Surah Al-Maeda Verse 32 - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
Surah Al-Maedaمِنۡ أَجۡلِ ذَٰلِكَ كَتَبۡنَا عَلَىٰ بَنِيٓ إِسۡرَـٰٓءِيلَ أَنَّهُۥ مَن قَتَلَ نَفۡسَۢا بِغَيۡرِ نَفۡسٍ أَوۡ فَسَادٖ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَكَأَنَّمَا قَتَلَ ٱلنَّاسَ جَمِيعٗا وَمَنۡ أَحۡيَاهَا فَكَأَنَّمَآ أَحۡيَا ٱلنَّاسَ جَمِيعٗاۚ وَلَقَدۡ جَآءَتۡهُمۡ رُسُلُنَا بِٱلۡبَيِّنَٰتِ ثُمَّ إِنَّ كَثِيرٗا مِّنۡهُم بَعۡدَ ذَٰلِكَ فِي ٱلۡأَرۡضِ لَمُسۡرِفُونَ
At dahilan dito, Aming ipinag-utos sa Angkan ng Israel, na ang sinumang nakapatay ng isang tao, maliban na lamang kung ito (ay kabayaran) sa (krimen) ng sadyang pagpatay ng tao, o sa pagkakalat ng kabuktutan sa kalupaan, – ito ay ituturing na katulad ng isa na pumatay ng buong sangkatauhan, at kung sinuman ang magligtas ng isang buhay, ito ay ituturing na katulad ng isa na nagligtas sa buhay ng buong sangkatauhan. At katotohanang dumatal sa kanila ang Aming mga Tagapagbalita na may maliliwanag na katibayan at mga tanda, gayunpaman, makaraan ito, marami sa kanila ang nagpatuloy na lumagpas sa hangganan (halimbawa ay pang-aapi ng walang katarungan na lagpas sa lahat ng hangganan na itinakda ni Allah sa pamamagitan ng paggawa ng malalaking kasalanan) dito sa kalupaan