Surah Al-Maeda Verse 106 - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
Surah Al-Maedaيَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ شَهَٰدَةُ بَيۡنِكُمۡ إِذَا حَضَرَ أَحَدَكُمُ ٱلۡمَوۡتُ حِينَ ٱلۡوَصِيَّةِ ٱثۡنَانِ ذَوَا عَدۡلٖ مِّنكُمۡ أَوۡ ءَاخَرَانِ مِنۡ غَيۡرِكُمۡ إِنۡ أَنتُمۡ ضَرَبۡتُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَأَصَٰبَتۡكُم مُّصِيبَةُ ٱلۡمَوۡتِۚ تَحۡبِسُونَهُمَا مِنۢ بَعۡدِ ٱلصَّلَوٰةِ فَيُقۡسِمَانِ بِٱللَّهِ إِنِ ٱرۡتَبۡتُمۡ لَا نَشۡتَرِي بِهِۦ ثَمَنٗا وَلَوۡ كَانَ ذَا قُرۡبَىٰ وَلَا نَكۡتُمُ شَهَٰدَةَ ٱللَّهِ إِنَّآ إِذٗا لَّمِنَ ٱلۡأٓثِمِينَ
O kayong nagsisisampalataya! Kung ang kamatayan ay dumatal sa isa sa inyo at kayo ay gumawa ng habiling yaman (pamana), kung gayon, kayo ay kumuha ng pagpapatibay ng dalawang matuwid na lalaki mula sa inyong angkan, o ng dalawang iba mula sa labas kung kayo ay naglalakbay sa kalupaan at ang sakuna ng kamatayan ay sumapit sa inyo. Sila ay kapwa pigilan matapos ang pagdarasal, (at pagkaraan) kung kayo ay may pag-aalinlangan (sa kanilang katapatan), hayaan sila na kapwa manumpa kay Allah (na nagsasabi): “Kami ay hindi naghahangad ng anumang makamundong pakinabang dito, kahima’t siya (ang pinamanahan) ay aming malapit na kamag-anak. Hindi namin ililingid ang pahayag ni Allah, sapagkat kung magkagayon, kami ay mapapabilang sa mga makasalanan.”