Surah Al-Ahqaf - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
حمٓ
Ha, Mim (mga titik Ha, Ma)
Surah Al-Ahqaf, Verse 1
تَنزِيلُ ٱلۡكِتَٰبِ مِنَ ٱللَّهِ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡحَكِيمِ
Ang kapahayagan ng Aklat (ang Qur’an) ay mula kay Allah, ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Sukdol sa Karunungan
Surah Al-Ahqaf, Verse 2
مَا خَلَقۡنَا ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَآ إِلَّا بِٱلۡحَقِّ وَأَجَلٖ مُّسَمّٗىۚ وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ عَمَّآ أُنذِرُواْ مُعۡرِضُونَ
Hindi Namin nilikha ang kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito ng walang kadahilanan (maliban sa katotohanan), at sa isang natatakdaang panahon, datapuwa’t sila na nagtatakwil sa pananampalataya ay tumatalikod sa bagay na sila ay binabalaan
Surah Al-Ahqaf, Verse 3
قُلۡ أَرَءَيۡتُم مَّا تَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ أَرُونِي مَاذَا خَلَقُواْ مِنَ ٱلۡأَرۡضِ أَمۡ لَهُمۡ شِرۡكٞ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِۖ ٱئۡتُونِي بِكِتَٰبٖ مِّن قَبۡلِ هَٰذَآ أَوۡ أَثَٰرَةٖ مِّنۡ عِلۡمٍ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Ipagbadya (o Muhammad sa mga paganong ito): “Magsipag-isip! Ang lahat ng inyong tinatawagan maliban pa kay Allah ay inyong ipamalas sa akin! Ano ang kanilang nilikha sa kalupaan? o sila ba ay may bahagi (sa paglikha) sa kalangitan? dalhin ninyo sa Akin ang isang Aklat (na ipinahayag) nang una pa rito, o ng anumang latak ng karunungan (na mayroon kayo), kung kayo ay nagpapahayag ng katotohanan!”
Surah Al-Ahqaf, Verse 4
وَمَنۡ أَضَلُّ مِمَّن يَدۡعُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَن لَّا يَسۡتَجِيبُ لَهُۥٓ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ وَهُمۡ عَن دُعَآئِهِمۡ غَٰفِلُونَ
At sino baga kaya ang higit na napapaligaw maliban sa kanya na nananawagan sa iba maliban pa kay Allah, (sa kanila) na hindi makakapagbigay sa kanya ng kasagutan hanggang sa Araw ng Paghuhukom, at hindi (man lamang) nakakaalam sa kanilang mga panawagan (sa kanila)
Surah Al-Ahqaf, Verse 5
وَإِذَا حُشِرَ ٱلنَّاسُ كَانُواْ لَهُمۡ أَعۡدَآءٗ وَكَانُواْ بِعِبَادَتِهِمۡ كَٰفِرِينَ
At kung ang sangkatauhan ay tipunin nang sama-sama (sa Araw ng Muling Pagkabuhay), sila (na mga huwad na diyus-diyosan) ay magiging mabagsik sa kanila (bilang kaaway) at itatatwa nila ang pagsamba (ng mga tao) sa kanila
Surah Al-Ahqaf, Verse 6
وَإِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتُنَا بَيِّنَٰتٖ قَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لِلۡحَقِّ لَمَّا جَآءَهُمۡ هَٰذَا سِحۡرٞ مُّبِينٌ
At kung ang Aming Maliwanag na mga Talata ay dinadalit sa kanila, ang mga hindi sumasampalataya ay nagsasabi kung ang katotohanan (ang Qur’an) ay sumapit sa kanila: “Ito ay maliwanag na salamangka!”
Surah Al-Ahqaf, Verse 7
أَمۡ يَقُولُونَ ٱفۡتَرَىٰهُۖ قُلۡ إِنِ ٱفۡتَرَيۡتُهُۥ فَلَا تَمۡلِكُونَ لِي مِنَ ٱللَّهِ شَيۡـًٔاۖ هُوَ أَعۡلَمُ بِمَا تُفِيضُونَ فِيهِۚ كَفَىٰ بِهِۦ شَهِيدَۢا بَيۡنِي وَبَيۡنَكُمۡۖ وَهُوَ ٱلۡغَفُورُ ٱلرَّحِيمُ
At sila ba ay nagsasabi: “Hinuwad (kinopya) lamang niya (Muhammad) ito!” Ipagbadya: “Kung hinuwad ko lamang ito, magkagayunman, kayo ay walang kapangyarihan na patunayan ako laban kay Allah. Lubos Niyang batid kung ano ang inyong pinag-uusapan tungkol dito (Qur’an). Sapat na Siya bilang isang Saksi sa pagitan ko at ninyo! At Siya ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Tigib ng Habag.”
Surah Al-Ahqaf, Verse 8
قُلۡ مَا كُنتُ بِدۡعٗا مِّنَ ٱلرُّسُلِ وَمَآ أَدۡرِي مَا يُفۡعَلُ بِي وَلَا بِكُمۡۖ إِنۡ أَتَّبِعُ إِلَّا مَا يُوحَىٰٓ إِلَيَّ وَمَآ أَنَا۠ إِلَّا نَذِيرٞ مُّبِينٞ
Ipagbadya (o Muhammad): “Ako ay hindi naiiba sa mga Tagapagbalita (ni Allah, at ako ay hindi unang Tagapagbalita), gayundin ay hindi ko nalalaman kung ano ang magaganap sa akin o sa inyo. Sinusunod ko lamang kung ano ang ipinahayag sa akin at ako ay isa lamang lantad na Tagapagbabala
Surah Al-Ahqaf, Verse 9
قُلۡ أَرَءَيۡتُمۡ إِن كَانَ مِنۡ عِندِ ٱللَّهِ وَكَفَرۡتُم بِهِۦ وَشَهِدَ شَاهِدٞ مِّنۢ بَنِيٓ إِسۡرَـٰٓءِيلَ عَلَىٰ مِثۡلِهِۦ فَـَٔامَنَ وَٱسۡتَكۡبَرۡتُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّـٰلِمِينَ
Ipagbadya: “Nakikita ba ninyo (at inyong sabihin sa akin)! Kung ang aral na ito (ang Qur’an) ay mula kay Allah, at itinatakwil ninyo ito, at ang isang saksi mula sa Angkan ng Israel (Abdullah bin Salam) ay nagpapatunay na ang Qur’an (na ito) ay mula kay Allah (na nakakahawig ng Torah, ang naunang Kasulatan), at sumampalataya rito (yumakap sa Islam), habang kayo ay lubhang mapagpaimbabaw (upang manalig).” Katotohanang si Allah ay hindi namamatnubay sa mga tao na Zalimun (mapagsamba sa mga diyus-diyosan, walang pananalig, mapaggawa ng kamalian, hindi makatarungan, atbp)
Surah Al-Ahqaf, Verse 10
وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لِلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَوۡ كَانَ خَيۡرٗا مَّا سَبَقُونَآ إِلَيۡهِۚ وَإِذۡ لَمۡ يَهۡتَدُواْ بِهِۦ فَسَيَقُولُونَ هَٰذَآ إِفۡكٞ قَدِيمٞ
Ang mga hindi sumasampalataya (malakas at mayaman) ay nagsasabi sa mga sumasampalataya (mahina at mahirap): “Kung ang kalatas (na ito, ang Islam na siyang ipinararating ni Propeta Muhammad) ay tunay na magandang bagay, (ang mga taong ito na mahina at mahirap) ay hindi dapat na nauna pa sa amin! At nang hindi nila hinayaan na ang kanilang sarili ay mapatnubayan (ng Qur’an), sila ay nagsasabi: “Ito ay isang sinaunang kasinungalingan!”
Surah Al-Ahqaf, Verse 11
وَمِن قَبۡلِهِۦ كِتَٰبُ مُوسَىٰٓ إِمَامٗا وَرَحۡمَةٗۚ وَهَٰذَا كِتَٰبٞ مُّصَدِّقٞ لِّسَانًا عَرَبِيّٗا لِّيُنذِرَ ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ وَبُشۡرَىٰ لِلۡمُحۡسِنِينَ
At bago pa rito ay (mayroong) Aklat ni Moises bilang isang patnubay at habag, at ang Aklat na ito (ang Qur’an), sa dilang Arabik, ang nagpapatotoo (roon sa unang Aklat), upang mapaalalahanan ang mga hindi makatarungan, at bilang isang magandang balita sa Muhsinun (mga nagsisigawa ng kabutihan)
Surah Al-Ahqaf, Verse 12
إِنَّ ٱلَّذِينَ قَالُواْ رَبُّنَا ٱللَّهُ ثُمَّ ٱسۡتَقَٰمُواْ فَلَا خَوۡفٌ عَلَيۡهِمۡ وَلَا هُمۡ يَحۡزَنُونَ
Katotohanan, sila na nagsasabi: “Ang aming Panginoon ay (tanging) si Allah”, at sa ganito ay nag-Istaqamu (nananatiling matimtiman, at naninindigan nang matatag at matuwid sa tamang landas, sa Pananalig sa Islam at Kaisahan ni Allah, at nagsisigawa ng kabutihan at umiiwas sa lahat ng mga kasalanan), sa kanila ay walang pangangamba at walang pagdurusa
Surah Al-Ahqaf, Verse 13
أُوْلَـٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَنَّةِ خَٰلِدِينَ فِيهَا جَزَآءَۢ بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Sila ang magsisipanahan sa Halamanan (Paraiso), at mananatili rito ng walang hanggan, bilang isang kabayaran sa kanilang mabubuting gawa
Surah Al-Ahqaf, Verse 14
وَوَصَّيۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ بِوَٰلِدَيۡهِ إِحۡسَٰنًاۖ حَمَلَتۡهُ أُمُّهُۥ كُرۡهٗا وَوَضَعَتۡهُ كُرۡهٗاۖ وَحَمۡلُهُۥ وَفِصَٰلُهُۥ ثَلَٰثُونَ شَهۡرًاۚ حَتَّىٰٓ إِذَا بَلَغَ أَشُدَّهُۥ وَبَلَغَ أَرۡبَعِينَ سَنَةٗ قَالَ رَبِّ أَوۡزِعۡنِيٓ أَنۡ أَشۡكُرَ نِعۡمَتَكَ ٱلَّتِيٓ أَنۡعَمۡتَ عَلَيَّ وَعَلَىٰ وَٰلِدَيَّ وَأَنۡ أَعۡمَلَ صَٰلِحٗا تَرۡضَىٰهُ وَأَصۡلِحۡ لِي فِي ذُرِّيَّتِيٓۖ إِنِّي تُبۡتُ إِلَيۡكَ وَإِنِّي مِنَ ٱلۡمُسۡلِمِينَ
At Aming itinagubilin sa tao ang magpakita ng kabutihan at pagkamasunurin sa kanyang mga magulang. Sa pagbabata ng sakit, ang kanyang ina ay nagdalang tao sa kanya, at sa hirap ay (kanyang) isinilang siya. Ang pagpapalaki (pagpapasuso) sa kanya (bata) sa loob ng tatlumpung buwan, at sa kalaunan, kung siya ay sumapit na sa gulang ng hustong lakas at dumating na sa apatnapung taon, siya ay nagsasabi: “o aking Panginoon! Ako ay gawaran Ninyo ng lakas at kakayahan upang ako ay magkaroon ng pasasalamat sa Inyong mga biyaya na Inyong iginawad sa akin at sa aking mga magulang, at upang ako ay makagawa ng kabutihan, na magiging kalugud-lugod sa Inyo, at gayundin naman, na ang aking anak ay maging mabuti. Katotohanang ako ay naninikluhod sa Inyo sa pagsisisi, at katotohanan na isa ako sa mga Muslim (na tumatalima sa Inyong kalooban).”
Surah Al-Ahqaf, Verse 15
أُوْلَـٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ نَتَقَبَّلُ عَنۡهُمۡ أَحۡسَنَ مَا عَمِلُواْ وَنَتَجَاوَزُ عَن سَيِّـَٔاتِهِمۡ فِيٓ أَصۡحَٰبِ ٱلۡجَنَّةِۖ وَعۡدَ ٱلصِّدۡقِ ٱلَّذِي كَانُواْ يُوعَدُونَ
Sila (ang mga tao) na Aming tatanggapin ang kanilang mabubuting gawa at kaliligtaan Namin ang kanilang masasamang gawa. Sila ang mananahan sa Paraiso, isang pangako ng katotohanan, na sa kanila ay (Aming) ipinangako
Surah Al-Ahqaf, Verse 16
وَٱلَّذِي قَالَ لِوَٰلِدَيۡهِ أُفّٖ لَّكُمَآ أَتَعِدَانِنِيٓ أَنۡ أُخۡرَجَ وَقَدۡ خَلَتِ ٱلۡقُرُونُ مِن قَبۡلِي وَهُمَا يَسۡتَغِيثَانِ ٱللَّهَ وَيۡلَكَ ءَامِنۡ إِنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞ فَيَقُولُ مَا هَٰذَآ إِلَّآ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Datapuwa’t siya na nagsasabi sa kanyang magulang: “Kapwa kayo sumpain! Kayo baga ay nananangan sa pangako sa akin na ako ay muling ibabangon (mula sa kamatayan), kahima’t ang maraming sali’t saling lahi ay namatay na noon pang una (na hindi naman nagbangon sa muling pagkabuhay)?” At sila ay nanalangin ng tulong ni Allah (at sumalansang sa kanilang anak): “Kasawian sa iyo! Magkaroon ka ng pananalig! Katiyakan, ang pangako ni Allah ay katotohanan.” Subalit siya ay nagsabi: “Ito ay wala ng iba maliban sa mga kuwento ng panahong sinauna!”
Surah Al-Ahqaf, Verse 17
أُوْلَـٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ حَقَّ عَلَيۡهِمُ ٱلۡقَوۡلُ فِيٓ أُمَمٖ قَدۡ خَلَتۡ مِن قَبۡلِهِم مِّنَ ٱلۡجِنِّ وَٱلۡإِنسِۖ إِنَّهُمۡ كَانُواْ خَٰسِرِينَ
Sila yaong ang Salita (ng Kaparusahan) laban sa kanila ay makatwiran sa lipon ng mga nakaraang henerasyon ng mga Jinn at tao na nangamatay na. Katotohanang sila ang mga talunan
Surah Al-Ahqaf, Verse 18
وَلِكُلّٖ دَرَجَٰتٞ مِّمَّا عَمِلُواْۖ وَلِيُوَفِّيَهُمۡ أَعۡمَٰلَهُمۡ وَهُمۡ لَا يُظۡلَمُونَ
At sa lahat ay mayroon mga antas ayon sa kanilang mga ginawa, upang Kanyang (Allah) magantimpalaan sila nang ganap sa kanilang mga gawa, at walang anumang di katarungan ang igagawad sa kanila
Surah Al-Ahqaf, Verse 19
وَيَوۡمَ يُعۡرَضُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ عَلَى ٱلنَّارِ أَذۡهَبۡتُمۡ طَيِّبَٰتِكُمۡ فِي حَيَاتِكُمُ ٱلدُّنۡيَا وَٱسۡتَمۡتَعۡتُم بِهَا فَٱلۡيَوۡمَ تُجۡزَوۡنَ عَذَابَ ٱلۡهُونِ بِمَا كُنتُمۡ تَسۡتَكۡبِرُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ بِغَيۡرِ ٱلۡحَقِّ وَبِمَا كُنتُمۡ تَفۡسُقُونَ
At sa Araw na ang mga hindi sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) ay ihahagis sa Apoy, (sa kanila ay ipahahayag): “Inaksaya ninyo ang inyong mabubuting bagay sa buhay sa mundong ito at nagdanas kayo ng kasiyahan dito. Ngayon, sa Araw na ito, kayo ay susuklian ng kabayaran ng may parusa ng kaabahan sapagkat kayo ay naging mayabang ng walang karapatan sa kalupaan at sapagkat kayo ay tandisang sumuway at naghimagsik (kay Allah).”
Surah Al-Ahqaf, Verse 20
۞وَٱذۡكُرۡ أَخَا عَادٍ إِذۡ أَنذَرَ قَوۡمَهُۥ بِٱلۡأَحۡقَافِ وَقَدۡ خَلَتِ ٱلنُّذُرُ مِنۢ بَيۡنِ يَدَيۡهِ وَمِنۡ خَلۡفِهِۦٓ أَلَّا تَعۡبُدُوٓاْ إِلَّا ٱللَّهَ إِنِّيٓ أَخَافُ عَلَيۡكُمۡ عَذَابَ يَوۡمٍ عَظِيمٖ
At gunitain si Hud, ang isang kapatid na lalaki ni A’ad. Pagmasdan! Pinagsabihan niya ang kanyang mga tao sa tabi ng landas ng Al-Ahqaf (ang liku-liko at mabuhanging burol sa timog na bahagi ng Arabeng kalupaan). At katiyakang mayroon din silang mga Tagapagpaala-ala na pumanaw na bago pa sa kanya (na nagsasabi): “Sambahin ninyo si Allah at wala ng iba, katotohanang pinangangambahan ko sa inyo ang kaparusahan ng dakilang Araw.”
Surah Al-Ahqaf, Verse 21
قَالُوٓاْ أَجِئۡتَنَا لِتَأۡفِكَنَا عَنۡ ءَالِهَتِنَا فَأۡتِنَا بِمَا تَعِدُنَآ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّـٰدِقِينَ
Sila ay nagsasabi: “Ikaw ba ay naparito upang aming talikdan ang aming mga diyos? Kung gayon, ganapin mo sa amin (ang kapinsalaan o kalamidad) na iyong ipinananakot sa amin kung ikaw ay nagsasabi ng katotohanan!”
Surah Al-Ahqaf, Verse 22
قَالَ إِنَّمَا ٱلۡعِلۡمُ عِندَ ٱللَّهِ وَأُبَلِّغُكُم مَّآ أُرۡسِلۡتُ بِهِۦ وَلَٰكِنِّيٓ أَرَىٰكُمۡ قَوۡمٗا تَجۡهَلُونَ
Ipinagbadya niya (Muhammad): “Ang Karunungan (kung kailan ang Araw na ito ay darating) ay na kay Allah lamang. Ipinahahayag ko sa inyo ang dahilan ng pagsusugo sa akin, datapuwa’t nakikita ko na kayo ay mga tao na walang kaalaman!”
Surah Al-Ahqaf, Verse 23
فَلَمَّا رَأَوۡهُ عَارِضٗا مُّسۡتَقۡبِلَ أَوۡدِيَتِهِمۡ قَالُواْ هَٰذَا عَارِضٞ مُّمۡطِرُنَاۚ بَلۡ هُوَ مَا ٱسۡتَعۡجَلۡتُم بِهِۦۖ رِيحٞ فِيهَا عَذَابٌ أَلِيمٞ
At nang kanilang mamasdan ang makapal na ulap na pasadsad sa kanilang kapatagan, sila ay nagsabi: “Ang ulap na ito ay magbibigay sa atin ng ulan!” Hindi, ngunit ito (ay ang kalamidad o kaparusahan) na inyong hinahangad na madaliin! Isang hangin na may kasakit- sakit na Kaparusahan
Surah Al-Ahqaf, Verse 24
تُدَمِّرُ كُلَّ شَيۡءِۭ بِأَمۡرِ رَبِّهَا فَأَصۡبَحُواْ لَا يُرَىٰٓ إِلَّا مَسَٰكِنُهُمۡۚ كَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡمُجۡرِمِينَ
Ang lahat ay mawawasak nito sa pag-uutos ng inyong Panginoon! At sa kinaumagahan, walang mapagmamalas sa kanila maliban sa kanilang wasak na tirahan! Sa ganito Namin sinusuklian ang mga tao na Mujrimun (makasalanan, mapagsamba sa diyus-diyosan, walang pananalig, tampalasan, atbp)
Surah Al-Ahqaf, Verse 25
وَلَقَدۡ مَكَّنَّـٰهُمۡ فِيمَآ إِن مَّكَّنَّـٰكُمۡ فِيهِ وَجَعَلۡنَا لَهُمۡ سَمۡعٗا وَأَبۡصَٰرٗا وَأَفۡـِٔدَةٗ فَمَآ أَغۡنَىٰ عَنۡهُمۡ سَمۡعُهُمۡ وَلَآ أَبۡصَٰرُهُمۡ وَلَآ أَفۡـِٔدَتُهُم مِّن شَيۡءٍ إِذۡ كَانُواْ يَجۡحَدُونَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَحَاقَ بِهِم مَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ
At katiyakan, Aming ginawaran sila ng kasaganaan at kapangyarihan na hindi Namin naigawad sa inyo (o Quraish!). At ipinagkaloob Namin sa kanila ang kanilang pandinig (mga tainga), pangmasid (mga mata), puso at katalinuhan, datapuwa’t walang naging kapakinabangan sa kanila ang kanilang pandinig, pangmasid, puso at katalinuhan nang sila ay magpatuloy sa hindi pagtanggap sa Ayat ni Allah (mga Propeta ni Allah, katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.), at sila ay ganap na napalibutan ng mga bagay na kanilang dating nililibak
Surah Al-Ahqaf, Verse 26
وَلَقَدۡ أَهۡلَكۡنَا مَا حَوۡلَكُم مِّنَ ٱلۡقُرَىٰ وَصَرَّفۡنَا ٱلۡأٓيَٰتِ لَعَلَّهُمۡ يَرۡجِعُونَ
At katotohanang winasak Namin noon pa mang una ang mga bayan (pamayanan) sa paligid ninyo, at (paulit- ulit) na ipinamalas Namin ang Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.) sa (kanila) sa iba’t ibang paraan upang sila ay magbalik loob sa Amin (sa Katotohanan at sa Kaisahan ni Allah at sa Islam)
Surah Al-Ahqaf, Verse 27
فَلَوۡلَا نَصَرَهُمُ ٱلَّذِينَ ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ قُرۡبَانًا ءَالِهَةَۢۖ بَلۡ ضَلُّواْ عَنۡهُمۡۚ وَذَٰلِكَ إِفۡكُهُمۡ وَمَا كَانُواْ يَفۡتَرُونَ
Bakit kaya walang dumaratal na tulong para sa kanila mula sa mga sinasamba nilang diyos maliban pa kay Allah, bilang isang paraan ng paglapit (kay Allah)? Hindi, ganap silang naglaho sa kanila (nang dumating ang kaparusahan). At ito ang kanilang kasinungalingan at mga gawang kabulaanan na pinagtagni- tagni lamang (mula sa wala, bago dumating ang kanilang pagkawasak)
Surah Al-Ahqaf, Verse 28
وَإِذۡ صَرَفۡنَآ إِلَيۡكَ نَفَرٗا مِّنَ ٱلۡجِنِّ يَسۡتَمِعُونَ ٱلۡقُرۡءَانَ فَلَمَّا حَضَرُوهُ قَالُوٓاْ أَنصِتُواْۖ فَلَمَّا قُضِيَ وَلَّوۡاْ إِلَىٰ قَوۡمِهِم مُّنذِرِينَ
(At alalahanin) nang isinugo Namin sa iyo (o Muhammad) ang Nafran (tatlo hanggang sampu) na lipon ng Jinn (na tahimik) na nakikinig sa Qur’an, at kung sila ay nakatindig (habang ito ay binabasa), sila ay nagsasabi: “Makinig nang tahimik!” At kung ang paglalahad ay natapos na, sila ay nagsisibalik sa kanilang pamayanan upang sila ay bigyan ng babala
Surah Al-Ahqaf, Verse 29
قَالُواْ يَٰقَوۡمَنَآ إِنَّا سَمِعۡنَا كِتَٰبًا أُنزِلَ مِنۢ بَعۡدِ مُوسَىٰ مُصَدِّقٗا لِّمَا بَيۡنَ يَدَيۡهِ يَهۡدِيٓ إِلَى ٱلۡحَقِّ وَإِلَىٰ طَرِيقٖ مُّسۡتَقِيمٖ
Sila ay nagsasabi: “o aming pamayanan! Katotohanang aming napakinggan ang Aklat (Qur’an) na ipinanaog pagkatapos ni Moises, na nagpapatotoo sa mga ipinahayag bago pa rito. Ito ay namamatnubay sa Katotohanan at sa Matuwid na Landas (Islam)
Surah Al-Ahqaf, Verse 30
يَٰقَوۡمَنَآ أَجِيبُواْ دَاعِيَ ٱللَّهِ وَءَامِنُواْ بِهِۦ يَغۡفِرۡ لَكُم مِّن ذُنُوبِكُمۡ وَيُجِرۡكُم مِّنۡ عَذَابٍ أَلِيمٖ
o aming pamayanan! Magsitugon kayo (ng may pagsunod) sa kanya (Muhammad) na nag-aanyaya sa inyo tungo kay Allah, at manalig kayo sa kanya (paniwalaan ang mga ipinadala sa kanya mula kay Allah at sundin siya). Siya (Allah) ay magpapatawad sa inyong mga kamalian at Kanyang iaadya kayo sa kasakit-sakit na kaparusahan (Impiyerno).”
Surah Al-Ahqaf, Verse 31
وَمَن لَّا يُجِبۡ دَاعِيَ ٱللَّهِ فَلَيۡسَ بِمُعۡجِزٖ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَيۡسَ لَهُۥ مِن دُونِهِۦٓ أَوۡلِيَآءُۚ أُوْلَـٰٓئِكَ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٍ
At sinuman ang hindi tumugon sa Tagapagpaala-ala ni Allah, siya ay hindi makakatakas sa kalupaan at walang sinumang Auliya (tagapagtanggol, tagapangalaga, atbp.) ang makakapagligtas sa kanya (sa kaparusahan) maliban kay Allah. Sila ang nasa maliwanag na kamalian
Surah Al-Ahqaf, Verse 32
أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّ ٱللَّهَ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَلَمۡ يَعۡيَ بِخَلۡقِهِنَّ بِقَٰدِرٍ عَلَىٰٓ أَن يُحۡـِۧيَ ٱلۡمَوۡتَىٰۚ بَلَىٰٓۚ إِنَّهُۥ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ
Hindi baga nila napagtatanto na si Allah, na Siyang lumikha ng kalangitan at kalupaan, at hindi kailanman napapagal sa Kanyang mga likha ay makapangyayaring magbigay buhay sa patay? Tunay nga, Siya ay may kapangyarihan sa lahat ng bagay
Surah Al-Ahqaf, Verse 33
وَيَوۡمَ يُعۡرَضُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ عَلَى ٱلنَّارِ أَلَيۡسَ هَٰذَا بِٱلۡحَقِّۖ قَالُواْ بَلَىٰ وَرَبِّنَاۚ قَالَ فَذُوقُواْ ٱلۡعَذَابَ بِمَا كُنتُمۡ تَكۡفُرُونَ
At sa Araw na ang mga hindi sumasampalataya ay itatambad sa harap ng Apoy, (sila ay tatanungin): “Hindi baga ito ang katotohanan?”. Sila ay magsisipakli: “Tunay nga, sa pamamagitan ng aming Panginoon!” (Si Allah ay magwiwika): “Kung gayon, inyong tamasahin ang kaparusahan sapagkat kayo ay hindi nagsisampalataya!”
Surah Al-Ahqaf, Verse 34
فَٱصۡبِرۡ كَمَا صَبَرَ أُوْلُواْ ٱلۡعَزۡمِ مِنَ ٱلرُّسُلِ وَلَا تَسۡتَعۡجِل لَّهُمۡۚ كَأَنَّهُمۡ يَوۡمَ يَرَوۡنَ مَا يُوعَدُونَ لَمۡ يَلۡبَثُوٓاْ إِلَّا سَاعَةٗ مِّن نَّهَارِۭۚ بَلَٰغٞۚ فَهَلۡ يُهۡلَكُ إِلَّا ٱلۡقَوۡمُ ٱلۡفَٰسِقُونَ
Kaya’t ikaw ay maging matimtiman (O Muhammad) na kagaya rin ng mga ginawa (noon) ng mga Tagapagbalita na may matatag na hangarin at huwag mong madaliin ang mga hindi sumasampalataya. Sa Araw na kanilang mamamasdan (ang kaparusahan) na ipinangako sa kanila, (rito ay wari bang) sila ay hindi man lamang nagtagal ng isang oras sa buong maghapon. (Ang iyong tungkulin) ay upang ihatid lamang ang Paala-ala. (O sangkatauhan, ang Qur’an na ito ay isang maliwanag na Tagubilin o Pahayag upang iligtas ninyo ang inyong sarili sa pagkawasak). Datapuwa’t walang mawawasak maliban sa mga tao na Al-Fasiqun (mga lumalabag sa pagmamalabis at mapaghimagsik kay Allah). ProPetA muhAmmAD
Surah Al-Ahqaf, Verse 35