Surah Al-Humaza - Filipino Translation by Www.islamhouse.com
وَيۡلٞ لِّكُلِّ هُمَزَةٖ لُّمَزَةٍ
Kapighatian sa bawat mapanlibak na mapanirang-puri
Surah Al-Humaza, Verse 1
ٱلَّذِي جَمَعَ مَالٗا وَعَدَّدَهُۥ
na nag-ipon ng yaman at bumilang-bilang nito
Surah Al-Humaza, Verse 2
يَحۡسَبُ أَنَّ مَالَهُۥٓ أَخۡلَدَهُۥ
na nag-aakala na ang yaman niya ay magpapanatili sa kanya
Surah Al-Humaza, Verse 3
كَلَّاۖ لَيُنۢبَذَنَّ فِي ٱلۡحُطَمَةِ
Aba’y hindi! Talagang ihahagis nga siya sa Mapangwasak
Surah Al-Humaza, Verse 4
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا ٱلۡحُطَمَةُ
At ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Mapangwasak
Surah Al-Humaza, Verse 5
نَارُ ٱللَّهِ ٱلۡمُوقَدَةُ
[Ito ay] ang Apoy ni Allāh na ginagatungan
Surah Al-Humaza, Verse 6
ٱلَّتِي تَطَّلِعُ عَلَى ٱلۡأَفۡـِٔدَةِ
na nanunuot sa mga puso
Surah Al-Humaza, Verse 7
إِنَّهَا عَلَيۡهِم مُّؤۡصَدَةٞ
Tunay na ito sa kanila ay itataklob
Surah Al-Humaza, Verse 8
فِي عَمَدٖ مُّمَدَّدَةِۭ
sa mga haliging pinahaba
Surah Al-Humaza, Verse 9