UAE Prayer Times

  • Dubai
  • Abu Dhabi
  • Sharjah
  • Ajman
  • Fujairah
  • Umm Al Quwain
  • Ras Al Khaimah
  • Quran Translations

Surah Al-Furqan - Filipino Translation by Www.islamhouse.com


تَبَارَكَ ٱلَّذِي نَزَّلَ ٱلۡفُرۡقَانَ عَلَىٰ عَبۡدِهِۦ لِيَكُونَ لِلۡعَٰلَمِينَ نَذِيرًا

Napakamapagpala ang nagbaba ng pamantayan sa Lingkod Niya upang ito para sa mga nilalang ay maging isang mapagbabala
Surah Al-Furqan, Verse 1


ٱلَّذِي لَهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَلَمۡ يَتَّخِذۡ وَلَدٗا وَلَمۡ يَكُن لَّهُۥ شَرِيكٞ فِي ٱلۡمُلۡكِ وَخَلَقَ كُلَّ شَيۡءٖ فَقَدَّرَهُۥ تَقۡدِيرٗا

na sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa. Hindi Siya gumawa ng anak, hindi Siya nagkaroon ng katambal sa paghahari, at lumikha Siya sa bawat bagay saka nagtakda Siya rito ayon isang pagtatakda
Surah Al-Furqan, Verse 2


وَٱتَّخَذُواْ مِن دُونِهِۦٓ ءَالِهَةٗ لَّا يَخۡلُقُونَ شَيۡـٔٗا وَهُمۡ يُخۡلَقُونَ وَلَا يَمۡلِكُونَ لِأَنفُسِهِمۡ ضَرّٗا وَلَا نَفۡعٗا وَلَا يَمۡلِكُونَ مَوۡتٗا وَلَا حَيَوٰةٗ وَلَا نُشُورٗا

Gumawa sila sa bukod pa sa Kanya ng mga diyos na hindi lumilikha ng anuman samantalang sila ay nililikha. Hindi sila nakapagdudulot para sa mga sarili nila ng isang pinsala ni isang pakinabang at hindi sila nakapagdudulot ng isang kamatayan ni isang buhay ni isang pagpapabuhay
Surah Al-Furqan, Verse 3


وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّآ إِفۡكٌ ٱفۡتَرَىٰهُ وَأَعَانَهُۥ عَلَيۡهِ قَوۡمٌ ءَاخَرُونَۖ فَقَدۡ جَآءُو ظُلۡمٗا وَزُورٗا

Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: "Walang iba ito kundi isang kabulaanang ginawa-gawa niya, at may tumulong sa kanya rito na mga ibang tao," ngunit naghatid nga sila ng isang kawalang-katarungan at isang kasinungalingan
Surah Al-Furqan, Verse 4


وَقَالُوٓاْ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ ٱكۡتَتَبَهَا فَهِيَ تُمۡلَىٰ عَلَيۡهِ بُكۡرَةٗ وَأَصِيلٗا

Nagsabi sila: "Mga alamat ng mga sinauna [ito], na itinala niya saka ang mga ito ay idinidikta sa kanya sa umaga at hapon
Surah Al-Furqan, Verse 5


قُلۡ أَنزَلَهُ ٱلَّذِي يَعۡلَمُ ٱلسِّرَّ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ إِنَّهُۥ كَانَ غَفُورٗا رَّحِيمٗا

Sabihin mo: "Nagpababa nito ang nakaaalam ng lihim sa mga langit at lupa. Tunay na Siya ay laging Mapagpatawad, Maawain
Surah Al-Furqan, Verse 6


وَقَالُواْ مَالِ هَٰذَا ٱلرَّسُولِ يَأۡكُلُ ٱلطَّعَامَ وَيَمۡشِي فِي ٱلۡأَسۡوَاقِ لَوۡلَآ أُنزِلَ إِلَيۡهِ مَلَكٞ فَيَكُونَ مَعَهُۥ نَذِيرًا

Nagsabi sila: "Ano ang mayroon sa Sugong ito na kumakain ng pagkain at naglalakad sa mga palengke? Bakit kasi walang pinababa sa kanya na isang anghel para ito kasama sa kanya ay maging isang mapagbabala
Surah Al-Furqan, Verse 7


أَوۡ يُلۡقَىٰٓ إِلَيۡهِ كَنزٌ أَوۡ تَكُونُ لَهُۥ جَنَّةٞ يَأۡكُلُ مِنۡهَاۚ وَقَالَ ٱلظَّـٰلِمُونَ إِن تَتَّبِعُونَ إِلَّا رَجُلٗا مَّسۡحُورًا

O [bakit kasi walang] ipinupukol sa kanya na isang kayamanan, o [bakit kasi hindi] siya nagkakaroon ng isang hardin na kakain siya mula roon?" Nagsabi ang mga tagalabag sa katarungan: "Hindi kayo sumusunod kundi sa isang lalaking nagaway
Surah Al-Furqan, Verse 8


ٱنظُرۡ كَيۡفَ ضَرَبُواْ لَكَ ٱلۡأَمۡثَٰلَ فَضَلُّواْ فَلَا يَسۡتَطِيعُونَ سَبِيلٗا

Tumingin ka kung papaanong naglahad sila para sa iyo ng mga paghahalintulad kaya naligaw sila saka hindi sila nakakakaya [na magkaroon] ng isang landas
Surah Al-Furqan, Verse 9


تَبَارَكَ ٱلَّذِيٓ إِن شَآءَ جَعَلَ لَكَ خَيۡرٗا مِّن ذَٰلِكَ جَنَّـٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ وَيَجۡعَل لَّكَ قُصُورَۢا

Napakamapagpala Siya na kung niloob Niya ay gumawa Siya para sa iyo ng higit na mabuti kaysa roon: mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog, at gagawa Siya para sa iyo ng mga palasyo
Surah Al-Furqan, Verse 10


بَلۡ كَذَّبُواْ بِٱلسَّاعَةِۖ وَأَعۡتَدۡنَا لِمَن كَذَّبَ بِٱلسَّاعَةِ سَعِيرًا

Bagkus nagpasinungaling sila sa Huling Sandali. Naglaan Kami para sa sinumang nagpasinungaling sa Huling Sandali ng Liyab
Surah Al-Furqan, Verse 11


إِذَا رَأَتۡهُم مِّن مَّكَانِۭ بَعِيدٖ سَمِعُواْ لَهَا تَغَيُّظٗا وَزَفِيرٗا

Kapag nakakita ito sa kanila mula sa isang pook na malayo ay makaririnig sila para rito ng isang pagngingitngit at isang pagsinghal
Surah Al-Furqan, Verse 12


وَإِذَآ أُلۡقُواْ مِنۡهَا مَكَانٗا ضَيِّقٗا مُّقَرَّنِينَ دَعَوۡاْ هُنَالِكَ ثُبُورٗا

Kapag ipinukol sila mula roon sa isang lugar na masikip habang mga pinaggagapos ay mananawagan sila roon ng pagkagupo
Surah Al-Furqan, Verse 13


لَّا تَدۡعُواْ ٱلۡيَوۡمَ ثُبُورٗا وَٰحِدٗا وَٱدۡعُواْ ثُبُورٗا كَثِيرٗا

Huwag kayong manawagan ngayong Araw ng pagkagupong nag-iisa. Manawagan kayo ng pagkagupong marami
Surah Al-Furqan, Verse 14


قُلۡ أَذَٰلِكَ خَيۡرٌ أَمۡ جَنَّةُ ٱلۡخُلۡدِ ٱلَّتِي وُعِدَ ٱلۡمُتَّقُونَۚ كَانَتۡ لَهُمۡ جَزَآءٗ وَمَصِيرٗا

Sabihin mo: "Iyon ba ay higit na mabuti o ang hardin ng kawalang-hanggan na ipinangako sa mga tagapangilag magkasala?" Ito para sa kanila ay magiging isang gantimpala at isang kahahantungan
Surah Al-Furqan, Verse 15


لَّهُمۡ فِيهَا مَا يَشَآءُونَ خَٰلِدِينَۚ كَانَ عَلَىٰ رَبِّكَ وَعۡدٗا مَّسۡـُٔولٗا

Ukol sa kanila roon ang anumang niloloob nila habang mga mamamalagi. Laging iyon sa Panginoon mo ay isang pangakong hinihiling
Surah Al-Furqan, Verse 16


وَيَوۡمَ يَحۡشُرُهُمۡ وَمَا يَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ فَيَقُولُ ءَأَنتُمۡ أَضۡلَلۡتُمۡ عِبَادِي هَـٰٓؤُلَآءِ أَمۡ هُمۡ ضَلُّواْ ٱلسَّبِيلَ

[Banggitin mo] ang araw na kakalap si Allāh sa kanila at sa anumang sinasamba nila bukod pa sa Kanya saka magsasabi Siya: "Kayo ba ay nagligaw sa mga lingkod Kong ito o sila ay naligaw sa landas
Surah Al-Furqan, Verse 17


قَالُواْ سُبۡحَٰنَكَ مَا كَانَ يَنۢبَغِي لَنَآ أَن نَّتَّخِذَ مِن دُونِكَ مِنۡ أَوۡلِيَآءَ وَلَٰكِن مَّتَّعۡتَهُمۡ وَءَابَآءَهُمۡ حَتَّىٰ نَسُواْ ٱلذِّكۡرَ وَكَانُواْ قَوۡمَۢا بُورٗا

Nagsabi sila: "Kaluwalhatian sa Iyo! Hindi naging nararapat para sa amin na gumawa Kami bukod pa sa Iyo ng anumang mga katangkilik, subalit nagpatamasa Ka sa kanila at sa mga magulang nila hanggang sa nakalimot sila sa paalaala. Sila noon ay mga taong napariwara
Surah Al-Furqan, Verse 18


فَقَدۡ كَذَّبُوكُم بِمَا تَقُولُونَ فَمَا تَسۡتَطِيعُونَ صَرۡفٗا وَلَا نَصۡرٗاۚ وَمَن يَظۡلِم مِّنكُمۡ نُذِقۡهُ عَذَابٗا كَبِيرٗا

Magpapasinungaling nga sila sa inyo sa sinasabi ninyo at hindi kayo makakakaya ng pagbaling ni ng pag-aadya. Ang sinumang lalabag sa katarungan kabilang sa inyo ay magpapatikim Kami sa kanya ng isang pagdurusang malaki
Surah Al-Furqan, Verse 19


وَمَآ أَرۡسَلۡنَا قَبۡلَكَ مِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ إِلَّآ إِنَّهُمۡ لَيَأۡكُلُونَ ٱلطَّعَامَ وَيَمۡشُونَ فِي ٱلۡأَسۡوَاقِۗ وَجَعَلۡنَا بَعۡضَكُمۡ لِبَعۡضٖ فِتۡنَةً أَتَصۡبِرُونَۗ وَكَانَ رَبُّكَ بَصِيرٗا

Magpapasinungaling nga sila sa inyo sa sinasabi ninyo saka hindi kayo makakakaya ng isang paglilihis ni isang pag-aadya. Ang sinumang lalabag sa katarungan kabilang sa inyo ay magpapatikim Kami sa kanya ng isang pagdurusang malaki
Surah Al-Furqan, Verse 20


۞وَقَالَ ٱلَّذِينَ لَا يَرۡجُونَ لِقَآءَنَا لَوۡلَآ أُنزِلَ عَلَيۡنَا ٱلۡمَلَـٰٓئِكَةُ أَوۡ نَرَىٰ رَبَّنَاۗ لَقَدِ ٱسۡتَكۡبَرُواْ فِيٓ أَنفُسِهِمۡ وَعَتَوۡ عُتُوّٗا كَبِيرٗا

Nagsabi ang mga hindi nag-aasam ng pakikipagkita sa Amin: "Bakit kasi hindi pinababa sa amin ang mga anghel o [hindi] kami nakakikita sa Panginoon namin." Talaga ngang nagmalaki sila sa mga sarili nila at nagpakapalalo sa isang pagpapakapalalong malaki
Surah Al-Furqan, Verse 21


يَوۡمَ يَرَوۡنَ ٱلۡمَلَـٰٓئِكَةَ لَا بُشۡرَىٰ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُجۡرِمِينَ وَيَقُولُونَ حِجۡرٗا مَّحۡجُورٗا

Sa Araw na makikita nila ang mga anghel, walang balitang nakagagalak sa araw na iyon para sa mga salarin at magsasabi [ang mga anghel]: "Isang hadlang na hinadlangan
Surah Al-Furqan, Verse 22


وَقَدِمۡنَآ إِلَىٰ مَا عَمِلُواْ مِنۡ عَمَلٖ فَجَعَلۡنَٰهُ هَبَآءٗ مَّنثُورًا

Tutuon Kami sa anumang ginawa nila na gawain saka gagawa Kami rito na alabok na isinabog
Surah Al-Furqan, Verse 23


أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَنَّةِ يَوۡمَئِذٍ خَيۡرٞ مُّسۡتَقَرّٗا وَأَحۡسَنُ مَقِيلٗا

Ang mga maninirahan sa Paraiso sa Araw na iyon ay higit na mabuti sa pagtitigilan at higit na maganda sa pahihingahan
Surah Al-Furqan, Verse 24


وَيَوۡمَ تَشَقَّقُ ٱلسَّمَآءُ بِٱلۡغَمَٰمِ وَنُزِّلَ ٱلۡمَلَـٰٓئِكَةُ تَنزِيلًا

[Banggitin mo] ang araw na magkakabiyak-biyak ang langit na may mga ulap at ibababa ang mga anghel sa [maramihang] pagbababa
Surah Al-Furqan, Verse 25


ٱلۡمُلۡكُ يَوۡمَئِذٍ ٱلۡحَقُّ لِلرَّحۡمَٰنِۚ وَكَانَ يَوۡمًا عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ عَسِيرٗا

Ang paghahari, sa Araw na iyon, na totoo ay ukol sa Pinakamaawain. Iyon ay magiging isang Araw na mahirap laban sa mga tagatangging sumampalataya
Surah Al-Furqan, Verse 26


وَيَوۡمَ يَعَضُّ ٱلظَّالِمُ عَلَىٰ يَدَيۡهِ يَقُولُ يَٰلَيۡتَنِي ٱتَّخَذۡتُ مَعَ ٱلرَّسُولِ سَبِيلٗا

[Banggitin mo] ang araw na kakagat ang tagalabag sa katarungan sa mga kamay niya, na nagsasabi: "O kung sana ako ay tumahak kasama sa Sugo sa landas
Surah Al-Furqan, Verse 27


يَٰوَيۡلَتَىٰ لَيۡتَنِي لَمۡ أَتَّخِذۡ فُلَانًا خَلِيلٗا

O kapighatian sa akin! Kung sana ako ay hindi gumawa kay Polano bilang matalik na kaibigan
Surah Al-Furqan, Verse 28


لَّقَدۡ أَضَلَّنِي عَنِ ٱلذِّكۡرِ بَعۡدَ إِذۡ جَآءَنِيۗ وَكَانَ ٱلشَّيۡطَٰنُ لِلۡإِنسَٰنِ خَذُولٗا

Talaga ngang nagligaw siya sa akin palayo sa pag-alaala matapos noong dumating ito sa akin. Laging ang demonyo para sa tao ay mapagkanulo
Surah Al-Furqan, Verse 29


وَقَالَ ٱلرَّسُولُ يَٰرَبِّ إِنَّ قَوۡمِي ٱتَّخَذُواْ هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانَ مَهۡجُورٗا

Nagsabi ang Sugo: "O Panginoon ko, tunay na ang mga kababayan ko ay gumawa sa Qur’ān na ito bilang isinasaisang-tabi
Surah Al-Furqan, Verse 30


وَكَذَٰلِكَ جَعَلۡنَا لِكُلِّ نَبِيٍّ عَدُوّٗا مِّنَ ٱلۡمُجۡرِمِينَۗ وَكَفَىٰ بِرَبِّكَ هَادِيٗا وَنَصِيرٗا

Gayon Kami nagtalaga para sa bawat propeta ng isang kaaway kabilang sa mga salarin. Nakasapat ang Panginoon mo bilang Tagapagpatnubay at bilang Mapag-adya
Surah Al-Furqan, Verse 31


وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَوۡلَا نُزِّلَ عَلَيۡهِ ٱلۡقُرۡءَانُ جُمۡلَةٗ وَٰحِدَةٗۚ كَذَٰلِكَ لِنُثَبِّتَ بِهِۦ فُؤَادَكَۖ وَرَتَّلۡنَٰهُ تَرۡتِيلٗا

Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: "Bakit kasi hindi ibinaba sa kanya ang Qur’ān nang nag-iisang kabuuan?" Gayon ay upang magpatatag Kami sa pamamagitan niyon sa puso mo. Bumigkas Kami nito nang [unti-unting] pagbigkas
Surah Al-Furqan, Verse 32


وَلَا يَأۡتُونَكَ بِمَثَلٍ إِلَّا جِئۡنَٰكَ بِٱلۡحَقِّ وَأَحۡسَنَ تَفۡسِيرًا

Hindi sila nagdadala sa iyo ng isang paghahalintulad malibang naghatid Kami sa iyo ng katotohanan at higit na maganda sa pagpapaliwanag
Surah Al-Furqan, Verse 33


ٱلَّذِينَ يُحۡشَرُونَ عَلَىٰ وُجُوهِهِمۡ إِلَىٰ جَهَنَّمَ أُوْلَـٰٓئِكَ شَرّٞ مَّكَانٗا وَأَضَلُّ سَبِيلٗا

Ang mga kakalapin [na nakasubsob] sa mga mukha nila patungo sa Impiyerno, ang mga iyon ay higit na masama sa lugar at higit na ligaw sa landas
Surah Al-Furqan, Verse 34


وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ وَجَعَلۡنَا مَعَهُۥٓ أَخَاهُ هَٰرُونَ وَزِيرٗا

Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng kasulatan at gumawa Kami kasama sa kanya ng kapatid niyang si Aaron bilang katuwang
Surah Al-Furqan, Verse 35


فَقُلۡنَا ٱذۡهَبَآ إِلَى ٱلۡقَوۡمِ ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا فَدَمَّرۡنَٰهُمۡ تَدۡمِيرٗا

Kaya nagsabi Kami: "Pumunta kayong dalawa sa mga taong nagpasinungaling sa mga tanda Namin." Kaya winasak Namin sila nang [lubusang] pagwasak
Surah Al-Furqan, Verse 36


وَقَوۡمَ نُوحٖ لَّمَّا كَذَّبُواْ ٱلرُّسُلَ أَغۡرَقۡنَٰهُمۡ وَجَعَلۡنَٰهُمۡ لِلنَّاسِ ءَايَةٗۖ وَأَعۡتَدۡنَا لِلظَّـٰلِمِينَ عَذَابًا أَلِيمٗا

Ang mga tao ni Noe, noong nagpasinungaling sila sa mga sugo, ay nilunod Namin at ginawa Namin sila para sa mga tao bilang tanda. Naglaan Kami para sa mga tagalabag sa katarungan ng isang pagdurusang masakit
Surah Al-Furqan, Verse 37


وَعَادٗا وَثَمُودَاْ وَأَصۡحَٰبَ ٱلرَّسِّ وَقُرُونَۢا بَيۡنَ ذَٰلِكَ كَثِيرٗا

[Nagpahamak Kami] sa `Ād, Thamūd, mga kasamahan ng balon, at sa maraming salinlahi sa pagitan niyon
Surah Al-Furqan, Verse 38


وَكُلّٗا ضَرَبۡنَا لَهُ ٱلۡأَمۡثَٰلَۖ وَكُلّٗا تَبَّرۡنَا تَتۡبِيرٗا

Sa bawat isa ay gumawa Kami ng mga paghahalintulad at sa bawat isa ay dumurog Kami nang isang [matinding] pagdurog
Surah Al-Furqan, Verse 39


وَلَقَدۡ أَتَوۡاْ عَلَى ٱلۡقَرۡيَةِ ٱلَّتِيٓ أُمۡطِرَتۡ مَطَرَ ٱلسَّوۡءِۚ أَفَلَمۡ يَكُونُواْ يَرَوۡنَهَاۚ بَلۡ كَانُواْ لَا يَرۡجُونَ نُشُورٗا

Talaga ngang pumunta sila sa pamayanan na pinaulanan ng ulan ng kasagwaan. Kaya hindi ba dati sila nakakikita niyon? Bagkus sila noon ay hindi nag-aasam ng pagkabuhay
Surah Al-Furqan, Verse 40


وَإِذَا رَأَوۡكَ إِن يَتَّخِذُونَكَ إِلَّا هُزُوًا أَهَٰذَا ٱلَّذِي بَعَثَ ٱللَّهُ رَسُولًا

Kapag nakakita sila sa iyo ay wala silang ginagawa sa iyo kundi isang pangungutya, [na nagsasabi]: "Ito ba ang ipinadala ni Allāh bilang sugo
Surah Al-Furqan, Verse 41


إِن كَادَ لَيُضِلُّنَا عَنۡ ءَالِهَتِنَا لَوۡلَآ أَن صَبَرۡنَا عَلَيۡهَاۚ وَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ حِينَ يَرَوۡنَ ٱلۡعَذَابَ مَنۡ أَضَلُّ سَبِيلًا

Tunay na halos talaga sanang nagligaw siya sa atin palayo sa mga diyos natin kung hindi dahil nagtiis tayo sa mga ito." Malalaman nila kapag nakikita na nila ang pagdurusa kung sino ang higit na ligaw sa landas
Surah Al-Furqan, Verse 42


أَرَءَيۡتَ مَنِ ٱتَّخَذَ إِلَٰهَهُۥ هَوَىٰهُ أَفَأَنتَ تَكُونُ عَلَيۡهِ وَكِيلًا

Nakakita ka ba sa sinumang gumawa bilang diyos niya sa pithaya niya? Kaya ikaw ba sa kanya ay magiging isang pinananaligan
Surah Al-Furqan, Verse 43


أَمۡ تَحۡسَبُ أَنَّ أَكۡثَرَهُمۡ يَسۡمَعُونَ أَوۡ يَعۡقِلُونَۚ إِنۡ هُمۡ إِلَّا كَٱلۡأَنۡعَٰمِ بَلۡ هُمۡ أَضَلُّ سَبِيلًا

O nag-aakala ka na ang higit na marami sa kanila ay dumidinig o nakapag-uunawa? Walang iba sila kundi gaya ng mga hayupan, bagkus sila ay higit na ligaw sa landas
Surah Al-Furqan, Verse 44


أَلَمۡ تَرَ إِلَىٰ رَبِّكَ كَيۡفَ مَدَّ ٱلظِّلَّ وَلَوۡ شَآءَ لَجَعَلَهُۥ سَاكِنٗا ثُمَّ جَعَلۡنَا ٱلشَّمۡسَ عَلَيۡهِ دَلِيلٗا

Hindi ka ba nagsaalang-alang sa Panginoon mo kung papaano Siya bumanat ng anino? Kung sakaling niloob Niya ay talaga sanang ginawa Niya ito na nakatigil. Pagkatapos ginawa ang araw bilang gabay rito
Surah Al-Furqan, Verse 45


ثُمَّ قَبَضۡنَٰهُ إِلَيۡنَا قَبۡضٗا يَسِيرٗا

Pagkatapos nagpaurong Kami nito tungo sa Amin nang isang madaling paghawak
Surah Al-Furqan, Verse 46


وَهُوَ ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلَّيۡلَ لِبَاسٗا وَٱلنَّوۡمَ سُبَاتٗا وَجَعَلَ ٱلنَّهَارَ نُشُورٗا

Siya ang gumawa para sa inyo ng gabi bilang damit at ng pagtulog bilang pamamahinga, at gumawa ng maghapon bilang pagbubuhay
Surah Al-Furqan, Verse 47


وَهُوَ ٱلَّذِيٓ أَرۡسَلَ ٱلرِّيَٰحَ بُشۡرَۢا بَيۡنَ يَدَيۡ رَحۡمَتِهِۦۚ وَأَنزَلۡنَا مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ طَهُورٗا

Siya ay ang nagsugo ng mga hangin bilang balitang nakagagalak bago ng awa Niya. Nagpababa Kami mula sa langit ng tubig na naipandadalisay
Surah Al-Furqan, Verse 48


لِّنُحۡـِۧيَ بِهِۦ بَلۡدَةٗ مَّيۡتٗا وَنُسۡقِيَهُۥ مِمَّا خَلَقۡنَآ أَنۡعَٰمٗا وَأَنَاسِيَّ كَثِيرٗا

upang magbigay-buhay Kami sa pamamagitan niyon sa isang bayang patay at magpainom Kami niyon sa kabilang sa nilikha Namin na maraming hayupan at tao
Surah Al-Furqan, Verse 49


وَلَقَدۡ صَرَّفۡنَٰهُ بَيۡنَهُمۡ لِيَذَّكَّرُواْ فَأَبَىٰٓ أَكۡثَرُ ٱلنَّاسِ إِلَّا كُفُورٗا

Talaga ngang nagsarisari Kami nito sa gitna nila upang magsaalaala sila ngunit tumutol ang higit na marami sa mga tao [sa anuman] maliban sa kawalang-pasasalamat
Surah Al-Furqan, Verse 50


وَلَوۡ شِئۡنَا لَبَعَثۡنَا فِي كُلِّ قَرۡيَةٖ نَّذِيرٗا

Kung sakaling niloob Namin ay talaga sanang nagpadala Kami sa bawat pamayanan ng isang mapagbabala
Surah Al-Furqan, Verse 51


فَلَا تُطِعِ ٱلۡكَٰفِرِينَ وَجَٰهِدۡهُم بِهِۦ جِهَادٗا كَبِيرٗا

Kaya huwag kang tumalima sa mga tagatangging sumampalataya at makibaka ka sa kanila nang isang pakikibakang malaki
Surah Al-Furqan, Verse 52


۞وَهُوَ ٱلَّذِي مَرَجَ ٱلۡبَحۡرَيۡنِ هَٰذَا عَذۡبٞ فُرَاتٞ وَهَٰذَا مِلۡحٌ أُجَاجٞ وَجَعَلَ بَيۡنَهُمَا بَرۡزَخٗا وَحِجۡرٗا مَّحۡجُورٗا

Siya ay ang nagpaugnay sa dalawang dagat: itong isa ay naiinom na matamis at itong isa pa ay maalat na mapait. Naglagay Siya sa pagitan ng dalawang ito ng isang halang at isang hadlang na hinadlangan
Surah Al-Furqan, Verse 53


وَهُوَ ٱلَّذِي خَلَقَ مِنَ ٱلۡمَآءِ بَشَرٗا فَجَعَلَهُۥ نَسَبٗا وَصِهۡرٗاۗ وَكَانَ رَبُّكَ قَدِيرٗا

Siya ay ang lumikha mula sa tubig ng isang tao saka gumawa rito ng kamag-anakan sa angkan at kamag-anak sa pag-aasawa. Laging ang Panginoon mo ay May-kakayahan
Surah Al-Furqan, Verse 54


وَيَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَا لَا يَنفَعُهُمۡ وَلَا يَضُرُّهُمۡۗ وَكَانَ ٱلۡكَافِرُ عَلَىٰ رَبِّهِۦ ظَهِيرٗا

Sumasamba sila sa bukod pa kay Allāh, na hindi nakapagpapakinabang sa kanila at hindi nakapipinsala sa kanila. Laging ang tagatangging sumampalataya laban sa Panginoon niya ay tagapagtaguyod [ng demonyo]
Surah Al-Furqan, Verse 55


وَمَآ أَرۡسَلۡنَٰكَ إِلَّا مُبَشِّرٗا وَنَذِيرٗا

Hindi Kami nagsugo sa iyo kundi bilang tagapagbalita ng nakagagalak at bilang mapagbabala
Surah Al-Furqan, Verse 56


قُلۡ مَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ مِنۡ أَجۡرٍ إِلَّا مَن شَآءَ أَن يَتَّخِذَ إِلَىٰ رَبِّهِۦ سَبِيلٗا

Sabihin mo: "Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya maliban sa sinumang lumuob na gumawa patungo sa Panginoon niya ng isang landas
Surah Al-Furqan, Verse 57


وَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱلۡحَيِّ ٱلَّذِي لَا يَمُوتُ وَسَبِّحۡ بِحَمۡدِهِۦۚ وَكَفَىٰ بِهِۦ بِذُنُوبِ عِبَادِهِۦ خَبِيرًا

Manalig ka sa Buhay na hindi namamatay at magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Kanya. Nakasapat Siya sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niya bilang Mapagbatid
Surah Al-Furqan, Verse 58


ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَا فِي سِتَّةِ أَيَّامٖ ثُمَّ ٱسۡتَوَىٰ عَلَى ٱلۡعَرۡشِۖ ٱلرَّحۡمَٰنُ فَسۡـَٔلۡ بِهِۦ خَبِيرٗا

[Siya] ang lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito sa anim na araw, pagkatapos lumuklok Siya sa Trono. [Siya] ang Napakamaawain, kaya magtanong ka sa Kanya bilang Mapagbatid
Surah Al-Furqan, Verse 59


وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ ٱسۡجُدُواْۤ لِلرَّحۡمَٰنِ قَالُواْ وَمَا ٱلرَّحۡمَٰنُ أَنَسۡجُدُ لِمَا تَأۡمُرُنَا وَزَادَهُمۡ نُفُورٗا۩

Kapag sinabi sa kanila: "Magpatirapa kayo sa Napakamaawain," nagsasabi sila: "Ano ang Napakamaawain? Magpapatirapa ba kami sa ipinag-uutos mo sa amin?" Nakadagdag ito sa kanila ng isang pagkaayaw
Surah Al-Furqan, Verse 60


تَبَارَكَ ٱلَّذِي جَعَلَ فِي ٱلسَّمَآءِ بُرُوجٗا وَجَعَلَ فِيهَا سِرَٰجٗا وَقَمَرٗا مُّنِيرٗا

Napakamapagpala ang gumawa sa langit ng mga pulutong ng bituin at gumawa roon ng sulo at isang buwang tagapagbigay-liwanag
Surah Al-Furqan, Verse 61


وَهُوَ ٱلَّذِي جَعَلَ ٱلَّيۡلَ وَٱلنَّهَارَ خِلۡفَةٗ لِّمَنۡ أَرَادَ أَن يَذَّكَّرَ أَوۡ أَرَادَ شُكُورٗا

Siya ay ang gumawa sa gabi at maghapon na magkasalitan para sa sinumang nagnais na magsaalaala o nagnais ng pasasalamat
Surah Al-Furqan, Verse 62


وَعِبَادُ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلَّذِينَ يَمۡشُونَ عَلَى ٱلۡأَرۡضِ هَوۡنٗا وَإِذَا خَاطَبَهُمُ ٱلۡجَٰهِلُونَ قَالُواْ سَلَٰمٗا

Ang mga lingkod ng Napakamaawain ay ang mga naglalakad sa lupa sa kababaang-loob at kapag kumausap sa kanila ang mga mangmang ay nagsasabi sila ng kapayapaan
Surah Al-Furqan, Verse 63


وَٱلَّذِينَ يَبِيتُونَ لِرَبِّهِمۡ سُجَّدٗا وَقِيَٰمٗا

[Sila] ang mga nagpapagabi para sa Panginoon nila habang mga nakapatirapa at mga nakatayo
Surah Al-Furqan, Verse 64


وَٱلَّذِينَ يَقُولُونَ رَبَّنَا ٱصۡرِفۡ عَنَّا عَذَابَ جَهَنَّمَۖ إِنَّ عَذَابَهَا كَانَ غَرَامًا

[Sila] ang mga nagsasabi: "Panginoon namin, maglihis Ka palayo sa amin ng pagdurusa sa Impiyerno; tunay na ang pagdurusa roon ay laging makapit
Surah Al-Furqan, Verse 65


إِنَّهَا سَآءَتۡ مُسۡتَقَرّٗا وَمُقَامٗا

Tunay na iyon ay kay sagwa bilang pagtitigilan at bilang panananatilihan
Surah Al-Furqan, Verse 66


وَٱلَّذِينَ إِذَآ أَنفَقُواْ لَمۡ يُسۡرِفُواْ وَلَمۡ يَقۡتُرُواْ وَكَانَ بَيۡنَ ذَٰلِكَ قَوَامٗا

[Sila] ang mga kapag gumugol ay hindi nagpapakalabis at hindi sila nagkukuripot, at laging nasa pagitan niyon ay katamtaman
Surah Al-Furqan, Verse 67


وَٱلَّذِينَ لَا يَدۡعُونَ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَ وَلَا يَقۡتُلُونَ ٱلنَّفۡسَ ٱلَّتِي حَرَّمَ ٱللَّهُ إِلَّا بِٱلۡحَقِّ وَلَا يَزۡنُونَۚ وَمَن يَفۡعَلۡ ذَٰلِكَ يَلۡقَ أَثَامٗا

[Sila] ang mga hindi nananalangin kasama kay Allāh sa isang diyos na iba pa, hindi pumapatay ng taong ipinagbawal ni Allāh malibang ayon sa karapatan, at hindi nangangalunya. Ang sinumang gumawa niyon ay makatatagpo siya ng kaparusahan sa kasalanan
Surah Al-Furqan, Verse 68


يُضَٰعَفۡ لَهُ ٱلۡعَذَابُ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ وَيَخۡلُدۡ فِيهِۦ مُهَانًا

pag-iibayuhin para sa kanya ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon at mamalagi siya roon na hinahamak
Surah Al-Furqan, Verse 69


إِلَّا مَن تَابَ وَءَامَنَ وَعَمِلَ عَمَلٗا صَٰلِحٗا فَأُوْلَـٰٓئِكَ يُبَدِّلُ ٱللَّهُ سَيِّـَٔاتِهِمۡ حَسَنَٰتٖۗ وَكَانَ ٱللَّهُ غَفُورٗا رَّحِيمٗا

maliban sa sinumang nagbalik-loob, sumampalataya, at gumawa ng gawang maayos sapagkat ang mga iyon ay papalitan ni Allāh ng mga gawang maganda ang mga gawang masagwa nila. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain
Surah Al-Furqan, Verse 70


وَمَن تَابَ وَعَمِلَ صَٰلِحٗا فَإِنَّهُۥ يَتُوبُ إِلَى ٱللَّهِ مَتَابٗا

Ang sinumang nagbalik-loob at gumawa ng maayos, tunay na siya ay nagbabalik-loob kay Allāh nang [tanggap na] pagbabalik-loob
Surah Al-Furqan, Verse 71


وَٱلَّذِينَ لَا يَشۡهَدُونَ ٱلزُّورَ وَإِذَا مَرُّواْ بِٱللَّغۡوِ مَرُّواْ كِرَامٗا

[Sila] ang mga hindi sumasaksi sa kabulaanan. Kapag naparaan sila sa kabalbalan ay dumaraan sila bilang mga marangal
Surah Al-Furqan, Verse 72


وَٱلَّذِينَ إِذَا ذُكِّرُواْ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِمۡ لَمۡ يَخِرُّواْ عَلَيۡهَا صُمّٗا وَعُمۡيَانٗا

[Sila] ang mga kapag pinaalalahanan ng mga tanda ng Panginoon nila ay hindi bumabagsak dahil sa mga ito bilang mga bingi at mga bulag
Surah Al-Furqan, Verse 73


وَٱلَّذِينَ يَقُولُونَ رَبَّنَا هَبۡ لَنَا مِنۡ أَزۡوَٰجِنَا وَذُرِّيَّـٰتِنَا قُرَّةَ أَعۡيُنٖ وَٱجۡعَلۡنَا لِلۡمُتَّقِينَ إِمَامًا

[Sila] ang mga nagsasabi: "Panginoon namin, magkaloob Ka sa amin mula sa mga asawa namin at mga supling namin ng galak ng mga mata, at gumawa Ka sa amin para sa mga tagapangilag magkasala bilang tagapanguna
Surah Al-Furqan, Verse 74


أُوْلَـٰٓئِكَ يُجۡزَوۡنَ ٱلۡغُرۡفَةَ بِمَا صَبَرُواْ وَيُلَقَّوۡنَ فِيهَا تَحِيَّةٗ وَسَلَٰمًا

Ang mga iyon ay gagantihan ng Silid dahil nagtiis sila at sasalubungin doon ng pagbati at kapayapaan
Surah Al-Furqan, Verse 75


خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ حَسُنَتۡ مُسۡتَقَرّٗا وَمُقَامٗا

bilang mga mananatili roon. Kay ganda iyon bilang pagtitigilan at bilang panananatilihan
Surah Al-Furqan, Verse 76


قُلۡ مَا يَعۡبَؤُاْ بِكُمۡ رَبِّي لَوۡلَا دُعَآؤُكُمۡۖ فَقَدۡ كَذَّبۡتُمۡ فَسَوۡفَ يَكُونُ لِزَامَۢا

Sabihin mo: "Hindi sana nagmamalasakit sa inyo ang Panginoon ko kung hindi dahil sa panalangin ninyo, ngunit nagpasinungaling nga kayo kaya ito ay magiging kumakapit
Surah Al-Furqan, Verse 77


Author: Www.islamhouse.com


<< Surah 24
>> Surah 26

Filipino Translations by other Authors


Filipino Translation By Abdullatif Eduardo M. Arceo
Filipino Translation By Www.islamhouse.com
Popular Areas
Apartments for rent in Dubai Apartments for rent Abu Dhabi Villas for rent in Dubai House for rent Abu Dhabi Apartments for sale in Dubai Apartments for sale in Abu Dhabi Flat for rent Sharjah
Popular Searches
Studios for rent in UAE Apartments for rent in UAE Villas for rent in UAE Apartments for sale in UAE Villas for sale in UAE Land for sale in UAE Dubai Real Estate
Trending Areas
Apartments for rent in Dubai Marina Apartments for sale in Dubai Marina Villa for rent in Sharjah Villa for sale in Dubai Flat for rent in Ajman Studio for rent in Abu Dhabi Villa for rent in Ajman
Trending Searches
Villa for rent in Abu Dhabi Shop for rent in Dubai Villas for sale in Ajman Studio for rent in Sharjah 1 Bedroom Apartment for rent in Dubai Property for rent in Abu Dhabi Commercial properties for sale
© Copyright Dubai Prayer Time. All Rights Reserved
Designed by Prayer Time In Dubai