UAE Prayer Times

  • Dubai
  • Abu Dhabi
  • Sharjah
  • Ajman
  • Fujairah
  • Umm Al Quwain
  • Ras Al Khaimah
  • Quran Translations

Surah An-Nahl - Filipino Translation by Www.islamhouse.com


أَتَىٰٓ أَمۡرُ ٱللَّهِ فَلَا تَسۡتَعۡجِلُوهُۚ سُبۡحَٰنَهُۥ وَتَعَٰلَىٰ عَمَّا يُشۡرِكُونَ

Darating ang pasya ni Allāh kaya huwag kayong magmadali nito. Kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya kaysa sa anumang itinatambal nila
Surah An-Nahl, Verse 1


يُنَزِّلُ ٱلۡمَلَـٰٓئِكَةَ بِٱلرُّوحِ مِنۡ أَمۡرِهِۦ عَلَىٰ مَن يَشَآءُ مِنۡ عِبَادِهِۦٓ أَنۡ أَنذِرُوٓاْ أَنَّهُۥ لَآ إِلَٰهَ إِلَّآ أَنَا۠ فَٱتَّقُونِ

Nagbababa Siya ng mga anghel, kalakip ng espiritu mula sa utos Niya, sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya, [na nagsasabi:] "Magbabala kayo na walang Diyos kundi Ako, kaya mangilag kayang magkasala sa Akin
Surah An-Nahl, Verse 2


خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ بِٱلۡحَقِّۚ تَعَٰلَىٰ عَمَّا يُشۡرِكُونَ

Lumikha Siya ng mga langit at lupa sa katotohanan. Pagkataas-taas Siya kaysa sa anumang itinatambal nila
Surah An-Nahl, Verse 3


خَلَقَ ٱلۡإِنسَٰنَ مِن نُّطۡفَةٖ فَإِذَا هُوَ خَصِيمٞ مُّبِينٞ

Lumikha Siya ng tao mula sa isang patak ng punlay, saka biglang iyon ay isang kaalitang malinaw
Surah An-Nahl, Verse 4


وَٱلۡأَنۡعَٰمَ خَلَقَهَاۖ لَكُمۡ فِيهَا دِفۡءٞ وَمَنَٰفِعُ وَمِنۡهَا تَأۡكُلُونَ

Ang mga hayupan, nilikha Niya ang mga ito para sa inyo; sa mga ito ay may init at mga pakinabang, at mula sa mga ito ay kumakain kayo
Surah An-Nahl, Verse 5


وَلَكُمۡ فِيهَا جَمَالٌ حِينَ تُرِيحُونَ وَحِينَ تَسۡرَحُونَ

Ukol sa inyo sa mga ito ay karilagan kapag nagpapahinga kayo at nagpapastol kayo
Surah An-Nahl, Verse 6


وَتَحۡمِلُ أَثۡقَالَكُمۡ إِلَىٰ بَلَدٖ لَّمۡ تَكُونُواْ بَٰلِغِيهِ إِلَّا بِشِقِّ ٱلۡأَنفُسِۚ إِنَّ رَبَّكُمۡ لَرَءُوفٞ رَّحِيمٞ

Nagdadala ang mga ito ng mga pasanin ninyo tungo sa isang bayang hindi kayo aabot doon malibang may hirap ng mga sarili. Tunay na ang Panginoon ninyo ay talagang Mahabagin, Maawain
Surah An-Nahl, Verse 7


وَٱلۡخَيۡلَ وَٱلۡبِغَالَ وَٱلۡحَمِيرَ لِتَرۡكَبُوهَا وَزِينَةٗۚ وَيَخۡلُقُ مَا لَا تَعۡلَمُونَ

Ang mga kabayo, ang mga mola, at ang mga asno ay upang sakyan ninyo ang mga ito at bilang gayak. Lumilikha Siya ng mga hindi ninyo nalalaman
Surah An-Nahl, Verse 8


وَعَلَى ٱللَّهِ قَصۡدُ ٱلسَّبِيلِ وَمِنۡهَا جَآئِرٞۚ وَلَوۡ شَآءَ لَهَدَىٰكُمۡ أَجۡمَعِينَ

Nasa kay Allāh ang pagpapalinaw ng landas, at kabilang sa mga [daang] ito ay nakatabingi. Kung sakaling niloob Niya, talaga sanang nagpatnubay Siya sa inyo nang magkakasama
Surah An-Nahl, Verse 9


هُوَ ٱلَّذِيٓ أَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗۖ لَّكُم مِّنۡهُ شَرَابٞ وَمِنۡهُ شَجَرٞ فِيهِ تُسِيمُونَ

Siya ay ang nagpababa mula sa langit ng tubig, na para sa inyo mula rito ay may inumin at mula rito ay may mga punong-kahoy na doon kayo nagpapastol
Surah An-Nahl, Verse 10


يُنۢبِتُ لَكُم بِهِ ٱلزَّرۡعَ وَٱلزَّيۡتُونَ وَٱلنَّخِيلَ وَٱلۡأَعۡنَٰبَ وَمِن كُلِّ ٱلثَّمَرَٰتِۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّقَوۡمٖ يَتَفَكَّرُونَ

Nagpapatubo Siya para sa inyo sa pamamagitan nito ng mga pananim, mga oliba, mga datiles, mga ubas, at kabilang sa lahat ng mga bunga. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga taong nag-iisip-isip
Surah An-Nahl, Verse 11


وَسَخَّرَ لَكُمُ ٱلَّيۡلَ وَٱلنَّهَارَ وَٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَۖ وَٱلنُّجُومُ مُسَخَّرَٰتُۢ بِأَمۡرِهِۦٓۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يَعۡقِلُونَ

Pinagsilbi Niya para sa inyo ang gabi at ang maghapon, at ang araw at ang buwan. Ang mga bituin ay mga pinagsisilbi ayon sa utos Niya. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nakapag-uunawa
Surah An-Nahl, Verse 12


وَمَا ذَرَأَ لَكُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ مُخۡتَلِفًا أَلۡوَٰنُهُۥٓۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّقَوۡمٖ يَذَّكَّرُونَ

[Pinagsilbi Niya] ang nilalang Niya para sa inyo sa lupa na nagkakaiba-iba ang mga kulay nito. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga taong nagsasaalaala
Surah An-Nahl, Verse 13


وَهُوَ ٱلَّذِي سَخَّرَ ٱلۡبَحۡرَ لِتَأۡكُلُواْ مِنۡهُ لَحۡمٗا طَرِيّٗا وَتَسۡتَخۡرِجُواْ مِنۡهُ حِلۡيَةٗ تَلۡبَسُونَهَاۖ وَتَرَى ٱلۡفُلۡكَ مَوَاخِرَ فِيهِ وَلِتَبۡتَغُواْ مِن فَضۡلِهِۦ وَلَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ

Siya ay ang nagpasilbi ng dagat upang kumain kayo mula rito ng sariwang laman at humango kayo mula rito ng hiyas na isinusuot ninyo. Nakikita mo ang mga daong habang mga bumubungkal dito, upang maghangad kayo mula sa kabutihang-loob Niya; at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat
Surah An-Nahl, Verse 14


وَأَلۡقَىٰ فِي ٱلۡأَرۡضِ رَوَٰسِيَ أَن تَمِيدَ بِكُمۡ وَأَنۡهَٰرٗا وَسُبُلٗا لَّعَلَّكُمۡ تَهۡتَدُونَ

Naglapat Siya sa lupa ng mga matatag na bundok nang hindi gumalaw-galaw ang mga ito sa inyo, mga ilog, mga landas nang sa gayon kayo ay mapapatnubayan
Surah An-Nahl, Verse 15


وَعَلَٰمَٰتٖۚ وَبِٱلنَّجۡمِ هُمۡ يَهۡتَدُونَ

at mga palatandaan. Sa pamamagitan ng bituin, sila ay napapatnubayan
Surah An-Nahl, Verse 16


أَفَمَن يَخۡلُقُ كَمَن لَّا يَخۡلُقُۚ أَفَلَا تَذَكَّرُونَ

Kaya ba ang sinumang lumilikha ay gaya ng sinumang hindi lumilikha? Kaya ba hindi kayo nagsasaalaala
Surah An-Nahl, Verse 17


وَإِن تَعُدُّواْ نِعۡمَةَ ٱللَّهِ لَا تُحۡصُوهَآۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَغَفُورٞ رَّحِيمٞ

Kung magbibilang kayo ng biyaya ni Allāh ay hindi kayo makapag-iisa-isa nito. Tunay na si Allāh ay talagang Mapagpatawad, Maawain
Surah An-Nahl, Verse 18


وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ مَا تُسِرُّونَ وَمَا تُعۡلِنُونَ

Si Allāh ay nakaaalam sa anumang inililihim ninyo at anumang inihahayag ninyo
Surah An-Nahl, Verse 19


وَٱلَّذِينَ يَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ لَا يَخۡلُقُونَ شَيۡـٔٗا وَهُمۡ يُخۡلَقُونَ

Ang mga dinadalanginan nila bukod pa kay Allāh ay hindi lumilikha ng anuman samantalang ang mga ito ay nililikha
Surah An-Nahl, Verse 20


أَمۡوَٰتٌ غَيۡرُ أَحۡيَآءٖۖ وَمَا يَشۡعُرُونَ أَيَّانَ يُبۡعَثُونَ

Mga patay hindi mga buhay at hindi nakararamdam ang mga ito kung kailan bubuhayin ang mga ito
Surah An-Nahl, Verse 21


إِلَٰهُكُمۡ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞۚ فَٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِ قُلُوبُهُم مُّنكِرَةٞ وَهُم مُّسۡتَكۡبِرُونَ

Ang Diyos ninyo ay Diyos na nag-iisa. Ang mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay, ang mga puso nila ay mga nagkakaila habang sila ay mga nagmamalaki
Surah An-Nahl, Verse 22


لَا جَرَمَ أَنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ مَا يُسِرُّونَ وَمَا يُعۡلِنُونَۚ إِنَّهُۥ لَا يُحِبُّ ٱلۡمُسۡتَكۡبِرِينَ

Walang pasubali na si Allāh ay nakaaalam sa anumang inililihim nila at anumang inihahayag nila. Tunay na Siya ay hindi umiibig sa mga nagmamalaki
Surah An-Nahl, Verse 23


وَإِذَا قِيلَ لَهُم مَّاذَآ أَنزَلَ رَبُّكُمۡ قَالُوٓاْ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ

Kapag sinabi sa kanila: "Ano ang pinababa ng Panginoon ninyo?" ay magsasabi sila: "Mga alamat ng mga sinauna
Surah An-Nahl, Verse 24


لِيَحۡمِلُوٓاْ أَوۡزَارَهُمۡ كَامِلَةٗ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ وَمِنۡ أَوۡزَارِ ٱلَّذِينَ يُضِلُّونَهُم بِغَيۡرِ عِلۡمٍۗ أَلَا سَآءَ مَا يَزِرُونَ

upang magbuhat sila ng mga pasanin nila nang buo sa Araw ng Pagbangon at ng bahagi ng mga pasanin ng mga pinaliligaw nila nang walang kaalaman. Pansinin, kay sagwa ang pinapasan nila
Surah An-Nahl, Verse 25


قَدۡ مَكَرَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ فَأَتَى ٱللَّهُ بُنۡيَٰنَهُم مِّنَ ٱلۡقَوَاعِدِ فَخَرَّ عَلَيۡهِمُ ٱلسَّقۡفُ مِن فَوۡقِهِمۡ وَأَتَىٰهُمُ ٱلۡعَذَابُ مِنۡ حَيۡثُ لَا يَشۡعُرُونَ

Nagpakana nga ang mga nauna sa kanila kaya pumunta si Allāh sa gusali nila mula sa mga pundasyon kaya bumagsak sa kanila ang bubong mula sa ibabaw nila at pumunta sa kanila ang pagdurusa mula sa kung saan hindi nila nararamdaman
Surah An-Nahl, Verse 26


ثُمَّ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ يُخۡزِيهِمۡ وَيَقُولُ أَيۡنَ شُرَكَآءِيَ ٱلَّذِينَ كُنتُمۡ تُشَـٰٓقُّونَ فِيهِمۡۚ قَالَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡعِلۡمَ إِنَّ ٱلۡخِزۡيَ ٱلۡيَوۡمَ وَٱلسُّوٓءَ عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ

Pagkatapos sa Araw ng Pagbangon ay magpapahiya Siya sa kanila at magsasabi Siya: "Nasaan na ang mga katambal sa Akin na kayo dati ay nakikipaghidwaan dahil sa kanila?" Magsasabi ang mga binigyan ng kaalaman: "Tunay na ang kahihiyan sa Araw na ito at ang kasagwaan ay ukol sa mga tagatangging sumampalataya
Surah An-Nahl, Verse 27


ٱلَّذِينَ تَتَوَفَّىٰهُمُ ٱلۡمَلَـٰٓئِكَةُ ظَالِمِيٓ أَنفُسِهِمۡۖ فَأَلۡقَوُاْ ٱلسَّلَمَ مَا كُنَّا نَعۡمَلُ مِن سُوٓءِۭۚ بَلَىٰٓۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمُۢ بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ

na mga nagpapapanaw sa kanila ang mga anghel habang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila." Kaya mag-uukol sila ng pagsuko, [na nagsasabi]: "Hindi kami dati gumagawa ng anumang kasagwaan." Bagkus tunay na si Allāh ay Maalam sa anumang dati ninyong ginagawa
Surah An-Nahl, Verse 28


فَٱدۡخُلُوٓاْ أَبۡوَٰبَ جَهَنَّمَ خَٰلِدِينَ فِيهَاۖ فَلَبِئۡسَ مَثۡوَى ٱلۡمُتَكَبِّرِينَ

Kaya magsipasok kayo sa mga pinto ng Impiyerno bilang mga mananatili roon. Saka talagang kay saklap ang tuluyan ng mga nagpapakamalaki
Surah An-Nahl, Verse 29


۞وَقِيلَ لِلَّذِينَ ٱتَّقَوۡاْ مَاذَآ أَنزَلَ رَبُّكُمۡۚ قَالُواْ خَيۡرٗاۗ لِّلَّذِينَ أَحۡسَنُواْ فِي هَٰذِهِ ٱلدُّنۡيَا حَسَنَةٞۚ وَلَدَارُ ٱلۡأٓخِرَةِ خَيۡرٞۚ وَلَنِعۡمَ دَارُ ٱلۡمُتَّقِينَ

Sasabihin sa mga nangilag magkasala: "Ano ang pinababa ng Panginoon ninyo?" Magsasabi sila: "Kabutihan." Ukol sa mga gumawa ng maganda sa Mundong ito ay isang maganda. Talagang ang tahanan sa Kabilang-buhay at higit na mabuti. Talagang kay inam ang tahanan ng mga tagapangilag magkasala
Surah An-Nahl, Verse 30


جَنَّـٰتُ عَدۡنٖ يَدۡخُلُونَهَا تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُۖ لَهُمۡ فِيهَا مَا يَشَآءُونَۚ كَذَٰلِكَ يَجۡزِي ٱللَّهُ ٱلۡمُتَّقِينَ

mga Hardin ng Eden na papasukin nila, na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Ukol sa kanila roon ang anumang loloobin nila. Gayon gaganti si Allāh sa mga tagapangilag magkasala
Surah An-Nahl, Verse 31


ٱلَّذِينَ تَتَوَفَّىٰهُمُ ٱلۡمَلَـٰٓئِكَةُ طَيِّبِينَ يَقُولُونَ سَلَٰمٌ عَلَيۡكُمُ ٱدۡخُلُواْ ٱلۡجَنَّةَ بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ

na mga nagpapapanaw sa kanila ang mga anghel habang mga kaaya-aya, na nagsasabi: "Kapayapaan ay sumainyo. Magsipasok kayo sa Paraiso dahil sa dati ninyong ginagawa
Surah An-Nahl, Verse 32


هَلۡ يَنظُرُونَ إِلَّآ أَن تَأۡتِيَهُمُ ٱلۡمَلَـٰٓئِكَةُ أَوۡ يَأۡتِيَ أَمۡرُ رَبِّكَۚ كَذَٰلِكَ فَعَلَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۚ وَمَا ظَلَمَهُمُ ٱللَّهُ وَلَٰكِن كَانُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ يَظۡلِمُونَ

Naghihintay kaya sila maliban pa na pumunta sa kanila ang mga anghel o pumunta sa kanila ang utos ng Panginoon mo? Gayon gumawa ang mga nauna pa sa kanila. Hindi lumabag sa kanila si Allāh sa katarungan subalit sila dati sa mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan
Surah An-Nahl, Verse 33


فَأَصَابَهُمۡ سَيِّـَٔاتُ مَا عَمِلُواْ وَحَاقَ بِهِم مَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ

Kaya tumama sa kanila ang mga masagwa ng ginawa nila at pumaligid sa kanila ang dati nilang kinukutya
Surah An-Nahl, Verse 34


وَقَالَ ٱلَّذِينَ أَشۡرَكُواْ لَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ مَا عَبَدۡنَا مِن دُونِهِۦ مِن شَيۡءٖ نَّحۡنُ وَلَآ ءَابَآؤُنَا وَلَا حَرَّمۡنَا مِن دُونِهِۦ مِن شَيۡءٖۚ كَذَٰلِكَ فَعَلَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۚ فَهَلۡ عَلَى ٱلرُّسُلِ إِلَّا ٱلۡبَلَٰغُ ٱلۡمُبِينُ

Nagsabi ang mga nagtambal: "Kung sakaling niloob ni Allāh ay hindi kami sumamba sa bukod pa sa Kanya na anuman, [hindi] kami ni ang mga ninuno namin, at hindi kami nagbawal bukod pa sa ayon sa Kanya na anuman." Gayon gumawa ang mga nauna pa sa kanila. Kaya may kailangan pa kaya sa mga sugo kundi ang pagpapaabot na malinaw
Surah An-Nahl, Verse 35


وَلَقَدۡ بَعَثۡنَا فِي كُلِّ أُمَّةٖ رَّسُولًا أَنِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ وَٱجۡتَنِبُواْ ٱلطَّـٰغُوتَۖ فَمِنۡهُم مَّنۡ هَدَى ٱللَّهُ وَمِنۡهُم مَّنۡ حَقَّتۡ عَلَيۡهِ ٱلضَّلَٰلَةُۚ فَسِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَٱنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُكَذِّبِينَ

Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat kalipunan ng isang sugo, na [nagsasabi]: "Sumamba kayo kay Allāh at umiwas kayo sa mapagmalabis." Kaya kabilang sa kanila ay pinatnubayan ni Allāh at kabilang sa kanila ay nagindapat sa kanya ang kaligawan. Kaya humayo kayo sa lupain saka tumingin kayo kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagapagpasinungaling
Surah An-Nahl, Verse 36


إِن تَحۡرِصۡ عَلَىٰ هُدَىٰهُمۡ فَإِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي مَن يُضِلُّۖ وَمَا لَهُم مِّن نَّـٰصِرِينَ

Kung nagsisigasig ka sa pagpatnubay sa kanila, tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa pinaliligaw Niya at walang ukol sa kanila na anumang mga tagapag-adya
Surah An-Nahl, Verse 37


وَأَقۡسَمُواْ بِٱللَّهِ جَهۡدَ أَيۡمَٰنِهِمۡ لَا يَبۡعَثُ ٱللَّهُ مَن يَمُوتُۚ بَلَىٰ وَعۡدًا عَلَيۡهِ حَقّٗا وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعۡلَمُونَ

Nanumpa sila kay Allāh ng pinakamariin sa panunumpa nila na hindi bubuhay si Allāh sa sinumang mamamatay. Bagkus, [bubuhay Siya] bilang pangako mula sa Kanya na totoo, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam
Surah An-Nahl, Verse 38


لِيُبَيِّنَ لَهُمُ ٱلَّذِي يَخۡتَلِفُونَ فِيهِ وَلِيَعۡلَمَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَنَّهُمۡ كَانُواْ كَٰذِبِينَ

upang maglinaw Siya sa kanila ng anumang nagkakaiba-iba sila hinggil doon at upang makaalam ang mga tumatangging sumampalataya na sila noon ay mga sinungaling
Surah An-Nahl, Verse 39


إِنَّمَا قَوۡلُنَا لِشَيۡءٍ إِذَآ أَرَدۡنَٰهُ أَن نَّقُولَ لَهُۥ كُن فَيَكُونُ

Ang sabi Namin lamang sa isang bagay kapag nagnais Kami nito ay na magsabi Kami rito na mangyari saka mangyayari ito
Surah An-Nahl, Verse 40


وَٱلَّذِينَ هَاجَرُواْ فِي ٱللَّهِ مِنۢ بَعۡدِ مَا ظُلِمُواْ لَنُبَوِّئَنَّهُمۡ فِي ٱلدُّنۡيَا حَسَنَةٗۖ وَلَأَجۡرُ ٱلۡأٓخِرَةِ أَكۡبَرُۚ لَوۡ كَانُواْ يَعۡلَمُونَ

Ang mga lumikas alang-alang kay Allāh noong matapos na nilabag sila sa katarungan ay talagang magpapatahan nga Kami sa kanila sa Mundo nang maganda. Talagang ang gantimpala sa Kabilang-buhay ay higit na malaki kung sakaling sila dati ay nakaaalam
Surah An-Nahl, Verse 41


ٱلَّذِينَ صَبَرُواْ وَعَلَىٰ رَبِّهِمۡ يَتَوَكَّلُونَ

[Sila] ang mga nagtiis at sa Panginoon nila ay nananalig
Surah An-Nahl, Verse 42


وَمَآ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ إِلَّا رِجَالٗا نُّوحِيٓ إِلَيۡهِمۡۖ فَسۡـَٔلُوٓاْ أَهۡلَ ٱلذِّكۡرِ إِن كُنتُمۡ لَا تَعۡلَمُونَ

Hindi Kami nagsugo bago mo pa kundi ng mga lalaking nagkakasi Kami sa kanila. Kaya magtanong kayo sa mga may paalaala kung kayo ay hindi nakaaalam
Surah An-Nahl, Verse 43


بِٱلۡبَيِّنَٰتِ وَٱلزُّبُرِۗ وَأَنزَلۡنَآ إِلَيۡكَ ٱلذِّكۡرَ لِتُبَيِّنَ لِلنَّاسِ مَا نُزِّلَ إِلَيۡهِمۡ وَلَعَلَّهُمۡ يَتَفَكَّرُونَ

[Naghatid sa kanila] ng mga malinaw na patunay at mga kautusan. Nagpababa Kami sa iyo ng paalaala upang maglinaw ka sa mga tao ng pinababa sa kanila at nang sa gayon sila ay mag-iisip-isip
Surah An-Nahl, Verse 44


أَفَأَمِنَ ٱلَّذِينَ مَكَرُواْ ٱلسَّيِّـَٔاتِ أَن يَخۡسِفَ ٱللَّهُ بِهِمُ ٱلۡأَرۡضَ أَوۡ يَأۡتِيَهُمُ ٱلۡعَذَابُ مِنۡ حَيۡثُ لَا يَشۡعُرُونَ

Kaya natiwasay ba ang mga nagpakana ng mga gawang masagwa na baka magpalamon si Allāh sa kanila sa lupa, o pumunta sa kanila ang pagdurusa mula sa kung saan hindi nila nararamdaman
Surah An-Nahl, Verse 45


أَوۡ يَأۡخُذَهُمۡ فِي تَقَلُّبِهِمۡ فَمَا هُم بِمُعۡجِزِينَ

o dumaklot Siya sa kanila habang nasa paggala-gala nila kaya hindi sila mga makalulusot
Surah An-Nahl, Verse 46


أَوۡ يَأۡخُذَهُمۡ عَلَىٰ تَخَوُّفٖ فَإِنَّ رَبَّكُمۡ لَرَءُوفٞ رَّحِيمٌ

o dumaklot Siya sa kanila habang nasa isang pangangamba-ngamba? Ngunit tunay na ang Panginoon ninyo ay talagang Mahabagin, Maawain
Surah An-Nahl, Verse 47


أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ إِلَىٰ مَا خَلَقَ ٱللَّهُ مِن شَيۡءٖ يَتَفَيَّؤُاْ ظِلَٰلُهُۥ عَنِ ٱلۡيَمِينِ وَٱلشَّمَآئِلِ سُجَّدٗا لِّلَّهِ وَهُمۡ دَٰخِرُونَ

Hindi ba sila nakakita sa mga nilikha ni Allāh na bagay? Humihilig ang mga anino ng mga iyon sa dakong kanan at sa mga dakong kaliwa, na mga nagpapatirapa kay Allāh habang ang mga iyon ay mga nagpapakaaba
Surah An-Nahl, Verse 48


وَلِلَّهِۤ يَسۡجُدُۤ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ مِن دَآبَّةٖ وَٱلۡمَلَـٰٓئِكَةُ وَهُمۡ لَا يَسۡتَكۡبِرُونَ

Kay Allāh nagpapatirapa ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa na gumagalaw na nilalang, at ang mga anghel habang sila ay hindi nagmamalaki
Surah An-Nahl, Verse 49


يَخَافُونَ رَبَّهُم مِّن فَوۡقِهِمۡ وَيَفۡعَلُونَ مَا يُؤۡمَرُونَ۩

Nangangamba sila sa Panginoon nila mula sa itaas nila at gumagawa sila ng ipinag-uutos sa kanila
Surah An-Nahl, Verse 50


۞وَقَالَ ٱللَّهُ لَا تَتَّخِذُوٓاْ إِلَٰهَيۡنِ ٱثۡنَيۡنِۖ إِنَّمَا هُوَ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞ فَإِيَّـٰيَ فَٱرۡهَبُونِ

Nagsabi si Allāh: "Huwag kayong gumawa ng dalawang diyos; Siya ay Diyos na nag-iisa lamang. Kaya sa Akin ay mangilabot kayo
Surah An-Nahl, Verse 51


وَلَهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَلَهُ ٱلدِّينُ وَاصِبًاۚ أَفَغَيۡرَ ٱللَّهِ تَتَّقُونَ

Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at lupa at ukol sa Kanya ang pagtalima nang palagian. Kaya ba sa iba pa kay Allāh kayo nangingilag magkasala
Surah An-Nahl, Verse 52


وَمَا بِكُم مِّن نِّعۡمَةٖ فَمِنَ ٱللَّهِۖ ثُمَّ إِذَا مَسَّكُمُ ٱلضُّرُّ فَإِلَيۡهِ تَجۡـَٔرُونَ

Ang anumang nasa inyo na biyaya ay mula kay Allāh. Pagkatapos kapag sumaling sa inyo ang kapinsalaan ay sa Kanya kayo lumuluhog
Surah An-Nahl, Verse 53


ثُمَّ إِذَا كَشَفَ ٱلضُّرَّ عَنكُمۡ إِذَا فَرِيقٞ مِّنكُم بِرَبِّهِمۡ يُشۡرِكُونَ

Pagkatapos kapag pumawi Siya ng pinsala palayo sa inyo, biglang may isang pangkat kabilang sa inyo na sa Panginoon nila ay nagtatambal
Surah An-Nahl, Verse 54


لِيَكۡفُرُواْ بِمَآ ءَاتَيۡنَٰهُمۡۚ فَتَمَتَّعُواْ فَسَوۡفَ تَعۡلَمُونَ

upang magkaila sa anumang ibinigay Namin sa kanila. Kaya magtamasa kayo saka malalaman ninyo
Surah An-Nahl, Verse 55


وَيَجۡعَلُونَ لِمَا لَا يَعۡلَمُونَ نَصِيبٗا مِّمَّا رَزَقۡنَٰهُمۡۗ تَٱللَّهِ لَتُسۡـَٔلُنَّ عَمَّا كُنتُمۡ تَفۡتَرُونَ

Nagtatalaga sila para sa hindi nila nalalaman ng isang bahagi mula sa itinustos Namin sa kanila. Sumpa man kay Allāh, talagang tatanungin nga kayo tungkol sa dati ninyong ginagawa-gawa
Surah An-Nahl, Verse 56


وَيَجۡعَلُونَ لِلَّهِ ٱلۡبَنَٰتِ سُبۡحَٰنَهُۥ وَلَهُم مَّا يَشۡتَهُونَ

Nagtatalaga sila para kay Allāh ng mga babaing anak – kaluwalhatian sa Kanya – at para sa kanila ng ninanasa nila
Surah An-Nahl, Verse 57


وَإِذَا بُشِّرَ أَحَدُهُم بِٱلۡأُنثَىٰ ظَلَّ وَجۡهُهُۥ مُسۡوَدّٗا وَهُوَ كَظِيمٞ

Kapag binalitaan ang isa sa kanila hinggil sa [pagkasilang ng anak na] babae, ang mukha niya ay naging nangingitim habang siya ay hapis
Surah An-Nahl, Verse 58


يَتَوَٰرَىٰ مِنَ ٱلۡقَوۡمِ مِن سُوٓءِ مَا بُشِّرَ بِهِۦٓۚ أَيُمۡسِكُهُۥ عَلَىٰ هُونٍ أَمۡ يَدُسُّهُۥ فِي ٱلتُّرَابِۗ أَلَا سَآءَ مَا يَحۡكُمُونَ

Nagtatago siya sa mga tao dahil sa kasagwaan ng ibinalita sa kanya. Magpapanatili ba siya nito sa pagkahamak o magbabaon siya nito sa alabok? Pansinin, kay sagwa ang ihinahatol nila
Surah An-Nahl, Verse 59


لِلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِ مَثَلُ ٱلسَّوۡءِۖ وَلِلَّهِ ٱلۡمَثَلُ ٱلۡأَعۡلَىٰۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ

Ukol sa mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay ang katangian ng kasagwaan at ukol kay Allāh ang katangiang pinakamataas. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong
Surah An-Nahl, Verse 60


وَلَوۡ يُؤَاخِذُ ٱللَّهُ ٱلنَّاسَ بِظُلۡمِهِم مَّا تَرَكَ عَلَيۡهَا مِن دَآبَّةٖ وَلَٰكِن يُؤَخِّرُهُمۡ إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمّٗىۖ فَإِذَا جَآءَ أَجَلُهُمۡ لَا يَسۡتَـٔۡخِرُونَ سَاعَةٗ وَلَا يَسۡتَقۡدِمُونَ

Kung sakaling maninisi si Allāh sa mga tao dahil sa kawalang-katarungan nila ay hindi sana Siya nag-iwan sa ibabaw nito ng anumang gumagalaw na nilalang subalit nag-aantala Siya sa kanila hanggang sa isang taning na tinukoy. Kaya kapag dumating ang taning nila ay hindi sila makapagpapaantala ng isang sandali at hindi sila makapagpapauna
Surah An-Nahl, Verse 61


وَيَجۡعَلُونَ لِلَّهِ مَا يَكۡرَهُونَۚ وَتَصِفُ أَلۡسِنَتُهُمُ ٱلۡكَذِبَ أَنَّ لَهُمُ ٱلۡحُسۡنَىٰۚ لَا جَرَمَ أَنَّ لَهُمُ ٱلنَّارَ وَأَنَّهُم مُّفۡرَطُونَ

Nagtatalaga sila para kay Allāh ng kinasusuklaman nila. Naglalarawan ang mga dila nila ng kasinungalingan na ukol daw sa kanila ang pinakamaganda. Walang pasubali na ukol sa kanila ang Apoy at na sila ay mga pababayaan
Surah An-Nahl, Verse 62


تَٱللَّهِ لَقَدۡ أَرۡسَلۡنَآ إِلَىٰٓ أُمَمٖ مِّن قَبۡلِكَ فَزَيَّنَ لَهُمُ ٱلشَّيۡطَٰنُ أَعۡمَٰلَهُمۡ فَهُوَ وَلِيُّهُمُ ٱلۡيَوۡمَ وَلَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ

Sumpa man kay Allāh, talaga ngang nagsugo sa mga kalipunan bago mo pa ngunit ipinang-akit sa kanila ng demonyo ang mga gawa nila kaya siya ay tagatangkilik nila sa araw na ito at ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit
Surah An-Nahl, Verse 63


وَمَآ أَنزَلۡنَا عَلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَ إِلَّا لِتُبَيِّنَ لَهُمُ ٱلَّذِي ٱخۡتَلَفُواْ فِيهِ وَهُدٗى وَرَحۡمَةٗ لِّقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ

Hindi Kami nagpababa sa iyo ng Aklat kundi upang maglinaw ka sa kanila ng nagkaiba-iba sila hinggil doon, at bilang patnubay at bilang awa para sa mga taong sumasampalataya
Surah An-Nahl, Verse 64


وَٱللَّهُ أَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَأَحۡيَا بِهِ ٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ مَوۡتِهَآۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّقَوۡمٖ يَسۡمَعُونَ

Si Allāh ay nagpababa mula sa langit ng tubig saka nagbigay-buhay sa pamamagitan niyon sa lupa matapos ng kamatayan nito. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga taong dumidinig
Surah An-Nahl, Verse 65


وَإِنَّ لَكُمۡ فِي ٱلۡأَنۡعَٰمِ لَعِبۡرَةٗۖ نُّسۡقِيكُم مِّمَّا فِي بُطُونِهِۦ مِنۢ بَيۡنِ فَرۡثٖ وَدَمٖ لَّبَنًا خَالِصٗا سَآئِغٗا لِّلشَّـٰرِبِينَ

Tunay na para sa inyo sa mga hayupan ay talagang may maisasaalang-alang. Nagpapainom Kami sa inyo ― mula sa mga tiyan ng mga ito sa pagitan ng dumi at dugo ― ng isang gatas na dalisay na kasiya-siya para sa mga umiinom
Surah An-Nahl, Verse 66


وَمِن ثَمَرَٰتِ ٱلنَّخِيلِ وَٱلۡأَعۡنَٰبِ تَتَّخِذُونَ مِنۡهُ سَكَرٗا وَرِزۡقًا حَسَنًاۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّقَوۡمٖ يَعۡقِلُونَ

Mula sa mga bunga ng mga punong-datiles at mga ubas ay gumagawa kayo mula sa mga ito ng isang nakalalasing at isang panustos na maganda. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga taong nakapag-uunawa
Surah An-Nahl, Verse 67


وَأَوۡحَىٰ رَبُّكَ إِلَى ٱلنَّحۡلِ أَنِ ٱتَّخِذِي مِنَ ٱلۡجِبَالِ بُيُوتٗا وَمِنَ ٱلشَّجَرِ وَمِمَّا يَعۡرِشُونَ

Nagkasi ang Panginoon mo sa babaing bubuyog, na [nagsasabi]: "Gumawa ka mula sa mga bundok ng mga bahay, mula sa mga punong-kahoy, at mula sa ipinatitindig nila
Surah An-Nahl, Verse 68


ثُمَّ كُلِي مِن كُلِّ ٱلثَّمَرَٰتِ فَٱسۡلُكِي سُبُلَ رَبِّكِ ذُلُلٗاۚ يَخۡرُجُ مِنۢ بُطُونِهَا شَرَابٞ مُّخۡتَلِفٌ أَلۡوَٰنُهُۥ فِيهِ شِفَآءٞ لِّلنَّاسِۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّقَوۡمٖ يَتَفَكَّرُونَ

Pagkatapos kumain ka mula sa lahat ng mga bunga saka tumahak ka sa mga landas ng Panginoon mo nang sunud-sunuran." May lumalabas mula sa mga tiyan ng mga iyon na isang inuming nagkakaiba-iba ang mga kulay nito, na may taglay itong lunas para sa mga tao. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga taong nag-iisip-isip
Surah An-Nahl, Verse 69


وَٱللَّهُ خَلَقَكُمۡ ثُمَّ يَتَوَفَّىٰكُمۡۚ وَمِنكُم مَّن يُرَدُّ إِلَىٰٓ أَرۡذَلِ ٱلۡعُمُرِ لِكَيۡ لَا يَعۡلَمَ بَعۡدَ عِلۡمٖ شَيۡـًٔاۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمٞ قَدِيرٞ

Si Allāh ay lumikha sa inyo, pagkatapos nagpapapanaw sa inyo. Mayroon sa inyo na pinaaabot sa pinakahamak na gulang upang hindi siya makaalam, matapos ng pagkaalam, ng anuman. Tunay na si Allāh ay Maalam, May-kakayahan
Surah An-Nahl, Verse 70


وَٱللَّهُ فَضَّلَ بَعۡضَكُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖ فِي ٱلرِّزۡقِۚ فَمَا ٱلَّذِينَ فُضِّلُواْ بِرَآدِّي رِزۡقِهِمۡ عَلَىٰ مَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُهُمۡ فَهُمۡ فِيهِ سَوَآءٌۚ أَفَبِنِعۡمَةِ ٱللَّهِ يَجۡحَدُونَ

Si Allāh ay nagtangi ng iba sa inyo higit sa iba sa pagtutustos ngunit ang mga itinangi ay hindi maglilipat ng panustos sa kanila sa mga minay-ari ng mga kanang kamay nila para sila rito ay maging pantay. Kaya ba sa biyaya ni Allāh ay nagkakaila sila
Surah An-Nahl, Verse 71


وَٱللَّهُ جَعَلَ لَكُم مِّنۡ أَنفُسِكُمۡ أَزۡوَٰجٗا وَجَعَلَ لَكُم مِّنۡ أَزۡوَٰجِكُم بَنِينَ وَحَفَدَةٗ وَرَزَقَكُم مِّنَ ٱلطَّيِّبَٰتِۚ أَفَبِٱلۡبَٰطِلِ يُؤۡمِنُونَ وَبِنِعۡمَتِ ٱللَّهِ هُمۡ يَكۡفُرُونَ

Si Allāh ay gumawa para sa inyo mula sa mga sarili ninyo ng mga asawa, gumawa para sa inyo mula sa mga asawa ninyo ng mga anak at mga apo, a tumutustos sa inyo mula sa mga kaaya-ayang bagay. Kaya ba sa kabulaanan sumasampalataya kayo at sa biyaya ni Allāh kayo ay tumatangging kumilala
Surah An-Nahl, Verse 72


وَيَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَا لَا يَمۡلِكُ لَهُمۡ رِزۡقٗا مِّنَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ شَيۡـٔٗا وَلَا يَسۡتَطِيعُونَ

Sumasamba sila sa bukod pa kay Allāh, na hindi nakapagdudulot para sa kanila ng isang panustos mula sa mga langit at lupa na anuman, at hindi nakakakaya
Surah An-Nahl, Verse 73


فَلَا تَضۡرِبُواْ لِلَّهِ ٱلۡأَمۡثَالَۚ إِنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ وَأَنتُمۡ لَا تَعۡلَمُونَ

Kaya huwag kayong maglahad para kay Allāh ng mga paghahalintulad. Tunay na si Allāh ay nakaaalam samantalang kayo ay hindi nakaaalam
Surah An-Nahl, Verse 74


۞ضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلًا عَبۡدٗا مَّمۡلُوكٗا لَّا يَقۡدِرُ عَلَىٰ شَيۡءٖ وَمَن رَّزَقۡنَٰهُ مِنَّا رِزۡقًا حَسَنٗا فَهُوَ يُنفِقُ مِنۡهُ سِرّٗا وَجَهۡرًاۖ هَلۡ يَسۡتَوُۥنَۚ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِۚ بَلۡ أَكۡثَرُهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ

Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad sa isang aliping pinagmamay-ari na hindi nakakakaya ng anuman at sa isang tinustusan Namin mula sa Amin ng isang panustos na maganda kaya siya ay gumugugol mula roon nang palihim at hayagan. Nagkakapantay kaya sila? Ang papuri ay ukol kay Allāh. Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam
Surah An-Nahl, Verse 75


وَضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلٗا رَّجُلَيۡنِ أَحَدُهُمَآ أَبۡكَمُ لَا يَقۡدِرُ عَلَىٰ شَيۡءٖ وَهُوَ كَلٌّ عَلَىٰ مَوۡلَىٰهُ أَيۡنَمَا يُوَجِّههُّ لَا يَأۡتِ بِخَيۡرٍ هَلۡ يَسۡتَوِي هُوَ وَمَن يَأۡمُرُ بِٱلۡعَدۡلِ وَهُوَ عَلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ

Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad sa dalawang lalaki na ang isa sa kanilang dalawa ay pipi na hindi nakakakaya ng anuman at siya ay isang pabigat sa tagatangkilik niya, na saan man ito magbaling sa kanya ay hindi siya nakagagawa ng isang kabutihan. Nagkakapantay kaya siya mismo at ang sinumang nag-uutos ayon sa katarungan habang at ito ay nasa isang landasing tuwid
Surah An-Nahl, Verse 76


وَلِلَّهِ غَيۡبُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ وَمَآ أَمۡرُ ٱلسَّاعَةِ إِلَّا كَلَمۡحِ ٱلۡبَصَرِ أَوۡ هُوَ أَقۡرَبُۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ

Ukol kay Allāh ang [kaalaman sa] Lingid sa mga langit at lupa. Walang iba ang lagay ng Huling Sandali kundi gaya ng kisap ng paningin o higit na malapit. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan
Surah An-Nahl, Verse 77


وَٱللَّهُ أَخۡرَجَكُم مِّنۢ بُطُونِ أُمَّهَٰتِكُمۡ لَا تَعۡلَمُونَ شَيۡـٔٗا وَجَعَلَ لَكُمُ ٱلسَّمۡعَ وَٱلۡأَبۡصَٰرَ وَٱلۡأَفۡـِٔدَةَ لَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ

Si Allāh ay nagpalabas sa inyo mula sa mga tiyan ng mga ina ninyo nang hindi kayo nakaaalam ng anuman at gumawa para sa inyo ng pandinig, mga paningin, at mga puso nang sa gayon kayo ay magpapasalamat
Surah An-Nahl, Verse 78


أَلَمۡ يَرَوۡاْ إِلَى ٱلطَّيۡرِ مُسَخَّرَٰتٖ فِي جَوِّ ٱلسَّمَآءِ مَا يُمۡسِكُهُنَّ إِلَّا ٱللَّهُۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ

Hindi ba sila nakakita sa mga ibon habang mga pinagsisilbi sa himpapawid ng langit? Walang humahawak sa mga ito kundi si Allāh. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong sumasampalataya
Surah An-Nahl, Verse 79


وَٱللَّهُ جَعَلَ لَكُم مِّنۢ بُيُوتِكُمۡ سَكَنٗا وَجَعَلَ لَكُم مِّن جُلُودِ ٱلۡأَنۡعَٰمِ بُيُوتٗا تَسۡتَخِفُّونَهَا يَوۡمَ ظَعۡنِكُمۡ وَيَوۡمَ إِقَامَتِكُمۡ وَمِنۡ أَصۡوَافِهَا وَأَوۡبَارِهَا وَأَشۡعَارِهَآ أَثَٰثٗا وَمَتَٰعًا إِلَىٰ حِينٖ

Si Allāh ay gumawa para sa inyo mula sa mga bahay ninyo ng isang pagtahan at gumawa para sa inyo mula sa mga balat ng mga hayupan ng mga bahay na magagaanan kayo sa mga ito sa araw ng paglalakbay ninyo at sa araw ng paninirahan ninyo, at [gumawa] mula sa mga lana ng mga ito, mga balahibo ng mga ito, at mga buhok ng mga ito ng kasangkapan at natatamasa hanggang sa isang panahon
Surah An-Nahl, Verse 80


وَٱللَّهُ جَعَلَ لَكُم مِّمَّا خَلَقَ ظِلَٰلٗا وَجَعَلَ لَكُم مِّنَ ٱلۡجِبَالِ أَكۡنَٰنٗا وَجَعَلَ لَكُمۡ سَرَٰبِيلَ تَقِيكُمُ ٱلۡحَرَّ وَسَرَٰبِيلَ تَقِيكُم بَأۡسَكُمۡۚ كَذَٰلِكَ يُتِمُّ نِعۡمَتَهُۥ عَلَيۡكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تُسۡلِمُونَ

Si Allāh ay gumawa para sa inyo mula sa nilikha Niya ng mga silungan, gumawa para sa inyo mula sa mga bundok ng mga kanlungan, at gumawa para sa inyo ng mga kasuutang nagsasanggalang sa inyo sa init at mga kasuutang nagsasanggalang sa inyo sa karahasan sa inyo. Gayon Siya naglulubos ng biyaya Niya sa inyo nang sa gayon kayo ay magpapasakop
Surah An-Nahl, Verse 81


فَإِن تَوَلَّوۡاْ فَإِنَّمَا عَلَيۡكَ ٱلۡبَلَٰغُ ٱلۡمُبِينُ

Kaya kung tumalikod sila, tanging kailangan sa iyo ang pagpapaabot na malinaw
Surah An-Nahl, Verse 82


يَعۡرِفُونَ نِعۡمَتَ ٱللَّهِ ثُمَّ يُنكِرُونَهَا وَأَكۡثَرُهُمُ ٱلۡكَٰفِرُونَ

Nakakikilala sila sa biyaya ni Allāh, pagkatapos nagkakaila sila nito, at ang higit na marami sa kanila ay tagatangging sumampalataya
Surah An-Nahl, Verse 83


وَيَوۡمَ نَبۡعَثُ مِن كُلِّ أُمَّةٖ شَهِيدٗا ثُمَّ لَا يُؤۡذَنُ لِلَّذِينَ كَفَرُواْ وَلَا هُمۡ يُسۡتَعۡتَبُونَ

[Banggitin mo] ang araw na bubuhay Kami mula sa bawat kalipunan ng isang saksi. Pagkatapos hindi magpapahintulot para sa mga tumangging sumampalataya at hindi sila hihilinging magpalugod
Surah An-Nahl, Verse 84


وَإِذَا رَءَا ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ ٱلۡعَذَابَ فَلَا يُخَفَّفُ عَنۡهُمۡ وَلَا هُمۡ يُنظَرُونَ

Kapag nakita ng mga lumabag sa katarungan ang pagdurusa, hindi ito pagagaanin sa kanila at hindi sila palulugitan
Surah An-Nahl, Verse 85


وَإِذَا رَءَا ٱلَّذِينَ أَشۡرَكُواْ شُرَكَآءَهُمۡ قَالُواْ رَبَّنَا هَـٰٓؤُلَآءِ شُرَكَآؤُنَا ٱلَّذِينَ كُنَّا نَدۡعُواْ مِن دُونِكَۖ فَأَلۡقَوۡاْ إِلَيۡهِمُ ٱلۡقَوۡلَ إِنَّكُمۡ لَكَٰذِبُونَ

Kapag nakita ng mga nagtambal ang mga pantambal nila ay magsasabi sila: "Panginoon namin, ang mga ito ay ang mga pantambal namin [sa Iyo] na kami dati ay dumadalangin sa kanila bukod pa sa Iyo;" ngunit magpaparating ang mga ito sa kanila ng sasabihin: "Tunay na kayo ay talagang mga sinungaling
Surah An-Nahl, Verse 86


وَأَلۡقَوۡاْ إِلَى ٱللَّهِ يَوۡمَئِذٍ ٱلسَّلَمَۖ وَضَلَّ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَفۡتَرُونَ

Magpaparating sila kay Allāh sa araw na iyon ng pagpapasakop at maglalaho sa kanila ang dati nilang ginagawa-gawa
Surah An-Nahl, Verse 87


ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَصَدُّواْ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ زِدۡنَٰهُمۡ عَذَابٗا فَوۡقَ ٱلۡعَذَابِ بِمَا كَانُواْ يُفۡسِدُونَ

Ang mga tumangging sumampalataya at sumagabal sa landas ni Allāh ay magdaragdag sa kanila ng isang pagdurusa higit sa pagdurusa dahil sila dati ay nanggugulo
Surah An-Nahl, Verse 88


وَيَوۡمَ نَبۡعَثُ فِي كُلِّ أُمَّةٖ شَهِيدًا عَلَيۡهِم مِّنۡ أَنفُسِهِمۡۖ وَجِئۡنَا بِكَ شَهِيدًا عَلَىٰ هَـٰٓؤُلَآءِۚ وَنَزَّلۡنَا عَلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبَ تِبۡيَٰنٗا لِّكُلِّ شَيۡءٖ وَهُدٗى وَرَحۡمَةٗ وَبُشۡرَىٰ لِلۡمُسۡلِمِينَ

[Banggitin mo] ang araw na bubuhay Kami sa bawat kalipunan ng isang saksi sa kanila kabilang sa mga sarili nila at naghatid Kami sa iyo bilang saksi sa mga ito. Nagbaba Kami sa iyo ng Aklat bilang pagpapalinaw para sa bawat bagay, bilang patnubay, bilang awa, at bilang balitang nakagagalak para sa mga Muslim
Surah An-Nahl, Verse 89


۞إِنَّ ٱللَّهَ يَأۡمُرُ بِٱلۡعَدۡلِ وَٱلۡإِحۡسَٰنِ وَإِيتَآيِٕ ذِي ٱلۡقُرۡبَىٰ وَيَنۡهَىٰ عَنِ ٱلۡفَحۡشَآءِ وَٱلۡمُنكَرِ وَٱلۡبَغۡيِۚ يَعِظُكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تَذَكَّرُونَ

Tunay na si Allāh ay nag-uutos ng katarungan, paggawa ng maganda, at pagbibigay sa may pagkakamag-anak; at sumasaway sa kahalayan, nakasasama, at paglabag. Nangangaral Siya sa inyo nang sa gayon kayo ay magsasaalaala
Surah An-Nahl, Verse 90


وَأَوۡفُواْ بِعَهۡدِ ٱللَّهِ إِذَا عَٰهَدتُّمۡ وَلَا تَنقُضُواْ ٱلۡأَيۡمَٰنَ بَعۡدَ تَوۡكِيدِهَا وَقَدۡ جَعَلۡتُمُ ٱللَّهَ عَلَيۡكُمۡ كَفِيلًاۚ إِنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ مَا تَفۡعَلُونَ

Magpatupad kayo sa kasunduan kay Allāh kapag nakipagkasunduan kayo at huwag kayong kumalas sa mga sinumpaan ninyo matapos ng pagbibigay-diin sa mga ito. Gumawa nga kayo kay Allāh bilang tagapanagot sa inyo. Tunay na si Allāh ay nakaaalam sa anumang ginagawa ninyo
Surah An-Nahl, Verse 91


وَلَا تَكُونُواْ كَٱلَّتِي نَقَضَتۡ غَزۡلَهَا مِنۢ بَعۡدِ قُوَّةٍ أَنكَٰثٗا تَتَّخِذُونَ أَيۡمَٰنَكُمۡ دَخَلَۢا بَيۡنَكُمۡ أَن تَكُونَ أُمَّةٌ هِيَ أَرۡبَىٰ مِنۡ أُمَّةٍۚ إِنَّمَا يَبۡلُوكُمُ ٱللَّهُ بِهِۦۚ وَلَيُبَيِّنَنَّ لَكُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ مَا كُنتُمۡ فِيهِ تَخۡتَلِفُونَ

Huwag kayong maging gaya ng [babaing] kumalas sa pagsisinulid niya, nang matapos ng isang kalakasan [ng pagkasinulid] nito, para maging mga himaymay. Gumagawa kayo sa mga sinumpaan ninyo bilang pandaraya sa pagitan ninyo dahil baka may isang kalipunang ito ay maging higit na malago kaysa sa isang kalipunan. Sumusubok lamang sa inyo si Allāh sa pamamagitan nito at talagang maglilinaw nga Siya para sa inyo sa Araw ng Pagbangon ng anumang dati kayo hinggil doon ay nagkakaiba-iba
Surah An-Nahl, Verse 92


وَلَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ لَجَعَلَكُمۡ أُمَّةٗ وَٰحِدَةٗ وَلَٰكِن يُضِلُّ مَن يَشَآءُ وَيَهۡدِي مَن يَشَآءُۚ وَلَتُسۡـَٔلُنَّ عَمَّا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ

Kung sakaling niloob ni Allāh ay talaga sanang gumawa Siya sa inyo bilang kalipunang nag-iisa, subalit nagliligaw Siya sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay Siya sa sinumang niloloob Niya. Talagang tatanungin nga kayo tungkol sa anumang dati ninyong ginagawa
Surah An-Nahl, Verse 93


وَلَا تَتَّخِذُوٓاْ أَيۡمَٰنَكُمۡ دَخَلَۢا بَيۡنَكُمۡ فَتَزِلَّ قَدَمُۢ بَعۡدَ ثُبُوتِهَا وَتَذُوقُواْ ٱلسُّوٓءَ بِمَا صَدَدتُّمۡ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ وَلَكُمۡ عَذَابٌ عَظِيمٞ

Huwag kayong gumawa sa mga sinumpaan ninyo bilang pandaraya sa pagitan ninyo dahil baka may matisod na paa matapos ng katatagan nito at lumasap kayo ng kasagwaan dahil sa sumagabal kayo sa landas ni Allāh. Ukol sa inyo ay isang pagdurusang sukdulan
Surah An-Nahl, Verse 94


وَلَا تَشۡتَرُواْ بِعَهۡدِ ٱللَّهِ ثَمَنٗا قَلِيلًاۚ إِنَّمَا عِندَ ٱللَّهِ هُوَ خَيۡرٞ لَّكُمۡ إِن كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ

Huwag kayong magpalit sa kasunduan kay Allāh sa isang halagang kaunti. Tunay na ang nasa ganang kay Allāh ay pinakamabuti para sa inyo, kung kayo ay nakaaalam
Surah An-Nahl, Verse 95


مَا عِندَكُمۡ يَنفَدُ وَمَا عِندَ ٱللَّهِ بَاقٖۗ وَلَنَجۡزِيَنَّ ٱلَّذِينَ صَبَرُوٓاْ أَجۡرَهُم بِأَحۡسَنِ مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ

Ang anumang nasa ganang inyo ay nauubos samantalang ang anumang nasa ganang kay Allāh ay mananatili. Talagang gaganti nga Kami sa mga nagtiis ng pabuya sa kanila ayon sa higit na maganda sa anumang dati nilang ginagawa
Surah An-Nahl, Verse 96


مَنۡ عَمِلَ صَٰلِحٗا مِّن ذَكَرٍ أَوۡ أُنثَىٰ وَهُوَ مُؤۡمِنٞ فَلَنُحۡيِيَنَّهُۥ حَيَوٰةٗ طَيِّبَةٗۖ وَلَنَجۡزِيَنَّهُمۡ أَجۡرَهُم بِأَحۡسَنِ مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ

Ang sinumang gumawa ng isang maayos, na isang lalaki o isang babae, habang siya ay isang mananampalataya ay talagang magpapamuhay nga Kami sa kanya nang isang buhay na kaaya-aya at talagang gaganti nga Kami sa kanila ng pabuya sa kanila ayon sa higit na maganda sa anumang dati nilang ginagawa
Surah An-Nahl, Verse 97


فَإِذَا قَرَأۡتَ ٱلۡقُرۡءَانَ فَٱسۡتَعِذۡ بِٱللَّهِ مِنَ ٱلشَّيۡطَٰنِ ٱلرَّجِيمِ

Kaya kapag bumigkas ka ng Qur’ān ay humiling ka ng pagkukupkop ni Allāh laban sa demonyong kasumpa-sumpa
Surah An-Nahl, Verse 98


إِنَّهُۥ لَيۡسَ لَهُۥ سُلۡطَٰنٌ عَلَى ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَلَىٰ رَبِّهِمۡ يَتَوَكَّلُونَ

Tunay na siya ay walang kapamahalaan sa mga sumampalataya at sa Panginoon nila ay nananalig
Surah An-Nahl, Verse 99


إِنَّمَا سُلۡطَٰنُهُۥ عَلَى ٱلَّذِينَ يَتَوَلَّوۡنَهُۥ وَٱلَّذِينَ هُم بِهِۦ مُشۡرِكُونَ

Tanging ang kapamahalaan niya ay nasa mga tumatangkilik sa kanya at yaong sila sa pamamagitan niya ay mga tagapagtambal [kay Allāh]
Surah An-Nahl, Verse 100


وَإِذَا بَدَّلۡنَآ ءَايَةٗ مَّكَانَ ءَايَةٖ وَٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِمَا يُنَزِّلُ قَالُوٓاْ إِنَّمَآ أَنتَ مُفۡتَرِۭۚ بَلۡ أَكۡثَرُهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ

Kapag nagpalit ng isang talata sa halip ng isang talata – at si Allāh ay higit na maalam sa ibinababa Niya – ay nagsasabi sila: "Ikaw ay isang gumagawa-gawa lamang." Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam
Surah An-Nahl, Verse 101


قُلۡ نَزَّلَهُۥ رُوحُ ٱلۡقُدُسِ مِن رَّبِّكَ بِٱلۡحَقِّ لِيُثَبِّتَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَهُدٗى وَبُشۡرَىٰ لِلۡمُسۡلِمِينَ

Sabihin mo: "Nagbaba nito ang Espiritu ng Kabanalan mula sa Panginoon mo kalakip ng katotohanan upang magpatatag siya mga sumampalataya at bilang patnubay at bilang balitang nakagagalak para sa mga Muslim
Surah An-Nahl, Verse 102


وَلَقَدۡ نَعۡلَمُ أَنَّهُمۡ يَقُولُونَ إِنَّمَا يُعَلِّمُهُۥ بَشَرٞۗ لِّسَانُ ٱلَّذِي يُلۡحِدُونَ إِلَيۡهِ أَعۡجَمِيّٞ وَهَٰذَا لِسَانٌ عَرَبِيّٞ مُّبِينٌ

Talaga ngang nakaaalam Kami na sila ay nagsasabi: "Tinuturuan lamang siya ng isang tao." Ang dila ng ipinasasaring nila ay banyaga samantalang ito ay isang dilang Arabeng malinaw
Surah An-Nahl, Verse 103


إِنَّ ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ لَا يَهۡدِيهِمُ ٱللَّهُ وَلَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٌ

Tunay na ang mga hindi sumasampalataya sa mga tanda ni Allāh ay hindi magpapatnubay sa kanila si Allāh at ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit
Surah An-Nahl, Verse 104


إِنَّمَا يَفۡتَرِي ٱلۡكَذِبَ ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِۖ وَأُوْلَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡكَٰذِبُونَ

Gumagawa-gawa lamang ng kasinungalingan ang mga hindi sumasampalataya sa mga tanda ni Allāh. Ang mga iyon ay ang mga sinungaling
Surah An-Nahl, Verse 105


مَن كَفَرَ بِٱللَّهِ مِنۢ بَعۡدِ إِيمَٰنِهِۦٓ إِلَّا مَنۡ أُكۡرِهَ وَقَلۡبُهُۥ مُطۡمَئِنُّۢ بِٱلۡإِيمَٰنِ وَلَٰكِن مَّن شَرَحَ بِٱلۡكُفۡرِ صَدۡرٗا فَعَلَيۡهِمۡ غَضَبٞ مِّنَ ٱللَّهِ وَلَهُمۡ عَذَابٌ عَظِيمٞ

Ang sinumang tumangging sumampalataya kay Allāh noong matapos ng pagsampalataya niya – hindi ang sinumang pinilit habang ang puso niya ay napapanatag sa pananampalataya subalit ang sinumang nagbukas ng dibdib sa kawalang-pananampalataya – laban sa kanila ay isang galit mula kay Allāh at ukol sa kanila ay isang pagdurusang sukdulan
Surah An-Nahl, Verse 106


ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمُ ٱسۡتَحَبُّواْ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا عَلَى ٱلۡأٓخِرَةِ وَأَنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡكَٰفِرِينَ

Iyon ay dahil sila ay napaibig sa buhay na pangmundo higit sa Kabilang-buhay at na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagatangging sumampalataya
Surah An-Nahl, Verse 107


أُوْلَـٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ طَبَعَ ٱللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ وَسَمۡعِهِمۡ وَأَبۡصَٰرِهِمۡۖ وَأُوْلَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡغَٰفِلُونَ

Ang mga iyon ang mga nagsara si Allāh sa mga puso nila, pandinig nila, at mga paningin nila. Ang mga iyon ay ang mga nalilingat
Surah An-Nahl, Verse 108


لَا جَرَمَ أَنَّهُمۡ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ هُمُ ٱلۡخَٰسِرُونَ

Walang pasubali na sila sa Kabilang-buhay ay ang mga lugi
Surah An-Nahl, Verse 109


ثُمَّ إِنَّ رَبَّكَ لِلَّذِينَ هَاجَرُواْ مِنۢ بَعۡدِ مَا فُتِنُواْ ثُمَّ جَٰهَدُواْ وَصَبَرُوٓاْ إِنَّ رَبَّكَ مِنۢ بَعۡدِهَا لَغَفُورٞ رَّحِيمٞ

Pagkatapos tunay na ang Panginoon mo para sa mga lumikas noong matapos na usigin sila pagkatapos nakibaka sila at nagtiis sila, tunay na ang Panginoon mo noong matapos niyon ay talagang Mapagpatawad, Maawain
Surah An-Nahl, Verse 110


۞يَوۡمَ تَأۡتِي كُلُّ نَفۡسٖ تُجَٰدِلُ عَن نَّفۡسِهَا وَتُوَفَّىٰ كُلُّ نَفۡسٖ مَّا عَمِلَتۡ وَهُمۡ لَا يُظۡلَمُونَ

[Banggitin mo] ang araw na pupunta ang bawat kaluluwa na makikipagtalo para sa sarili nito, lulubus-lubusin ang bawat kaluluwa sa [kabayaran sa] anumang ginawa nito at sila ay hindi lalabagin sa katarungan
Surah An-Nahl, Verse 111


وَضَرَبَ ٱللَّهُ مَثَلٗا قَرۡيَةٗ كَانَتۡ ءَامِنَةٗ مُّطۡمَئِنَّةٗ يَأۡتِيهَا رِزۡقُهَا رَغَدٗا مِّن كُلِّ مَكَانٖ فَكَفَرَتۡ بِأَنۡعُمِ ٱللَّهِ فَأَذَٰقَهَا ٱللَّهُ لِبَاسَ ٱلۡجُوعِ وَٱلۡخَوۡفِ بِمَا كَانُواْ يَصۡنَعُونَ

Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad sa isang pamayanan na iyon dati ay matiwasay at napapanatag. Pumupunta roon ang panustos niyon nang masagana mula sa bawat pook ngunit nagkaila iyon sa mga biyaya ni Allāh kaya nagpatikim doon si Allāh ng damit ng pagkagutom at pangamba dahil sa dati nilang niyayari
Surah An-Nahl, Verse 112


وَلَقَدۡ جَآءَهُمۡ رَسُولٞ مِّنۡهُمۡ فَكَذَّبُوهُ فَأَخَذَهُمُ ٱلۡعَذَابُ وَهُمۡ ظَٰلِمُونَ

Talaga ngang may dumating sa kanila na isang sugong kabilang sa kanila ngunit nagpasinungaling sila sa kanya kaya dumaklot sa kanila ang pagdurusa habang sila ay mga tagalabag sa katarungan
Surah An-Nahl, Verse 113


فَكُلُواْ مِمَّا رَزَقَكُمُ ٱللَّهُ حَلَٰلٗا طَيِّبٗا وَٱشۡكُرُواْ نِعۡمَتَ ٱللَّهِ إِن كُنتُمۡ إِيَّاهُ تَعۡبُدُونَ

Kaya kumain kayo mula sa itinustos sa inyo ni Allāh bilang ipinahihintulot na kaaya-aya at magpasalamat kayo sa biyaya ni Allāh, kung kayo ay sa Kanya sumasamba
Surah An-Nahl, Verse 114


إِنَّمَا حَرَّمَ عَلَيۡكُمُ ٱلۡمَيۡتَةَ وَٱلدَّمَ وَلَحۡمَ ٱلۡخِنزِيرِ وَمَآ أُهِلَّ لِغَيۡرِ ٱللَّهِ بِهِۦۖ فَمَنِ ٱضۡطُرَّ غَيۡرَ بَاغٖ وَلَا عَادٖ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ

Nagbawal lamang Siya sa inyo ng patay, dugo, laman ng baboy, at anumang inialay sa iba pa kay Allāh; ngunit ang sinumang napilitan, nang hindi naghahangad ni lumalampas, tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain
Surah An-Nahl, Verse 115


وَلَا تَقُولُواْ لِمَا تَصِفُ أَلۡسِنَتُكُمُ ٱلۡكَذِبَ هَٰذَا حَلَٰلٞ وَهَٰذَا حَرَامٞ لِّتَفۡتَرُواْ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَۚ إِنَّ ٱلَّذِينَ يَفۡتَرُونَ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَ لَا يُفۡلِحُونَ

Huwag kayong magsabi ukol sa anumang naglalarawan ang mga dila ninyo ng kasinungalingan: "Ito ay ipinahihintulot at ito ay ipinagbabawal," upang gumawa-gawa kayo laban kay Allāh ng kasinungalingan. Tunay na ang mga gumagawa-gawa laban kay Allāh ng kasinungalingan ay hindi magtatagumpay
Surah An-Nahl, Verse 116


مَتَٰعٞ قَلِيلٞ وَلَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ

[Ukol sa kanila ay] isang natatamasang kaunti at ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit
Surah An-Nahl, Verse 117


وَعَلَى ٱلَّذِينَ هَادُواْ حَرَّمۡنَا مَا قَصَصۡنَا عَلَيۡكَ مِن قَبۡلُۖ وَمَا ظَلَمۡنَٰهُمۡ وَلَٰكِن كَانُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ يَظۡلِمُونَ

Sa mga nagpakahudyo ay nagbawal Kami ng isinalaysay Namin sa iyo bago pa niyan. Hindi Kami lumabag sa kanila sa katarungan subalit sila dati sa mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan
Surah An-Nahl, Verse 118


ثُمَّ إِنَّ رَبَّكَ لِلَّذِينَ عَمِلُواْ ٱلسُّوٓءَ بِجَهَٰلَةٖ ثُمَّ تَابُواْ مِنۢ بَعۡدِ ذَٰلِكَ وَأَصۡلَحُوٓاْ إِنَّ رَبَّكَ مِنۢ بَعۡدِهَا لَغَفُورٞ رَّحِيمٌ

Pagkatapos tunay na ang Panginoon mo para sa mga gumawa ng kasagwaan dahil sa kamangmangan, pagkatapos nagbalik-loob sila noong matapos niyon at nagsaayos sila, tunay na ang Panginoon mo matapos niyon ay talagang Mapagpatawad, Maawain
Surah An-Nahl, Verse 119


إِنَّ إِبۡرَٰهِيمَ كَانَ أُمَّةٗ قَانِتٗا لِّلَّهِ حَنِيفٗا وَلَمۡ يَكُ مِنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ

Tunay na si Abraham noon ay isang kalipunang masunurin kay Allāh, na makatotoo – at hindi nangyaring siya ay kabilang sa mga tagapagtambal –
Surah An-Nahl, Verse 120


شَاكِرٗا لِّأَنۡعُمِهِۚ ٱجۡتَبَىٰهُ وَهَدَىٰهُ إِلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ

na tagapagpasalamat sa mga biyaya Niya. Humalal Siya rito at nagpatnubay Siya rito tungo sa isang landasing tuwid
Surah An-Nahl, Verse 121


وَءَاتَيۡنَٰهُ فِي ٱلدُّنۡيَا حَسَنَةٗۖ وَإِنَّهُۥ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ لَمِنَ ٱلصَّـٰلِحِينَ

Nagbigay Kami sa kanya sa Mundo ng isang maganda at tunay na siya sa Kabilang-buhay ay talagang kabilang sa mga maayos
Surah An-Nahl, Verse 122


ثُمَّ أَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡكَ أَنِ ٱتَّبِعۡ مِلَّةَ إِبۡرَٰهِيمَ حَنِيفٗاۖ وَمَا كَانَ مِنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ

Pagkatapos nagkasi Kami sa iyo na sumunod ka sa kapaniwalaan ni Abraham bilang makatotoo. Hindi siya noon kabilang sa mga tagapagtambal
Surah An-Nahl, Verse 123


إِنَّمَا جُعِلَ ٱلسَّبۡتُ عَلَى ٱلَّذِينَ ٱخۡتَلَفُواْ فِيهِۚ وَإِنَّ رَبَّكَ لَيَحۡكُمُ بَيۡنَهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ فِيمَا كَانُواْ فِيهِ يَخۡتَلِفُونَ

Itinalaga lamang ang Sabath para sa mga nagkaiba-iba hinggil dito. Tunay na ang Panginoon mo ay talagang maghahatol sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon hinggil sa sila dati hinggil doon ay nagkakaiba-iba
Surah An-Nahl, Verse 124


ٱدۡعُ إِلَىٰ سَبِيلِ رَبِّكَ بِٱلۡحِكۡمَةِ وَٱلۡمَوۡعِظَةِ ٱلۡحَسَنَةِۖ وَجَٰدِلۡهُم بِٱلَّتِي هِيَ أَحۡسَنُۚ إِنَّ رَبَّكَ هُوَ أَعۡلَمُ بِمَن ضَلَّ عَن سَبِيلِهِۦ وَهُوَ أَعۡلَمُ بِٱلۡمُهۡتَدِينَ

Mag-anyaya ka tungo sa landas ng Panginoon mo sa pamamagitan ng karunungan at pangaral na maganda, at makipagtalo ka sa kanila ayon sa siyang pinakamaganda. Tunay na ang Panginoon mo ay higit na maalam sa sinumang naligaw palayo sa landas Niya. Siya ay higit na maalam sa mga napatnubayan
Surah An-Nahl, Verse 125


وَإِنۡ عَاقَبۡتُمۡ فَعَاقِبُواْ بِمِثۡلِ مَا عُوقِبۡتُم بِهِۦۖ وَلَئِن صَبَرۡتُمۡ لَهُوَ خَيۡرٞ لِّلصَّـٰبِرِينَ

Kung magpaparusa kayo ay magparusa kayo ng tulad ng ipinarusa sa inyo. Talagang kung magtitiis kayo, talagang iyon ay pinakamabuti para sa mga nagtitiis
Surah An-Nahl, Verse 126


وَٱصۡبِرۡ وَمَا صَبۡرُكَ إِلَّا بِٱللَّهِۚ وَلَا تَحۡزَنۡ عَلَيۡهِمۡ وَلَا تَكُ فِي ضَيۡقٖ مِّمَّا يَمۡكُرُونَ

Magtiis ka at walang iba ang pagtitiis mo kundi sa pamamagitan ni Allāh. Huwag kang malungkot para sa kanila at huwag kang maging nasa isang paninikip [ng dibdib] dahil nanlalansi sila
Surah An-Nahl, Verse 127


إِنَّ ٱللَّهَ مَعَ ٱلَّذِينَ ٱتَّقَواْ وَّٱلَّذِينَ هُم مُّحۡسِنُونَ

Tunay na si Allāh ay kasama ng mga nangilag magkasala at ng mga gumagawa ng maganda
Surah An-Nahl, Verse 128


Author: Www.islamhouse.com


<< Surah 15
>> Surah 17

Filipino Translations by other Authors


Filipino Translation By Abdullatif Eduardo M. Arceo
Filipino Translation By Www.islamhouse.com
Popular Areas
Apartments for rent in Dubai Apartments for rent Abu Dhabi Villas for rent in Dubai House for rent Abu Dhabi Apartments for sale in Dubai Apartments for sale in Abu Dhabi Flat for rent Sharjah
Popular Searches
Studios for rent in UAE Apartments for rent in UAE Villas for rent in UAE Apartments for sale in UAE Villas for sale in UAE Land for sale in UAE Dubai Real Estate
Trending Areas
Apartments for rent in Dubai Marina Apartments for sale in Dubai Marina Villa for rent in Sharjah Villa for sale in Dubai Flat for rent in Ajman Studio for rent in Abu Dhabi Villa for rent in Ajman
Trending Searches
Villa for rent in Abu Dhabi Shop for rent in Dubai Villas for sale in Ajman Studio for rent in Sharjah 1 Bedroom Apartment for rent in Dubai Property for rent in Abu Dhabi Commercial properties for sale
© Copyright Dubai Prayer Time. All Rights Reserved
Designed by Prayer Time In Dubai