Surah An-Nisa Verse 83 - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
Surah An-Nisaوَإِذَا جَآءَهُمۡ أَمۡرٞ مِّنَ ٱلۡأَمۡنِ أَوِ ٱلۡخَوۡفِ أَذَاعُواْ بِهِۦۖ وَلَوۡ رَدُّوهُ إِلَى ٱلرَّسُولِ وَإِلَىٰٓ أُوْلِي ٱلۡأَمۡرِ مِنۡهُمۡ لَعَلِمَهُ ٱلَّذِينَ يَسۡتَنۢبِطُونَهُۥ مِنۡهُمۡۗ وَلَوۡلَا فَضۡلُ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ وَرَحۡمَتُهُۥ لَٱتَّبَعۡتُمُ ٱلشَّيۡطَٰنَ إِلَّا قَلِيلٗا
At kung may dumatal sa kanila na ilang pangyayari na may kinalaman sa (pangkalahatang) kaligtasan o pangamba, ito ay ginagawa nila na maalaman (ng mga tao), kung kanila lamang isinangguni ito sa Tagapagbalita o sa mga tao na ginawaran sa lipon nila ng kapamahalaan, ang angkop na mga tagasuri (tagapagsiyasat) ay makakaunawa nito mula sa kanila (nang tuwiran). At kung hindi lamang sa biyaya at habag ni Allah sa inyo, kayo ay tatalima kay Satanas, maliban lamang sa ilan sa inyo