Surah Al-Fatiha - Filipino Translation by Www.islamhouse.com
بِسۡمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain
Surah Al-Fatiha, Verse 1
ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang
Surah Al-Fatiha, Verse 2
ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
ang Napakamaawain, ang Maawain
Surah Al-Fatiha, Verse 3
مَٰلِكِ يَوۡمِ ٱلدِّينِ
Ang May-ari ng Araw ng Paggantimpala
Surah Al-Fatiha, Verse 4
إِيَّاكَ نَعۡبُدُ وَإِيَّاكَ نَسۡتَعِينُ
Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong
Surah Al-Fatiha, Verse 5
ٱهۡدِنَا ٱلصِّرَٰطَ ٱلۡمُسۡتَقِيمَ
Patnubayan Mo kami sa landasing tuwid
Surah Al-Fatiha, Verse 6
صِرَٰطَ ٱلَّذِينَ أَنۡعَمۡتَ عَلَيۡهِمۡ غَيۡرِ ٱلۡمَغۡضُوبِ عَلَيۡهِمۡ وَلَا ٱلضَّآلِّينَ
ang landasin ng mga biniyayaan Mo, hindi ng mga kinagalitan, at hindi ng mga naliligaw
Surah Al-Fatiha, Verse 7