Surah Ghafir Verse 28 - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
Surah Ghafirوَقَالَ رَجُلٞ مُّؤۡمِنٞ مِّنۡ ءَالِ فِرۡعَوۡنَ يَكۡتُمُ إِيمَٰنَهُۥٓ أَتَقۡتُلُونَ رَجُلًا أَن يَقُولَ رَبِّيَ ٱللَّهُ وَقَدۡ جَآءَكُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِ مِن رَّبِّكُمۡۖ وَإِن يَكُ كَٰذِبٗا فَعَلَيۡهِ كَذِبُهُۥۖ وَإِن يَكُ صَادِقٗا يُصِبۡكُم بَعۡضُ ٱلَّذِي يَعِدُكُمۡۖ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي مَنۡ هُوَ مُسۡرِفٞ كَذَّابٞ
Isang nananampalataya, isang tao mula sa pamayanan ni Paraon, na naglilingid ng kanyang pananampalataya ang nagsabi: “Iyo bang papatayin ang isang tao dahilan sa siya ay nagsasabi ng: “Ang aking Panginoon ay si Allah?”, kung siya ay katotohanang pumarito sa iyo na may maliwanag na mga Tanda (mga katibayan) mula sa iyong Panginoon? At kung siya man ay maging sinungaling, sasakanya (ang kasalanan) ng kanyang kasinungalingan; datapuwa’t kung siya ay nagsasabi ng katotohanan, kung gayon ay sasapit sa iyo ang mga bagay (ng kapinsalaan) na kung saan ikaw ay kanyang pinaaalalahanan. Katotohanang si Allah ay hindi namamatnubay sa Musrif (isang mapagsamba sa diyus-diyosan, isang mamatay tao na nagpapadanak ng dugo ng walang karapatan, sila na gumagawa ng malalaking kasalanan, mapang-api at lumalabag sa mga utos), na isang nagsisinungaling!”