paligid mo. Kaya magpaumanhin ka sa kanila, humingi ka ng tawad para sa kanila at makipagsanggunian ka sa kanila sa usapin. Kaya kapag nagtika ka ay manalig ka kay Allāh; tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nananalig