Surah Al-Adiyat - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
وَٱلۡعَٰدِيَٰتِ ضَبۡحٗا
Sa pamamagitan (ng mga kabayo) na tumatakbo na nangangapos (ang hininga)
Surah Al-Adiyat, Verse 1
فَٱلۡمُورِيَٰتِ قَدۡحٗا
Na kumikiskis ang tilamsik ng apoy (sa kanilang mga paa)
Surah Al-Adiyat, Verse 2
فَٱلۡمُغِيرَٰتِ صُبۡحٗا
At gumagalugad sa pagsalakay sa bukang liwayway
Surah Al-Adiyat, Verse 3
فَأَثَرۡنَ بِهِۦ نَقۡعٗا
At pansamantalang nagtataas ng alikabok sa mga ulap
Surah Al-Adiyat, Verse 4
فَوَسَطۡنَ بِهِۦ جَمۡعًا
At nagpupumilit na makapasok sa gitna (ng kaaway)
Surah Al-Adiyat, Verse 5
إِنَّ ٱلۡإِنسَٰنَ لِرَبِّهِۦ لَكَنُودٞ
Katotohanan! Ang tao (na walang pananampalataya) ay walang pagtanaw ng utang na loob sa kanyang Panginoon
Surah Al-Adiyat, Verse 6
وَإِنَّهُۥ عَلَىٰ ذَٰلِكَ لَشَهِيدٞ
At katotohanan na siya ay nagbibigay patotoo (sa pamamagitan ng kanyang mga gawa)
Surah Al-Adiyat, Verse 7
وَإِنَّهُۥ لِحُبِّ ٱلۡخَيۡرِ لَشَدِيدٌ
At katotohanang siya ay marahas sa kanyang pagmamahal sa kayamanan
Surah Al-Adiyat, Verse 8
۞أَفَلَا يَعۡلَمُ إِذَا بُعۡثِرَ مَا فِي ٱلۡقُبُورِ
Hindi baga niya batid kung ang laman ng mga libingan ay ilabas at matambad (alalaong baga, ang sangkatauhan ay muling bubuhayin)
Surah Al-Adiyat, Verse 9
وَحُصِّلَ مَا فِي ٱلصُّدُورِ
At ang lihim ng dibdib (ng mga tao) ay mabubunyag
Surah Al-Adiyat, Verse 10
إِنَّ رَبَّهُم بِهِمۡ يَوۡمَئِذٖ لَّخَبِيرُۢ
Katotohanang sa Araw na ito (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay), ang kanilang Panginoon ay Lubos na Nakakaalam (sa kanilang mga gawa, at Kanyang babayaran sila ayon sa kanilang mga gawa)
Surah Al-Adiyat, Verse 11