Surah Al-Fatiha - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
Sa Ngalan ni Allah, ang Pinakamahabagin, ang Pinakamaawain
Surah Al-Fatiha, Verse 1
ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
LuwalhatiinsiAllah, angTagapanustos atTagapagtangkilik ng lahat ng mga nilalang
Surah Al-Fatiha, Verse 2
ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
Ang Pinakamahabagin, ang Pinakamaawain
Surah Al-Fatiha, Verse 3
مَٰلِكِ يَوۡمِ ٱلدِّينِ
Ang Panginoon (o Hukom) sa Araw ng Paghatol
Surah Al-Fatiha, Verse 4
إِيَّاكَ نَعۡبُدُ وَإِيَّاكَ نَسۡتَعِينُ
Kayo lamang ang aming sinasamba, at Kayo lamang ang aming hinihingan ng kalinga
Surah Al-Fatiha, Verse 5
ٱهۡدِنَا ٱلصِّرَٰطَ ٱلۡمُسۡتَقِيمَ
Inyong patnubayan kami sa Matuwid na Landas
Surah Al-Fatiha, Verse 6
صِرَٰطَ ٱلَّذِينَ أَنۡعَمۡتَ عَلَيۡهِمۡ غَيۡرِ ٱلۡمَغۡضُوبِ عَلَيۡهِمۡ وَلَا ٱلضَّآلِّينَ
Sa landas ng mga ginawaran Ninyo ng Inyong mga biyaya at hindi sa landas na umaani ng Inyong pagkapoot, gayundin naman ay hindi sa landas ng mga napaligaw sa patnubay
Surah Al-Fatiha, Verse 7