Surah Al-Asr - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
وَٱلۡعَصۡرِ
Sa pamamagitan ng Al-Asr (paglipas ng mga sandali sa tangkay ng panahon)
Surah Al-Asr, Verse 1
إِنَّ ٱلۡإِنسَٰنَ لَفِي خُسۡرٍ
Katotohanan! Ang tao ay nasa kawalan (at pagkapahamak)
Surah Al-Asr, Verse 2
إِلَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَٰتِ وَتَوَاصَوۡاْ بِٱلۡحَقِّ وَتَوَاصَوۡاْ بِٱلصَّبۡرِ
Maliban sa mga sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam), at nagsisigawa ng mga kabutihan at magkabalikat sa pagtuturo ng Katotohanan (alalaong baga, nagtatagubilin sa kanya [kanila] na magsagawa ng lahat ng uri ng mabubuting gawa na ipinag-uutos ni Allah at pag-iwas sa lahat ng masasamang gawa na ipinagbabawal ni Allah), at nagtatagubilin sa isa’t isa sa pagtitiyaga at pagiging matatag (sa mga pagdurusa, kapinsalaan, at sakit na maaaring maranasan ng sinuman sa panahon ng kanyang pangangaral ng Kanyang Pananampalataya, atbp., tungo sa Kapakanan ni Allah)
Surah Al-Asr, Verse 3