Surah Ash-Shuara - Filipino Translation by Www.islamhouse.com
طسٓمٓ
Ṭā. Sīn. Mīm
Surah Ash-Shuara, Verse 1
تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱلۡكِتَٰبِ ٱلۡمُبِينِ
Ang mga ito ay ang mga talata ng Aklat na naglilinaw
Surah Ash-Shuara, Verse 2
لَعَلَّكَ بَٰخِعٞ نَّفۡسَكَ أَلَّا يَكُونُواْ مُؤۡمِنِينَ
Baka ikaw ay kikitil ng sarili mo na hindi sila maging mga mananampalataya
Surah Ash-Shuara, Verse 3
إِن نَّشَأۡ نُنَزِّلۡ عَلَيۡهِم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ ءَايَةٗ فَظَلَّتۡ أَعۡنَٰقُهُمۡ لَهَا خَٰضِعِينَ
Kung niloob Namin ay magbababa Kami sa kanila mula sa langit ng isang tanda kaya mananatili ang mga leeg nila na mga nakatungo roon
Surah Ash-Shuara, Verse 4
وَمَا يَأۡتِيهِم مِّن ذِكۡرٖ مِّنَ ٱلرَّحۡمَٰنِ مُحۡدَثٍ إِلَّا كَانُواْ عَنۡهُ مُعۡرِضِينَ
Walang pumupunta sa kanila na isang paalaala mula sa Napakamaawain, na bagong baba, malibang sila rito ay mga umaayaw
Surah Ash-Shuara, Verse 5
فَقَدۡ كَذَّبُواْ فَسَيَأۡتِيهِمۡ أَنۢبَـٰٓؤُاْ مَا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ
Kaya nagpasinungaling nga sila kaya pupunta sa kanila ang mga balita ng anumang dati nilang kinukutya
Surah Ash-Shuara, Verse 6
أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ إِلَى ٱلۡأَرۡضِ كَمۡ أَنۢبَتۡنَا فِيهَا مِن كُلِّ زَوۡجٖ كَرِيمٍ
Hindi ba sila nakita sa lupa kung ilan ang pinatubo Namin dito mula sa bawat uring marangal
Surah Ash-Shuara, Verse 7
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِينَ
Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya
Surah Ash-Shuara, Verse 8
وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ
Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain
Surah Ash-Shuara, Verse 9
وَإِذۡ نَادَىٰ رَبُّكَ مُوسَىٰٓ أَنِ ٱئۡتِ ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّـٰلِمِينَ
[Banggitin] noong nanawagan ang Panginoon mo kay Moises: "Pumunta ka sa mga taong tagalabag sa katarungan
Surah Ash-Shuara, Verse 10
قَوۡمَ فِرۡعَوۡنَۚ أَلَا يَتَّقُونَ
ang mga tao ni Paraon. Hindi ba sila nangingilag magkasala
Surah Ash-Shuara, Verse 11
قَالَ رَبِّ إِنِّيٓ أَخَافُ أَن يُكَذِّبُونِ
Nagsabi ito: "Panginoon ko, tunay na ako ay nangangamba na magpasinungaling sila sa akin
Surah Ash-Shuara, Verse 12
وَيَضِيقُ صَدۡرِي وَلَا يَنطَلِقُ لِسَانِي فَأَرۡسِلۡ إِلَىٰ هَٰرُونَ
Maninikip ang dibdib ko at hindi tatatas ang dila ko; kaya magsugo Ka [kay Anghel Gabriel] patungo kay Aaron
Surah Ash-Shuara, Verse 13
وَلَهُمۡ عَلَيَّ ذَنۢبٞ فَأَخَافُ أَن يَقۡتُلُونِ
Sa kanila laban sa akin ay may isang pagkakasala, kaya nangangamba ako na patayin nila ako
Surah Ash-Shuara, Verse 14
قَالَ كَلَّاۖ فَٱذۡهَبَا بِـَٔايَٰتِنَآۖ إِنَّا مَعَكُم مُّسۡتَمِعُونَ
Nagsabi Siya: "Aba’y hindi. Kaya pumunta kayong dalawa kalakip ng mga tanda Namin. Tunay na Kami, kasama sa inyo, ay makikinig
Surah Ash-Shuara, Verse 15
فَأۡتِيَا فِرۡعَوۡنَ فَقُولَآ إِنَّا رَسُولُ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Kaya pumunta kayong dalawa kay Paraon saka magsabi kayong dalawa: Tunay na kami ay sugo ng Panginoon ng mga nilalang
Surah Ash-Shuara, Verse 16
أَنۡ أَرۡسِلۡ مَعَنَا بَنِيٓ إِسۡرَـٰٓءِيلَ
na ipadala mo kasama sa amin ang mga anak ni Israel
Surah Ash-Shuara, Verse 17
قَالَ أَلَمۡ نُرَبِّكَ فِينَا وَلِيدٗا وَلَبِثۡتَ فِينَا مِنۡ عُمُرِكَ سِنِينَ
Nagsabi iyon: "Hindi ba kami nag-alaga sa iyo sa amin noong bata [ka] pa at namalagi ka sa amin mula sa buhay mo nang ilang taon
Surah Ash-Shuara, Verse 18
وَفَعَلۡتَ فَعۡلَتَكَ ٱلَّتِي فَعَلۡتَ وَأَنتَ مِنَ ٱلۡكَٰفِرِينَ
Gumawa ka ng kagagawan mo na ginawa mo habang ikaw ay kabilang sa mga tagatangging tumanaw ng utang na loob
Surah Ash-Shuara, Verse 19
قَالَ فَعَلۡتُهَآ إِذٗا وَأَنَا۠ مِنَ ٱلضَّآلِّينَ
Nagsabi siya: "Nagawa ko iyon nang sandaling iyon habang ako ay kabilang sa mga naliligaw
Surah Ash-Shuara, Verse 20
فَفَرَرۡتُ مِنكُمۡ لَمَّا خِفۡتُكُمۡ فَوَهَبَ لِي رَبِّي حُكۡمٗا وَجَعَلَنِي مِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Kaya tumalilis ako mula sa inyo noong nangamba ako sa inyo ngunit nagkaloob sa akin ang Panginoon ko ng karunungan at nagtalaga Siya sa akin kabilang sa mga isinugo
Surah Ash-Shuara, Verse 21
وَتِلۡكَ نِعۡمَةٞ تَمُنُّهَا عَلَيَّ أَنۡ عَبَّدتَّ بَنِيٓ إِسۡرَـٰٓءِيلَ
Iyon [ay isang biyayang ipinanunumbat mo sa akin: na nang-alipin ka sa mga anak ni Israel]
Surah Ash-Shuara, Verse 22
قَالَ فِرۡعَوۡنُ وَمَا رَبُّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Nagsabi si Paraon: "At ano ang Panginoon ng mga nilalang
Surah Ash-Shuara, Verse 23
قَالَ رَبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَآۖ إِن كُنتُم مُّوقِنِينَ
Nagsabi siya: "Ang Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, kung kayo ay naging mga nakatitiyak
Surah Ash-Shuara, Verse 24
قَالَ لِمَنۡ حَوۡلَهُۥٓ أَلَا تَسۡتَمِعُونَ
Nagsabi iyon sa nakapaligid doon: "Hindi ba kayo nakikinig
Surah Ash-Shuara, Verse 25
قَالَ رَبُّكُمۡ وَرَبُّ ءَابَآئِكُمُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Nagsabi siya: "Ang Panginoon ninyo at ang Panginoon ng mga ninuno ninyong sinauna
Surah Ash-Shuara, Verse 26
قَالَ إِنَّ رَسُولَكُمُ ٱلَّذِيٓ أُرۡسِلَ إِلَيۡكُمۡ لَمَجۡنُونٞ
Nagsabi iyon: "Tunay na ang sugo ninyo na isinugo sa inyo ay talagang baliw
Surah Ash-Shuara, Verse 27
قَالَ رَبُّ ٱلۡمَشۡرِقِ وَٱلۡمَغۡرِبِ وَمَا بَيۡنَهُمَآۖ إِن كُنتُمۡ تَعۡقِلُونَ
Nagsabi siya: "Ang Panginoon ng silangan at kanluran at anumang nasa pagitan ng dalawang ito, kung kayo ay naging nakapag-uunawa
Surah Ash-Shuara, Verse 28
قَالَ لَئِنِ ٱتَّخَذۡتَ إِلَٰهًا غَيۡرِي لَأَجۡعَلَنَّكَ مِنَ ٱلۡمَسۡجُونِينَ
Nagsabi iyon: "Talagang kung gumawa ka ng isang diyos na iba pa sa akin ay talagang gagawa nga ako sa iyo kabilang sa mga ibinilanggo
Surah Ash-Shuara, Verse 29
قَالَ أَوَلَوۡ جِئۡتُكَ بِشَيۡءٖ مُّبِينٖ
Nagsabi siya: "Kahit pa ba naghatid ako sa iyo ng isang bagay na malinaw
Surah Ash-Shuara, Verse 30
قَالَ فَأۡتِ بِهِۦٓ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّـٰدِقِينَ
Nagsabi iyon: "Kaya maglahad ka nito kung ikaw ay naging kabilang sa mga tapat
Surah Ash-Shuara, Verse 31
فَأَلۡقَىٰ عَصَاهُ فَإِذَا هِيَ ثُعۡبَانٞ مُّبِينٞ
Kaya pumukol siya ng tungkod niya saka biglang ito ay isang ulupong na malinaw
Surah Ash-Shuara, Verse 32
وَنَزَعَ يَدَهُۥ فَإِذَا هِيَ بَيۡضَآءُ لِلنَّـٰظِرِينَ
Humugot siya ng kamay niya saka biglang ito ay maputi para sa mga tagatingin
Surah Ash-Shuara, Verse 33
قَالَ لِلۡمَلَإِ حَوۡلَهُۥٓ إِنَّ هَٰذَا لَسَٰحِرٌ عَلِيمٞ
Nagsabi iyon sa konseho sa paligid niyon: "Tunay na ito ay talagang isang manggagaway na maalam
Surah Ash-Shuara, Verse 34
يُرِيدُ أَن يُخۡرِجَكُم مِّنۡ أَرۡضِكُم بِسِحۡرِهِۦ فَمَاذَا تَأۡمُرُونَ
Nagnanais siya na magpalabas sa inyo mula sa lupain ninyo sa pamamagitan ng panggagaway niya; kaya ano ang ipag-uutos ninyo
Surah Ash-Shuara, Verse 35
قَالُوٓاْ أَرۡجِهۡ وَأَخَاهُ وَٱبۡعَثۡ فِي ٱلۡمَدَآئِنِ حَٰشِرِينَ
Nagsabi sila: "Mag-antala ka sa kanya at sa kapatid niya at magpadala ka sa mga lungsod ng mga tagakalap
Surah Ash-Shuara, Verse 36
يَأۡتُوكَ بِكُلِّ سَحَّارٍ عَلِيمٖ
na magdadala sa iyo ng bawat mapanggaway na maalam
Surah Ash-Shuara, Verse 37
فَجُمِعَ ٱلسَّحَرَةُ لِمِيقَٰتِ يَوۡمٖ مَّعۡلُومٖ
Kaya tinipon ang mga manggagaway para sa itinakdang oras ng isang araw na nalalaman
Surah Ash-Shuara, Verse 38
وَقِيلَ لِلنَّاسِ هَلۡ أَنتُم مُّجۡتَمِعُونَ
Sinabi sa mga tao: "Kayo kaya ay mga magtitipon
Surah Ash-Shuara, Verse 39
لَعَلَّنَا نَتَّبِعُ ٱلسَّحَرَةَ إِن كَانُواْ هُمُ ٱلۡغَٰلِبِينَ
Nang sa gayon tayo ay susunod sa mga manggagaway kung sila ay magiging ang mga tagapanaig
Surah Ash-Shuara, Verse 40
فَلَمَّا جَآءَ ٱلسَّحَرَةُ قَالُواْ لِفِرۡعَوۡنَ أَئِنَّ لَنَا لَأَجۡرًا إِن كُنَّا نَحۡنُ ٱلۡغَٰلِبِينَ
Kaya noong dumating na ang mga manggagaway ay nagsabi sila kay Paraon: "Tunay ba na mayroon kami talagang pabuya kung kami ay naging ang mga tagapanaig
Surah Ash-Shuara, Verse 41
قَالَ نَعَمۡ وَإِنَّكُمۡ إِذٗا لَّمِنَ ٱلۡمُقَرَّبِينَ
Nagsabi iyon: "Oo, at tunay na kayo samakatuwid ay talagang kabilang sa mga palalapitin [sa akin]
Surah Ash-Shuara, Verse 42
قَالَ لَهُم مُّوسَىٰٓ أَلۡقُواْ مَآ أَنتُم مُّلۡقُونَ
Nagsabi sa kanila si Moises: "Pumukol kayo ng anumang kayo ay mga pupukol
Surah Ash-Shuara, Verse 43
فَأَلۡقَوۡاْ حِبَالَهُمۡ وَعِصِيَّهُمۡ وَقَالُواْ بِعِزَّةِ فِرۡعَوۡنَ إِنَّا لَنَحۡنُ ٱلۡغَٰلِبُونَ
Kaya pumukol sila ng mga lubid nila at mga tungkod nila at nagsabi sila: "Sumpa man sa kapangyarihan ni Paraon, tunay na kami, talagang kami, ay ang mga tagapanaig
Surah Ash-Shuara, Verse 44
فَأَلۡقَىٰ مُوسَىٰ عَصَاهُ فَإِذَا هِيَ تَلۡقَفُ مَا يَأۡفِكُونَ
Kaya pumukol si Moises ng tungkod niya saka biglang ito ay lumalamon sa ipinanlilinlang nila
Surah Ash-Shuara, Verse 45
فَأُلۡقِيَ ٱلسَّحَرَةُ سَٰجِدِينَ
Kaya napahandusay ang mga manggagaway na mga nakapatirapa
Surah Ash-Shuara, Verse 46
قَالُوٓاْ ءَامَنَّا بِرَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Nagsabi sila: "Sumampalataya kami sa Panginoon ng mga nilalang
Surah Ash-Shuara, Verse 47
رَبِّ مُوسَىٰ وَهَٰرُونَ
ang Panginoon nina Moises at Aaron
Surah Ash-Shuara, Verse 48
قَالَ ءَامَنتُمۡ لَهُۥ قَبۡلَ أَنۡ ءَاذَنَ لَكُمۡۖ إِنَّهُۥ لَكَبِيرُكُمُ ٱلَّذِي عَلَّمَكُمُ ٱلسِّحۡرَ فَلَسَوۡفَ تَعۡلَمُونَۚ لَأُقَطِّعَنَّ أَيۡدِيَكُمۡ وَأَرۡجُلَكُم مِّنۡ خِلَٰفٖ وَلَأُصَلِّبَنَّكُمۡ أَجۡمَعِينَ
Nagsabi iyon: "Naniwala kayo sa kanya bago ako magpahintulot sa inyo? Tunay na siya ay talagang ang pasimuno ninyo na nagturo sa inyo ng panggagaway, kaya talagang malalaman ninyo. Talagang magpuputul-putol nga ako ng mga kamay ninyo at mga paa ninyo nang magkabilaan at talagang magbibitin nga ako sa inyo nang magkakasama
Surah Ash-Shuara, Verse 49
قَالُواْ لَا ضَيۡرَۖ إِنَّآ إِلَىٰ رَبِّنَا مُنقَلِبُونَ
Nagsabi sila: "Walang kapinsalaan; tunay na kami ay sa Panginoon namin mga uuwi
Surah Ash-Shuara, Verse 50
إِنَّا نَطۡمَعُ أَن يَغۡفِرَ لَنَا رَبُّنَا خَطَٰيَٰنَآ أَن كُنَّآ أَوَّلَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Tunay na kami ay nagmimithi na magpatawad sa amin ang Panginoon namin sa mga pagkakamali namin dahil kami ay naging una sa mga mananampalataya
Surah Ash-Shuara, Verse 51
۞وَأَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰ مُوسَىٰٓ أَنۡ أَسۡرِ بِعِبَادِيٓ إِنَّكُم مُّتَّبَعُونَ
Nagkasi Kami kay Moises: "Maglakbay ka sa gabi kasama ng mga lingkod Ko; tunay na kayo ay mga susundan
Surah Ash-Shuara, Verse 52
فَأَرۡسَلَ فِرۡعَوۡنُ فِي ٱلۡمَدَآئِنِ حَٰشِرِينَ
Kaya nagsugo si Paraon sa mga lungsod ng mga tagakalap, [na nagsasabi]
Surah Ash-Shuara, Verse 53
إِنَّ هَـٰٓؤُلَآءِ لَشِرۡذِمَةٞ قَلِيلُونَ
Tunay na ang mga ito ay talagang isang kawang kaunti
Surah Ash-Shuara, Verse 54
وَإِنَّهُمۡ لَنَا لَغَآئِظُونَ
Tunay na sila sa atin ay talagang mga nagpapangitngit
Surah Ash-Shuara, Verse 55
وَإِنَّا لَجَمِيعٌ حَٰذِرُونَ
Tunay na tayo ay talagang isang katipunang nag-iingat
Surah Ash-Shuara, Verse 56
فَأَخۡرَجۡنَٰهُم مِّن جَنَّـٰتٖ وَعُيُونٖ
Kaya nagpalabas Kami sa kanila mula sa mga hardin at mga bukal
Surah Ash-Shuara, Verse 57
وَكُنُوزٖ وَمَقَامٖ كَرِيمٖ
at mga kayamanan at pinananatilihang marangal
Surah Ash-Shuara, Verse 58
كَذَٰلِكَۖ وَأَوۡرَثۡنَٰهَا بَنِيٓ إِسۡرَـٰٓءِيلَ
Gayon nga, at nagpamana Kami ng mga ito sa mga anak ni Israel
Surah Ash-Shuara, Verse 59
فَأَتۡبَعُوهُم مُّشۡرِقِينَ
Kaya sumunod ang mga iyon sa kanila nang sumisikat [ang araw]
Surah Ash-Shuara, Verse 60
فَلَمَّا تَرَـٰٓءَا ٱلۡجَمۡعَانِ قَالَ أَصۡحَٰبُ مُوسَىٰٓ إِنَّا لَمُدۡرَكُونَ
Kaya noong nagkakitaan ang dalawang pangkat, nagsabi ang mga kasamahan ni Moises: "Tunay na tayo ay talagang mga maaabutan
Surah Ash-Shuara, Verse 61
قَالَ كَلَّآۖ إِنَّ مَعِيَ رَبِّي سَيَهۡدِينِ
Nagsabi siya: "Aba’y hindi; tunay na kasama sa akin, ang Panginoon ko ay magpapatnubay sa akin
Surah Ash-Shuara, Verse 62
فَأَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰ مُوسَىٰٓ أَنِ ٱضۡرِب بِّعَصَاكَ ٱلۡبَحۡرَۖ فَٱنفَلَقَ فَكَانَ كُلُّ فِرۡقٖ كَٱلطَّوۡدِ ٱلۡعَظِيمِ
Kaya nagkasi Kami kay Moises, na [nagsasabi]: "Hampasin mo ng tungkod mo ang dagat." Kaya nabiyak iyon saka ang bawat bahagi ay naging gaya ng bundok na dambuhala
Surah Ash-Shuara, Verse 63
وَأَزۡلَفۡنَا ثَمَّ ٱلۡأٓخَرِينَ
Nagpalapit Kami roon ng mga iba pa
Surah Ash-Shuara, Verse 64
وَأَنجَيۡنَا مُوسَىٰ وَمَن مَّعَهُۥٓ أَجۡمَعِينَ
Nagligtas Kami kay Moises at sa sinumang kasama sa kanya nang magkakasama
Surah Ash-Shuara, Verse 65
ثُمَّ أَغۡرَقۡنَا ٱلۡأٓخَرِينَ
Pagkatapos lumunod Kami sa mga iba
Surah Ash-Shuara, Verse 66
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِينَ
Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya
Surah Ash-Shuara, Verse 67
وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ
Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain
Surah Ash-Shuara, Verse 68
وَٱتۡلُ عَلَيۡهِمۡ نَبَأَ إِبۡرَٰهِيمَ
Bumigkas ka sa kanila ng balita kay Abraham
Surah Ash-Shuara, Verse 69
إِذۡ قَالَ لِأَبِيهِ وَقَوۡمِهِۦ مَا تَعۡبُدُونَ
noong nagsabi siya sa ama niya at mga kababayan niya: "Ano ang sinasamba ninyo
Surah Ash-Shuara, Verse 70
قَالُواْ نَعۡبُدُ أَصۡنَامٗا فَنَظَلُّ لَهَا عَٰكِفِينَ
Nagsabi sila: "Sumasamba kami sa mga anito saka nananatili kami sa mga ito na mga namimintuho
Surah Ash-Shuara, Verse 71
قَالَ هَلۡ يَسۡمَعُونَكُمۡ إِذۡ تَدۡعُونَ
Nagsabi siya: "Nakaririnig kaya sila sa inyo kapag dumadalangin kayo
Surah Ash-Shuara, Verse 72
أَوۡ يَنفَعُونَكُمۡ أَوۡ يَضُرُّونَ
O nakapagpapakinabang sila sa inyo o nakapipinsala sila
Surah Ash-Shuara, Verse 73
قَالُواْ بَلۡ وَجَدۡنَآ ءَابَآءَنَا كَذَٰلِكَ يَفۡعَلُونَ
Nagsabi sila: "Bagkus nakatagpo kami sa mga magulang namin na gumagawa ng gayon
Surah Ash-Shuara, Verse 74
قَالَ أَفَرَءَيۡتُم مَّا كُنتُمۡ تَعۡبُدُونَ
Nagsabi siya: "Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa anumang kayo ay dati nang sumasamba
Surah Ash-Shuara, Verse 75
أَنتُمۡ وَءَابَآؤُكُمُ ٱلۡأَقۡدَمُونَ
kayo at ang mga ninuno ninyong pinakanauna
Surah Ash-Shuara, Verse 76
فَإِنَّهُمۡ عَدُوّٞ لِّيٓ إِلَّا رَبَّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Tunay na sila ay kaaway para sa akin, maliban sa Panginoon ng mga nilalang
Surah Ash-Shuara, Verse 77
ٱلَّذِي خَلَقَنِي فَهُوَ يَهۡدِينِ
na lumikha sa akin saka Siya ay nagpapatnubay sa akin
Surah Ash-Shuara, Verse 78
وَٱلَّذِي هُوَ يُطۡعِمُنِي وَيَسۡقِينِ
na Siya ay nagpapakain sa akin at nagpapainom sa akin
Surah Ash-Shuara, Verse 79
وَإِذَا مَرِضۡتُ فَهُوَ يَشۡفِينِ
at kapag nagkasakit ako, Siya ay nagpapagaling sa akin
Surah Ash-Shuara, Verse 80
وَٱلَّذِي يُمِيتُنِي ثُمَّ يُحۡيِينِ
na magbibigay-kamatayan sa akin, pagkatapos magbibigay-buhay sa akin
Surah Ash-Shuara, Verse 81
وَٱلَّذِيٓ أَطۡمَعُ أَن يَغۡفِرَ لِي خَطِيٓـَٔتِي يَوۡمَ ٱلدِّينِ
na nagmimithi ako na magpatawad Siya sa akin sa mga kamalian ko sa Araw ng Paggantimpala
Surah Ash-Shuara, Verse 82
رَبِّ هَبۡ لِي حُكۡمٗا وَأَلۡحِقۡنِي بِٱلصَّـٰلِحِينَ
Panginoon ko, magkaloob Ka para sa akin ng karunungan at magsama Ka sa akin sa mga maayos
Surah Ash-Shuara, Verse 83
وَٱجۡعَل لِّي لِسَانَ صِدۡقٖ فِي ٱلۡأٓخِرِينَ
Gumawa Ka para sa akin ng isang magandang pagbubunyi sa mga huling [salinlahi]
Surah Ash-Shuara, Verse 84
وَٱجۡعَلۡنِي مِن وَرَثَةِ جَنَّةِ ٱلنَّعِيمِ
Gumawa Ka sa akin na kabilang sa mga tagapagmana ng Hardin ng Kaginhawahan
Surah Ash-Shuara, Verse 85
وَٱغۡفِرۡ لِأَبِيٓ إِنَّهُۥ كَانَ مِنَ ٱلضَّآلِّينَ
Magpatawad Ka sa ama ko; tunay na siya noon ay kabilang sa mga ligaw
Surah Ash-Shuara, Verse 86
وَلَا تُخۡزِنِي يَوۡمَ يُبۡعَثُونَ
Huwag Kang magpahiya sa akin sa araw na bubuhayin sila
Surah Ash-Shuara, Verse 87
يَوۡمَ لَا يَنفَعُ مَالٞ وَلَا بَنُونَ
sa Araw na walang makapagpapakinabang na yaman ni mga anak
Surah Ash-Shuara, Verse 88
إِلَّا مَنۡ أَتَى ٱللَّهَ بِقَلۡبٖ سَلِيمٖ
maliban sa sinumang pumunta kay Allāh nang may pusong ligtas
Surah Ash-Shuara, Verse 89
وَأُزۡلِفَتِ ٱلۡجَنَّةُ لِلۡمُتَّقِينَ
Ilalapit ang Paraiso sa mga tagapangilag magkasala
Surah Ash-Shuara, Verse 90
وَبُرِّزَتِ ٱلۡجَحِيمُ لِلۡغَاوِينَ
Itatanghal ang Impiyerno sa mga nalilisya
Surah Ash-Shuara, Verse 91
وَقِيلَ لَهُمۡ أَيۡنَ مَا كُنتُمۡ تَعۡبُدُونَ
Sasabihin sa kanila: "Nasaan na ang dati ninyong sinasamba
Surah Ash-Shuara, Verse 92
مِن دُونِ ٱللَّهِ هَلۡ يَنصُرُونَكُمۡ أَوۡ يَنتَصِرُونَ
bukod pa kay Allāh? Mag-aadya kaya sila sa inyo o maiaadya sila
Surah Ash-Shuara, Verse 93
فَكُبۡكِبُواْ فِيهَا هُمۡ وَٱلۡغَاوُۥنَ
Kaya ibubulid sila nang pasubsob doon: sila at ang mga nalilisya
Surah Ash-Shuara, Verse 94
وَجُنُودُ إِبۡلِيسَ أَجۡمَعُونَ
at ang mga kawal ni Satanas, na magkakasama
Surah Ash-Shuara, Verse 95
قَالُواْ وَهُمۡ فِيهَا يَخۡتَصِمُونَ
Magsasabi sila habang sila roon ay nag-aalitan
Surah Ash-Shuara, Verse 96
تَٱللَّهِ إِن كُنَّا لَفِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٍ
Sumpa man kay Allāh, tunay na kami dati ay talagang nasa isang pagkaligaw na malinaw
Surah Ash-Shuara, Verse 97
إِذۡ نُسَوِّيكُم بِرَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
noong nagpapantay kami sa inyo sa Panginoon ng mga nilalang
Surah Ash-Shuara, Verse 98
وَمَآ أَضَلَّنَآ إِلَّا ٱلۡمُجۡرِمُونَ
Walang nagligaw sa amin kundi ang mga salarin
Surah Ash-Shuara, Verse 99
فَمَا لَنَا مِن شَٰفِعِينَ
Kaya walang ukol sa amin na anumang mga tagapamagitan
Surah Ash-Shuara, Verse 100
وَلَا صَدِيقٍ حَمِيمٖ
ni kaibigang malapit
Surah Ash-Shuara, Verse 101
فَلَوۡ أَنَّ لَنَا كَرَّةٗ فَنَكُونَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Kaya kung sakaling mayroon kaming panunumbalik, kami ay magiging kabilang sa mga mananampalataya
Surah Ash-Shuara, Verse 102
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِينَ
Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya
Surah Ash-Shuara, Verse 103
وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ
Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain
Surah Ash-Shuara, Verse 104
كَذَّبَتۡ قَوۡمُ نُوحٍ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Nagpasinungaling ang mga kababayan ni Noe sa mga isinugo
Surah Ash-Shuara, Verse 105
إِذۡ قَالَ لَهُمۡ أَخُوهُمۡ نُوحٌ أَلَا تَتَّقُونَ
noong nagsabi sa kanila ang kapatid nilang si Noe: "Hindi ba kayo mangingilag magkasala
Surah Ash-Shuara, Verse 106
إِنِّي لَكُمۡ رَسُولٌ أَمِينٞ
Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkatitiwalaan
Surah Ash-Shuara, Verse 107
فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ
Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin
Surah Ash-Shuara, Verse 108
وَمَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ مِنۡ أَجۡرٍۖ إِنۡ أَجۡرِيَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang
Surah Ash-Shuara, Verse 109
فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ
Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin
Surah Ash-Shuara, Verse 110
۞قَالُوٓاْ أَنُؤۡمِنُ لَكَ وَٱتَّبَعَكَ ٱلۡأَرۡذَلُونَ
Nagsabi sila: "Maniniwala ba kami sa iyo samantalang sumunod sa iyo ang mga pinakahamak
Surah Ash-Shuara, Verse 111
قَالَ وَمَا عِلۡمِي بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Nagsabi siya: "At ano ang kaalaman ko sa anumang dati nilang ginagawa
Surah Ash-Shuara, Verse 112
إِنۡ حِسَابُهُمۡ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّيۖ لَوۡ تَشۡعُرُونَ
Walang iba ang pagtutuos sa kanila kundi nasa Panginoon ko, kung sakaling nakararamdam kayo
Surah Ash-Shuara, Verse 113
وَمَآ أَنَا۠ بِطَارِدِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Ako ay hindi magtataboy sa mga mananampalataya
Surah Ash-Shuara, Verse 114
إِنۡ أَنَا۠ إِلَّا نَذِيرٞ مُّبِينٞ
Walang iba ako kundi isang mapagbabalang malinaw
Surah Ash-Shuara, Verse 115
قَالُواْ لَئِن لَّمۡ تَنتَهِ يَٰنُوحُ لَتَكُونَنَّ مِنَ ٱلۡمَرۡجُومِينَ
Nagsabi sila: "Talagang kung hindi ka titigil, O Noe, talagang ikaw nga ay magiging kabilang sa mga babatuhin
Surah Ash-Shuara, Verse 116
قَالَ رَبِّ إِنَّ قَوۡمِي كَذَّبُونِ
Nagsabi siya: "Panginoon ko, tunay na ang mga kababayan ko ay nagpasinungaling sa akin
Surah Ash-Shuara, Verse 117
فَٱفۡتَحۡ بَيۡنِي وَبَيۡنَهُمۡ فَتۡحٗا وَنَجِّنِي وَمَن مَّعِيَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Kaya humusga Ka sa pagitan ko at nila ng isang paghuhusga at magligtas Ka sa akin at sa sinumang kasama sa akin kabilang sa mga mananampalataya
Surah Ash-Shuara, Verse 118
فَأَنجَيۡنَٰهُ وَمَن مَّعَهُۥ فِي ٱلۡفُلۡكِ ٱلۡمَشۡحُونِ
Kaya nagligtas Kami sa kanya at sinumang kasama sa kanya sa daong na nilulanan
Surah Ash-Shuara, Verse 119
ثُمَّ أَغۡرَقۡنَا بَعۡدُ ٱلۡبَاقِينَ
Pagkatapos nilunod Namin, matapos niyan, ang mga naiiwan
Surah Ash-Shuara, Verse 120
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِينَ
Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya
Surah Ash-Shuara, Verse 121
وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ
Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain
Surah Ash-Shuara, Verse 122
كَذَّبَتۡ عَادٌ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Nagpasinungaling ang `Ād sa mga isinugo
Surah Ash-Shuara, Verse 123
إِذۡ قَالَ لَهُمۡ أَخُوهُمۡ هُودٌ أَلَا تَتَّقُونَ
noong nagsabi sa kanila ang kapatid nilang si Hūd: "Hindi ba kayo mangingilag magkasala
Surah Ash-Shuara, Verse 124
إِنِّي لَكُمۡ رَسُولٌ أَمِينٞ
Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkatitiwalaan
Surah Ash-Shuara, Verse 125
فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ
Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin
Surah Ash-Shuara, Verse 126
وَمَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ مِنۡ أَجۡرٍۖ إِنۡ أَجۡرِيَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang
Surah Ash-Shuara, Verse 127
أَتَبۡنُونَ بِكُلِّ رِيعٍ ءَايَةٗ تَعۡبَثُونَ
Nagpapatayo ba kayo sa bawat mataas na pook ng isang tanda habang nagbiru-biro kayo
Surah Ash-Shuara, Verse 128
وَتَتَّخِذُونَ مَصَانِعَ لَعَلَّكُمۡ تَخۡلُدُونَ
at gumagawa kayo ng mga muog nang sa gayon kayo ay mananatili
Surah Ash-Shuara, Verse 129
وَإِذَا بَطَشۡتُم بَطَشۡتُمۡ جَبَّارِينَ
Kapag dumaluhong kayo ay dumadaluhong kayo gaya ng mga maniniil
Surah Ash-Shuara, Verse 130
فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ
Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin
Surah Ash-Shuara, Verse 131
وَٱتَّقُواْ ٱلَّذِيٓ أَمَدَّكُم بِمَا تَعۡلَمُونَ
Mangilag kayong magkasala sa nagkaloob sa inyo ng nalalaman ninyo
Surah Ash-Shuara, Verse 132
أَمَدَّكُم بِأَنۡعَٰمٖ وَبَنِينَ
Nagkaloob sa inyo ng mga hayupan at mga anak
Surah Ash-Shuara, Verse 133
وَجَنَّـٰتٖ وَعُيُونٍ
at ng mga hardin at mga bukal
Surah Ash-Shuara, Verse 134
إِنِّيٓ أَخَافُ عَلَيۡكُمۡ عَذَابَ يَوۡمٍ عَظِيمٖ
Tunay na ako ay nangangamba para sa inyo ng isang pagdurusa sa isang araw na sukdulan
Surah Ash-Shuara, Verse 135
قَالُواْ سَوَآءٌ عَلَيۡنَآ أَوَعَظۡتَ أَمۡ لَمۡ تَكُن مِّنَ ٱلۡوَٰعِظِينَ
Nagsabi sila: "Magkatulad sa amin: nangaral ka man o hindi ka naging kabilang sa mga tagapangaral
Surah Ash-Shuara, Verse 136
إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا خُلُقُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Walang iba ito kundi kaugalian ng mga sinauna
Surah Ash-Shuara, Verse 137
وَمَا نَحۡنُ بِمُعَذَّبِينَ
Kami ay hindi mga pagdurusahin
Surah Ash-Shuara, Verse 138
فَكَذَّبُوهُ فَأَهۡلَكۡنَٰهُمۡۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِينَ
Kaya nagpasinungaling sila sa kanya saka nagpahamak Kami sa kanila. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya
Surah Ash-Shuara, Verse 139
وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ
Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain
Surah Ash-Shuara, Verse 140
كَذَّبَتۡ ثَمُودُ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Nagpasinungaling ang Thamūd sa mga isinugo
Surah Ash-Shuara, Verse 141
إِذۡ قَالَ لَهُمۡ أَخُوهُمۡ صَٰلِحٌ أَلَا تَتَّقُونَ
noong nagsabi sa kanila ang kapatid nilang si Ṣāliḥ: "Hindi ba kayo mangingilag magkasala
Surah Ash-Shuara, Verse 142
إِنِّي لَكُمۡ رَسُولٌ أَمِينٞ
Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkatitiwalaan
Surah Ash-Shuara, Verse 143
فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ
Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin
Surah Ash-Shuara, Verse 144
وَمَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ مِنۡ أَجۡرٍۖ إِنۡ أَجۡرِيَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang
Surah Ash-Shuara, Verse 145
أَتُتۡرَكُونَ فِي مَا هَٰهُنَآ ءَامِنِينَ
Iiwanan ba kayo sa anumang narito na mga natitiwasay
Surah Ash-Shuara, Verse 146
فِي جَنَّـٰتٖ وَعُيُونٖ
sa mga hardin at mga bukal
Surah Ash-Shuara, Verse 147
وَزُرُوعٖ وَنَخۡلٖ طَلۡعُهَا هَضِيمٞ
at mga pananim at mga punong datiles na ang mga usbong ng mga ito ay malambot
Surah Ash-Shuara, Verse 148
وَتَنۡحِتُونَ مِنَ ٱلۡجِبَالِ بُيُوتٗا فَٰرِهِينَ
Umuukit kayo mula sa mga bundok ng mga bahay, nang may kabihasaan
Surah Ash-Shuara, Verse 149
فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ
Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin
Surah Ash-Shuara, Verse 150
وَلَا تُطِيعُوٓاْ أَمۡرَ ٱلۡمُسۡرِفِينَ
Huwag kayong tumalima sa utos ng mga nagpapakalabis
Surah Ash-Shuara, Verse 151
ٱلَّذِينَ يُفۡسِدُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَا يُصۡلِحُونَ
na nanggugulo sa lupa at hindi nagsasaayos
Surah Ash-Shuara, Verse 152
قَالُوٓاْ إِنَّمَآ أَنتَ مِنَ ٱلۡمُسَحَّرِينَ
Nagsabi sila: "Ikaw lamang ay kabilang sa mga pinaggagaway
Surah Ash-Shuara, Verse 153
مَآ أَنتَ إِلَّا بَشَرٞ مِّثۡلُنَا فَأۡتِ بِـَٔايَةٍ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّـٰدِقِينَ
Walang iba ka kundi isang taong tulad namin kaya maglahad ng isang tanda kung ikaw ay kabilang sa mga tapat
Surah Ash-Shuara, Verse 154
قَالَ هَٰذِهِۦ نَاقَةٞ لَّهَا شِرۡبٞ وَلَكُمۡ شِرۡبُ يَوۡمٖ مَّعۡلُومٖ
Nagsabi siya: "Ito ay isang dumalagang kamelyo. Ukol dito ay pag-inom at ukol sa inyo ay pag-inom sa isang araw na nalalaman
Surah Ash-Shuara, Verse 155
وَلَا تَمَسُّوهَا بِسُوٓءٖ فَيَأۡخُذَكُمۡ عَذَابُ يَوۡمٍ عَظِيمٖ
Huwag kayong sumaling dito ng isang kasagwaan para [hindi] kayo daklutin ng isang pagdurusa sa isang araw na sukdulan
Surah Ash-Shuara, Verse 156
فَعَقَرُوهَا فَأَصۡبَحُواْ نَٰدِمِينَ
Ngunit kinatay nila ito kaya sila ay naging mga nagsisisi
Surah Ash-Shuara, Verse 157
فَأَخَذَهُمُ ٱلۡعَذَابُۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِينَ
Kaya dumaklot sa kanila ang pagdurusa. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya
Surah Ash-Shuara, Verse 158
وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ
Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain
Surah Ash-Shuara, Verse 159
كَذَّبَتۡ قَوۡمُ لُوطٍ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Nagpasinungaling ang mga kababayan ni Lot sa mga isinugo
Surah Ash-Shuara, Verse 160
إِذۡ قَالَ لَهُمۡ أَخُوهُمۡ لُوطٌ أَلَا تَتَّقُونَ
noong nagsabi sa kanila ang kapatid nilang si Lot: "Hindi ba kayo mangingilag magkasala
Surah Ash-Shuara, Verse 161
إِنِّي لَكُمۡ رَسُولٌ أَمِينٞ
Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkatitiwalaan
Surah Ash-Shuara, Verse 162
فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ
Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin
Surah Ash-Shuara, Verse 163
وَمَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ مِنۡ أَجۡرٍۖ إِنۡ أَجۡرِيَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang
Surah Ash-Shuara, Verse 164
أَتَأۡتُونَ ٱلذُّكۡرَانَ مِنَ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Pumupunta ba kayo sa mga lalaki ng mga nilalang
Surah Ash-Shuara, Verse 165
وَتَذَرُونَ مَا خَلَقَ لَكُمۡ رَبُّكُم مِّنۡ أَزۡوَٰجِكُمۚ بَلۡ أَنتُمۡ قَوۡمٌ عَادُونَ
at nag-iiwan kayo sa nilikha para sa inyo ng Panginoon ninyo na mga asawa ninyo? Bagkus kayo ay mga taong tagalabag
Surah Ash-Shuara, Verse 166
قَالُواْ لَئِن لَّمۡ تَنتَهِ يَٰلُوطُ لَتَكُونَنَّ مِنَ ٱلۡمُخۡرَجِينَ
Nagsabi sila: "Talagang kung hindi ka titigil, O Lot, talagang ikaw nga ay magiging kabilang sa mga palilisanin
Surah Ash-Shuara, Verse 167
قَالَ إِنِّي لِعَمَلِكُم مِّنَ ٱلۡقَالِينَ
Nagsabi siya: "Tunay na ako sa gawain ninyo ay kabilang sa mga nasusuklam
Surah Ash-Shuara, Verse 168
رَبِّ نَجِّنِي وَأَهۡلِي مِمَّا يَعۡمَلُونَ
Panginoon ko, iligtas Mo ako at ang mag-anak ko mula sa ginagawa nila
Surah Ash-Shuara, Verse 169
فَنَجَّيۡنَٰهُ وَأَهۡلَهُۥٓ أَجۡمَعِينَ
Kaya nagligtas Kami sa kanya at sa mag-anak niya nang magkakasama
Surah Ash-Shuara, Verse 170
إِلَّا عَجُوزٗا فِي ٱلۡغَٰبِرِينَ
maliban sa isang matandang babae sa mga nagpapaiwan
Surah Ash-Shuara, Verse 171
ثُمَّ دَمَّرۡنَا ٱلۡأٓخَرِينَ
Pagkatapos winasak Namin ang mga iba pa
Surah Ash-Shuara, Verse 172
وَأَمۡطَرۡنَا عَلَيۡهِم مَّطَرٗاۖ فَسَآءَ مَطَرُ ٱلۡمُنذَرِينَ
Nagpaulan Kami sa kanila ng isang ulan, saka kay sagwa ang ulan ng mga binalaan
Surah Ash-Shuara, Verse 173
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِينَ
Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya
Surah Ash-Shuara, Verse 174
وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ
Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain
Surah Ash-Shuara, Verse 175
كَذَّبَ أَصۡحَٰبُ لۡـَٔيۡكَةِ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Nagpasinungaling ang mga naninirahan sa kasukalan sa mga isinugo
Surah Ash-Shuara, Verse 176
إِذۡ قَالَ لَهُمۡ شُعَيۡبٌ أَلَا تَتَّقُونَ
noong nagsabi sa kanila si Shu`ayb: "Hindi ba kayo mangingilag magkasala
Surah Ash-Shuara, Verse 177
إِنِّي لَكُمۡ رَسُولٌ أَمِينٞ
Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkatitiwalaan
Surah Ash-Shuara, Verse 178
فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ
Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin
Surah Ash-Shuara, Verse 179
وَمَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ مِنۡ أَجۡرٍۖ إِنۡ أَجۡرِيَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng anumang pabuya; walang pabuya sa akin kundi nasa Panginoon ng mga nilalang
Surah Ash-Shuara, Verse 180
۞أَوۡفُواْ ٱلۡكَيۡلَ وَلَا تَكُونُواْ مِنَ ٱلۡمُخۡسِرِينَ
Maglubus-lubos kayo ng pagtatakal at huwag kayong maging kabilang sa mga tagapagpalugi
Surah Ash-Shuara, Verse 181
وَزِنُواْ بِٱلۡقِسۡطَاسِ ٱلۡمُسۡتَقِيمِ
Tumimbang kayo sa pamamagitan ng timbangang tuwid
Surah Ash-Shuara, Verse 182
وَلَا تَبۡخَسُواْ ٱلنَّاسَ أَشۡيَآءَهُمۡ وَلَا تَعۡثَوۡاْ فِي ٱلۡأَرۡضِ مُفۡسِدِينَ
Huwag kayong magpakulang sa mga tao sa mga bagay-bagay nila, at huwag kayong manampalasan sa lupa bilang mga tagagulo
Surah Ash-Shuara, Verse 183
وَٱتَّقُواْ ٱلَّذِي خَلَقَكُمۡ وَٱلۡجِبِلَّةَ ٱلۡأَوَّلِينَ
Mangilag kayong magkasala sa lumikha sa inyo at mga salinlahing nauna
Surah Ash-Shuara, Verse 184
قَالُوٓاْ إِنَّمَآ أَنتَ مِنَ ٱلۡمُسَحَّرِينَ
Nagsabi sila: "Ikaw ay kabilang sa mga pinaggagaway lamang
Surah Ash-Shuara, Verse 185
وَمَآ أَنتَ إِلَّا بَشَرٞ مِّثۡلُنَا وَإِن نَّظُنُّكَ لَمِنَ ٱلۡكَٰذِبِينَ
Walang iba ka kundi isang taong tulad naming. Tunay nagpapalagay kami na ikaw ay talagang kabilang sa mga sinungaling
Surah Ash-Shuara, Verse 186
فَأَسۡقِطۡ عَلَيۡنَا كِسَفٗا مِّنَ ٱلسَّمَآءِ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّـٰدِقِينَ
Kaya magpabagsak ka sa amin ng tipak-tipak mula sa langit kung ikaw ay naging kabilang sa mga tapat
Surah Ash-Shuara, Verse 187
قَالَ رَبِّيٓ أَعۡلَمُ بِمَا تَعۡمَلُونَ
Nagsabi siya: "Ang Panginoon ko ay higit maalam sa anumang ginagawa ninyo
Surah Ash-Shuara, Verse 188
فَكَذَّبُوهُ فَأَخَذَهُمۡ عَذَابُ يَوۡمِ ٱلظُّلَّةِۚ إِنَّهُۥ كَانَ عَذَابَ يَوۡمٍ عَظِيمٍ
Kaya nagpasinungaling sila sa kanya kaya dumaklot sa kanila ang pagdurusa sa araw ng maitim na ulap. Tunay na iyon ay naging isang pagdurusa sa isang araw na sukdulan
Surah Ash-Shuara, Verse 189
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِينَ
Tunay na sa gayon ay talagang may tanda. Ang higit na marami sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya
Surah Ash-Shuara, Verse 190
وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ
Tunay na ang Panginoon mo ay talagang Siya ang Makapangyarihan, ang Maawain
Surah Ash-Shuara, Verse 191
وَإِنَّهُۥ لَتَنزِيلُ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang pagbababa ng Panginoon ng mga nilalang
Surah Ash-Shuara, Verse 192
نَزَلَ بِهِ ٱلرُّوحُ ٱلۡأَمِينُ
Bumaba kalakip nito ang Espiritung Mapagkakatiwalaan
Surah Ash-Shuara, Verse 193
عَلَىٰ قَلۡبِكَ لِتَكُونَ مِنَ ٱلۡمُنذِرِينَ
sa puso mo upang ikaw ay maging kabilang sa mga tagapagbabala
Surah Ash-Shuara, Verse 194
بِلِسَانٍ عَرَبِيّٖ مُّبِينٖ
sa pamamagitan ng wikang Arabeng malinaw
Surah Ash-Shuara, Verse 195
وَإِنَّهُۥ لَفِي زُبُرِ ٱلۡأَوَّلِينَ
Tunay na ito ay talagang nasa mga kalatas ng mga sinauna
Surah Ash-Shuara, Verse 196
أَوَلَمۡ يَكُن لَّهُمۡ ءَايَةً أَن يَعۡلَمَهُۥ عُلَمَـٰٓؤُاْ بَنِيٓ إِسۡرَـٰٓءِيلَ
Hindi ba ito para sa kanila naging isang tanda, na makaalam nito ang mga maalam sa mga anak ni Israel
Surah Ash-Shuara, Verse 197
وَلَوۡ نَزَّلۡنَٰهُ عَلَىٰ بَعۡضِ ٱلۡأَعۡجَمِينَ
Kung sakaling nagbaba Kami nito sa isa sa mga dayuhan
Surah Ash-Shuara, Verse 198
فَقَرَأَهُۥ عَلَيۡهِم مَّا كَانُواْ بِهِۦ مُؤۡمِنِينَ
saka bumigkas siya nito sa kanila, hindi sila dahil dito magiging mga mananampalataya
Surah Ash-Shuara, Verse 199
كَذَٰلِكَ سَلَكۡنَٰهُ فِي قُلُوبِ ٱلۡمُجۡرِمِينَ
Gayon Kami nagsingit nito sa mga puso ng mga salarin
Surah Ash-Shuara, Verse 200
لَا يُؤۡمِنُونَ بِهِۦ حَتَّىٰ يَرَوُاْ ٱلۡعَذَابَ ٱلۡأَلِيمَ
Hindi sila sumasampalataya rito hanggang sa makita nila ang pagdurusang masakit
Surah Ash-Shuara, Verse 201
فَيَأۡتِيَهُم بَغۡتَةٗ وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ
Kaya pupunta ito sa kanila nang biglaan habang sila ay hindi nakararamdam
Surah Ash-Shuara, Verse 202
فَيَقُولُواْ هَلۡ نَحۡنُ مُنظَرُونَ
Kaya magsasabi sila: "Tayo kaya ay mga ipagpapaliban
Surah Ash-Shuara, Verse 203
أَفَبِعَذَابِنَا يَسۡتَعۡجِلُونَ
Kaya ba sa pagdurusang dulot Namin ay nagmamadali sila
Surah Ash-Shuara, Verse 204
أَفَرَءَيۡتَ إِن مَّتَّعۡنَٰهُمۡ سِنِينَ
Kaya nakita mo ba kung nagpatamasa Kami sa kanila nang ilang taon
Surah Ash-Shuara, Verse 205
ثُمَّ جَآءَهُم مَّا كَانُواْ يُوعَدُونَ
Pagkatapos dumating sa kanila ang dating ipinangangako sa kanila
Surah Ash-Shuara, Verse 206
مَآ أَغۡنَىٰ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يُمَتَّعُونَ
Ano ang naidulot para sa kanila ng anumang dating ipinatatamasa sa kanila
Surah Ash-Shuara, Verse 207
وَمَآ أَهۡلَكۡنَا مِن قَرۡيَةٍ إِلَّا لَهَا مُنذِرُونَ
Hindi Kami nagpahamak ng anumang pamayanan malibang habang mayroon itong mga tagapagbabala
Surah Ash-Shuara, Verse 208
ذِكۡرَىٰ وَمَا كُنَّا ظَٰلِمِينَ
bilang paalaala, samantalang hindi Kami naging tagalabag sa katarungan
Surah Ash-Shuara, Verse 209
وَمَا تَنَزَّلَتۡ بِهِ ٱلشَّيَٰطِينُ
Hindi nagbabaan kalakip nito ang mga demonyo
Surah Ash-Shuara, Verse 210
وَمَا يَنۢبَغِي لَهُمۡ وَمَا يَسۡتَطِيعُونَ
Hindi ito nararapat para sa kanila at hindi sila nakakakaya
Surah Ash-Shuara, Verse 211
إِنَّهُمۡ عَنِ ٱلسَّمۡعِ لَمَعۡزُولُونَ
Tunay na sila buhat sa pagdinig ay talagang mga ibinukod
Surah Ash-Shuara, Verse 212
فَلَا تَدۡعُ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَ فَتَكُونَ مِنَ ٱلۡمُعَذَّبِينَ
Kaya huwag kang dumalangin kasama kay Allāh sa isang diyos na iba pa para ikaw ay [hindi] maging kabilang sa mga pagdurusahin
Surah Ash-Shuara, Verse 213
وَأَنذِرۡ عَشِيرَتَكَ ٱلۡأَقۡرَبِينَ
Magbabala ka sa angkan mong mga pinakamalalapit na kaanak
Surah Ash-Shuara, Verse 214
وَٱخۡفِضۡ جَنَاحَكَ لِمَنِ ٱتَّبَعَكَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Magbaba ka ng loob mo para sa sinumang sumunod sa iyo kabilang sa mga mananampalataya
Surah Ash-Shuara, Verse 215
فَإِنۡ عَصَوۡكَ فَقُلۡ إِنِّي بَرِيٓءٞ مِّمَّا تَعۡمَلُونَ
Ngunit kung sumuway sila sa iyo ay sabihin mo: "Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa anumang ginagawa ninyo
Surah Ash-Shuara, Verse 216
وَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱلۡعَزِيزِ ٱلرَّحِيمِ
Manalig ka sa Makapangyarihan, Maawain
Surah Ash-Shuara, Verse 217
ٱلَّذِي يَرَىٰكَ حِينَ تَقُومُ
na nakakikita sa iyo kapag bumabangon ka
Surah Ash-Shuara, Verse 218
وَتَقَلُّبَكَ فِي ٱلسَّـٰجِدِينَ
at sa paggalaw-galaw sa mga nagpapatirapa
Surah Ash-Shuara, Verse 219
إِنَّهُۥ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ
Tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Maalam
Surah Ash-Shuara, Verse 220
هَلۡ أُنَبِّئُكُمۡ عَلَىٰ مَن تَنَزَّلُ ٱلشَّيَٰطِينُ
Magbabalita kaya Ako sa inyo kung sa kanino nagbababaan ang mga demonyo
Surah Ash-Shuara, Verse 221
تَنَزَّلُ عَلَىٰ كُلِّ أَفَّاكٍ أَثِيمٖ
Nagbababaan sila sa bawat manlilinlang na makasalanan
Surah Ash-Shuara, Verse 222
يُلۡقُونَ ٱلسَّمۡعَ وَأَكۡثَرُهُمۡ كَٰذِبُونَ
habang nagpupukol sila ng napakinggan at ang higit na marami sa kanila ay mga sinungaling
Surah Ash-Shuara, Verse 223
وَٱلشُّعَرَآءُ يَتَّبِعُهُمُ ٱلۡغَاوُۥنَ
Ang mga manunula ay sumusunod sa kanila ang mga nalilisya
Surah Ash-Shuara, Verse 224
أَلَمۡ تَرَ أَنَّهُمۡ فِي كُلِّ وَادٖ يَهِيمُونَ
Hindi mo ba nakita na sila sa bawat larangan ay tumatahak
Surah Ash-Shuara, Verse 225
وَأَنَّهُمۡ يَقُولُونَ مَا لَا يَفۡعَلُونَ
at na sila ay nagsasabi ng hindi nila ginagawa
Surah Ash-Shuara, Verse 226
إِلَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَٰتِ وَذَكَرُواْ ٱللَّهَ كَثِيرٗا وَٱنتَصَرُواْ مِنۢ بَعۡدِ مَا ظُلِمُواْۗ وَسَيَعۡلَمُ ٱلَّذِينَ ظَلَمُوٓاْ أَيَّ مُنقَلَبٖ يَنقَلِبُونَ
maliban sa mga sumampalataya, gumawa ng mga maayos, nag-alaala kay Allāh nang madalas, at naiadya nang matapos na labagin sila sa katarungan. Makaaalam ang mga lumabag sa katarungan kung sa aling uwian uuwi sila
Surah Ash-Shuara, Verse 227