Surah Al-Anaam Verse 145 - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
Surah Al-Anaamقُل لَّآ أَجِدُ فِي مَآ أُوحِيَ إِلَيَّ مُحَرَّمًا عَلَىٰ طَاعِمٖ يَطۡعَمُهُۥٓ إِلَّآ أَن يَكُونَ مَيۡتَةً أَوۡ دَمٗا مَّسۡفُوحًا أَوۡ لَحۡمَ خِنزِيرٖ فَإِنَّهُۥ رِجۡسٌ أَوۡ فِسۡقًا أُهِلَّ لِغَيۡرِ ٱللَّهِ بِهِۦۚ فَمَنِ ٱضۡطُرَّ غَيۡرَ بَاغٖ وَلَا عَادٖ فَإِنَّ رَبَّكَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Ipagbadya (o Muhammad): “Hindi ako nakakita sa mga bagay na ipinahayag sa akin ng anumang ipinagbabawal na kainin, sa mga nagnanais na kumain nito, maliban na lamang kung ito ay Maita (patay na hayop), o dugong umagos (sa pagkakatay o katumbas nito), o laman (karne) ng baboy, sapagkat katiyakang ito ay hindi dalisay, o walang kabanalan; (hindi nararapat) ang laman (ng hayop) na kinatay bilang sakripisyo (alay) sa mga iba (pang diyus-diyosan) maliban pa kay Allah, (o yaong mga kinatay para sa mga imahen, atbp., o yaong [mga kinatay] na ang Ngalan ni Allah ay hindi inusal [binanggit] dito sa sandali ng pagkatay). Datapuwa’t kung sinuman ang napilitan dahilan sa matinding pangangailangan na walang kusang pagsuway at hindi nagmamalabis sa hangganan ng paglabag, (sa kanya) ay katiyakang ang iyong Panginoon ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain.”