Surah At-Tahrim Verse 12 - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
Surah At-Tahrimوَمَرۡيَمَ ٱبۡنَتَ عِمۡرَٰنَ ٱلَّتِيٓ أَحۡصَنَتۡ فَرۡجَهَا فَنَفَخۡنَا فِيهِ مِن رُّوحِنَا وَصَدَّقَتۡ بِكَلِمَٰتِ رَبِّهَا وَكُتُبِهِۦ وَكَانَتۡ مِنَ ٱلۡقَٰنِتِينَ
At si Maria, na anak na babae ni Imran na nangangalaga sa kanyang kalinisan (sa kapurihan); at Aming hiningahan (ang manggas ng kanyang damit) sa pamamagitan ng Aming ruh (alalaong baga, si Gabriel), at siya ay nagpatotoo sa katotohanan ng mga Salita ng kanyang Panginoon (alalaong baga, ang pagsampalataya sa Salita ni Allah: “Mangyari nga!”, ito si Hesus na anak ni Maria, bilang isang Tagapagbalita ni Allah), at gayundin (ang pagsampalataya) sa kanyang mga Kasulatan, siya ay isa sa mga Qanitin (matimtimang tagapaglingkod)