Surah Al-Araf Verse 85 - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
Surah Al-Arafوَإِلَىٰ مَدۡيَنَ أَخَاهُمۡ شُعَيۡبٗاۚ قَالَ يَٰقَوۡمِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرُهُۥۖ قَدۡ جَآءَتۡكُم بَيِّنَةٞ مِّن رَّبِّكُمۡۖ فَأَوۡفُواْ ٱلۡكَيۡلَ وَٱلۡمِيزَانَ وَلَا تَبۡخَسُواْ ٱلنَّاسَ أَشۡيَآءَهُمۡ وَلَا تُفۡسِدُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ بَعۡدَ إِصۡلَٰحِهَاۚ ذَٰلِكُمۡ خَيۡرٞ لَّكُمۡ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ
At (sa pamayanan) ng Madyan (Midian) ay (Aming isinugo) ang kanilang kapatid na si Shu’aib. Siya ay nagbadya: “o aking pamayanan! Sambahin ninyo si Allah, wala na kayong iba pang Ilah (Diyos) maliban sa Kanya. (La ilaha ill Allah: wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag- ukulan ng pagsamba maliban kay Allah). Katotohanang isang maliwanag na Katibayan (Tanda) mula sa inyong Panginoon ang dumatal sa inyo; kaya’t magbigay ng tamang sukat at hustong timbang at huwag ipahamak sa kamalian ang mga tao sa kanilang mga bagay-bagay (na gawain), at huwag gumawa ng kabuktutan sa kalupaan matapos na ito ay maitalaga sa ayos, ito ay higit na mainam sa inyo kung kayo ay sumasampalataya