UAE Prayer Times

  • Dubai
  • Abu Dhabi
  • Sharjah
  • Ajman
  • Fujairah
  • Umm Al Quwain
  • Ras Al Khaimah
  • Quran Translations

Surah Fussilat - Filipino Translation by Www.islamhouse.com


حمٓ

Ḥā. Mīm
Surah Fussilat, Verse 1


تَنزِيلٞ مِّنَ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

[Ito ay] isang pagbababa mula sa [Kanya], ang Napakamaawain, ang Maawain
Surah Fussilat, Verse 2


كِتَٰبٞ فُصِّلَتۡ ءَايَٰتُهُۥ قُرۡءَانًا عَرَبِيّٗا لِّقَوۡمٖ يَعۡلَمُونَ

isang Aklat na dinetalye ang mga talata nito, bilang Qur’ān na Arabe para sa mga taong umaalam
Surah Fussilat, Verse 3


بَشِيرٗا وَنَذِيرٗا فَأَعۡرَضَ أَكۡثَرُهُمۡ فَهُمۡ لَا يَسۡمَعُونَ

bilang mapagbalita ng nakagagalak at bilang mapagbabala, ngunit umayaw ang higit na marami sa kanila kaya sila ay hindi dumidinig
Surah Fussilat, Verse 4


وَقَالُواْ قُلُوبُنَا فِيٓ أَكِنَّةٖ مِّمَّا تَدۡعُونَآ إِلَيۡهِ وَفِيٓ ءَاذَانِنَا وَقۡرٞ وَمِنۢ بَيۡنِنَا وَبَيۡنِكَ حِجَابٞ فَٱعۡمَلۡ إِنَّنَا عَٰمِلُونَ

Nagsabi sila: "Ang mga puso namin ay nasa loob ng mga panakip laban sa ipinaaanyaya mo sa amin, sa mga tainga namin ay may pagkabingi, at sa pagitan namin at pagitan mo ay may isang tabing. Kaya gumawa ka; tunay na kami ay mga tagagawa
Surah Fussilat, Verse 5


قُلۡ إِنَّمَآ أَنَا۠ بَشَرٞ مِّثۡلُكُمۡ يُوحَىٰٓ إِلَيَّ أَنَّمَآ إِلَٰهُكُمۡ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞ فَٱسۡتَقِيمُوٓاْ إِلَيۡهِ وَٱسۡتَغۡفِرُوهُۗ وَوَيۡلٞ لِّلۡمُشۡرِكِينَ

Sabihin mo: "Ako ay tao lamang tulad ninyo. Ikinakasi sa akin na ang Diyos ninyo ay Diyos na nag-iisa lamang, kaya magpakatuwid kayo sa Kanya at humingi kayo ng tawad sa Kanya." Kapighatian ay ukol sa mga tagapagtambal
Surah Fussilat, Verse 6


ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡتُونَ ٱلزَّكَوٰةَ وَهُم بِٱلۡأٓخِرَةِ هُمۡ كَٰفِرُونَ

na mga hindi nagbibigay ng zakāh at sila sa Kabilang-buhay, sila ay mga tagatangging sumampalataya
Surah Fussilat, Verse 7


إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَٰتِ لَهُمۡ أَجۡرٌ غَيۡرُ مَمۡنُونٖ

Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ukol sa kanila ay isang pabuyang hindi matitigil
Surah Fussilat, Verse 8


۞قُلۡ أَئِنَّكُمۡ لَتَكۡفُرُونَ بِٱلَّذِي خَلَقَ ٱلۡأَرۡضَ فِي يَوۡمَيۡنِ وَتَجۡعَلُونَ لَهُۥٓ أَندَادٗاۚ ذَٰلِكَ رَبُّ ٱلۡعَٰلَمِينَ

Sabihin mo: "Tunay na kayo ba ay talagang tumatangging sumampalataya sa lumikha ng lupa sa dalawang araw at gumagawa sa Kanya ng mga kaagaw? Iyon ay ang Panginoon ng mga nilalang
Surah Fussilat, Verse 9


وَجَعَلَ فِيهَا رَوَٰسِيَ مِن فَوۡقِهَا وَبَٰرَكَ فِيهَا وَقَدَّرَ فِيهَآ أَقۡوَٰتَهَا فِيٓ أَرۡبَعَةِ أَيَّامٖ سَوَآءٗ لِّلسَّآئِلِينَ

Naglagay Siya rito ng mga matatag na bundok mula sa ibabaw nito. Nagpala Siya rito at nagtakda Siya rito ng mga makakain dito sa [pagkalubos ng] apat na araw nang magkapantay para sa mga nagtatanong
Surah Fussilat, Verse 10


ثُمَّ ٱسۡتَوَىٰٓ إِلَى ٱلسَّمَآءِ وَهِيَ دُخَانٞ فَقَالَ لَهَا وَلِلۡأَرۡضِ ٱئۡتِيَا طَوۡعًا أَوۡ كَرۡهٗا قَالَتَآ أَتَيۡنَا طَآئِعِينَ

Pagkatapos bumaling Siya sa langit habang ito ay usok pa saka nagsabi Siya rito at sa lupa: "Pumunta kayong dalawa sa pagtalima o sapilitan." Nagsabi silang dalawa: "Pupunta kami na mga tumatalima
Surah Fussilat, Verse 11


فَقَضَىٰهُنَّ سَبۡعَ سَمَٰوَاتٖ فِي يَوۡمَيۡنِ وَأَوۡحَىٰ فِي كُلِّ سَمَآءٍ أَمۡرَهَاۚ وَزَيَّنَّا ٱلسَّمَآءَ ٱلدُّنۡيَا بِمَصَٰبِيحَ وَحِفۡظٗاۚ ذَٰلِكَ تَقۡدِيرُ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡعَلِيمِ

Saka tumapos Siya sa mga ito bilang pitong langit sa dalawang araw at nagkasi Siya sa bawat langit ng utos dito. Gumayak Kami sa langit na pinakamababa ng mga lampara at bilang pangangalaga. Iyon ay ang pagtatakda [Niya], ang Makapangyarihan, ang Maalam
Surah Fussilat, Verse 12


فَإِنۡ أَعۡرَضُواْ فَقُلۡ أَنذَرۡتُكُمۡ صَٰعِقَةٗ مِّثۡلَ صَٰعِقَةِ عَادٖ وَثَمُودَ

Kaya kung umayaw sila ay sabihin mo: "Nagbabala ako sa inyo ng isang lintik tulad ng lintik ng `Ād at Thamūd
Surah Fussilat, Verse 13


إِذۡ جَآءَتۡهُمُ ٱلرُّسُلُ مِنۢ بَيۡنِ أَيۡدِيهِمۡ وَمِنۡ خَلۡفِهِمۡ أَلَّا تَعۡبُدُوٓاْ إِلَّا ٱللَّهَۖ قَالُواْ لَوۡ شَآءَ رَبُّنَا لَأَنزَلَ مَلَـٰٓئِكَةٗ فَإِنَّا بِمَآ أُرۡسِلۡتُم بِهِۦ كَٰفِرُونَ

[Nangyari iyon] noong dumating sa kanila ang mga sugo mula sa harapan nila at mula sa likuran nila, [na nagsasabi]: "Huwag kayong sumamba kundi kay Allāh." Nagsabi sila: "Kung sakaling niloob ng Panginoon namin ay talaga sanang nagpababa Siya ng mga anghel, kaya tunay na kami sa ipinasugo sa inyo ay mga tagatangging sumampalataya
Surah Fussilat, Verse 14


فَأَمَّا عَادٞ فَٱسۡتَكۡبَرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ بِغَيۡرِ ٱلۡحَقِّ وَقَالُواْ مَنۡ أَشَدُّ مِنَّا قُوَّةًۖ أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّ ٱللَّهَ ٱلَّذِي خَلَقَهُمۡ هُوَ أَشَدُّ مِنۡهُمۡ قُوَّةٗۖ وَكَانُواْ بِـَٔايَٰتِنَا يَجۡحَدُونَ

Tungkol sa `Ād, nagmalaki sila sa lupain ayon sa hindi karapatan at nagsabi sila: "Sino ang higit na matindi kaysa sa amin sa lakas?" Hindi ba sila nagsaalang-alang na si Allāh na lumikha sa kanila ay higit na matindi kaysa sa kanila sa lakas? Sila dati sa mga talata Namin ay nagkakaila
Surah Fussilat, Verse 15


فَأَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمۡ رِيحٗا صَرۡصَرٗا فِيٓ أَيَّامٖ نَّحِسَاتٖ لِّنُذِيقَهُمۡ عَذَابَ ٱلۡخِزۡيِ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۖ وَلَعَذَابُ ٱلۡأٓخِرَةِ أَخۡزَىٰۖ وَهُمۡ لَا يُنصَرُونَ

Kaya nagsugo Kami sa kanila ng isang hanging humahagunot sa mga araw na sawing-palad upang magpalasap Kami sa kanila ng pagdurusa ng kahihiyan sa buhay na pangmundo. Talagang ang pagdurusa sa Kabilang-buhay ay higit na kahiya-hiya habang sila ay hindi iaadya
Surah Fussilat, Verse 16


وَأَمَّا ثَمُودُ فَهَدَيۡنَٰهُمۡ فَٱسۡتَحَبُّواْ ٱلۡعَمَىٰ عَلَى ٱلۡهُدَىٰ فَأَخَذَتۡهُمۡ صَٰعِقَةُ ٱلۡعَذَابِ ٱلۡهُونِ بِمَا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ

Tungkol sa Thamūd, nagpatnubay Kami sa kanila ngunit umibig sila nang higit sa pagkabulag kaysa sa patnubay kaya dumaklot sa kanila ang lintik ng pagdurusang humahamak dahil sa dati nilang nakakamit
Surah Fussilat, Verse 17


وَنَجَّيۡنَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَكَانُواْ يَتَّقُونَ

Nagligtas Kami sa mga sumampalataya at nangingilag magkasala noon
Surah Fussilat, Verse 18


وَيَوۡمَ يُحۡشَرُ أَعۡدَآءُ ٱللَّهِ إِلَى ٱلنَّارِ فَهُمۡ يُوزَعُونَ

Sa araw na kakalapin ang mga kaaway ni Allāh patungo sa Apoy saka sila ay pagpapangkatin
Surah Fussilat, Verse 19


حَتَّىٰٓ إِذَا مَا جَآءُوهَا شَهِدَ عَلَيۡهِمۡ سَمۡعُهُمۡ وَأَبۡصَٰرُهُمۡ وَجُلُودُهُم بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ

hanggang sa, kapag dumating sila roon, sasaksi laban sa kanila ang pandinig nila, ang mga paningin nila, at mga balat nila sa dati nilang ginagawa
Surah Fussilat, Verse 20


وَقَالُواْ لِجُلُودِهِمۡ لِمَ شَهِدتُّمۡ عَلَيۡنَاۖ قَالُوٓاْ أَنطَقَنَا ٱللَّهُ ٱلَّذِيٓ أَنطَقَ كُلَّ شَيۡءٖۚ وَهُوَ خَلَقَكُمۡ أَوَّلَ مَرَّةٖ وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ

Magsasabi sila sa mga balat nila: "Bakit kayo sumaksi laban sa amin?" Magsasabi ang mga ito: "Nagpabigkas sa amin si Allāh na nagpabigkas sa bawat bagay. Siya ay lumikha sa inyo sa unang pagkakataon, at tungo sa Kanya pababalikin kayo
Surah Fussilat, Verse 21


وَمَا كُنتُمۡ تَسۡتَتِرُونَ أَن يَشۡهَدَ عَلَيۡكُمۡ سَمۡعُكُمۡ وَلَآ أَبۡصَٰرُكُمۡ وَلَا جُلُودُكُمۡ وَلَٰكِن ظَنَنتُمۡ أَنَّ ٱللَّهَ لَا يَعۡلَمُ كَثِيرٗا مِّمَّا تَعۡمَلُونَ

Hindi kayo dati nagtatakip [ng mga sarili] na baka sumaksi laban sa inyo ang pandinig ninyo, ni ang mga paningin ninyo, at ni ang mga balat ninyo; subalit nagpalagay kayo na si Allāh ay hindi nakaaalam sa marami sa ginagawa ninyo
Surah Fussilat, Verse 22


وَذَٰلِكُمۡ ظَنُّكُمُ ٱلَّذِي ظَنَنتُم بِرَبِّكُمۡ أَرۡدَىٰكُمۡ فَأَصۡبَحۡتُم مِّنَ ٱلۡخَٰسِرِينَ

Yaong pagpapalagay ninyo na ipinagpalagay ninyo sa Panginoon ninyo ay nagpasawi sa inyo kaya kayo ay naging kabilang sa mga lugi
Surah Fussilat, Verse 23


فَإِن يَصۡبِرُواْ فَٱلنَّارُ مَثۡوٗى لَّهُمۡۖ وَإِن يَسۡتَعۡتِبُواْ فَمَا هُم مِّنَ ٱلۡمُعۡتَبِينَ

Kaya kung makatitiis sila, ang Apoy ay isang tuluyan para sa kanila. Kung hihiling silang magpasiya [kay Allāh] ay hindi sila kabilang sa mga magpapasiya
Surah Fussilat, Verse 24


۞وَقَيَّضۡنَا لَهُمۡ قُرَنَآءَ فَزَيَّنُواْ لَهُم مَّا بَيۡنَ أَيۡدِيهِمۡ وَمَا خَلۡفَهُمۡ وَحَقَّ عَلَيۡهِمُ ٱلۡقَوۡلُ فِيٓ أُمَمٖ قَدۡ خَلَتۡ مِن قَبۡلِهِم مِّنَ ٱلۡجِنِّ وَٱلۡإِنسِۖ إِنَّهُمۡ كَانُواْ خَٰسِرِينَ

Nagtalaga Kami para sa kanila ng mga kapisan sakit ipang-aakit ng mga ito para sa kanila ang nasa harapan nila at ang nasa likuran nila [na kasalanan]. Nagindapat sa kanila ang hatol sa mga kalipunang nagdaan na bago pa nila kabilang sa jinn at tao. Tunay na sila ay mga lugi noon
Surah Fussilat, Verse 25


وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَا تَسۡمَعُواْ لِهَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانِ وَٱلۡغَوۡاْ فِيهِ لَعَلَّكُمۡ تَغۡلِبُونَ

Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: "Huwag kayong makinig sa Qur’ān na ito at mag-ingay kayo [sa pagbigkas] dito, nang sa gayon kayo ay mananaig
Surah Fussilat, Verse 26


فَلَنُذِيقَنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ عَذَابٗا شَدِيدٗا وَلَنَجۡزِيَنَّهُمۡ أَسۡوَأَ ٱلَّذِي كَانُواْ يَعۡمَلُونَ

Kaya talagang magpapalasap nga Kami sa mga tumangging sumampalataya ng isang pagdurusang matindi at talagang gaganti nga Kami sa kanila ng pinakamasagwa sa dati nilang ginagawa
Surah Fussilat, Verse 27


ذَٰلِكَ جَزَآءُ أَعۡدَآءِ ٱللَّهِ ٱلنَّارُۖ لَهُمۡ فِيهَا دَارُ ٱلۡخُلۡدِ جَزَآءَۢ بِمَا كَانُواْ بِـَٔايَٰتِنَا يَجۡحَدُونَ

Iyon ay ang ganti sa mga kaaway ni Allāh – ang Apoy. Ukol sa kanila roon ang tahanan ng kawalang-hanggan bilang ganti dahil sila dati sa mga tanda Namin ay nagkakaila
Surah Fussilat, Verse 28


وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ رَبَّنَآ أَرِنَا ٱلَّذَيۡنِ أَضَلَّانَا مِنَ ٱلۡجِنِّ وَٱلۡإِنسِ نَجۡعَلۡهُمَا تَحۡتَ أَقۡدَامِنَا لِيَكُونَا مِنَ ٱلۡأَسۡفَلِينَ

Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: "Panginoon namin, magpakita Ka sa amin ng dalawang nagligaw sa amin kabilang sa jinn at tao, maglalagay kami sa kanilang dalawa sa ilalim ng mga paa namin upang silang dalawa ay maging kabilang sa mga pinakamababa
Surah Fussilat, Verse 29


إِنَّ ٱلَّذِينَ قَالُواْ رَبُّنَا ٱللَّهُ ثُمَّ ٱسۡتَقَٰمُواْ تَتَنَزَّلُ عَلَيۡهِمُ ٱلۡمَلَـٰٓئِكَةُ أَلَّا تَخَافُواْ وَلَا تَحۡزَنُواْ وَأَبۡشِرُواْ بِٱلۡجَنَّةِ ٱلَّتِي كُنتُمۡ تُوعَدُونَ

Tunay na ang mga nagsabi: "Si Allāh ay ang Panginoon namin," pagkatapos nagpakatuwid, magbababaan sa kanila ang mga anghel na [magsasabi]: "Huwag kayong mangamba, huwag kayong malungkot, at magalak kayo sa Paraiso na sa inyo dati ay ipinangangako
Surah Fussilat, Verse 30


نَحۡنُ أَوۡلِيَآؤُكُمۡ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا وَفِي ٱلۡأٓخِرَةِۖ وَلَكُمۡ فِيهَا مَا تَشۡتَهِيٓ أَنفُسُكُمۡ وَلَكُمۡ فِيهَا مَا تَدَّعُونَ

Kami ay mga katangkilik ninyo sa buhay na pangmundo at sa Kabilang-buhay. Ukol sa inyo roon ang ninanasa ng mga sarili ninyo at ukol sa inyo roon ang anumang hinihiling ninyo
Surah Fussilat, Verse 31


نُزُلٗا مِّنۡ غَفُورٖ رَّحِيمٖ

bilang pang-aliw mula sa Mapagpatawad, Maawain
Surah Fussilat, Verse 32


وَمَنۡ أَحۡسَنُ قَوۡلٗا مِّمَّن دَعَآ إِلَى ٱللَّهِ وَعَمِلَ صَٰلِحٗا وَقَالَ إِنَّنِي مِنَ ٱلۡمُسۡلِمِينَ

Sino pa ang higit na maganda sa sinasabi kaysa sa sinumang nag-anyaya tungo kay Allāh, gumawa ng maayos, at nagsabi: "Tunay na ako ay kabilang sa mga tagapagpasakop
Surah Fussilat, Verse 33


وَلَا تَسۡتَوِي ٱلۡحَسَنَةُ وَلَا ٱلسَّيِّئَةُۚ ٱدۡفَعۡ بِٱلَّتِي هِيَ أَحۡسَنُ فَإِذَا ٱلَّذِي بَيۡنَكَ وَبَيۡنَهُۥ عَدَٰوَةٞ كَأَنَّهُۥ وَلِيٌّ حَمِيمٞ

Hindi nagkakapantay ang magandang gawa at ang masagwang gawa. Itulak mo [ang masagwa] sa pamamagitan ng siyang higit na maganda, saka biglang ang [taong] sa pagitan mo at sa pagitan niya ay may pagkamuhi ay [magiging] para bang siya ay isang katangkilik na matalik
Surah Fussilat, Verse 34


وَمَا يُلَقَّىٰهَآ إِلَّا ٱلَّذِينَ صَبَرُواْ وَمَا يُلَقَّىٰهَآ إِلَّا ذُو حَظٍّ عَظِيمٖ

Walang ginagawaran nito kundi ang mga nagtiis at walang ginagawaran nito kundi ang isang may isang bahaging dakila
Surah Fussilat, Verse 35


وَإِمَّا يَنزَغَنَّكَ مِنَ ٱلشَّيۡطَٰنِ نَزۡغٞ فَٱسۡتَعِذۡ بِٱللَّهِۖ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ

Kung may magbubuyo nga sa iyo mula sa demonyo na isang pambubuyo ay humiling ka ng pagkukupkop kay Allāh; tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Maalam
Surah Fussilat, Verse 36


وَمِنۡ ءَايَٰتِهِ ٱلَّيۡلُ وَٱلنَّهَارُ وَٱلشَّمۡسُ وَٱلۡقَمَرُۚ لَا تَسۡجُدُواْ لِلشَّمۡسِ وَلَا لِلۡقَمَرِ وَٱسۡجُدُواْۤ لِلَّهِۤ ٱلَّذِي خَلَقَهُنَّ إِن كُنتُمۡ إِيَّاهُ تَعۡبُدُونَ

Kabilang sa mga tanda Niya ang gabi at ang maghapon, at ang araw at ang buwan. Huwag kayong magpatirapa sa araw ni sa buwan. Magpatirapa kayo kay Allāh na lumikha ng mga ito, kung kayo ay sa Kanya sumasamba
Surah Fussilat, Verse 37


فَإِنِ ٱسۡتَكۡبَرُواْ فَٱلَّذِينَ عِندَ رَبِّكَ يُسَبِّحُونَ لَهُۥ بِٱلَّيۡلِ وَٱلنَّهَارِ وَهُمۡ لَا يَسۡـَٔمُونَ۩

Ngunit kung nagmalaki sila, ang mga nasa piling ng Panginoon mo ay nagluluwalhati sa Kanya sa gabi at maghapon habang sila ay hindi nanghihinawa
Surah Fussilat, Verse 38


وَمِنۡ ءَايَٰتِهِۦٓ أَنَّكَ تَرَى ٱلۡأَرۡضَ خَٰشِعَةٗ فَإِذَآ أَنزَلۡنَا عَلَيۡهَا ٱلۡمَآءَ ٱهۡتَزَّتۡ وَرَبَتۡۚ إِنَّ ٱلَّذِيٓ أَحۡيَاهَا لَمُحۡيِ ٱلۡمَوۡتَىٰٓۚ إِنَّهُۥ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٌ

Kabilang sa mga tanda Niya na ikaw ay nakakikita na ang lupa ay tigang ngunit kapag nagpababa Kami sa ibabaw nito ng tubig ay gumalaw-galaw ito at lumago ito. Tunay na ang nagbigay-buhay rito ay talagang tagapagbigay-buhay sa mga patay. Tunay na Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan
Surah Fussilat, Verse 39


إِنَّ ٱلَّذِينَ يُلۡحِدُونَ فِيٓ ءَايَٰتِنَا لَا يَخۡفَوۡنَ عَلَيۡنَآۗ أَفَمَن يُلۡقَىٰ فِي ٱلنَّارِ خَيۡرٌ أَم مَّن يَأۡتِيٓ ءَامِنٗا يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۚ ٱعۡمَلُواْ مَا شِئۡتُمۡ إِنَّهُۥ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرٌ

Tunay na ang mga lumilihis sa mga tanda Namin ay hindi nakakukubli sa Amin. Kaya ba ang sinumang itatapon sa Apoy ay higit na mabuti o ang sinumang pupunta nang ligtas sa Araw ng Pagbangon? Gawin ninyo ang niloob ninyo; tunay na Siya sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita
Surah Fussilat, Verse 40


إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِٱلذِّكۡرِ لَمَّا جَآءَهُمۡۖ وَإِنَّهُۥ لَكِتَٰبٌ عَزِيزٞ

Tunay na ang mga tumangging sumampalataya sa paalaala noong dumating ito sa kanila [ay parurusahan.] Tunay na ito ay talagang isang Aklat na makapangyarihan
Surah Fussilat, Verse 41


لَّا يَأۡتِيهِ ٱلۡبَٰطِلُ مِنۢ بَيۡنِ يَدَيۡهِ وَلَا مِنۡ خَلۡفِهِۦۖ تَنزِيلٞ مِّنۡ حَكِيمٍ حَمِيدٖ

Hindi pumupunta rito ang kabulaanan mula sa harapan nito ni mula sa likuran nito. [Ito ay] isang pagbababa mula sa Marunong, Kapuri-puri
Surah Fussilat, Verse 42


مَّا يُقَالُ لَكَ إِلَّا مَا قَدۡ قِيلَ لِلرُّسُلِ مِن قَبۡلِكَۚ إِنَّ رَبَّكَ لَذُو مَغۡفِرَةٖ وَذُو عِقَابٍ أَلِيمٖ

Walang sinasabi sa iyo kundi ang sinabi na sa mga sugo bago mo pa; tunay na ang Panginoon mo ay talagang may pagpapatawad at may parusang masakit
Surah Fussilat, Verse 43


وَلَوۡ جَعَلۡنَٰهُ قُرۡءَانًا أَعۡجَمِيّٗا لَّقَالُواْ لَوۡلَا فُصِّلَتۡ ءَايَٰتُهُۥٓۖ ءَا۬عۡجَمِيّٞ وَعَرَبِيّٞۗ قُلۡ هُوَ لِلَّذِينَ ءَامَنُواْ هُدٗى وَشِفَآءٞۚ وَٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ فِيٓ ءَاذَانِهِمۡ وَقۡرٞ وَهُوَ عَلَيۡهِمۡ عَمًىۚ أُوْلَـٰٓئِكَ يُنَادَوۡنَ مِن مَّكَانِۭ بَعِيدٖ

Kung sakaling gumawa Kami rito bilang Qur’ān na di-Arabe ay talaga sanang nagsabi sila: "Bakit kaya hindi dinetalye ang mga talata nito? [Ito] ba ay di-Arabe at Arabe [ang Sugo]? Sabihin mo: "Ito para sa mga sumampalataya ay isang patnubay at isang lunas." Ang mga hindi sumasampalataya, sa mga tainga nila ay may kabingihan at ito sa kanila ay pagkabulag. Ang mga iyon ay tinatawag mula sa isang pook na malayo
Surah Fussilat, Verse 44


وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ فَٱخۡتُلِفَ فِيهِۚ وَلَوۡلَا كَلِمَةٞ سَبَقَتۡ مِن رَّبِّكَ لَقُضِيَ بَيۡنَهُمۡۚ وَإِنَّهُمۡ لَفِي شَكّٖ مِّنۡهُ مُرِيبٖ

Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Kasulatan, ngunit nagkaiba-iba hinggil doon. Kung hindi dahil sa isang salitang nauna mula sa Panginoon mo ay talaga sanang humusga sa pagitan nila. Tunay na sila ay talagang nasa isang pagdududa roon, na nag-aalinlangan
Surah Fussilat, Verse 45


مَّنۡ عَمِلَ صَٰلِحٗا فَلِنَفۡسِهِۦۖ وَمَنۡ أَسَآءَ فَعَلَيۡهَاۗ وَمَا رَبُّكَ بِظَلَّـٰمٖ لِّلۡعَبِيدِ

Ang sinumang gumawa ng maayos, [ito] ay para sa sarili niya; at ang sinumang nagpasagwa, [ito] ay laban dito. Ang Panginoon mo ay hindi palalabag sa katarungan sa mga alipin [Niya]
Surah Fussilat, Verse 46


۞إِلَيۡهِ يُرَدُّ عِلۡمُ ٱلسَّاعَةِۚ وَمَا تَخۡرُجُ مِن ثَمَرَٰتٖ مِّنۡ أَكۡمَامِهَا وَمَا تَحۡمِلُ مِنۡ أُنثَىٰ وَلَا تَضَعُ إِلَّا بِعِلۡمِهِۦۚ وَيَوۡمَ يُنَادِيهِمۡ أَيۡنَ شُرَكَآءِي قَالُوٓاْ ءَاذَنَّـٰكَ مَامِنَّا مِن شَهِيدٖ

Sa Kanya iniugnay ang kaalaman sa Huling Sandali. Walang lumalabas na anumang mga bunga mula sa mga saha ng mga ito at walang nagbubuntis na anumang babae ni nagsisilang malibang nasa kaalaman Niya. Sa Araw na tatawag Siya sa kanila, [na nagsasabi]: "Nasaan ang mga katambal sa Akin?" Magsasabi sila: "Nagpahayag kami sa Iyo na wala na mula sa amin na anumang saksi
Surah Fussilat, Verse 47


وَضَلَّ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَدۡعُونَ مِن قَبۡلُۖ وَظَنُّواْ مَا لَهُم مِّن مَّحِيصٖ

Nawala sa kanila ang dati nilang dinadalanginan bago pa niyon. Nakatiyak sila na walang ukol sa kanila na anumang mapupuslitan
Surah Fussilat, Verse 48


لَّا يَسۡـَٔمُ ٱلۡإِنسَٰنُ مِن دُعَآءِ ٱلۡخَيۡرِ وَإِن مَّسَّهُ ٱلشَّرُّ فَيَـُٔوسٞ قَنُوطٞ

Hindi nanghihinawa ang tao sa pagdalangin ng kabutihan; at kung sumaling sa kanya ang kasamaan, nalagutan ng pag-asa at nawalan ng pag-asa [siya]
Surah Fussilat, Verse 49


وَلَئِنۡ أَذَقۡنَٰهُ رَحۡمَةٗ مِّنَّا مِنۢ بَعۡدِ ضَرَّآءَ مَسَّتۡهُ لَيَقُولَنَّ هَٰذَا لِي وَمَآ أَظُنُّ ٱلسَّاعَةَ قَآئِمَةٗ وَلَئِن رُّجِعۡتُ إِلَىٰ رَبِّيٓ إِنَّ لِي عِندَهُۥ لَلۡحُسۡنَىٰۚ فَلَنُنَبِّئَنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِمَا عَمِلُواْ وَلَنُذِيقَنَّهُم مِّنۡ عَذَابٍ غَلِيظٖ

Talagang kung nagpalasap Kami sa kanya ng isang awa mula sa Amin nang matapos ng kariwaraang sumaling sa kanya ay talagang magsasabi nga siya: "Ito ay ukol sa akin at hindi ako nagpapalagay na ang Huling Sandali ay sasapit. Talagang kung pinabalik ako sa Panginoon ko, tunay na ukol sa akin sa ganang Kanya ay talagang pinakamaganda." Kaya talagang magbabalita nga Kami sa mga tumangging sumampalataya hinggil sa ginawa nila at talagang magpapalasap nga Kami sa kanila ng isang pagdurusang magaspang
Surah Fussilat, Verse 50


وَإِذَآ أَنۡعَمۡنَا عَلَى ٱلۡإِنسَٰنِ أَعۡرَضَ وَنَـَٔا بِجَانِبِهِۦ وَإِذَا مَسَّهُ ٱلشَّرُّ فَذُو دُعَآءٍ عَرِيضٖ

Kapag nagbiyaya Kami sa tao, umaayaw siya at naglalayo siya ng sarili niya. Kapag sumaling sa kanya ang kasamaan, [siya ay] may panalanging malawak
Surah Fussilat, Verse 51


قُلۡ أَرَءَيۡتُمۡ إِن كَانَ مِنۡ عِندِ ٱللَّهِ ثُمَّ كَفَرۡتُم بِهِۦ مَنۡ أَضَلُّ مِمَّنۡ هُوَ فِي شِقَاقِۭ بَعِيدٖ

Sabihin mo: "Nagsaalang-alang ba kayo kung [ang Qur’ān na] ito ay mula sa ganang kay Allāh, pagkatapos tumanggi kayong sumampalataya rito? Sino pa ang higit na ligaw kaysa sa sinumang siya ay na nasa isang hidwaang malayo
Surah Fussilat, Verse 52


سَنُرِيهِمۡ ءَايَٰتِنَا فِي ٱلۡأٓفَاقِ وَفِيٓ أَنفُسِهِمۡ حَتَّىٰ يَتَبَيَّنَ لَهُمۡ أَنَّهُ ٱلۡحَقُّۗ أَوَلَمۡ يَكۡفِ بِرَبِّكَ أَنَّهُۥ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ شَهِيدٌ

Magpapakita Kami sa kanila ng mga tanda Namin sa mga abot-tanaw at sa mga sarili nila hanggang sa luminaw para sa kanila na ito ay ang katotohanan. Hindi ba nakasapat ang Panginoon mo na Siya sa bawat bagay ay Saksi
Surah Fussilat, Verse 53


أَلَآ إِنَّهُمۡ فِي مِرۡيَةٖ مِّن لِّقَآءِ رَبِّهِمۡۗ أَلَآ إِنَّهُۥ بِكُلِّ شَيۡءٖ مُّحِيطُۢ

Pansinin, tunay na sila ay nasa isang pag-aalangan sa pakikipagkita sa Panginoon nila. Pansinin, tunay na Siya sa bawat bagay ay Tagasaklaw
Surah Fussilat, Verse 54


Author: Www.islamhouse.com


<< Surah 40
>> Surah 42

Filipino Translations by other Authors


Filipino Translation By Abdullatif Eduardo M. Arceo
Filipino Translation By Www.islamhouse.com
Popular Areas
Apartments for rent in Dubai Apartments for rent Abu Dhabi Villas for rent in Dubai House for rent Abu Dhabi Apartments for sale in Dubai Apartments for sale in Abu Dhabi Flat for rent Sharjah
Popular Searches
Studios for rent in UAE Apartments for rent in UAE Villas for rent in UAE Apartments for sale in UAE Villas for sale in UAE Land for sale in UAE Dubai Real Estate
Trending Areas
Apartments for rent in Dubai Marina Apartments for sale in Dubai Marina Villa for rent in Sharjah Villa for sale in Dubai Flat for rent in Ajman Studio for rent in Abu Dhabi Villa for rent in Ajman
Trending Searches
Villa for rent in Abu Dhabi Shop for rent in Dubai Villas for sale in Ajman Studio for rent in Sharjah 1 Bedroom Apartment for rent in Dubai Property for rent in Abu Dhabi Commercial properties for sale
© Copyright Dubai Prayer Time. All Rights Reserved
Designed by Prayer Time In Dubai