Surah An-Nisa Verse 89 - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
Surah An-Nisaوَدُّواْ لَوۡ تَكۡفُرُونَ كَمَا كَفَرُواْ فَتَكُونُونَ سَوَآءٗۖ فَلَا تَتَّخِذُواْ مِنۡهُمۡ أَوۡلِيَآءَ حَتَّىٰ يُهَاجِرُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِۚ فَإِن تَوَلَّوۡاْ فَخُذُوهُمۡ وَٱقۡتُلُوهُمۡ حَيۡثُ وَجَدتُّمُوهُمۡۖ وَلَا تَتَّخِذُواْ مِنۡهُمۡ وَلِيّٗا وَلَا نَصِيرًا
Sila ay nagnanais na inyong itakwil ang Pananampalataya, na katulad din nang kanilang naging pagtatakwil (sa Pananampalataya), upang sa gayon kayo ay maging magkapantay (sa isa’t isa). Kaya’t huwag ninyong kunin na Auliya (mga tagapagtanggol, kaibigan, kasama) ang mula sa kanila, hanggang sa sila ay magsilikas tungo sa Kapakanan ni Allah (sa pamamagitan ni Muhammad). Datapuwa’t kung sila ay tumalikod (sa Islam, at maging mapaghimagsik), sila ay inyong sakmalin at patayin kahit saan man ninyo sila matagpuan, at huwag kayong kumuha ng Auliya (mga tagapagtanggol, kaibigan, kasama) gayundin ng kawaksi mula sa kanila