Surah As-Saff - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
سَبَّحَ لِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۖ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Kahit anupamang nasa kalangitan at kalupaan, bayaan sila na ipagbunyi ang mga pagpupuri at pagluwalhati kay Allah, sapagkat Siya lamang ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Pinakamaalam
Surah As-Saff, Verse 1
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لِمَ تَقُولُونَ مَا لَا تَفۡعَلُونَ
o kayong mga nananampalataya! Bakit kayo nagsasalita (ng mga bagay) na hindi ninyo tinutupad (ginagawa)
Surah As-Saff, Verse 2
كَبُرَ مَقۡتًا عِندَ ٱللَّهِ أَن تَقُولُواْ مَا لَا تَفۡعَلُونَ
Tunay ngang kasuklam-suklam sa paningin ni Allah na kayo ay nagsasalita (ng mga bagay) na hindi ninyo tinutupad (ginagawa)
Surah As-Saff, Verse 3
إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلَّذِينَ يُقَٰتِلُونَ فِي سَبِيلِهِۦ صَفّٗا كَأَنَّهُم بُنۡيَٰنٞ مَّرۡصُوصٞ
Katotohanang si Allah ay nagmamahal sa mga tao na nakikipaglaban dahil sa Kanyang Kapakanan, (sa mga hanay) na sama-sama sa digmaan, na tila bang sila ay mga matitibay na moog na nasesementuhan
Surah As-Saff, Verse 4
وَإِذۡ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوۡمِهِۦ يَٰقَوۡمِ لِمَ تُؤۡذُونَنِي وَقَد تَّعۡلَمُونَ أَنِّي رَسُولُ ٱللَّهِ إِلَيۡكُمۡۖ فَلَمَّا زَاغُوٓاْ أَزَاغَ ٱللَّهُ قُلُوبَهُمۡۚ وَٱللَّهُ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡفَٰسِقِينَ
At (alalahanin), nang si Moises ay nagbadya sa kanyang pamayanan: “o aking pamayanan! Bakit kayo ay hindi tumatalima sa akin, bagama’t nababatid ninyo ng may katiyakan na ako ay Tagapagbalita ni Allah na ipinadala sa inyo?” Kaya’t nang sila ay napaligaw sa kamalian, ay hinayaan ni Allah na ang kanilang puso ay mapaligaw (sa Kanyang landas) sapagkat si Allah ay hindi namamatnubay sa Fasiqun (mga naghihimagsik sa pagsuway)
Surah As-Saff, Verse 5
وَإِذۡ قَالَ عِيسَى ٱبۡنُ مَرۡيَمَ يَٰبَنِيٓ إِسۡرَـٰٓءِيلَ إِنِّي رَسُولُ ٱللَّهِ إِلَيۡكُم مُّصَدِّقٗا لِّمَا بَيۡنَ يَدَيَّ مِنَ ٱلتَّوۡرَىٰةِ وَمُبَشِّرَۢا بِرَسُولٖ يَأۡتِي مِنۢ بَعۡدِي ٱسۡمُهُۥٓ أَحۡمَدُۖ فَلَمَّا جَآءَهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِ قَالُواْ هَٰذَا سِحۡرٞ مُّبِينٞ
At (alalahanin) nang si Hesus, ang anak ni Maria, ay nagbadya: “o Angkan ng Israel! Ako ay isang Tagapagbalita ni Allah na ipinadala sa inyo, na nagpapatotoo sa Torah (mga Batas) na ipinadala (sa inyo) nang una pa sa akin, at nagbibigay sa inyo ng masayang balita ng isang Tagapagbalita na susunod sa akin, ang pangalang itatawag sa kanya ay Ahmad (alalaong baga, ang ibang pangalan ni Propeta Muhammad at ang literal na kahulugan nito [Ahmad] ay “siya na nagpupuri kay Allah ng higit pa sa iba”). Datapuwa’t nang siya (Ahmad) ay pumaroon sa kanila na may mga Maliwanag na Katibayan, sila ay nagsipagsabi: “Ito ay isang maliwanag na salamangka!”
Surah As-Saff, Verse 6
وَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّنِ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَ وَهُوَ يُدۡعَىٰٓ إِلَى ٱلۡإِسۡلَٰمِۚ وَٱللَّهُ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّـٰلِمِينَ
Sino baga kaya ang higit na gumagawa ng malaking kamalian maliban sa kanya na kumakatha ng kabulaanan laban kay Allah, samantalang siya ay inaanyayahan sa Islam? At si Allah ay hindi namamatnubay sa Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng kamalian)
Surah As-Saff, Verse 7
يُرِيدُونَ لِيُطۡفِـُٔواْ نُورَ ٱللَّهِ بِأَفۡوَٰهِهِمۡ وَٱللَّهُ مُتِمُّ نُورِهِۦ وَلَوۡ كَرِهَ ٱلۡكَٰفِرُونَ
Ang kanilang hangarin ay apulahin ang Liwanag ni Allah (alalaong baga, ang Pananampalatayang Islam, ang Qur’an, at Propeta Muhammad), sa (pamamagitan ng pag-ihip) ng kanilang bibig. Datapuwa’t si Allah ang magtatapos (ng kapahayagan) ng Kanyang liwanag, kahit na ang mga hindi sumasampalataya ay magsitutol (dito)
Surah As-Saff, Verse 8
هُوَ ٱلَّذِيٓ أَرۡسَلَ رَسُولَهُۥ بِٱلۡهُدَىٰ وَدِينِ ٱلۡحَقِّ لِيُظۡهِرَهُۥ عَلَى ٱلدِّينِ كُلِّهِۦ وَلَوۡ كَرِهَ ٱلۡمُشۡرِكُونَ
Siya (Allah) ang nagsugo ng kanyang Tagapagbalita (Muhammad) ng may Patnubay at ng Relihiyon ng Katotohanan (Kaisahan ni Allah sa Islam), upang kanyang maipagbadya ito ng higit sa lahat ng mga relihiyon, kahit na nga ang Mushrikun (mga pagano, mapagsamba sa diyus-diyosan, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah at Kanyang Tagapagbalitang si Muhammad) ay sumalansang (dito)
Surah As-Saff, Verse 9
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ هَلۡ أَدُلُّكُمۡ عَلَىٰ تِجَٰرَةٖ تُنجِيكُم مِّنۡ عَذَابٍ أَلِيمٖ
O kayong mga nananampalataya! Kayo ba ay aking gagabayan sa isang mabuting kalakal na makakapagligtas sa inyo sa kasakit-sakit na kaparusahan
Surah As-Saff, Verse 10
تُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ وَتُجَٰهِدُونَ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ بِأَمۡوَٰلِكُمۡ وَأَنفُسِكُمۡۚ ذَٰلِكُمۡ خَيۡرٞ لَّكُمۡ إِن كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ
Na kayo ay 878 magsisampalataya kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita (Muhammad), at kayo ay magsipagsikhay na mabuti (sa inyong kaya) tungo sa Kapakanan ni Allah, sa pamamagitan ng inyong mga ari-arian at inyong buhay. Ito ay higit na mabuti sa inyo, kung inyo lamang nalalaman
Surah As-Saff, Verse 11
يَغۡفِرۡ لَكُمۡ ذُنُوبَكُمۡ وَيُدۡخِلۡكُمۡ جَنَّـٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ وَمَسَٰكِنَ طَيِّبَةٗ فِي جَنَّـٰتِ عَدۡنٖۚ ذَٰلِكَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ
(Kung inyong gawin), Siya ay magpapatawad sa inyo ng inyong mga kasalanan at Kanyang tatanggapin kayo sa Hardin na sa ilalim nito ay may mga batis na nagsisidaloy at sa magagandang Bahay ng Halamanan ng walang hanggan (Paraiso), ito ay katotohanang Pinakasukdol na Tagumpay (na inyong makakamit)
Surah As-Saff, Verse 12
وَأُخۡرَىٰ تُحِبُّونَهَاۖ نَصۡرٞ مِّنَ ٱللَّهِ وَفَتۡحٞ قَرِيبٞۗ وَبَشِّرِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
At gayundin (ay magkakaloob Siya) ng iba pang (pabuya) na inyong inaasam, - tulong na mula kay Allah at dagliang tagumpay. Kaya’t ipamahagi ang magandangbalita(o Muhammad) samgasumasampalataya
Surah As-Saff, Verse 13
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ كُونُوٓاْ أَنصَارَ ٱللَّهِ كَمَا قَالَ عِيسَى ٱبۡنُ مَرۡيَمَ لِلۡحَوَارِيِّـۧنَ مَنۡ أَنصَارِيٓ إِلَى ٱللَّهِۖ قَالَ ٱلۡحَوَارِيُّونَ نَحۡنُ أَنصَارُ ٱللَّهِۖ فَـَٔامَنَت طَّآئِفَةٞ مِّنۢ بَنِيٓ إِسۡرَـٰٓءِيلَ وَكَفَرَت طَّآئِفَةٞۖ فَأَيَّدۡنَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ عَلَىٰ عَدُوِّهِمۡ فَأَصۡبَحُواْ ظَٰهِرِينَ
O kayong nananampalataya! Kayo ba ay makakatulong niAllah? Nakatuladnangsinabini Hesus, anganakni Maria, sa kanyang mga disipulo: “Sino ang aking makakatulong (sa mga gawain) sa (Kapakanan) ni Allah? At ang mga disipulo ay sumagot: “Kami ang makakatulong ni Allah!” At ang isang bahagi ng Angkan ng Israel ay sumampalataya, at ang isang bahagi ay nagsitalikod. Subalit binigyan Namin ng kapangyarihan ang mga sumasampalataya laban sa kanilang mga kaaway, at sila ang mga nagsipagtagumpay. Biyernes
Surah As-Saff, Verse 14