Surah Al-Maeda Verse 19 - Filipino Translation by Www.islamhouse.com
Surah Al-Maedaيَـٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ قَدۡ جَآءَكُمۡ رَسُولُنَا يُبَيِّنُ لَكُمۡ عَلَىٰ فَتۡرَةٖ مِّنَ ٱلرُّسُلِ أَن تَقُولُواْ مَا جَآءَنَا مِنۢ بَشِيرٖ وَلَا نَذِيرٖۖ فَقَدۡ جَآءَكُم بَشِيرٞ وَنَذِيرٞۗ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ
O mga May Kasulatan, dumating nga sa inyo ang Sugo Namin na naglilinaw sa inyo sa isang yugto ng kawalan ng mga sugo upang [hindi] kayo magsabi: “Walang dumating sa amin na anumang mapagbalita ng nakagagalak ni mapagbabala,” sapagkat may dumating nga sa inyo na isang mapagbalita ng nakagagalak isang mapagbabala. Si Allāh, sa bawat bagay, ay May-kakayahan