Surah Al-Adiyat - Filipino Translation by Www.islamhouse.com
وَٱلۡعَٰدِيَٰتِ ضَبۡحٗا
Sumpa man sa mga [kabayong] tumatakbo habang humihingal
Surah Al-Adiyat, Verse 1
فَٱلۡمُورِيَٰتِ قَدۡحٗا
saka mga nagpapaningas habang nakikiskis [ang mga kuko]
Surah Al-Adiyat, Verse 2
فَٱلۡمُغِيرَٰتِ صُبۡحٗا
saka mga nanlulusob sa bukang liwayway
Surah Al-Adiyat, Verse 3
فَأَثَرۡنَ بِهِۦ نَقۡعٗا
saka bumulabog dahil dito ng mga alikabok
Surah Al-Adiyat, Verse 4
فَوَسَطۡنَ بِهِۦ جَمۡعًا
saka pumagitna dahil dito sa isang pangkat
Surah Al-Adiyat, Verse 5
إِنَّ ٱلۡإِنسَٰنَ لِرَبِّهِۦ لَكَنُودٞ
tunay na ang tao, sa Panginoon niya, ay talagang isang mapagkaila
Surah Al-Adiyat, Verse 6
وَإِنَّهُۥ عَلَىٰ ذَٰلِكَ لَشَهِيدٞ
At tunay na siya roon ay talagang isang saksi
Surah Al-Adiyat, Verse 7
وَإِنَّهُۥ لِحُبِّ ٱلۡخَيۡرِ لَشَدِيدٌ
At tunay na siya, sa pagkaibig sa kayamanan, ay talagang matindi
Surah Al-Adiyat, Verse 8
۞أَفَلَا يَعۡلَمُ إِذَا بُعۡثِرَ مَا فِي ٱلۡقُبُورِ
Kaya hindi ba siya nakaaalam kapag hinalukay ang nasa mga puntod
Surah Al-Adiyat, Verse 9
وَحُصِّلَ مَا فِي ٱلصُّدُورِ
at itinanghal ang nasa mga dibdib
Surah Al-Adiyat, Verse 10
إِنَّ رَبَّهُم بِهِمۡ يَوۡمَئِذٖ لَّخَبِيرُۢ
tunay na ang Panginoon nila sa kanila, sa Araw na iyon, ay talagang Nakababatid
Surah Al-Adiyat, Verse 11