Surah At-Takathur - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
أَلۡهَىٰكُمُ ٱلتَّكَاثُرُ
Ang pakikipagpaligsahan sa pagtitipon ng mga makamundong bagay ay nakakapanaig sa inyo upang lumihis (sa higit na mabubuting bagay)
Surah At-Takathur, Verse 1
حَتَّىٰ زُرۡتُمُ ٱلۡمَقَابِرَ
Hanggang sa inyong dalawin ang libingan (alalaong baga, hanggang kayo ay mamatay)
Surah At-Takathur, Verse 2
كَلَّا سَوۡفَ تَعۡلَمُونَ
walang pagsala! Inyong mapag-aalaman (ang katotohanan)
Surah At-Takathur, Verse 3
ثُمَّ كَلَّا سَوۡفَ تَعۡلَمُونَ
At muli, ay inyong mapag-aalaman (ang katotohanan)
Surah At-Takathur, Verse 4
كَلَّا لَوۡ تَعۡلَمُونَ عِلۡمَ ٱلۡيَقِينِ
Hindi! Kung inyo lamang nababatid ng may tiyak na kaalaman (ang kahihinatnan ng pagtitipon ng kayamanan, hindi sana ninyo ginugol ang inyong panahon sa mga makamundong bagay)
Surah At-Takathur, Verse 5
لَتَرَوُنَّ ٱلۡجَحِيمَ
walang pagsala! Inyong mapagmamalas ang Naglalagablab na Apoy (Impiyerno)
Surah At-Takathur, Verse 6
ثُمَّ لَتَرَوُنَّهَا عَيۡنَ ٱلۡيَقِينِ
At muli, walang pagsala na inyong matutunghayan ito
Surah At-Takathur, Verse 7
ثُمَّ لَتُسۡـَٔلُنَّ يَوۡمَئِذٍ عَنِ ٱلنَّعِيمِ
At sa Araw na ito, kayo ay tatanungin hingil sa kasiyahan (na inyong pinagpasasaan sa mundong ito)
Surah At-Takathur, Verse 8