Surah Al-fil - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
أَلَمۡ تَرَ كَيۡفَ فَعَلَ رَبُّكَ بِأَصۡحَٰبِ ٱلۡفِيلِ
Hindi mo ba napagmalas (O Muhammad) kung paano pinakitunguhan ng iyong Panginoon ang may-ari ng Elepante? [ang hukbo ng mga elepante na nanggaling sa Yemen sa pamumuno ni Abraha Al-Ashram na nagnanais na wasakin ang Ka’ba sa Makkah]
Surah Al-fil, Verse 1
أَلَمۡ يَجۡعَلۡ كَيۡدَهُمۡ فِي تَضۡلِيلٖ
Hindi baga Niya hinadlangan ang kanilang (masamang) balak at (sila ay) mapaligaw
Surah Al-fil, Verse 2
وَأَرۡسَلَ عَلَيۡهِمۡ طَيۡرًا أَبَابِيلَ
At isinugo Niya laban sa kanila ang mga kawan ng ibon
Surah Al-fil, Verse 3
تَرۡمِيهِم بِحِجَارَةٖ مِّن سِجِّيلٖ
Na pumupukol sa kanila ng mga bato ng Sijjil (mga batong gawa sa matigas na putik)
Surah Al-fil, Verse 4
فَجَعَلَهُمۡ كَعَصۡفٖ مَّأۡكُولِۭ
At Kanyang ginawa sila na tila mga hungkag na bukirin ng mga dayami (na ang mais dito ay ginasak at kinain ng mga baka)
Surah Al-fil, Verse 5