Surah Al-Mumtahana Verse 12 - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
Surah Al-Mumtahanaيَـٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ إِذَا جَآءَكَ ٱلۡمُؤۡمِنَٰتُ يُبَايِعۡنَكَ عَلَىٰٓ أَن لَّا يُشۡرِكۡنَ بِٱللَّهِ شَيۡـٔٗا وَلَا يَسۡرِقۡنَ وَلَا يَزۡنِينَ وَلَا يَقۡتُلۡنَ أَوۡلَٰدَهُنَّ وَلَا يَأۡتِينَ بِبُهۡتَٰنٖ يَفۡتَرِينَهُۥ بَيۡنَ أَيۡدِيهِنَّ وَأَرۡجُلِهِنَّ وَلَا يَعۡصِينَكَ فِي مَعۡرُوفٖ فَبَايِعۡهُنَّ وَٱسۡتَغۡفِرۡ لَهُنَّ ٱللَّهَۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
O Propeta! Kung ang mga sumasampalatayang babae ay magsilapit sa iyo upang sila ay manumpa sa iyo ng katapatan (Bai’a o pangako), na sila ay hindi magtatambal ng anupaman sa pagsamba kay Allah, na sila ay hindi magnanakaw, na sila ay hindi gagawa ng pangangalunya (o bawalnapakikipagtalik), nasilaayhindipapatayngkanilang mga anak, na sila ay hindi magsasalita ng paninirang puri, na may paghahangad na gumawa ng kabulaanan (alalaong baga, na sila ay magkaroon ng mga hindi legal na angkin ng kanilang asawa), at sila ay hindi lalabag sa iyo sa anupamang bagay na makatarungan, kung gayon, ay iyong tanggapin ang kanilang katapatan (Bai’a o pangako), at iyong ipagdasal kay Allah ang kapatawaran (ng kanilang mga kasalanan). Katotohanang si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain