UAE Prayer Times

  • Dubai
  • Abu Dhabi
  • Sharjah
  • Ajman
  • Fujairah
  • Umm Al Quwain
  • Ras Al Khaimah
  • Quran Translations

Surah Al-Waqia - Filipino Translation by Www.islamhouse.com


إِذَا وَقَعَتِ ٱلۡوَاقِعَةُ

Kapag naganap ang Magaganap
Surah Al-Waqia, Verse 1


لَيۡسَ لِوَقۡعَتِهَا كَاذِبَةٌ

para sa pagkaganap nito ay walang isang tagapagpasinungaling
Surah Al-Waqia, Verse 2


خَافِضَةٞ رَّافِعَةٌ

na magbababa, mag-aangat
Surah Al-Waqia, Verse 3


إِذَا رُجَّتِ ٱلۡأَرۡضُ رَجّٗا

Kapag inalog ang lupa sa isang pag-aalog
Surah Al-Waqia, Verse 4


وَبُسَّتِ ٱلۡجِبَالُ بَسّٗا

at dinurog ang mga bundok sa isang pagdurog
Surah Al-Waqia, Verse 5


فَكَانَتۡ هَبَآءٗ مُّنۢبَثّٗا

kaya magiging alikabok na kumakalat
Surah Al-Waqia, Verse 6


وَكُنتُمۡ أَزۡوَٰجٗا ثَلَٰثَةٗ

Kayo ay magiging tatlong uri
Surah Al-Waqia, Verse 7


فَأَصۡحَٰبُ ٱلۡمَيۡمَنَةِ مَآ أَصۡحَٰبُ ٱلۡمَيۡمَنَةِ

Kaya ang mga kasamahan sa dakong kanan, ano ang mga kasamahan sa dakong kanan
Surah Al-Waqia, Verse 8


وَأَصۡحَٰبُ ٱلۡمَشۡـَٔمَةِ مَآ أَصۡحَٰبُ ٱلۡمَشۡـَٔمَةِ

Ang mga kasamahan sa dakong kaliwa, ano ang mga kasamahan sa dakong kaliwa
Surah Al-Waqia, Verse 9


وَٱلسَّـٰبِقُونَ ٱلسَّـٰبِقُونَ

Ang mga tagapanguna [sa kabutihan] ay ang mga tagapanguna [sa Paraiso]
Surah Al-Waqia, Verse 10


أُوْلَـٰٓئِكَ ٱلۡمُقَرَّبُونَ

Ang mga iyon ay ang mga inilapit [kay Allāh]
Surah Al-Waqia, Verse 11


فِي جَنَّـٰتِ ٱلنَّعِيمِ

sa mga hardin ng kaginhawahan
Surah Al-Waqia, Verse 12


ثُلَّةٞ مِّنَ ٱلۡأَوَّلِينَ

Isang pangkat mula sa mga nauna
Surah Al-Waqia, Verse 13


وَقَلِيلٞ مِّنَ ٱلۡأٓخِرِينَ

at kaunti mula sa mga nahuli
Surah Al-Waqia, Verse 14


عَلَىٰ سُرُرٖ مَّوۡضُونَةٖ

sa mga kamang pinalamutian
Surah Al-Waqia, Verse 15


مُّتَّكِـِٔينَ عَلَيۡهَا مُتَقَٰبِلِينَ

na mga nakasandal sa mga ito habang mga naghaharapan
Surah Al-Waqia, Verse 16


يَطُوفُ عَلَيۡهِمۡ وِلۡدَٰنٞ مُّخَلَّدُونَ

May iikot sa kanila na mga batang lalaki na mga pinamalaging [bata]
Surah Al-Waqia, Verse 17


بِأَكۡوَابٖ وَأَبَارِيقَ وَكَأۡسٖ مِّن مَّعِينٖ

na may mga baso, mga pitsel, at isang kopa mula sa isang alak na dumadaloy
Surah Al-Waqia, Verse 18


لَّا يُصَدَّعُونَ عَنۡهَا وَلَا يُنزِفُونَ

na hindi sila pasasakitan [sa ulo] dahil sa mga ito at hindi sila lalanguin
Surah Al-Waqia, Verse 19


وَفَٰكِهَةٖ مِّمَّا يَتَخَيَّرُونَ

at bungang-kahoy mula sa pinili-pili nila
Surah Al-Waqia, Verse 20


وَلَحۡمِ طَيۡرٖ مِّمَّا يَشۡتَهُونَ

at karne ng ibon kabilang sa ninanasa nila
Surah Al-Waqia, Verse 21


وَحُورٌ عِينٞ

at may mga dilag na magaganda ang mga mata
Surah Al-Waqia, Verse 22


كَأَمۡثَٰلِ ٱللُّؤۡلُوِٕ ٱلۡمَكۡنُونِ

na gaya ng mga tulad ng mga mutyang itinatago
Surah Al-Waqia, Verse 23


جَزَآءَۢ بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ

bilang ganti sa dati nilang ginagawa
Surah Al-Waqia, Verse 24


لَا يَسۡمَعُونَ فِيهَا لَغۡوٗا وَلَا تَأۡثِيمًا

Hindi sila makaririnig doon ng kabalbalan ni ng pagpapakasalanan
Surah Al-Waqia, Verse 25


إِلَّا قِيلٗا سَلَٰمٗا سَلَٰمٗا

maliban sa pagsasabi ng kapayapaan, kapayapaan
Surah Al-Waqia, Verse 26


وَأَصۡحَٰبُ ٱلۡيَمِينِ مَآ أَصۡحَٰبُ ٱلۡيَمِينِ

Ang mga kasamahan sa dakong kanan, ano ang mga kasamahan sa dakong kanan
Surah Al-Waqia, Verse 27


فِي سِدۡرٖ مَّخۡضُودٖ

[Sila ay] nasa mga [punong] Sidrah na pinutulan [ng mga tinik]
Surah Al-Waqia, Verse 28


وَطَلۡحٖ مَّنضُودٖ

at mga [punong] saging na nagkapatung-patong [ang mga bunga]
Surah Al-Waqia, Verse 29


وَظِلّٖ مَّمۡدُودٖ

at sa lilim na inilatag
Surah Al-Waqia, Verse 30


وَمَآءٖ مَّسۡكُوبٖ

at tubig na pinadaloy
Surah Al-Waqia, Verse 31


وَفَٰكِهَةٖ كَثِيرَةٖ

at prutas na marami
Surah Al-Waqia, Verse 32


لَّا مَقۡطُوعَةٖ وَلَا مَمۡنُوعَةٖ

hindi pinuputol at hindi hinahadlangan
Surah Al-Waqia, Verse 33


وَفُرُشٖ مَّرۡفُوعَةٍ

at sa mga higaan iniangat
Surah Al-Waqia, Verse 34


إِنَّآ أَنشَأۡنَٰهُنَّ إِنشَآءٗ

Tunay na Kami ay nagpaluwal sa kanila sa isang pagpapaluwal
Surah Al-Waqia, Verse 35


فَجَعَلۡنَٰهُنَّ أَبۡكَارًا

saka gumawa Kami sa kanila na mga birhen
Surah Al-Waqia, Verse 36


عُرُبًا أَتۡرَابٗا

na malalambing na magkakasinggulang
Surah Al-Waqia, Verse 37


لِّأَصۡحَٰبِ ٱلۡيَمِينِ

para sa mga kasamahan sa kanan
Surah Al-Waqia, Verse 38


ثُلَّةٞ مِّنَ ٱلۡأَوَّلِينَ

Isang pangkat mula sa mga nauna
Surah Al-Waqia, Verse 39


وَثُلَّةٞ مِّنَ ٱلۡأٓخِرِينَ

at isang pangkat mula sa mga nahuli
Surah Al-Waqia, Verse 40


وَأَصۡحَٰبُ ٱلشِّمَالِ مَآ أَصۡحَٰبُ ٱلشِّمَالِ

Ang mga kasamahan sa dakong kaliwa, ano ang mga kasamahan sa dakong kaliwa
Surah Al-Waqia, Verse 41


فِي سَمُومٖ وَحَمِيمٖ

[Sila ay] nasa nakapapasong hangin at nakapapasong tubig
Surah Al-Waqia, Verse 42


وَظِلّٖ مِّن يَحۡمُومٖ

at isang lilim ng isang usok na pagkaitim-itim
Surah Al-Waqia, Verse 43


لَّا بَارِدٖ وَلَا كَرِيمٍ

hindi malamig at hindi marangal
Surah Al-Waqia, Verse 44


إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَبۡلَ ذَٰلِكَ مُتۡرَفِينَ

Tunay na sila dati bago niyon ay mga pinariwasa
Surah Al-Waqia, Verse 45


وَكَانُواْ يُصِرُّونَ عَلَى ٱلۡحِنثِ ٱلۡعَظِيمِ

Sila dati ay nagpupumilit ng kabuktutang sukdulan
Surah Al-Waqia, Verse 46


وَكَانُواْ يَقُولُونَ أَئِذَا مِتۡنَا وَكُنَّا تُرَابٗا وَعِظَٰمًا أَءِنَّا لَمَبۡعُوثُونَ

Sila dati ay nagsasabi: "Kapag namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga buto, tunay bang kami ay talagang mga bubuhayin
Surah Al-Waqia, Verse 47


أَوَءَابَآؤُنَا ٱلۡأَوَّلُونَ

at ang mga ninuno naming sinauna
Surah Al-Waqia, Verse 48


قُلۡ إِنَّ ٱلۡأَوَّلِينَ وَٱلۡأٓخِرِينَ

Sabihin mo: "Tunay na ang mga sinauna at ang mga nahuli
Surah Al-Waqia, Verse 49


لَمَجۡمُوعُونَ إِلَىٰ مِيقَٰتِ يَوۡمٖ مَّعۡلُومٖ

ay talagang mga titipunin sa isang takdang oras ng isang araw na nalalaman
Surah Al-Waqia, Verse 50


ثُمَّ إِنَّكُمۡ أَيُّهَا ٱلضَّآلُّونَ ٱلۡمُكَذِّبُونَ

Pagkatapos tunay na kayo, O mga naliligaw na mga tagapagpasinungaling
Surah Al-Waqia, Verse 51


لَأٓكِلُونَ مِن شَجَرٖ مِّن زَقُّومٖ

ay talagang mga kakain mula sa mga puno ng Zaqqūm
Surah Al-Waqia, Verse 52


فَمَالِـُٔونَ مِنۡهَا ٱلۡبُطُونَ

saka mga magpupuno mula sa mga iyon ng mga tiyan
Surah Al-Waqia, Verse 53


فَشَٰرِبُونَ عَلَيۡهِ مِنَ ٱلۡحَمِيمِ

saka mga iinom sa mga ito mula sa nakapapasong tubig
Surah Al-Waqia, Verse 54


فَشَٰرِبُونَ شُرۡبَ ٱلۡهِيمِ

saka mga iinom nang pag-inom ng mga uhaw na kamelyo
Surah Al-Waqia, Verse 55


هَٰذَا نُزُلُهُمۡ يَوۡمَ ٱلدِّينِ

Ito ay pang-aliw sa kanila sa Araw ng Paggantimpala
Surah Al-Waqia, Verse 56


نَحۡنُ خَلَقۡنَٰكُمۡ فَلَوۡلَا تُصَدِّقُونَ

Kami ay lumikha sa inyo kaya bakit kaya hindi kayo naniniwala
Surah Al-Waqia, Verse 57


أَفَرَءَيۡتُم مَّا تُمۡنُونَ

Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa ipinupulandit ninyo [na punlay]
Surah Al-Waqia, Verse 58


ءَأَنتُمۡ تَخۡلُقُونَهُۥٓ أَمۡ نَحۡنُ ٱلۡخَٰلِقُونَ

Kayo ba ay lumilikha niyon o Kami ay ang Tagalikha
Surah Al-Waqia, Verse 59


نَحۡنُ قَدَّرۡنَا بَيۡنَكُمُ ٱلۡمَوۡتَ وَمَا نَحۡنُ بِمَسۡبُوقِينَ

Kami ay nagtakda sa gitna ninyo ng kamatayan at Kami ay hindi nauunahan
Surah Al-Waqia, Verse 60


عَلَىٰٓ أَن نُّبَدِّلَ أَمۡثَٰلَكُمۡ وَنُنشِئَكُمۡ فِي مَا لَا تَعۡلَمُونَ

na magpalit Kami ng mga tulad ninyo at magpaluwal Kami sa inyo sa hindi ninyo nalalaman
Surah Al-Waqia, Verse 61


وَلَقَدۡ عَلِمۡتُمُ ٱلنَّشۡأَةَ ٱلۡأُولَىٰ فَلَوۡلَا تَذَكَّرُونَ

Talaga ngang nalaman ninyo ang unang pagpapaluwal, kaya bakit kaya hindi kayo nagsasaalaala
Surah Al-Waqia, Verse 62


أَفَرَءَيۡتُم مَّا تَحۡرُثُونَ

Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa ipinupunla ninyo
Surah Al-Waqia, Verse 63


ءَأَنتُمۡ تَزۡرَعُونَهُۥٓ أَمۡ نَحۡنُ ٱلزَّـٰرِعُونَ

Kayo ba ay nagtatanim niyon o Kami ay ang Tagapagtanim
Surah Al-Waqia, Verse 64


لَوۡ نَشَآءُ لَجَعَلۡنَٰهُ حُطَٰمٗا فَظَلۡتُمۡ تَفَكَّهُونَ

Kung sakaling niloloob Namin ay talaga sanang ginawa Namin iyon na ipa saka kayo ay magiging nagugulantang
Surah Al-Waqia, Verse 65


إِنَّا لَمُغۡرَمُونَ

[na magsasabi]: "Tunay na kami ay talagang mga namultahan
Surah Al-Waqia, Verse 66


بَلۡ نَحۡنُ مَحۡرُومُونَ

bagkus kami ay mga pinagkaitan
Surah Al-Waqia, Verse 67


أَفَرَءَيۡتُمُ ٱلۡمَآءَ ٱلَّذِي تَشۡرَبُونَ

Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa tubig na iniinom ninyo
Surah Al-Waqia, Verse 68


ءَأَنتُمۡ أَنزَلۡتُمُوهُ مِنَ ٱلۡمُزۡنِ أَمۡ نَحۡنُ ٱلۡمُنزِلُونَ

Kayo ba ay nagpababa niyon mula sa mga ulap o Kami ay ang Tagapagpababa
Surah Al-Waqia, Verse 69


لَوۡ نَشَآءُ جَعَلۡنَٰهُ أُجَاجٗا فَلَوۡلَا تَشۡكُرُونَ

Kung sakaling niloloob Namin ay ginawa sana Namin iyon na maalat, kaya bakit kaya hindi kayo nagpapasalamat
Surah Al-Waqia, Verse 70


أَفَرَءَيۡتُمُ ٱلنَّارَ ٱلَّتِي تُورُونَ

Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa apoy na pinaniningas ninyo
Surah Al-Waqia, Verse 71


ءَأَنتُمۡ أَنشَأۡتُمۡ شَجَرَتَهَآ أَمۡ نَحۡنُ ٱلۡمُنشِـُٔونَ

Kayo ba ay nagpapaluwal ng punong-kahoy [na nagpapaningas] nito o Kami ay ang Tagapagpaluwal
Surah Al-Waqia, Verse 72


نَحۡنُ جَعَلۡنَٰهَا تَذۡكِرَةٗ وَمَتَٰعٗا لِّلۡمُقۡوِينَ

Kami ay gumawa nito bilang pagpapaalaala at bilang natatamasa para sa mga naglalakbay
Surah Al-Waqia, Verse 73


فَسَبِّحۡ بِٱسۡمِ رَبِّكَ ٱلۡعَظِيمِ

Kaya magluwalhati ka sa pangalan ng Panginoon mo, ang Sukdulan
Surah Al-Waqia, Verse 74


۞فَلَآ أُقۡسِمُ بِمَوَٰقِعِ ٱلنُّجُومِ

Kaya nanunumpa Ako sa mga lubugan ng mga bituin
Surah Al-Waqia, Verse 75


وَإِنَّهُۥ لَقَسَمٞ لَّوۡ تَعۡلَمُونَ عَظِيمٌ

at tunay na ito ay talagang isang panunumpa – kung sakaling nalalaman ninyo – na sukdulan
Surah Al-Waqia, Verse 76


إِنَّهُۥ لَقُرۡءَانٞ كَرِيمٞ

Tunay na ito ay talagang isang Qur’ān na marangal
Surah Al-Waqia, Verse 77


فِي كِتَٰبٖ مَّكۡنُونٖ

na nasa isang Aklat na itinatago
Surah Al-Waqia, Verse 78


لَّا يَمَسُّهُۥٓ إِلَّا ٱلۡمُطَهَّرُونَ

na walang nakasasaling dito kundi ang mga [anghel na] dinalisay
Surah Al-Waqia, Verse 79


تَنزِيلٞ مِّن رَّبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ

na isang pagbababa mula sa Panginoon ng mga nilalang
Surah Al-Waqia, Verse 80


أَفَبِهَٰذَا ٱلۡحَدِيثِ أَنتُم مُّدۡهِنُونَ

Kaya sa salaysay na ito ba kayo ay mga nagwawalang-bahala
Surah Al-Waqia, Verse 81


وَتَجۡعَلُونَ رِزۡقَكُمۡ أَنَّكُمۡ تُكَذِّبُونَ

Gumagawa kayo [sa pagpapasalamat] sa panustos ninyo na kayo ay nagpapasinungaling
Surah Al-Waqia, Verse 82


فَلَوۡلَآ إِذَا بَلَغَتِ ٱلۡحُلۡقُومَ

Kaya bakit hindi [kayo magpabalik ng kaluluwa] kapag umabot ito sa lalamunan
Surah Al-Waqia, Verse 83


وَأَنتُمۡ حِينَئِذٖ تَنظُرُونَ

habang kayo sa sandaling iyon ay nakatingin
Surah Al-Waqia, Verse 84


وَنَحۡنُ أَقۡرَبُ إِلَيۡهِ مِنكُمۡ وَلَٰكِن لَّا تُبۡصِرُونَ

Kami ay higit na malapit sa kanya kaysa sa inyo subalit hindi ninyo nakikita
Surah Al-Waqia, Verse 85


فَلَوۡلَآ إِن كُنتُمۡ غَيۡرَ مَدِينِينَ

Kaya bakit hindi – kung kayo ay hindi mga pananagutin –
Surah Al-Waqia, Verse 86


تَرۡجِعُونَهَآ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ

nagpapabalik kayo nito kung kayo ay mga tapat
Surah Al-Waqia, Verse 87


فَأَمَّآ إِن كَانَ مِنَ ٱلۡمُقَرَّبِينَ

Kaya tungkol naman sa kung siya ay kabilang sa mga inilapit [kay Allāh]
Surah Al-Waqia, Verse 88


فَرَوۡحٞ وَرَيۡحَانٞ وَجَنَّتُ نَعِيمٖ

[ukol sa kanya ay] kapahingahan, kaloob, at hardin ng kaginhawahan
Surah Al-Waqia, Verse 89


وَأَمَّآ إِن كَانَ مِنۡ أَصۡحَٰبِ ٱلۡيَمِينِ

Tungkol naman sa kung siya ay kabilang sa mga kasamahan ng kanan
Surah Al-Waqia, Verse 90


فَسَلَٰمٞ لَّكَ مِنۡ أَصۡحَٰبِ ٱلۡيَمِينِ

[sasabihin sa kanya]: "Kapayapaan ay ukol sa iyo na kabilang sa mga kasamahan ng kanan
Surah Al-Waqia, Verse 91


وَأَمَّآ إِن كَانَ مِنَ ٱلۡمُكَذِّبِينَ ٱلضَّآلِّينَ

Tungkol naman sa kung siya ay kabilang sa mga tagapagpasinungaling na naliligaw
Surah Al-Waqia, Verse 92


فَنُزُلٞ مِّنۡ حَمِيمٖ

[ukol sa kanya ay] isang pang-aliw mula sa nakapapasong tubig
Surah Al-Waqia, Verse 93


وَتَصۡلِيَةُ جَحِيمٍ

at isang pagpapasok sa Impiyerno
Surah Al-Waqia, Verse 94


إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ حَقُّ ٱلۡيَقِينِ

Tunay na ito ay talagang ito ang katotohanan ng katiyakan
Surah Al-Waqia, Verse 95


فَسَبِّحۡ بِٱسۡمِ رَبِّكَ ٱلۡعَظِيمِ

Kaya magluwalhati ka sa ngalan ng Panginoon mo, ang Sukdulan
Surah Al-Waqia, Verse 96


Author: Www.islamhouse.com


<< Surah 55
>> Surah 57

Filipino Translations by other Authors


Filipino Translation By Abdullatif Eduardo M. Arceo
Filipino Translation By Www.islamhouse.com
Popular Areas
Apartments for rent in Dubai Apartments for rent Abu Dhabi Villas for rent in Dubai House for rent Abu Dhabi Apartments for sale in Dubai Apartments for sale in Abu Dhabi Flat for rent Sharjah
Popular Searches
Studios for rent in UAE Apartments for rent in UAE Villas for rent in UAE Apartments for sale in UAE Villas for sale in UAE Land for sale in UAE Dubai Real Estate
Trending Areas
Apartments for rent in Dubai Marina Apartments for sale in Dubai Marina Villa for rent in Sharjah Villa for sale in Dubai Flat for rent in Ajman Studio for rent in Abu Dhabi Villa for rent in Ajman
Trending Searches
Villa for rent in Abu Dhabi Shop for rent in Dubai Villas for sale in Ajman Studio for rent in Sharjah 1 Bedroom Apartment for rent in Dubai Property for rent in Abu Dhabi Commercial properties for sale
© Copyright Dubai Prayer Time. All Rights Reserved
Designed by Prayer Time In Dubai