Surah Al-Hijr - Filipino Translation by Www.islamhouse.com
الٓرۚ تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱلۡكِتَٰبِ وَقُرۡءَانٖ مُّبِينٖ
Alif. Lām. Rā'. Ang mga ito ay mga talata ng Aklat at isang Qur’ān na malinaw
Surah Al-Hijr, Verse 1
رُّبَمَا يَوَدُّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَوۡ كَانُواْ مُسۡلِمِينَ
Marahil nag-aasam ang mga tumangging sumampalataya na kung sana sila ay naging mga Muslim
Surah Al-Hijr, Verse 2
ذَرۡهُمۡ يَأۡكُلُواْ وَيَتَمَتَّعُواْ وَيُلۡهِهِمُ ٱلۡأَمَلُۖ فَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ
Hayaan mo sila, kakain sila, magtamasa sila, at libangin sila ng [tagal ng] pag-asa saka makaaalam sila
Surah Al-Hijr, Verse 3
وَمَآ أَهۡلَكۡنَا مِن قَرۡيَةٍ إِلَّا وَلَهَا كِتَابٞ مَّعۡلُومٞ
Hindi Kami nagpahamak ng anumang pamayanan malibang habang mayroon iyong isang pagtatakdang nalalaman
Surah Al-Hijr, Verse 4
مَّا تَسۡبِقُ مِنۡ أُمَّةٍ أَجَلَهَا وَمَا يَسۡتَـٔۡخِرُونَ
Walang nakauuna na anumang kalipunan sa taning nito at hindi sila nakapag-aantala
Surah Al-Hijr, Verse 5
وَقَالُواْ يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِي نُزِّلَ عَلَيۡهِ ٱلذِّكۡرُ إِنَّكَ لَمَجۡنُونٞ
Nagsabi sila: "O siyang ibinaba sa kanya ang paalaala, tunay na ikaw ay talagang isang baliw
Surah Al-Hijr, Verse 6
لَّوۡمَا تَأۡتِينَا بِٱلۡمَلَـٰٓئِكَةِ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّـٰدِقِينَ
Bakit kasi hindi ka nagdadala sa amin ng mga anghel kung ikaw ay naging kabilang sa mga tapat
Surah Al-Hijr, Verse 7
مَا نُنَزِّلُ ٱلۡمَلَـٰٓئِكَةَ إِلَّا بِٱلۡحَقِّ وَمَا كَانُوٓاْ إِذٗا مُّنظَرِينَ
Hindi Kami nagbababa ng mga anghel malibang kalakip ng katotohanan; at hindi sila, samakatuwid, naging mga ipinagpapaliban
Surah Al-Hijr, Verse 8
إِنَّا نَحۡنُ نَزَّلۡنَا ٱلذِّكۡرَ وَإِنَّا لَهُۥ لَحَٰفِظُونَ
Tunay na Kami ay nagpababa sa Paalaala at tunay na Kami rito ay talagang mag-iingat
Surah Al-Hijr, Verse 9
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ فِي شِيَعِ ٱلۡأَوَّلِينَ
Talaga ngang nagsugo Kami bago mo pa sa mga kampihan ng mga sinauna
Surah Al-Hijr, Verse 10
وَمَا يَأۡتِيهِم مِّن رَّسُولٍ إِلَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ
Walang pumupunta sa kanila na isang sugo malibang sila noon sa kanya ay nangungutya
Surah Al-Hijr, Verse 11
كَذَٰلِكَ نَسۡلُكُهُۥ فِي قُلُوبِ ٱلۡمُجۡرِمِينَ
Gayon Kami nagpapasok nito sa mga puso ng mga salarin
Surah Al-Hijr, Verse 12
لَا يُؤۡمِنُونَ بِهِۦ وَقَدۡ خَلَتۡ سُنَّةُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Hindi sila sumasampalataya rito samantalang lumipas na ang kalakaran sa mga sinauna
Surah Al-Hijr, Verse 13
وَلَوۡ فَتَحۡنَا عَلَيۡهِم بَابٗا مِّنَ ٱلسَّمَآءِ فَظَلُّواْ فِيهِ يَعۡرُجُونَ
Kahit pa nagbukas Kami sa kanila ng isang pinto mula sa langit saka nanatili sila roon na umaakyat
Surah Al-Hijr, Verse 14
لَقَالُوٓاْ إِنَّمَا سُكِّرَتۡ أَبۡصَٰرُنَا بَلۡ نَحۡنُ قَوۡمٞ مَّسۡحُورُونَ
talaga sanang nagsabi sila: "Nilango lamang ang mga paningin namin, bagkus kami ay mga taong nagaway
Surah Al-Hijr, Verse 15
وَلَقَدۡ جَعَلۡنَا فِي ٱلسَّمَآءِ بُرُوجٗا وَزَيَّنَّـٰهَا لِلنَّـٰظِرِينَ
Talaga ngang naglagay Kami sa langit ng mga kumpulan [ng mga bituin] at naggayak sa mga ito para sa mga tagapagmasid
Surah Al-Hijr, Verse 16
وَحَفِظۡنَٰهَا مِن كُلِّ شَيۡطَٰنٖ رَّجِيمٍ
Nag-ingat Kami sa mga iyon laban sa bawat demonyong kasumpa-sumpa
Surah Al-Hijr, Verse 17
إِلَّا مَنِ ٱسۡتَرَقَ ٱلسَّمۡعَ فَأَتۡبَعَهُۥ شِهَابٞ مُّبِينٞ
maliban sa sinumang nakanakaw ng pagkadinig kaya may sumunod sa kanya na isang bulalakaw na malinaw
Surah Al-Hijr, Verse 18
وَٱلۡأَرۡضَ مَدَدۡنَٰهَا وَأَلۡقَيۡنَا فِيهَا رَوَٰسِيَ وَأَنۢبَتۡنَا فِيهَا مِن كُلِّ شَيۡءٖ مَّوۡزُونٖ
Ang lupa, bumanat Kami nito, naglapat Kami rito ng mga matibay na bundok, at nagpatubo Kami rito ng bawat bagay na balanse
Surah Al-Hijr, Verse 19
وَجَعَلۡنَا لَكُمۡ فِيهَا مَعَٰيِشَ وَمَن لَّسۡتُمۡ لَهُۥ بِرَٰزِقِينَ
Gumawa Kami para sa inyo rito ng mga kabuhayan at sa sinumang hindi kayo sa kanya mga tagapagtustos
Surah Al-Hijr, Verse 20
وَإِن مِّن شَيۡءٍ إِلَّا عِندَنَا خَزَآئِنُهُۥ وَمَا نُنَزِّلُهُۥٓ إِلَّا بِقَدَرٖ مَّعۡلُومٖ
Walang anumang bagay malibang nasa ganang Amin ang mga lagakan nito, at hindi Kami nagbababa nito malibang ayon sa sukat na nalalaman
Surah Al-Hijr, Verse 21
وَأَرۡسَلۡنَا ٱلرِّيَٰحَ لَوَٰقِحَ فَأَنزَلۡنَا مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَأَسۡقَيۡنَٰكُمُوهُ وَمَآ أَنتُمۡ لَهُۥ بِخَٰزِنِينَ
Nagsugo Kami ng mga hangin bilang mga tagapagsemilya at nagpababa Kami mula sa langit ng tubig kaya nagpainom Kami sa inyo nito samantalang kayo para rito ay hindi mga tagapag-imbak
Surah Al-Hijr, Verse 22
وَإِنَّا لَنَحۡنُ نُحۡيِۦ وَنُمِيتُ وَنَحۡنُ ٱلۡوَٰرِثُونَ
Tunay na Kami, talagang Kami ay nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan at Kami ay ang Tagapagpamana
Surah Al-Hijr, Verse 23
وَلَقَدۡ عَلِمۡنَا ٱلۡمُسۡتَقۡدِمِينَ مِنكُمۡ وَلَقَدۡ عَلِمۡنَا ٱلۡمُسۡتَـٔۡخِرِينَ
Talaga ngang nakaalam Kami sa mga nakapagpapauna kabilang sa inyo at talaga ngang nakaalam Kami sa mga nakapagpapaantala
Surah Al-Hijr, Verse 24
وَإِنَّ رَبَّكَ هُوَ يَحۡشُرُهُمۡۚ إِنَّهُۥ حَكِيمٌ عَلِيمٞ
Tunay na ang Panginoon mo ay kakalap sa kanila. Tunay na Siya ay Marunong, Maalam
Surah Al-Hijr, Verse 25
وَلَقَدۡ خَلَقۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ مِن صَلۡصَٰلٖ مِّنۡ حَمَإٖ مَّسۡنُونٖ
Talaga ngang lumikha Kami sa tao mula sa kumakalansing na luwad mula sa burak na inanyuan
Surah Al-Hijr, Verse 26
وَٱلۡجَآنَّ خَلَقۡنَٰهُ مِن قَبۡلُ مِن نَّارِ ٱلسَّمُومِ
Ang jinn ay nilikha Namin ito bago pa niyan mula sa apoy ng nakapapasong hangin
Surah Al-Hijr, Verse 27
وَإِذۡ قَالَ رَبُّكَ لِلۡمَلَـٰٓئِكَةِ إِنِّي خَٰلِقُۢ بَشَرٗا مِّن صَلۡصَٰلٖ مِّنۡ حَمَإٖ مَّسۡنُونٖ
[Banggitin] noong nagsabi ang Panginoon mo sa mga anghel: "Tunay na Ako ay lilikha ng isang mortal mula sa kumakalansing na luwad mula sa burak na inanyuan
Surah Al-Hijr, Verse 28
فَإِذَا سَوَّيۡتُهُۥ وَنَفَخۡتُ فِيهِ مِن رُّوحِي فَقَعُواْ لَهُۥ سَٰجِدِينَ
Kaya noong humubog Ako rito at umihip Ako rito mula sa espiritu Ko ay magsibagsak kayo sa kanya na mga nakapatirapa
Surah Al-Hijr, Verse 29
فَسَجَدَ ٱلۡمَلَـٰٓئِكَةُ كُلُّهُمۡ أَجۡمَعُونَ
Kaya nagpatirapa ang mga anghel sa kabuuan nila nang magkakasama
Surah Al-Hijr, Verse 30
إِلَّآ إِبۡلِيسَ أَبَىٰٓ أَن يَكُونَ مَعَ ٱلسَّـٰجِدِينَ
maliban si Satanas; tumanggi siya na maging kasama sa mga tagapagpatirapa
Surah Al-Hijr, Verse 31
قَالَ يَـٰٓإِبۡلِيسُ مَا لَكَ أَلَّا تَكُونَ مَعَ ٱلسَّـٰجِدِينَ
Nagsabi Siya: "O Satanas, ano ang mayroon sa iyo na hindi ka maging kasama sa mga tagapagpatirapa
Surah Al-Hijr, Verse 32
قَالَ لَمۡ أَكُن لِّأَسۡجُدَ لِبَشَرٍ خَلَقۡتَهُۥ مِن صَلۡصَٰلٖ مِّنۡ حَمَإٖ مَّسۡنُونٖ
Nagsabi ito: "Hindi nangyaring ukol sa akin na magpatirapa sa isang mortal na nilikha Mo mula sa kumakalansing na luwad mula sa burak na inanyuan
Surah Al-Hijr, Verse 33
قَالَ فَٱخۡرُجۡ مِنۡهَا فَإِنَّكَ رَجِيمٞ
Nagsabi Siya: "Kaya lumabas ka mula riyan sapagkat tunay na ikaw ay pinagtabuyan
Surah Al-Hijr, Verse 34
وَإِنَّ عَلَيۡكَ ٱللَّعۡنَةَ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلدِّينِ
at tunay na sumaiyo ang sumpa hanggang sa Araw ng Paggagantimpala
Surah Al-Hijr, Verse 35
قَالَ رَبِّ فَأَنظِرۡنِيٓ إِلَىٰ يَوۡمِ يُبۡعَثُونَ
Nagsabi ito: "Panginoon ko, kaya magpaliban Ka sa akin hanggang sa Araw na bubuhayin sila
Surah Al-Hijr, Verse 36
قَالَ فَإِنَّكَ مِنَ ٱلۡمُنظَرِينَ
Nagsabi Siya: "Kaya tunay na ikaw ay kabilang sa mga ipinagpapaliban
Surah Al-Hijr, Verse 37
إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡوَقۡتِ ٱلۡمَعۡلُومِ
hanggang sa araw ng panahong nalalaman
Surah Al-Hijr, Verse 38
قَالَ رَبِّ بِمَآ أَغۡوَيۡتَنِي لَأُزَيِّنَنَّ لَهُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَأُغۡوِيَنَّهُمۡ أَجۡمَعِينَ
Nagsabi ito: "Panginoon ko, dahil naglisya Ka sa akin, talagang mang-aakit nga ako sa kanila sa lupa at talagang maglilisya nga ako sa kanila nang magkakasama
Surah Al-Hijr, Verse 39
إِلَّا عِبَادَكَ مِنۡهُمُ ٱلۡمُخۡلَصِينَ
maliban sa mga lingkod Mo kabilang sa kanila ang mga itinangi
Surah Al-Hijr, Verse 40
قَالَ هَٰذَا صِرَٰطٌ عَلَيَّ مُسۡتَقِيمٌ
Nagsabi Siya: "Ito ay isang landasin sa Akin na tuwid
Surah Al-Hijr, Verse 41
إِنَّ عِبَادِي لَيۡسَ لَكَ عَلَيۡهِمۡ سُلۡطَٰنٌ إِلَّا مَنِ ٱتَّبَعَكَ مِنَ ٱلۡغَاوِينَ
Tunay na ang mga lingkod Ko ay walang ukol sa iyo na kapamahalaanan sa kanila, maliban sa sinumang sumunod sa iyo kabilang sa mga nalilisya
Surah Al-Hijr, Verse 42
وَإِنَّ جَهَنَّمَ لَمَوۡعِدُهُمۡ أَجۡمَعِينَ
Tunay na ang Impiyerno ay talagang ang tipanan nila nang magkakasama
Surah Al-Hijr, Verse 43
لَهَا سَبۡعَةُ أَبۡوَٰبٖ لِّكُلِّ بَابٖ مِّنۡهُمۡ جُزۡءٞ مَّقۡسُومٌ
Mayroon itong pitong pinto; para sa bawat pinto, mula sa kanila ay may isang bahaging itinalaga
Surah Al-Hijr, Verse 44
إِنَّ ٱلۡمُتَّقِينَ فِي جَنَّـٰتٖ وَعُيُونٍ
Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga hardin at mga bukal
Surah Al-Hijr, Verse 45
ٱدۡخُلُوهَا بِسَلَٰمٍ ءَامِنِينَ
[Sasabihin:] "Pumasok kayo sa mga ito nang may kapayapaan habang mga natitiwasay
Surah Al-Hijr, Verse 46
وَنَزَعۡنَا مَا فِي صُدُورِهِم مِّنۡ غِلٍّ إِخۡوَٰنًا عَلَىٰ سُرُرٖ مُّتَقَٰبِلِينَ
Magtatanggal Kami ng anumang nasa mga dibdib nila na hinanakit bilang magkakapatid habang nasa mga kama na mga nagkakaharapan
Surah Al-Hijr, Verse 47
لَا يَمَسُّهُمۡ فِيهَا نَصَبٞ وَمَا هُم مِّنۡهَا بِمُخۡرَجِينَ
Walang sasaling sa kanila roon na isang pagkapagal at hindi sila mula roon mga palalabasin
Surah Al-Hijr, Verse 48
۞نَبِّئۡ عِبَادِيٓ أَنِّيٓ أَنَا ٱلۡغَفُورُ ٱلرَّحِيمُ
Magbalita ka sa mga lingkod Ko na Ako ay ang Mapagpatawad, ang Maawain
Surah Al-Hijr, Verse 49
وَأَنَّ عَذَابِي هُوَ ٱلۡعَذَابُ ٱلۡأَلِيمُ
at na ang pagdurusang dulot Ko ay ang pagdurusang masakit
Surah Al-Hijr, Verse 50
وَنَبِّئۡهُمۡ عَن ضَيۡفِ إِبۡرَٰهِيمَ
Magbalita ka sa kanila tungkol sa mga panauhin ni Abraham
Surah Al-Hijr, Verse 51
إِذۡ دَخَلُواْ عَلَيۡهِ فَقَالُواْ سَلَٰمٗا قَالَ إِنَّا مِنكُمۡ وَجِلُونَ
Noong pumasok sila sa kanya at nagsabi sila: "Kapayapaan" ay nagsabi siya: "Tunay na kami sa inyo ay mga nasisindak
Surah Al-Hijr, Verse 52
قَالُواْ لَا تَوۡجَلۡ إِنَّا نُبَشِّرُكَ بِغُلَٰمٍ عَلِيمٖ
Nagsabi sila: "Huwag kang mabagabag; tunay na kami ay magbabalita ng nakagagalak sa iyo hinggil sa isang batang lalaking maalam
Surah Al-Hijr, Verse 53
قَالَ أَبَشَّرۡتُمُونِي عَلَىٰٓ أَن مَّسَّنِيَ ٱلۡكِبَرُ فَبِمَ تُبَشِّرُونَ
Nagsabi siya: "Nagbalita ba kayo ng nakagagalak sa akin sa kabila na sumaling sa akin ang kagulangan? Kaya hinggil sa ano nagbabalita kayo ng nakagagalak sa akin
Surah Al-Hijr, Verse 54
قَالُواْ بَشَّرۡنَٰكَ بِٱلۡحَقِّ فَلَا تَكُن مِّنَ ٱلۡقَٰنِطِينَ
Nagsabi sila: "Nagbalita kami ng nakagagalak sa iyo hinggil sa katotohanan kaya huwag kang maging kabilang sa mga nalalagutan ng pag-asa
Surah Al-Hijr, Verse 55
قَالَ وَمَن يَقۡنَطُ مِن رَّحۡمَةِ رَبِّهِۦٓ إِلَّا ٱلضَّآلُّونَ
Nagsabi siya: "Sino ang nalalagutan ng pag-asa sa awa ng Panginoon niya maliban sa mga ligaw
Surah Al-Hijr, Verse 56
قَالَ فَمَا خَطۡبُكُمۡ أَيُّهَا ٱلۡمُرۡسَلُونَ
Nagsabi siya: "Kaya ano ang pakay ninyo, O mga isinugo
Surah Al-Hijr, Verse 57
قَالُوٓاْ إِنَّآ أُرۡسِلۡنَآ إِلَىٰ قَوۡمٖ مُّجۡرِمِينَ
Nagsabi sila: "Tunay na kami ay isinugo sa mga taong salarin
Surah Al-Hijr, Verse 58
إِلَّآ ءَالَ لُوطٍ إِنَّا لَمُنَجُّوهُمۡ أَجۡمَعِينَ
maliban sa mag-anak ni Lot; tunay na kami ay mga magliligtas sa kanila nang magkakasama
Surah Al-Hijr, Verse 59
إِلَّا ٱمۡرَأَتَهُۥ قَدَّرۡنَآ إِنَّهَا لَمِنَ ٱلۡغَٰبِرِينَ
maliban sa maybahay niya [sapagkat nagsabi si Allāh:] Nagtakda Kami na tunay na ito ay talagang kabilang sa mga magpapaiwan
Surah Al-Hijr, Verse 60
فَلَمَّا جَآءَ ءَالَ لُوطٍ ٱلۡمُرۡسَلُونَ
Kaya noong dumating sa mag-anak ni Lot ang mga isinugo
Surah Al-Hijr, Verse 61
قَالَ إِنَّكُمۡ قَوۡمٞ مُّنكَرُونَ
nagsabi siya: "Tunay na kayo ay mga taong di-kilala
Surah Al-Hijr, Verse 62
قَالُواْ بَلۡ جِئۡنَٰكَ بِمَا كَانُواْ فِيهِ يَمۡتَرُونَ
Nagsabi sila: "Bagkus naghatid kami sa iyo ng bagay na sila noon hinggil dito ay nag-aalangan
Surah Al-Hijr, Verse 63
وَأَتَيۡنَٰكَ بِٱلۡحَقِّ وَإِنَّا لَصَٰدِقُونَ
Nagdala kami sa iyo ng katotohanan at tunay na kami ay talagang mga tapat
Surah Al-Hijr, Verse 64
فَأَسۡرِ بِأَهۡلِكَ بِقِطۡعٖ مِّنَ ٱلَّيۡلِ وَٱتَّبِعۡ أَدۡبَٰرَهُمۡ وَلَا يَلۡتَفِتۡ مِنكُمۡ أَحَدٞ وَٱمۡضُواْ حَيۡثُ تُؤۡمَرُونَ
Kaya lumisan ka kasama ng mag-anak mo sa isang bahagi ng gabi. Sumunod ka sa mga likuran nila at walang lilingon kabilang sa inyo na isa man. Tumuloy kayo sa kung saan kayo uutusan
Surah Al-Hijr, Verse 65
وَقَضَيۡنَآ إِلَيۡهِ ذَٰلِكَ ٱلۡأَمۡرَ أَنَّ دَابِرَ هَـٰٓؤُلَآءِ مَقۡطُوعٞ مُّصۡبِحِينَ
Nagsiwalat Kami sa kanya ng bagay na iyon: na ang pinag-ugatan ng mga ito ay puputulin kapag inumaga
Surah Al-Hijr, Verse 66
وَجَآءَ أَهۡلُ ٱلۡمَدِينَةِ يَسۡتَبۡشِرُونَ
Dumating ang mga naninirahan sa lungsod na nagagalak
Surah Al-Hijr, Verse 67
قَالَ إِنَّ هَـٰٓؤُلَآءِ ضَيۡفِي فَلَا تَفۡضَحُونِ
Nagsabi siya: "Ang mga ito ay mga panauhin ko kaya huwag kayong mag-iskandalo sa akin
Surah Al-Hijr, Verse 68
وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَلَا تُخۡزُونِ
Mangilag kayong magkasala kay Allāh at huwag ninyo akong dustain
Surah Al-Hijr, Verse 69
قَالُوٓاْ أَوَلَمۡ نَنۡهَكَ عَنِ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Nagsabi sila: "Hindi ba sumaway kami sa iyo laban sa mga nilalang
Surah Al-Hijr, Verse 70
قَالَ هَـٰٓؤُلَآءِ بَنَاتِيٓ إِن كُنتُمۡ فَٰعِلِينَ
Nagsabi siya: "Ang mga ito ay mga babaing anak ko, kung nangyaring kayo ay mga magsasagawa [ng kasal]
Surah Al-Hijr, Verse 71
لَعَمۡرُكَ إِنَّهُمۡ لَفِي سَكۡرَتِهِمۡ يَعۡمَهُونَ
Sumpa man sa buhay mo, tunay na sila ay talagang nasa kalanguan nila habang nag-aapuhap sila
Surah Al-Hijr, Verse 72
فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلصَّيۡحَةُ مُشۡرِقِينَ
Kaya dumaklot sa kanila ang sigaw nang sumisikat [sa kanila ang araw]
Surah Al-Hijr, Verse 73
فَجَعَلۡنَا عَٰلِيَهَا سَافِلَهَا وَأَمۡطَرۡنَا عَلَيۡهِمۡ حِجَارَةٗ مِّن سِجِّيلٍ
Kaya gumawa Kami sa itaas nito na naging ibaba nito. Nagpaulan Kami sa kanila ng mga batong yari sa nanigas na luwad
Surah Al-Hijr, Verse 74
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّلۡمُتَوَسِّمِينَ
Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga tagapaghinuha
Surah Al-Hijr, Verse 75
وَإِنَّهَا لَبِسَبِيلٖ مُّقِيمٍ
Tunay na ito ay talagang nasa isang landas na nananatili
Surah Al-Hijr, Verse 76
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّلۡمُؤۡمِنِينَ
Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga mananampalataya
Surah Al-Hijr, Verse 77
وَإِن كَانَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡأَيۡكَةِ لَظَٰلِمِينَ
Tunay na noon ang mga naninirahan sa kasukalan ay talagang mga tagalabag sa katarungan
Surah Al-Hijr, Verse 78
فَٱنتَقَمۡنَا مِنۡهُمۡ وَإِنَّهُمَا لَبِإِمَامٖ مُّبِينٖ
Kaya naghiganti Kami sa kanila. Tunay na ang dalawang [lungsod na] ito ay talagang nasa isang daanang malinaw
Surah Al-Hijr, Verse 79
وَلَقَدۡ كَذَّبَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡحِجۡرِ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Talaga ngang nagpasinungaling ang mga mamamayan ng Batuhan sa mga isinugo
Surah Al-Hijr, Verse 80
وَءَاتَيۡنَٰهُمۡ ءَايَٰتِنَا فَكَانُواْ عَنۡهَا مُعۡرِضِينَ
Nagbigay Kami sa kanila ng mga tanda Namin ngunit sila noon sa mga ito ay mga tagaayaw
Surah Al-Hijr, Verse 81
وَكَانُواْ يَنۡحِتُونَ مِنَ ٱلۡجِبَالِ بُيُوتًا ءَامِنِينَ
Sila noon ay lumililok mula sa mga bundok ng mga bahay bilang mga matiwasay
Surah Al-Hijr, Verse 82
فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلصَّيۡحَةُ مُصۡبِحِينَ
Ngunit dumaklot sa kanila ang sigaw nang inumaga
Surah Al-Hijr, Verse 83
فَمَآ أَغۡنَىٰ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ
Kaya walang naidulot para sa kanila ang anumang dating nakakamit nila
Surah Al-Hijr, Verse 84
وَمَا خَلَقۡنَا ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَآ إِلَّا بِٱلۡحَقِّۗ وَإِنَّ ٱلسَّاعَةَ لَأٓتِيَةٞۖ فَٱصۡفَحِ ٱلصَّفۡحَ ٱلۡجَمِيلَ
Hindi Kami lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito malibang ayon sa katotohanan. Tunay na ang Huling Sandali ay talagang darating kaya magpalampas ka nang pagpapalampas na marilag
Surah Al-Hijr, Verse 85
إِنَّ رَبَّكَ هُوَ ٱلۡخَلَّـٰقُ ٱلۡعَلِيمُ
Tunay na ang Panginoon mo ay ang Palalikha, ang Maalam
Surah Al-Hijr, Verse 86
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَٰكَ سَبۡعٗا مِّنَ ٱلۡمَثَانِي وَٱلۡقُرۡءَانَ ٱلۡعَظِيمَ
Talaga ngang nagbigay Kami sa iyo ng pito mula mga inuulit-ulit at Dakilang Qur’ān
Surah Al-Hijr, Verse 87
لَا تَمُدَّنَّ عَيۡنَيۡكَ إِلَىٰ مَا مَتَّعۡنَا بِهِۦٓ أَزۡوَٰجٗا مِّنۡهُمۡ وَلَا تَحۡزَنۡ عَلَيۡهِمۡ وَٱخۡفِضۡ جَنَاحَكَ لِلۡمُؤۡمِنِينَ
Huwag ka ngang magpatagal ng mga mata mo sa anumang ipinatamasa Namin na mga uri mula sa kanila, huwag kang malungkot sa kanila, at magbaba ka ng loob mo para sa mga mananampalataya
Surah Al-Hijr, Verse 88
وَقُلۡ إِنِّيٓ أَنَا ٱلنَّذِيرُ ٱلۡمُبِينُ
Sabihin mo: "Tunay na ako mismo ay ang mapagbabalang malinaw
Surah Al-Hijr, Verse 89
كَمَآ أَنزَلۡنَا عَلَى ٱلۡمُقۡتَسِمِينَ
gaya ng nagpababa Kami sa mga nagkahati-hati
Surah Al-Hijr, Verse 90
ٱلَّذِينَ جَعَلُواْ ٱلۡقُرۡءَانَ عِضِينَ
na mga gumawa sa Qur’ān bilang mga baha-bahagi
Surah Al-Hijr, Verse 91
فَوَرَبِّكَ لَنَسۡـَٔلَنَّهُمۡ أَجۡمَعِينَ
Kaya sumpa man sa Panginoon mo, talaga ngang magtatanong Kami sa kanila nang magkakasama
Surah Al-Hijr, Verse 92
عَمَّا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
tungkol sa anumang dati nilang ginagawa
Surah Al-Hijr, Verse 93
فَٱصۡدَعۡ بِمَا تُؤۡمَرُ وَأَعۡرِضۡ عَنِ ٱلۡمُشۡرِكِينَ
Kaya maglantad ka sa ipinag-uutos sa iyo at umayaw ka sa mga tagapagtambal
Surah Al-Hijr, Verse 94
إِنَّا كَفَيۡنَٰكَ ٱلۡمُسۡتَهۡزِءِينَ
Tunay na Kami ay nakasapat sa iyo sa mga tagapangutya
Surah Al-Hijr, Verse 95
ٱلَّذِينَ يَجۡعَلُونَ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَۚ فَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ
na gumagawa kasama kay Allāh ng isang diyos na iba pa, ngunit malalaman nila
Surah Al-Hijr, Verse 96
وَلَقَدۡ نَعۡلَمُ أَنَّكَ يَضِيقُ صَدۡرُكَ بِمَا يَقُولُونَ
Talaga ngang nakaaalam Kami na ikaw ay napaninikipan ng dibdib mo dahil sa sinasabi nila
Surah Al-Hijr, Verse 97
فَسَبِّحۡ بِحَمۡدِ رَبِّكَ وَكُن مِّنَ ٱلسَّـٰجِدِينَ
Kaya magluwalhati ka kasabay ng papuri sa Panginoon mo at maging kabilang ka sa mga tagapagpatirapa
Surah Al-Hijr, Verse 98
وَٱعۡبُدۡ رَبَّكَ حَتَّىٰ يَأۡتِيَكَ ٱلۡيَقِينُ
Sambahin mo ang Panginoon mo hanggang sa pumunta sa iyo ang tiyak [na kamatayan]
Surah Al-Hijr, Verse 99