Surah Al-Mujadila Verse 4 - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
Surah Al-Mujadilaفَمَن لَّمۡ يَجِدۡ فَصِيَامُ شَهۡرَيۡنِ مُتَتَابِعَيۡنِ مِن قَبۡلِ أَن يَتَمَآسَّاۖ فَمَن لَّمۡ يَسۡتَطِعۡ فَإِطۡعَامُ سِتِّينَ مِسۡكِينٗاۚ ذَٰلِكَ لِتُؤۡمِنُواْ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦۚ وَتِلۡكَ حُدُودُ ٱللَّهِۗ وَلِلۡكَٰفِرِينَ عَذَابٌ أَلِيمٌ
At kung sinuman ang walang kakayahan (o walang salapi upang magpalaya ng isang alipin), ay marapat na mag-ayuno ng magkasunod na dalawang buwan bago sila magsiping sa isa’t isa, datapuwa’t kung sinuman ang hindi makasunod dito ay marapat siyang magpakain ng animnapung tao (na nanglilimos). Sa ganito ay maipapakita ninyo ang inyong ganap na Pananampalataya kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita. Ito ang mga hangganan (na itinakda) ni Allah. At sa mga nagtatakwil sa Kanya, sa kanila ay naghihintay ang kasakit-sakit na Kaparusahan