Surah An-Nas - Filipino Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
قُلۡ أَعُوذُ بِرَبِّ ٱلنَّاسِ
Ipagbadya: Ako ay naghahanap ng Kaligtasan (kay Allah), ang Panginoon at Tagapagtangkilik ng sangkatauhan
Surah An-Nas, Verse 1
مَلِكِ ٱلنَّاسِ
Ang Hari (o Tagapamahala) ng sangkatauhan
Surah An-Nas, Verse 2
إِلَٰهِ ٱلنَّاسِ
Ang Ilah (diyos) ng sangkatauhan
Surah An-Nas, Verse 3
مِن شَرِّ ٱلۡوَسۡوَاسِ ٱلۡخَنَّاسِ
Mula sa kasamaan at kabuktutan ng isang bumubulong (ang demonyo na bumubulong sa puso ng mga tao), na kagyat na lumilisan sa kanyang pagbulong (sa puso ng tao, kung ang binubulungan ay nakaala-ala kay Allah)
Surah An-Nas, Verse 4
ٱلَّذِي يُوَسۡوِسُ فِي صُدُورِ ٱلنَّاسِ
Na bumubulong sa mga dibdib ng sangkatauhan
Surah An-Nas, Verse 5
مِنَ ٱلۡجِنَّةِ وَٱلنَّاسِ
Ng mga Jinn (mga nilikha ni Allah na katulad ng mga tao na may kalayaan na sumunod o sumuway sa pag-uutos ni Allah, datapuwa’t nakalingid sa atin), at mga Tao. [Tunghayan ang Surah 72 (Al-Jinn) para sa karagdagang kaalaman
Surah An-Nas, Verse 6