Surah Az-Zukhruf - Filipino Translation by Www.islamhouse.com
حمٓ
Ḥā. Mīm
Surah Az-Zukhruf, Verse 1
وَٱلۡكِتَٰبِ ٱلۡمُبِينِ
Sumpa man sa Aklat na naglilinaw
Surah Az-Zukhruf, Verse 2
إِنَّا جَعَلۡنَٰهُ قُرۡءَٰنًا عَرَبِيّٗا لَّعَلَّكُمۡ تَعۡقِلُونَ
tunay na Kami ay gumawa nito bilang Qur’ān na Arabe nang sa gayon kayo ay makapag-uunawa
Surah Az-Zukhruf, Verse 3
وَإِنَّهُۥ فِيٓ أُمِّ ٱلۡكِتَٰبِ لَدَيۡنَا لَعَلِيٌّ حَكِيمٌ
Tunay na ito, sa Ina ng Aklat na nasa Amin, ay talagang mataas, marunong
Surah Az-Zukhruf, Verse 4
أَفَنَضۡرِبُ عَنكُمُ ٱلذِّكۡرَ صَفۡحًا أَن كُنتُمۡ قَوۡمٗا مُّسۡرِفِينَ
Kaya ba magbabaling Kami palayo sa inyo ng paalaala sa isang tabi dahil kayo ay mga taong nagpapakalabis
Surah Az-Zukhruf, Verse 5
وَكَمۡ أَرۡسَلۡنَا مِن نَّبِيّٖ فِي ٱلۡأَوَّلِينَ
Kay rami ng isinugo Namin na propeta sa mga sinauna
Surah Az-Zukhruf, Verse 6
وَمَا يَأۡتِيهِم مِّن نَّبِيٍّ إِلَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ
Walang pumupunta sa kanila na isang propeta malibang sila noon sa kanya ay nangungutya
Surah Az-Zukhruf, Verse 7
فَأَهۡلَكۡنَآ أَشَدَّ مِنۡهُم بَطۡشٗا وَمَضَىٰ مَثَلُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Kaya nagpahamak Kami sa higit na matindi kaysa sa kanila sa bagsik at nagdaan ang tulad sa mga sinauna
Surah Az-Zukhruf, Verse 8
وَلَئِن سَأَلۡتَهُم مَّنۡ خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ لَيَقُولُنَّ خَلَقَهُنَّ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡعَلِيمُ
Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha ng mga langit at lupa ay talagang magsasabi nga sila na lumikha ng mga ito ang Makapangyarihan, ang Maalam
Surah Az-Zukhruf, Verse 9
ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلۡأَرۡضَ مَهۡدٗا وَجَعَلَ لَكُمۡ فِيهَا سُبُلٗا لَّعَلَّكُمۡ تَهۡتَدُونَ
na gumawa para sa inyo ng lupa bilang himlayan at gumawa para sa inyo roon ng mga landas nang harinawa kayo ay mapatnubayan
Surah Az-Zukhruf, Verse 10
وَٱلَّذِي نَزَّلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءَۢ بِقَدَرٖ فَأَنشَرۡنَا بِهِۦ بَلۡدَةٗ مَّيۡتٗاۚ كَذَٰلِكَ تُخۡرَجُونَ
na nagbaba mula sa langit ng tubig ayon sa isang sukat saka nagpabuhay sa pamamagitan nito sa isang patay na bayan. Gayon kayo palalabasin
Surah Az-Zukhruf, Verse 11
وَٱلَّذِي خَلَقَ ٱلۡأَزۡوَٰجَ كُلَّهَا وَجَعَلَ لَكُم مِّنَ ٱلۡفُلۡكِ وَٱلۡأَنۡعَٰمِ مَا تَرۡكَبُونَ
at na lumikha ng mga magkapares sa kabuuan ng mga ito at gumawa para sa inyo mula sa mga daong at mga hayupan ng sinasakyan ninyo
Surah Az-Zukhruf, Verse 12
لِتَسۡتَوُۥاْ عَلَىٰ ظُهُورِهِۦ ثُمَّ تَذۡكُرُواْ نِعۡمَةَ رَبِّكُمۡ إِذَا ٱسۡتَوَيۡتُمۡ عَلَيۡهِ وَتَقُولُواْ سُبۡحَٰنَ ٱلَّذِي سَخَّرَ لَنَا هَٰذَا وَمَا كُنَّا لَهُۥ مُقۡرِنِينَ
upang lumuklok kayo sa mga likod ng mga ito, pagkatapos makaalaala kayo sa biyaya ng Panginoon ninyo kapag nakaluklok na kayo sa mga ito at magsabi kayo: "Kaluwalhatian sa Kanya na nagpasilbi para sa amin ng mga ito samantalang kami sa mga ito ay hindi naging mga makapananaig
Surah Az-Zukhruf, Verse 13
وَإِنَّآ إِلَىٰ رَبِّنَا لَمُنقَلِبُونَ
Tunay na kami sa Panginoon namin ay talagang mga uuwi
Surah Az-Zukhruf, Verse 14
وَجَعَلُواْ لَهُۥ مِنۡ عِبَادِهِۦ جُزۡءًاۚ إِنَّ ٱلۡإِنسَٰنَ لَكَفُورٞ مُّبِينٌ
Nagturing sila para sa Kanya mula sa mga lingkod Niya ng isang bahagi. Tunay na ang tao ay talagang isang malinaw na mapagtangging magpasalamat
Surah Az-Zukhruf, Verse 15
أَمِ ٱتَّخَذَ مِمَّا يَخۡلُقُ بَنَاتٖ وَأَصۡفَىٰكُم بِٱلۡبَنِينَ
O gumawa ba Siya mula sa nililikha Niya ng mga babaing anak at humirang Siya sa inyo ng mga lalaking anak
Surah Az-Zukhruf, Verse 16
وَإِذَا بُشِّرَ أَحَدُهُم بِمَا ضَرَبَ لِلرَّحۡمَٰنِ مَثَلٗا ظَلَّ وَجۡهُهُۥ مُسۡوَدّٗا وَهُوَ كَظِيمٌ
Kapag binalitaan ang isa sa kanila ng [ng pagsilang ng] inilahad niya para sa Napakamaawain bilang paghahalintulad, ang mukha niya ay naging nangingitim habang siya ay hapis
Surah Az-Zukhruf, Verse 17
أَوَمَن يُنَشَّؤُاْ فِي ٱلۡحِلۡيَةِ وَهُوَ فِي ٱلۡخِصَامِ غَيۡرُ مُبِينٖ
O ang sinumang pinalalaki ba sa mga hiyas, habang siya sa pakikipag-alitan ay hindi malinaw, [ay inuugnay kay Allāh]
Surah Az-Zukhruf, Verse 18
وَجَعَلُواْ ٱلۡمَلَـٰٓئِكَةَ ٱلَّذِينَ هُمۡ عِبَٰدُ ٱلرَّحۡمَٰنِ إِنَٰثًاۚ أَشَهِدُواْ خَلۡقَهُمۡۚ سَتُكۡتَبُ شَهَٰدَتُهُمۡ وَيُسۡـَٔلُونَ
Nagturing sila sa mga anghel na mga lingkod ng Napakamaawain bilang mga babae. Nakasaksi ba sila sa paglikha sa mga iyon? Isusulat ang pagsaksi nila at tatanungin sila
Surah Az-Zukhruf, Verse 19
وَقَالُواْ لَوۡ شَآءَ ٱلرَّحۡمَٰنُ مَا عَبَدۡنَٰهُمۗ مَّا لَهُم بِذَٰلِكَ مِنۡ عِلۡمٍۖ إِنۡ هُمۡ إِلَّا يَخۡرُصُونَ
Nagsabi sila: "Kung sakaling niloob ng Napakamaawain ay hindi sana kami sumamba sa kanila." Walang ukol sa kanila hinggil doon na anumang kaalaman. Walang iba sila kundi nagsasapantaha
Surah Az-Zukhruf, Verse 20
أَمۡ ءَاتَيۡنَٰهُمۡ كِتَٰبٗا مِّن قَبۡلِهِۦ فَهُم بِهِۦ مُسۡتَمۡسِكُونَ
O nagbigay Kami sa kanila ng isang aklat bago pa nito kaya sila roon ay mga kumakapit
Surah Az-Zukhruf, Verse 21
بَلۡ قَالُوٓاْ إِنَّا وَجَدۡنَآ ءَابَآءَنَا عَلَىٰٓ أُمَّةٖ وَإِنَّا عَلَىٰٓ ءَاثَٰرِهِم مُّهۡتَدُونَ
Bagkus nagsabi sila: "Tunay kami ay nakatagpo sa mga magulang namin sa isang paniniwala, at tunay na kami sa mga bakas nila ay mga napapatnubayan
Surah Az-Zukhruf, Verse 22
وَكَذَٰلِكَ مَآ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ فِي قَرۡيَةٖ مِّن نَّذِيرٍ إِلَّا قَالَ مُتۡرَفُوهَآ إِنَّا وَجَدۡنَآ ءَابَآءَنَا عَلَىٰٓ أُمَّةٖ وَإِنَّا عَلَىٰٓ ءَاثَٰرِهِم مُّقۡتَدُونَ
Gaya niyon, hindi Kami nagsugo bago mo pa sa isang pamayanan ng anumang mapagbabala malibang nagsabi ang mga pinariwasa roon: "Tunay na kami ay nakatagpo sa mga magulang namin sa isang paniniwala, at tunay na kami sa mga bakas nila ay mga tumutulad
Surah Az-Zukhruf, Verse 23
۞قَٰلَ أَوَلَوۡ جِئۡتُكُم بِأَهۡدَىٰ مِمَّا وَجَدتُّمۡ عَلَيۡهِ ءَابَآءَكُمۡۖ قَالُوٓاْ إِنَّا بِمَآ أُرۡسِلۡتُم بِهِۦ كَٰفِرُونَ
Nagsabi [ang sugo sa kanila]: "Kahit pa ba naghatid ako sa inyo ng higit na patnubay kaysa sa natagpuan ninyo sa mga magulang ninyo?" Nagsabi sila: "Tunay na kami sa ipinasugo sa inyo ay mga tagatangging sumampalataya
Surah Az-Zukhruf, Verse 24
فَٱنتَقَمۡنَا مِنۡهُمۡۖ فَٱنظُرۡ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُكَذِّبِينَ
Kaya naghiganti Kami sa kanila. Kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagapagpasinungaling
Surah Az-Zukhruf, Verse 25
وَإِذۡ قَالَ إِبۡرَٰهِيمُ لِأَبِيهِ وَقَوۡمِهِۦٓ إِنَّنِي بَرَآءٞ مِّمَّا تَعۡبُدُونَ
[Banggitin] noong nagsabi si Abraham sa ama niya at mga kababayan niya: "Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa anumang sinasamba ninyo
Surah Az-Zukhruf, Verse 26
إِلَّا ٱلَّذِي فَطَرَنِي فَإِنَّهُۥ سَيَهۡدِينِ
maliban sa lumalang sa akin sapagkat tunay na Siya ay magpapatnubay sa akin
Surah Az-Zukhruf, Verse 27
وَجَعَلَهَا كَلِمَةَۢ بَاقِيَةٗ فِي عَقِبِهِۦ لَعَلَّهُمۡ يَرۡجِعُونَ
Gumawa siya rito bilang pangungusap na mananatili sa mga inapo niya nang sa gayon sila ay babalik
Surah Az-Zukhruf, Verse 28
بَلۡ مَتَّعۡتُ هَـٰٓؤُلَآءِ وَءَابَآءَهُمۡ حَتَّىٰ جَآءَهُمُ ٱلۡحَقُّ وَرَسُولٞ مُّبِينٞ
Bagkus nagpatamasa Ako sa mga ito at mga magulang nila hanggang sa dumating sa kanila ang katotohanan at isang sugong malinaw
Surah Az-Zukhruf, Verse 29
وَلَمَّا جَآءَهُمُ ٱلۡحَقُّ قَالُواْ هَٰذَا سِحۡرٞ وَإِنَّا بِهِۦ كَٰفِرُونَ
Noong dumating sa kanila ang katotohanan ay nagsabi sila: "Ito ay panggagaway at tunay na kami rito ay mga tagatangging sumampalataya
Surah Az-Zukhruf, Verse 30
وَقَالُواْ لَوۡلَا نُزِّلَ هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانُ عَلَىٰ رَجُلٖ مِّنَ ٱلۡقَرۡيَتَيۡنِ عَظِيمٍ
Nagsabi sila: "Bakit kasi hindi ibinaba ang Qur’ān na ito sa isang lalaking, mula sa dalawang pamayanan, na dakila
Surah Az-Zukhruf, Verse 31
أَهُمۡ يَقۡسِمُونَ رَحۡمَتَ رَبِّكَۚ نَحۡنُ قَسَمۡنَا بَيۡنَهُم مَّعِيشَتَهُمۡ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۚ وَرَفَعۡنَا بَعۡضَهُمۡ فَوۡقَ بَعۡضٖ دَرَجَٰتٖ لِّيَتَّخِذَ بَعۡضُهُم بَعۡضٗا سُخۡرِيّٗاۗ وَرَحۡمَتُ رَبِّكَ خَيۡرٞ مِّمَّا يَجۡمَعُونَ
Sila ba ay namamahagi ng awa ng Panginoon mo? Kami ay namamahagi sa pagitan nila ng kabuhayan nila sa buhay na pangmundo. Nag-angat Kami sa iba sa kanila higit sa iba pa sa mga antas upang gumamit ang iba sa kanila sa iba pa sa pagsisilbi. Ang awa ng Panginoon mo ay higit na mabuti kaysa sa anumang tinitipon nila
Surah Az-Zukhruf, Verse 32
وَلَوۡلَآ أَن يَكُونَ ٱلنَّاسُ أُمَّةٗ وَٰحِدَةٗ لَّجَعَلۡنَا لِمَن يَكۡفُرُ بِٱلرَّحۡمَٰنِ لِبُيُوتِهِمۡ سُقُفٗا مِّن فِضَّةٖ وَمَعَارِجَ عَلَيۡهَا يَظۡهَرُونَ
Kung hindi dahil sa ang mga tao ay magiging nag-iisang kalipunan [sa kawalang-pananampalataya] ay talaga sanang gumawa para sa sinumang tumatangging sumampalataya sa Napakamaawain para sa mga bahay nila ng mga bubong na pilak at mga hagdanan, na sa mga ito papaibabaw sila
Surah Az-Zukhruf, Verse 33
وَلِبُيُوتِهِمۡ أَبۡوَٰبٗا وَسُرُرًا عَلَيۡهَا يَتَّكِـُٔونَ
at para sa mga bahay nila ng mga pinto, mga kama na sa mga ito sasandal sila
Surah Az-Zukhruf, Verse 34
وَزُخۡرُفٗاۚ وَإِن كُلُّ ذَٰلِكَ لَمَّا مَتَٰعُ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۚ وَٱلۡأٓخِرَةُ عِندَ رَبِّكَ لِلۡمُتَّقِينَ
at palamuting ginto. Walang iba ang lahat ng iyon kundi natatamasa sa buhay na pangmundo. Ang Kabilang-buhay sa ganang Panginoon mo ay para sa mga tagapangilag magkasala
Surah Az-Zukhruf, Verse 35
وَمَن يَعۡشُ عَن ذِكۡرِ ٱلرَّحۡمَٰنِ نُقَيِّضۡ لَهُۥ شَيۡطَٰنٗا فَهُوَ لَهُۥ قَرِينٞ
Ang sinumang nabubulagan sa pag-alaala sa Napakamaawain ay magtatalaga para sa kanya ng isang demonyo, kaya ito para sa kanya ay isang kapisan
Surah Az-Zukhruf, Verse 36
وَإِنَّهُمۡ لَيَصُدُّونَهُمۡ عَنِ ٱلسَّبِيلِ وَيَحۡسَبُونَ أَنَّهُم مُّهۡتَدُونَ
Tunay na ang mga ito ay talagang sumasagabal sa kanila sa landas habang nag-aakala sila na sila ay mga napapatnubayan
Surah Az-Zukhruf, Verse 37
حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءَنَا قَالَ يَٰلَيۡتَ بَيۡنِي وَبَيۡنَكَ بُعۡدَ ٱلۡمَشۡرِقَيۡنِ فَبِئۡسَ ٱلۡقَرِينُ
hanggang sa, kapag dumating siya sa Amin, ay magsasabi siya: "O kung sana sa pagitan ko at pagitan mo ay layo ng dalawang silangan sapagkat kay saklap ang kapisan
Surah Az-Zukhruf, Verse 38
وَلَن يَنفَعَكُمُ ٱلۡيَوۡمَ إِذ ظَّلَمۡتُمۡ أَنَّكُمۡ فِي ٱلۡعَذَابِ مُشۡتَرِكُونَ
Hindi magpapakinabang sa inyo sa Araw na iyon kapag lumabag kayo sa katarungan na kayo sa pagdurusa ay mga magkalahok
Surah Az-Zukhruf, Verse 39
أَفَأَنتَ تُسۡمِعُ ٱلصُّمَّ أَوۡ تَهۡدِي ٱلۡعُمۡيَ وَمَن كَانَ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ
Kaya ikaw ba ay nagpaparinig sa mga bingi o nagpapatnubay sa mga bulag at sinumang naging nasa isang pagkaligaw na malinaw
Surah Az-Zukhruf, Verse 40
فَإِمَّا نَذۡهَبَنَّ بِكَ فَإِنَّا مِنۡهُم مُّنتَقِمُونَ
Kaya alin sa dalawa: mag-aalis nga Kami sa iyo saka tunay na Kami sa kanila ay maghihiganti
Surah Az-Zukhruf, Verse 41
أَوۡ نُرِيَنَّكَ ٱلَّذِي وَعَدۡنَٰهُمۡ فَإِنَّا عَلَيۡهِم مُّقۡتَدِرُونَ
o magpapakita nga Kami sa iyo ng ipinangako Namin sa kanila saka tunay na Kami sa kanila ay nakakakaya
Surah Az-Zukhruf, Verse 42
فَٱسۡتَمۡسِكۡ بِٱلَّذِيٓ أُوحِيَ إِلَيۡكَۖ إِنَّكَ عَلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ
Kaya mangunyapit ka sa ikinasi sa iyo; tunay na ikaw ay nasa isang landasing tuwid
Surah Az-Zukhruf, Verse 43
وَإِنَّهُۥ لَذِكۡرٞ لَّكَ وَلِقَوۡمِكَۖ وَسَوۡفَ تُسۡـَٔلُونَ
Tunay na ito ay talagang isang pagbanggit para sa iyo at para sa mga kababayan mo, at tatanungin kayo
Surah Az-Zukhruf, Verse 44
وَسۡـَٔلۡ مَنۡ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ مِن رُّسُلِنَآ أَجَعَلۡنَا مِن دُونِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ءَالِهَةٗ يُعۡبَدُونَ
Magtanong ka sa mga isinugo Namin bago mo pa kabilang sa mga sugo Namin kung nagtalaga ba Kami bukod pa sa Napakamaawain ng mga diyos na sasambahin
Surah Az-Zukhruf, Verse 45
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا مُوسَىٰ بِـَٔايَٰتِنَآ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ وَمَلَإِيْهِۦ فَقَالَ إِنِّي رَسُولُ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Talaga ngang nagsugo Kami kay Moises, kalakip ng mga tanda Namin, kay Paraon at sa konseho nito kaya nagsabi siya: "Tunay na ako ay sugo ng Panginoon ng mga nilalang
Surah Az-Zukhruf, Verse 46
فَلَمَّا جَآءَهُم بِـَٔايَٰتِنَآ إِذَا هُم مِّنۡهَا يَضۡحَكُونَ
Ngunit noong naghatid siya sa kanila ng mga tanda Namin, biglang sila sa mga ito ay tumatawa
Surah Az-Zukhruf, Verse 47
وَمَا نُرِيهِم مِّنۡ ءَايَةٍ إِلَّا هِيَ أَكۡبَرُ مِنۡ أُخۡتِهَاۖ وَأَخَذۡنَٰهُم بِٱلۡعَذَابِ لَعَلَّهُمۡ يَرۡجِعُونَ
Hindi Kami nagpapakita sa kanila ng anumang tanda malibang ito ay higit na malaki kaysa sa nauna ito. Nagpataw Kami sa kanila ng pagdurusa nang sa gayon sila ay babalik
Surah Az-Zukhruf, Verse 48
وَقَالُواْ يَـٰٓأَيُّهَ ٱلسَّاحِرُ ٱدۡعُ لَنَا رَبَّكَ بِمَا عَهِدَ عِندَكَ إِنَّنَا لَمُهۡتَدُونَ
Nagsabi sila: "O manggagaway, dumalangin ka para sa amin sa Panginoon mo ng itinipan Niya sa piling mo; tunay na kami ay talagang mga mapapatnubayan
Surah Az-Zukhruf, Verse 49
فَلَمَّا كَشَفۡنَا عَنۡهُمُ ٱلۡعَذَابَ إِذَا هُمۡ يَنكُثُونَ
Ngunit noong pumawi Kami sa kanila ng pagdurusa, biglang sila ay sumisira [sa usapan]
Surah Az-Zukhruf, Verse 50
وَنَادَىٰ فِرۡعَوۡنُ فِي قَوۡمِهِۦ قَالَ يَٰقَوۡمِ أَلَيۡسَ لِي مُلۡكُ مِصۡرَ وَهَٰذِهِ ٱلۡأَنۡهَٰرُ تَجۡرِي مِن تَحۡتِيٓۚ أَفَلَا تُبۡصِرُونَ
Nanawagan si Paraon sa mga tao niya. Nagsabi siya: "O mga tao ko, hindi ba sa akin ang paghahari sa Ehipto habang ang mga ilog na ito ay dumadaloy mula sa ilalim ko? Kaya hindi ba kayo nakakikita
Surah Az-Zukhruf, Verse 51
أَمۡ أَنَا۠ خَيۡرٞ مِّنۡ هَٰذَا ٱلَّذِي هُوَ مَهِينٞ وَلَا يَكَادُ يُبِينُ
O ako ba ay higit na mabuti kaysa rito na siyang hamak na hindi halos nakapaglilinaw
Surah Az-Zukhruf, Verse 52
فَلَوۡلَآ أُلۡقِيَ عَلَيۡهِ أَسۡوِرَةٞ مِّن ذَهَبٍ أَوۡ جَآءَ مَعَهُ ٱلۡمَلَـٰٓئِكَةُ مُقۡتَرِنِينَ
Kaya bakit hindi nag-ukol sa kanya ng mga pulseras na ginto o dumating kasama sa kanya ang mga anghel na mga magkakapisan
Surah Az-Zukhruf, Verse 53
فَٱسۡتَخَفَّ قَوۡمَهُۥ فَأَطَاعُوهُۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَوۡمٗا فَٰسِقِينَ
Kaya nanloko siya sa mga tao niya saka tumalima naman sila sa kanya. Tunay na sila ay dating mga taong suwail
Surah Az-Zukhruf, Verse 54
فَلَمَّآ ءَاسَفُونَا ٱنتَقَمۡنَا مِنۡهُمۡ فَأَغۡرَقۡنَٰهُمۡ أَجۡمَعِينَ
Kaya noong nang-inis sila sa Amin ay naghiganti Kami sa kanila saka lumunod Kami sa kanila nang magkakasama
Surah Az-Zukhruf, Verse 55
فَجَعَلۡنَٰهُمۡ سَلَفٗا وَمَثَلٗا لِّلۡأٓخِرِينَ
Kaya gumawa Kami sa kanila ng isang pagpapauna at isang paghahalintulad para sa mga huli
Surah Az-Zukhruf, Verse 56
۞وَلَمَّا ضُرِبَ ٱبۡنُ مَرۡيَمَ مَثَلًا إِذَا قَوۡمُكَ مِنۡهُ يَصِدُّونَ
Noong inilahad ang anak ni Maria bilang paghahalintulad, biglang ang mga kababayan mo sa kanya ay naghiyawan
Surah Az-Zukhruf, Verse 57
وَقَالُوٓاْ ءَأَٰلِهَتُنَا خَيۡرٌ أَمۡ هُوَۚ مَا ضَرَبُوهُ لَكَ إِلَّا جَدَلَۢاۚ بَلۡ هُمۡ قَوۡمٌ خَصِمُونَ
Nagsabi sila: "Ang mga diyos namin ba ay higit na mabuti o siya?" Hindi sila naglahad nito para sa iyo kundi bilang pakikipagtalo. Bagkus sila ay mga taong palaalitan
Surah Az-Zukhruf, Verse 58
إِنۡ هُوَ إِلَّا عَبۡدٌ أَنۡعَمۡنَا عَلَيۡهِ وَجَعَلۡنَٰهُ مَثَلٗا لِّبَنِيٓ إِسۡرَـٰٓءِيلَ
Walang iba siya kundi isang lingkod na nagbiyaya Kami sa kanya at gumawa Kami sa kanya bilang paghahalintulad para sa mga anak ni Israel
Surah Az-Zukhruf, Verse 59
وَلَوۡ نَشَآءُ لَجَعَلۡنَا مِنكُم مَّلَـٰٓئِكَةٗ فِي ٱلۡأَرۡضِ يَخۡلُفُونَ
Kung sakaling loloobin Namin ay talaga sanang gumawa Kami [sa halip] sa inyo ng mga anghel sa lupa na maghahalilihan
Surah Az-Zukhruf, Verse 60
وَإِنَّهُۥ لَعِلۡمٞ لِّلسَّاعَةِ فَلَا تَمۡتَرُنَّ بِهَا وَٱتَّبِعُونِۚ هَٰذَا صِرَٰطٞ مُّسۡتَقِيمٞ
Tunay na si Jesus ay talagang kaalaman sa Huling Sandali kaya huwag nga kayong mag-aalinlangan doon at sumunod kayo sa akin. Ito ay isang landasing tuwid
Surah Az-Zukhruf, Verse 61
وَلَا يَصُدَّنَّكُمُ ٱلشَّيۡطَٰنُۖ إِنَّهُۥ لَكُمۡ عَدُوّٞ مُّبِينٞ
Huwag ngang sasagabal sa inyo ang demonyo; tunay na siya para sa inyo ay isang kaaway na malinaw
Surah Az-Zukhruf, Verse 62
وَلَمَّا جَآءَ عِيسَىٰ بِٱلۡبَيِّنَٰتِ قَالَ قَدۡ جِئۡتُكُم بِٱلۡحِكۡمَةِ وَلِأُبَيِّنَ لَكُم بَعۡضَ ٱلَّذِي تَخۡتَلِفُونَ فِيهِۖ فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ
Noong naghatid si Jesus ng mga malinaw na patunay ay nagsabi siya: "Naghatid nga ako sa inyo ng karunungan at upang maglinaw ako para sa inyo ng ilan sa nagkakaiba-iba kayo hinggil doon. Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin
Surah Az-Zukhruf, Verse 63
إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ رَبِّي وَرَبُّكُمۡ فَٱعۡبُدُوهُۚ هَٰذَا صِرَٰطٞ مُّسۡتَقِيمٞ
Tunay na si Allāh ay Panginoon ko at Panginoon ninyo kaya sumamba kayo sa Kanya. Ito ay landasing tuwid
Surah Az-Zukhruf, Verse 64
فَٱخۡتَلَفَ ٱلۡأَحۡزَابُ مِنۢ بَيۡنِهِمۡۖ فَوَيۡلٞ لِّلَّذِينَ ظَلَمُواْ مِنۡ عَذَابِ يَوۡمٍ أَلِيمٍ
Ngunit nagkaiba-iba ang mga lapian mula sa gitna nila, kaya kapighatian ay ukol sa mga lumabag sa katarungan mula sa isang pagdurusa sa isang Araw na masakit
Surah Az-Zukhruf, Verse 65
هَلۡ يَنظُرُونَ إِلَّا ٱلسَّاعَةَ أَن تَأۡتِيَهُم بَغۡتَةٗ وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ
Naghihintay kaya sila maliban ng Huling Sandali, na sumapit ito sa kanila nang biglaan habang sila ay hindi nakararamdam
Surah Az-Zukhruf, Verse 66
ٱلۡأَخِلَّآءُ يَوۡمَئِذِۭ بَعۡضُهُمۡ لِبَعۡضٍ عَدُوٌّ إِلَّا ٱلۡمُتَّقِينَ
Ang mga matalik na magkaibigan, sa Araw na iyon, ang iba sa kanila para sa iba pa ay kaaway, maliban sa mga tagapangilag magkasala
Surah Az-Zukhruf, Verse 67
يَٰعِبَادِ لَا خَوۡفٌ عَلَيۡكُمُ ٱلۡيَوۡمَ وَلَآ أَنتُمۡ تَحۡزَنُونَ
O mga lingkod Ko, walang pangamba sa inyo sa Araw na iyon at kayo ay hindi malulungkot
Surah Az-Zukhruf, Verse 68
ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِـَٔايَٰتِنَا وَكَانُواْ مُسۡلِمِينَ
[Sila ay] ang mga sumampalataya sa mga tanda Namin at sila noon ay mga tagapagpasakop
Surah Az-Zukhruf, Verse 69
ٱدۡخُلُواْ ٱلۡجَنَّةَ أَنتُمۡ وَأَزۡوَٰجُكُمۡ تُحۡبَرُونَ
Pumasok kayo sa Paraiso habang kayo at ang mga kabiyak ninyo ay pinagagalak
Surah Az-Zukhruf, Verse 70
يُطَافُ عَلَيۡهِم بِصِحَافٖ مِّن ذَهَبٖ وَأَكۡوَابٖۖ وَفِيهَا مَا تَشۡتَهِيهِ ٱلۡأَنفُسُ وَتَلَذُّ ٱلۡأَعۡيُنُۖ وَأَنتُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ
Magpapalibot sa kanila ng mga platong yari sa ginto at mga baso. Naroon ang ninanasa ng mga sarili at minamasarap ng mga mata habang kayo roon ay mga mananatili
Surah Az-Zukhruf, Verse 71
وَتِلۡكَ ٱلۡجَنَّةُ ٱلَّتِيٓ أُورِثۡتُمُوهَا بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Iyon ay ang Hardin na ipinamana sa inyo dahil sa dati ninyong ginagawa
Surah Az-Zukhruf, Verse 72
لَكُمۡ فِيهَا فَٰكِهَةٞ كَثِيرَةٞ مِّنۡهَا تَأۡكُلُونَ
Para sa inyo roon ay bungang-kahoy na marami at mula sa mga ito ay kakain kayo
Surah Az-Zukhruf, Verse 73
إِنَّ ٱلۡمُجۡرِمِينَ فِي عَذَابِ جَهَنَّمَ خَٰلِدُونَ
Tunay na ang mga salarin sa pagdurusa sa Impiyerno ay mga mananatili
Surah Az-Zukhruf, Verse 74
لَا يُفَتَّرُ عَنۡهُمۡ وَهُمۡ فِيهِ مُبۡلِسُونَ
Hindi pahuhupain ito para sa kanila, habang sila roon ay mga nalulumbay
Surah Az-Zukhruf, Verse 75
وَمَا ظَلَمۡنَٰهُمۡ وَلَٰكِن كَانُواْ هُمُ ٱلظَّـٰلِمِينَ
Hindi Kami lumabag sa katarungan sa kanila subalit sila dati ay ang mga tagalabag sa katarungan
Surah Az-Zukhruf, Verse 76
وَنَادَوۡاْ يَٰمَٰلِكُ لِيَقۡضِ عَلَيۡنَا رَبُّكَۖ قَالَ إِنَّكُم مَّـٰكِثُونَ
Mananawagan sila: "O Mālik, magpawakas sa amin ang Panginoon mo." Magsasabi siya: "Tunay na kayo ay mga mamamalagi
Surah Az-Zukhruf, Verse 77
لَقَدۡ جِئۡنَٰكُم بِٱلۡحَقِّ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَكُمۡ لِلۡحَقِّ كَٰرِهُونَ
Talaga ngang naghatid Kami sa inyo ng katotohanan subalit ang higit na marami sa inyo sa katotohanan ay mga nasusuklam
Surah Az-Zukhruf, Verse 78
أَمۡ أَبۡرَمُوٓاْ أَمۡرٗا فَإِنَّا مُبۡرِمُونَ
O nagpatibay sila ng isang usapin sapagkat tunay na Kami ay tagapagpatibay
Surah Az-Zukhruf, Verse 79
أَمۡ يَحۡسَبُونَ أَنَّا لَا نَسۡمَعُ سِرَّهُمۡ وَنَجۡوَىٰهُمۚ بَلَىٰ وَرُسُلُنَا لَدَيۡهِمۡ يَكۡتُبُونَ
O nag-aakala sila na tunay na Kami ay hindi nakaririnig ng lihim nila at pagsasarilinan nila? Bagkus [nakaririnig], at ang mga sugo Namin sa piling nila ay nagtatala
Surah Az-Zukhruf, Verse 80
قُلۡ إِن كَانَ لِلرَّحۡمَٰنِ وَلَدٞ فَأَنَا۠ أَوَّلُ ٱلۡعَٰبِدِينَ
Sabihin mo: "Kung nagkaroon ang Napakamaawain ng isang anak, ako ay ang una sa mga tagasamba
Surah Az-Zukhruf, Verse 81
سُبۡحَٰنَ رَبِّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ رَبِّ ٱلۡعَرۡشِ عَمَّا يَصِفُونَ
Kaluwalhatian sa Panginoon ng mga langit at lupa, Panginoon ng Trono, higit sa inilalarawan nila
Surah Az-Zukhruf, Verse 82
فَذَرۡهُمۡ يَخُوضُواْ وَيَلۡعَبُواْ حَتَّىٰ يُلَٰقُواْ يَوۡمَهُمُ ٱلَّذِي يُوعَدُونَ
Kaya hayaan mo silang sumuong [sa kabulaanan] at maglaro hanggang sa makipagkita sila sa araw nilang ipinangangako sa kanila
Surah Az-Zukhruf, Verse 83
وَهُوَ ٱلَّذِي فِي ٱلسَّمَآءِ إِلَٰهٞ وَفِي ٱلۡأَرۡضِ إِلَٰهٞۚ وَهُوَ ٱلۡحَكِيمُ ٱلۡعَلِيمُ
Siya ang sa langit ay Diyos at sa lupa ay Diyos. Siya ay ang Marunong, ang Maalam
Surah Az-Zukhruf, Verse 84
وَتَبَارَكَ ٱلَّذِي لَهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَا وَعِندَهُۥ عِلۡمُ ٱلسَّاعَةِ وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ
Mapagpala ang sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito. Nasa Kanya ang kaalaman sa Huling Sandali at tungo sa Kanya pababalikin kayo
Surah Az-Zukhruf, Verse 85
وَلَا يَمۡلِكُ ٱلَّذِينَ يَدۡعُونَ مِن دُونِهِ ٱلشَّفَٰعَةَ إِلَّا مَن شَهِدَ بِٱلۡحَقِّ وَهُمۡ يَعۡلَمُونَ
Hindi nakapagdudulot ang mga dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya ng pamamagitan maliban sa mga sumaksi sa katotohanan habang sila ay nakaaalam
Surah Az-Zukhruf, Verse 86
وَلَئِن سَأَلۡتَهُم مَّنۡ خَلَقَهُمۡ لَيَقُولُنَّ ٱللَّهُۖ فَأَنَّىٰ يُؤۡفَكُونَ
Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha sa kanila ay talagang magsasabi nga silang si Allāh. Kaya paanong nalilinlang sila
Surah Az-Zukhruf, Verse 87
وَقِيلِهِۦ يَٰرَبِّ إِنَّ هَـٰٓؤُلَآءِ قَوۡمٞ لَّا يُؤۡمِنُونَ
[Kumikilala si Allāh] sa sabi niya: "O Panginoon ko, tunay na ang mga ito ay mga taong hindi sumasampalataya
Surah Az-Zukhruf, Verse 88
فَٱصۡفَحۡ عَنۡهُمۡ وَقُلۡ سَلَٰمٞۚ فَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ
Kaya umiwas ka sa kanila at magsabi ka: "Kapayapaan!" sapagkat malalaman nila
Surah Az-Zukhruf, Verse 89