Surah Al-Mujadila Verse 7 - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
Surah Al-Mujadilaأَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۖ مَا يَكُونُ مِن نَّجۡوَىٰ ثَلَٰثَةٍ إِلَّا هُوَ رَابِعُهُمۡ وَلَا خَمۡسَةٍ إِلَّا هُوَ سَادِسُهُمۡ وَلَآ أَدۡنَىٰ مِن ذَٰلِكَ وَلَآ أَكۡثَرَ إِلَّا هُوَ مَعَهُمۡ أَيۡنَ مَا كَانُواْۖ ثُمَّ يُنَبِّئُهُم بِمَا عَمِلُواْ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۚ إِنَّ ٱللَّهَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٌ
Hindi ba ninyo napagmamalas na si Allah ang nakakabatid ng anupamang nasa kalangitan at kalupaan? walang anumang lihim na pag-uusap ang tatlo, na hindi Siya pang-apat (sa Kanyang Karunungan, habang Siya ay nasa ibabaw ng Kanyang Luklukan sa pampitong Langit), gayundin naman ng lima, na hindi Siya pang-anim (sa Kanyang Karunungan), gayundin kung kakaunti o marami, na hindi Siya isa sa kanila (sa Kanyang Karunungan) kahit saan pa mang lugar; at sa bandang huli sa Araw ng Muling Pagkabuhay ay Kanyang ipangungusap sa kanila ang kanilang ginawa. Katotohanang si Allah ang Lubos na Maalam sa lahat ng bagay