Surah Al-Falaq - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
قُلۡ أَعُوذُ بِرَبِّ ٱلۡفَلَقِ
Ipagbadya: Ako ay naghahanap ng Kaligtasan (kay Allah), ang Panginoon ng Bukang Liwayway
Surah Al-Falaq, Verse 1
مِن شَرِّ مَا خَلَقَ
Mula sa kasamaan at kabuktutan ng mga nilalang
Surah Al-Falaq, Verse 2
وَمِن شَرِّ غَاسِقٍ إِذَا وَقَبَ
Mula sa kasamaan at kabuktutan ng kadiliman kung ito ay lumalaganap
Surah Al-Falaq, Verse 3
وَمِن شَرِّ ٱلنَّفَّـٰثَٰتِ فِي ٱلۡعُقَدِ
At mula sa kasamaan at kabuktutan ng mga nagsasagawa ng Karunungang Itim (mga panggagaway), kung sila ay umiihip sa mga buhol (o nakabuhol)
Surah Al-Falaq, Verse 4
وَمِن شَرِّ حَاسِدٍ إِذَا حَسَدَ
At mula sa kasamaan at katampalasanan ng isang mainggitin habang siya ay naninibugho (sa pagkainggit)
Surah Al-Falaq, Verse 5