Surah Luqman Verse 34 - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
Surah Luqmanإِنَّ ٱللَّهَ عِندَهُۥ عِلۡمُ ٱلسَّاعَةِ وَيُنَزِّلُ ٱلۡغَيۡثَ وَيَعۡلَمُ مَا فِي ٱلۡأَرۡحَامِۖ وَمَا تَدۡرِي نَفۡسٞ مَّاذَا تَكۡسِبُ غَدٗاۖ وَمَا تَدۡرِي نَفۡسُۢ بِأَيِّ أَرۡضٖ تَمُوتُۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمٌ خَبِيرُۢ
Katotohanan! Ang kaalaman sa oras (ng Paghuhukom) ay kay Allah (lamang). Siya ang nagpapamalisbis ng ulan at Siya ang nakakaalam (sa laman) ng mga sinapupunan. At walang sinuman ang nakakaalam kung ano ang kanyang kikitain sa kinabukasan; at wala ring sinuman ang nakakaalam kung saang lupain siya mamatay. Katotohanang na kay Allah ang ganap na kaalaman at Siya ang nakakabatid (ng lahat ng bagay)