Surah Al-Ikhlas - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
قُلۡ هُوَ ٱللَّهُ أَحَدٌ
Ipagbadya (o Muhammad): Siya si Allah, ang Tangi at Nag-iisa
Surah Al-Ikhlas, Verse 1
ٱللَّهُ ٱلصَّمَدُ
Allah-us-Samad! Ang Walang Hanggan, ang Sakdal at Ganap (ang may Sariling Kasapatan, ang lahat ng mga nilalang ay umaasa sa Kanyang pagtataguyod, datapuwa’t Siya ay hindi kumakain o umiinom)
Surah Al-Ikhlas, Verse 2
لَمۡ يَلِدۡ وَلَمۡ يُولَدۡ
Hindi Siya nagkaanak at hindi rin Siya ipinanganak
Surah Al-Ikhlas, Verse 3
وَلَمۡ يَكُن لَّهُۥ كُفُوًا أَحَدُۢ
At walang anumang sa Kanya ay makakatulad
Surah Al-Ikhlas, Verse 4