Surah Al-Qaria - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
ٱلۡقَارِعَةُ
Al-Qariah (ang Sandali ng dagundong at Matinding Pagsabog, alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay)
Surah Al-Qaria, Verse 1
مَا ٱلۡقَارِعَةُ
Ano nga ba (ang Sandali) ng dagundong at matinding pagsabog
Surah Al-Qaria, Verse 2
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا ٱلۡقَارِعَةُ
At ano nga ba ang magpapahiwatig sa iyo (kung ano ang Sandali) ng dagundong at matinding pagsabog
Surah Al-Qaria, Verse 3
يَوۡمَ يَكُونُ ٱلنَّاسُ كَٱلۡفَرَاشِ ٱلۡمَبۡثُوثِ
Ito ang Araw na ang sangkatauhan ay matutulad sa mga gamu-gamo na makapal na nakakalat
Surah Al-Qaria, Verse 4
وَتَكُونُ ٱلۡجِبَالُ كَٱلۡعِهۡنِ ٱلۡمَنفُوشِ
At ang kabundukan ay tila ba gusot na himaymay ng lana
Surah Al-Qaria, Verse 5
فَأَمَّا مَن ثَقُلَتۡ مَوَٰزِينُهُۥ
At sa kanya na ang timbang (ng mabubuting gawa) ay masusumpungan na mabigat
Surah Al-Qaria, Verse 6
فَهُوَ فِي عِيشَةٖ رَّاضِيَةٖ
Siya ay mamumuhay sa ligaya at saya (sa Paraiso)
Surah Al-Qaria, Verse 7
وَأَمَّا مَنۡ خَفَّتۡ مَوَٰزِينُهُۥ
Datapuwa’t sa kanya na ang timbang (ng mabubuting gawa) ay masusumpungan na magaan
Surah Al-Qaria, Verse 8
فَأُمُّهُۥ هَاوِيَةٞ
Kanyang magiging tahanan ang Hawiya (walang hanggang Hukay sa Impiyerno)
Surah Al-Qaria, Verse 9
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا هِيَهۡ
At ano ang magpapahiwatig sa iyo kung ano ito (ang Hawiya)
Surah Al-Qaria, Verse 10
نَارٌ حَامِيَةُۢ
(Ito) ay isang mainit na Nag- aalimpuyong Ningas
Surah Al-Qaria, Verse 11