Surah Al-Ahzab Verse 37 - Filipino Translation by Www.islamhouse.com
Surah Al-Ahzabوَإِذۡ تَقُولُ لِلَّذِيٓ أَنۡعَمَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِ وَأَنۡعَمۡتَ عَلَيۡهِ أَمۡسِكۡ عَلَيۡكَ زَوۡجَكَ وَٱتَّقِ ٱللَّهَ وَتُخۡفِي فِي نَفۡسِكَ مَا ٱللَّهُ مُبۡدِيهِ وَتَخۡشَى ٱلنَّاسَ وَٱللَّهُ أَحَقُّ أَن تَخۡشَىٰهُۖ فَلَمَّا قَضَىٰ زَيۡدٞ مِّنۡهَا وَطَرٗا زَوَّجۡنَٰكَهَا لِكَيۡ لَا يَكُونَ عَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ حَرَجٞ فِيٓ أَزۡوَٰجِ أَدۡعِيَآئِهِمۡ إِذَا قَضَوۡاْ مِنۡهُنَّ وَطَرٗاۚ وَكَانَ أَمۡرُ ٱللَّهِ مَفۡعُولٗا
[Banggitin] noong nagsasabi ka sa biniyayaan ni Allāh at biniyayaan mo: "Magpanatili ka sa iyo ng maybahay mo at mangilag kang magkasala kay Allāh," samantalang nagkukubli ka sa sarili mo ng bagay na si Allāh ay maglalantad nito at natatakot ka sa mga tao samantalang si Allāh ay higit na karapat-dapat na matakot ka sa Kanya. Kaya noong nakatapos si Zayd mula sa kanya ng isang pangangailangan, ipinakasal Namin siya sa iyo upang walang mangyari sa mga mananampalataya na isang pagkaasiwa sa mga maybahay ng mga ampon nila kapag nakatapos ang mga ito mula sa mga iyon ng isang pangangailangan. Laging ang utos ni Allāh ay nagagawa