UAE Prayer Times

  • Dubai
  • Abu Dhabi
  • Sharjah
  • Ajman
  • Fujairah
  • Umm Al Quwain
  • Ras Al Khaimah
  • Quran Translations

Surah Al-Mumtahana - Filipino Translation by Www.islamhouse.com


يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَتَّخِذُواْ عَدُوِّي وَعَدُوَّكُمۡ أَوۡلِيَآءَ تُلۡقُونَ إِلَيۡهِم بِٱلۡمَوَدَّةِ وَقَدۡ كَفَرُواْ بِمَا جَآءَكُم مِّنَ ٱلۡحَقِّ يُخۡرِجُونَ ٱلرَّسُولَ وَإِيَّاكُمۡ أَن تُؤۡمِنُواْ بِٱللَّهِ رَبِّكُمۡ إِن كُنتُمۡ خَرَجۡتُمۡ جِهَٰدٗا فِي سَبِيلِي وَٱبۡتِغَآءَ مَرۡضَاتِيۚ تُسِرُّونَ إِلَيۡهِم بِٱلۡمَوَدَّةِ وَأَنَا۠ أَعۡلَمُ بِمَآ أَخۡفَيۡتُمۡ وَمَآ أَعۡلَنتُمۡۚ وَمَن يَفۡعَلۡهُ مِنكُمۡ فَقَدۡ ضَلَّ سَوَآءَ ٱلسَّبِيلِ

O mga sumampalataya, huwag kayong gumawa sa kaaway Ko at kaaway ninyo bilang mga katangkilik na nag-uukol kayo sa kanila ng pagmamahal, samantalang tumanggi na silang sumampalataya sa dumating sa inyo na katotohanan, habang nagpapalayas sila sa Sugo at sa inyo dahil sumampalataya kayo kay Allāh, ang Panginoon ninyo. [Huwag ninyong gawin iyon] kung kayo ay humayo sa isang pakikibaka sa landas Ko at sa paghahangad sa pagkalugod Ko. Nagtatapat kayo sa kanila ng pagmamahal samantalang Ako ay nakaaalam sa anumang ikinukubli ninyo at anumang inihahayag ninyo. Ang sinumang gumawa niyon kabilang sa inyo ay naligaw nga siya palayo sa katumpakan ng landas
Surah Al-Mumtahana, Verse 1


إِن يَثۡقَفُوكُمۡ يَكُونُواْ لَكُمۡ أَعۡدَآءٗ وَيَبۡسُطُوٓاْ إِلَيۡكُمۡ أَيۡدِيَهُمۡ وَأَلۡسِنَتَهُم بِٱلسُّوٓءِ وَوَدُّواْ لَوۡ تَكۡفُرُونَ

Kung mananaig sila sa inyo, sila para sa inyo ay magiging mga kaaway, mag-aabot sila sa inyo ng mga kamay nila at mga dila nila sa kasagwaan, at iibigin nila na sana tumanggi kayong sumampalataya
Surah Al-Mumtahana, Verse 2


لَن تَنفَعَكُمۡ أَرۡحَامُكُمۡ وَلَآ أَوۡلَٰدُكُمۡۚ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ يَفۡصِلُ بَيۡنَكُمۡۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرٞ

Hindi magpapakinabang sa inyo ang mga ugnayang pangkaanak ninyo ni ang mga anak ninyo. Sa Araw ng Pagbangon ay magpapahiwalay Siya sa pagitan ninyo. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita
Surah Al-Mumtahana, Verse 3


قَدۡ كَانَتۡ لَكُمۡ أُسۡوَةٌ حَسَنَةٞ فِيٓ إِبۡرَٰهِيمَ وَٱلَّذِينَ مَعَهُۥٓ إِذۡ قَالُواْ لِقَوۡمِهِمۡ إِنَّا بُرَءَـٰٓؤُاْ مِنكُمۡ وَمِمَّا تَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ كَفَرۡنَا بِكُمۡ وَبَدَا بَيۡنَنَا وَبَيۡنَكُمُ ٱلۡعَدَٰوَةُ وَٱلۡبَغۡضَآءُ أَبَدًا حَتَّىٰ تُؤۡمِنُواْ بِٱللَّهِ وَحۡدَهُۥٓ إِلَّا قَوۡلَ إِبۡرَٰهِيمَ لِأَبِيهِ لَأَسۡتَغۡفِرَنَّ لَكَ وَمَآ أَمۡلِكُ لَكَ مِنَ ٱللَّهِ مِن شَيۡءٖۖ رَّبَّنَا عَلَيۡكَ تَوَكَّلۡنَا وَإِلَيۡكَ أَنَبۡنَا وَإِلَيۡكَ ٱلۡمَصِيرُ

Nagkaroon nga para sa inyo ng isang tinutularang maganda dahil kay Abraham at sa mga kasama sa kanya noong nagsabi sila sa mga kababayan nila: "Tunay na kami ay mga walang-kaugnayan sa inyo at sa anumang sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh; tumanggi kaming sumampalataya sa inyo at lumitaw na sa pagitan namin at ninyo ang poot at ang suklam magpakailanman hanggang sa sumampalataya kayo kay Allāh, tanging sa Kanya," maliban sa sabi ni Abraham sa ama niya: "Talagang hihingi nga ako ng tawad para sa iyo samantalang hindi ako nakapagdudulot para sa iyo laban kay Allāh ng anuman. Panginoon namin, sa Iyo kami nanalig, sa Iyo kami bumabalik, at sa Iyo ang kahahantungan
Surah Al-Mumtahana, Verse 4


رَبَّنَا لَا تَجۡعَلۡنَا فِتۡنَةٗ لِّلَّذِينَ كَفَرُواْ وَٱغۡفِرۡ لَنَا رَبَّنَآۖ إِنَّكَ أَنتَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ

Panginoon namin, huwag Mo kaming gawin bilang pinag-uusig para sa mga tumangging sumampalataya at magpatawad Ka sa amin. Panginoon namin, tunay na Ikaw ay ang Makapangyarihan, ang Marunong
Surah Al-Mumtahana, Verse 5


لَقَدۡ كَانَ لَكُمۡ فِيهِمۡ أُسۡوَةٌ حَسَنَةٞ لِّمَن كَانَ يَرۡجُواْ ٱللَّهَ وَٱلۡيَوۡمَ ٱلۡأٓخِرَۚ وَمَن يَتَوَلَّ فَإِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡغَنِيُّ ٱلۡحَمِيدُ

Talaga ngang nagkaroon para sa inyo dahil sa kanila ng isang tinutularang maganda para sa sinumang nangyaring naghahangad kay Allāh at sa Huling Araw. Ang sinumang tatalikod, tunay na si Allāh ay ang Walang-pangangailangan, ang Kapuri-puri
Surah Al-Mumtahana, Verse 6


۞عَسَى ٱللَّهُ أَن يَجۡعَلَ بَيۡنَكُمۡ وَبَيۡنَ ٱلَّذِينَ عَادَيۡتُم مِّنۡهُم مَّوَدَّةٗۚ وَٱللَّهُ قَدِيرٞۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

Marahil si Allāh ay maglalagay sa pagitan ninyo at ng mga inaway ninyo kabilang sa kanila ng isang pagmamahal. Si Allāh ay May-kakayahan. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain
Surah Al-Mumtahana, Verse 7


لَّا يَنۡهَىٰكُمُ ٱللَّهُ عَنِ ٱلَّذِينَ لَمۡ يُقَٰتِلُوكُمۡ فِي ٱلدِّينِ وَلَمۡ يُخۡرِجُوكُم مِّن دِيَٰرِكُمۡ أَن تَبَرُّوهُمۡ وَتُقۡسِطُوٓاْ إِلَيۡهِمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلۡمُقۡسِطِينَ

Hindi sumasaway sa inyo si Allāh, tungkol sa mga hindi kumalaban sa inyo sa relihiyon at hindi nagpalayas sa inyo mula sa mga tahanan ninyo, na magpakabuti kayo sa kanila at magpakamakatarungan kayo sa kanila. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nagpapakamakatarungan
Surah Al-Mumtahana, Verse 8


إِنَّمَا يَنۡهَىٰكُمُ ٱللَّهُ عَنِ ٱلَّذِينَ قَٰتَلُوكُمۡ فِي ٱلدِّينِ وَأَخۡرَجُوكُم مِّن دِيَٰرِكُمۡ وَظَٰهَرُواْ عَلَىٰٓ إِخۡرَاجِكُمۡ أَن تَوَلَّوۡهُمۡۚ وَمَن يَتَوَلَّهُمۡ فَأُوْلَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلظَّـٰلِمُونَ

Sumasaway lamang sa inyo si Allāh, tungkol sa mga kumalaban sa inyo sa relihiyon, nagpalayas sa inyo mula sa mga tahanan ninyo, at nagtaguyod sa pagpapalayas sa inyo, na tumangkilik kayo sa kanila. Ang sinumang tumangkilik sa kanila, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan
Surah Al-Mumtahana, Verse 9


يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِذَا جَآءَكُمُ ٱلۡمُؤۡمِنَٰتُ مُهَٰجِرَٰتٖ فَٱمۡتَحِنُوهُنَّۖ ٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِإِيمَٰنِهِنَّۖ فَإِنۡ عَلِمۡتُمُوهُنَّ مُؤۡمِنَٰتٖ فَلَا تَرۡجِعُوهُنَّ إِلَى ٱلۡكُفَّارِۖ لَا هُنَّ حِلّٞ لَّهُمۡ وَلَا هُمۡ يَحِلُّونَ لَهُنَّۖ وَءَاتُوهُم مَّآ أَنفَقُواْۚ وَلَا جُنَاحَ عَلَيۡكُمۡ أَن تَنكِحُوهُنَّ إِذَآ ءَاتَيۡتُمُوهُنَّ أُجُورَهُنَّۚ وَلَا تُمۡسِكُواْ بِعِصَمِ ٱلۡكَوَافِرِ وَسۡـَٔلُواْ مَآ أَنفَقۡتُمۡ وَلۡيَسۡـَٔلُواْ مَآ أَنفَقُواْۚ ذَٰلِكُمۡ حُكۡمُ ٱللَّهِ يَحۡكُمُ بَيۡنَكُمۡۖ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٞ

O mga sumampalataya, kapag dumating sa inyo ang mga babaing mananampalataya bilang mga lumikas ay sulitin ninyo sila. Si Allāh ay higit na nakaaalam sa pananampalataya nila. Kaya kung nalaman ninyo na sila ay mga babaing mananampalataya, huwag kayong magpanumbalik sa kanila sa mga tagatangging sumampalataya. Hindi sila ipinahintulot para sa mga ito at hindi ang mga ito napahihintulutan para sa kanila. Magbigay kayo sa mga ito ng ginugol ng mga ito. Walang maisisisi sa inyo na magpakasal kayo sa kanila kapag nagbigay kayo sa kanila ng mga bigay-kaya sa kanila. Huwag kayong magpanatili sa mga bigkis ng kasal sa mga babaing tagatangging sumampalataya. Humiling kayo ng ginugol ninyo at humiling ang mga ito ng ginugol ng mga ito. Iyon ay ang kahatulan ni Allāh; humahatol Siya sa pagitan ninyo. Si Allāh ay Maalam, Marunong
Surah Al-Mumtahana, Verse 10


وَإِن فَاتَكُمۡ شَيۡءٞ مِّنۡ أَزۡوَٰجِكُمۡ إِلَى ٱلۡكُفَّارِ فَعَاقَبۡتُمۡ فَـَٔاتُواْ ٱلَّذِينَ ذَهَبَتۡ أَزۡوَٰجُهُم مِّثۡلَ مَآ أَنفَقُواْۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ ٱلَّذِيٓ أَنتُم بِهِۦ مُؤۡمِنُونَ

Kung may nakaalpas sa inyo na sinuman sa mga maybahay ninyo patungo sa mga tagatangging sumampalataya at nakasamsam kayo, magbigay kayo sa mga inalisan ng mga maybahay nila ng tulad ng ginugol nila [na bigay-kaya]. Mangilag kayong magkasala kay Allāh na kayo ay sa Kanya mga mananampalataya
Surah Al-Mumtahana, Verse 11


يَـٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ إِذَا جَآءَكَ ٱلۡمُؤۡمِنَٰتُ يُبَايِعۡنَكَ عَلَىٰٓ أَن لَّا يُشۡرِكۡنَ بِٱللَّهِ شَيۡـٔٗا وَلَا يَسۡرِقۡنَ وَلَا يَزۡنِينَ وَلَا يَقۡتُلۡنَ أَوۡلَٰدَهُنَّ وَلَا يَأۡتِينَ بِبُهۡتَٰنٖ يَفۡتَرِينَهُۥ بَيۡنَ أَيۡدِيهِنَّ وَأَرۡجُلِهِنَّ وَلَا يَعۡصِينَكَ فِي مَعۡرُوفٖ فَبَايِعۡهُنَّ وَٱسۡتَغۡفِرۡ لَهُنَّ ٱللَّهَۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

O Propeta, kapag dumating sa iyo ang mga babaing mananampalataya habang nangangako ng katapatan sa iyo na hindi sila magtatambal kay Allāh ng anuman, at hindi sila magnanakaw, at hindi sila mangangalunya, at hindi sila papatay ng mga anak nila, at hindi sila magdadala ng isang kasiraang-puri na ginagawa-gawa nila sa pagitan ng mga kamay nila at mga paa nila, at hindi sila susuway sa iyo sa isang nakabubuti ay tumanggap ka ng pangako ng katapatan nila at humingi ka ng tawad para sa kanila kay Allāh. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain
Surah Al-Mumtahana, Verse 12


يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَتَوَلَّوۡاْ قَوۡمًا غَضِبَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِمۡ قَدۡ يَئِسُواْ مِنَ ٱلۡأٓخِرَةِ كَمَا يَئِسَ ٱلۡكُفَّارُ مِنۡ أَصۡحَٰبِ ٱلۡقُبُورِ

O mga sumampalataya, huwag kayong tumangkilik sa mga tao na nagalit si Allāh sa kanila, na nawalan na sila ng pag-asa sa Kabilang-buhay kung paanong nawalan ng pag-asa ang mga tagatangging sumampalataya sa [panunumbalik ng] mga kasamahan ng mga libingan
Surah Al-Mumtahana, Verse 13


Author: Www.islamhouse.com


<< Surah 59
>> Surah 61

Filipino Translations by other Authors


Filipino Translation By Abdullatif Eduardo M. Arceo
Filipino Translation By Www.islamhouse.com
Popular Areas
Apartments for rent in Dubai Apartments for rent Abu Dhabi Villas for rent in Dubai House for rent Abu Dhabi Apartments for sale in Dubai Apartments for sale in Abu Dhabi Flat for rent Sharjah
Popular Searches
Studios for rent in UAE Apartments for rent in UAE Villas for rent in UAE Apartments for sale in UAE Villas for sale in UAE Land for sale in UAE Dubai Real Estate
Trending Areas
Apartments for rent in Dubai Marina Apartments for sale in Dubai Marina Villa for rent in Sharjah Villa for sale in Dubai Flat for rent in Ajman Studio for rent in Abu Dhabi Villa for rent in Ajman
Trending Searches
Villa for rent in Abu Dhabi Shop for rent in Dubai Villas for sale in Ajman Studio for rent in Sharjah 1 Bedroom Apartment for rent in Dubai Property for rent in Abu Dhabi Commercial properties for sale
© Copyright Dubai Prayer Time. All Rights Reserved
Designed by Prayer Time In Dubai