Surah Al-Hadid Verse 16 - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
Surah Al-Hadid۞أَلَمۡ يَأۡنِ لِلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَن تَخۡشَعَ قُلُوبُهُمۡ لِذِكۡرِ ٱللَّهِ وَمَا نَزَلَ مِنَ ٱلۡحَقِّ وَلَا يَكُونُواْ كَٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ مِن قَبۡلُ فَطَالَ عَلَيۡهِمُ ٱلۡأَمَدُ فَقَسَتۡ قُلُوبُهُمۡۖ وَكَثِيرٞ مِّنۡهُمۡ فَٰسِقُونَ
Hindi pa ba dumatal ang panahon sa puso ng mga sumasampalataya (na may kapakumbabaan at gumugugol sa pag-aala-ala kay Allah, sa Kanyang Kaisahan at sa Islam) na matablan ng katotohanan na ipinahayag (ang Qur’an) sa kanila; (baka mangyari) na sila ay matulad sa mga tao na pinagpahayagan ng Kasulatan noon pang una (ang Torah [mga Batas] at Ebanghelyo, alalaong baga ang mga Hudyo at Kristiyano), gayunman, marami ng panahon ang nalagas at ang kanilang puso ay lumaki at tumigas? At marami sa kanila ang Fasiqun (mga mapaghimagsik at palasuway kay Allah)